Showing posts with label kol me empi. Show all posts
Showing posts with label kol me empi. Show all posts

Sunday, November 4, 2012

Ang Pangatlong Bundok

Sa previous kong post ay puro kakatihan dahil sa allergic reaction. Ngayon, ibang kati naman ang meron ako. Uyyy! Iba ang nasa isip mo no? Hindi yon no! Kumati ang mga paa ko. Hehehe! Buti na lang noong gabi na, nawala na ang mga pantal pantal ko sa balat at humupa na rin ang pamamaga nito. At si Kuya jin biglang nagtext at nag-aya na gumala. At dahil nga maayos na kondisyon ko. Hindi pwedeng walang magawa sa weekend. Nakatambay mode lang ako simula noong thursday, sayang ang holidays! Kaya "Ok. Sige." agad ang reply ko.

Unexpected ang lakad na ito. Alas syete lang napagdesisyonan kung saan kami pupunta. Buti na rin at may isang sumama. Kakilala rin ni Kuya.

5:30AM Assembly sa Baliwag Transit, Cubao. Doon na kami nagkita-kita. Then, noong kumpleto na kaming tatlo. Sakay na agad kami ng Bus papuntang Cabanatuan tapos baba kami ng San Miguel, Bulacan. Pamasahe nasa 99pesos sa ordinary bus. Mga dalawang oras ang byahe mula Cubao hanggang sa San Miguel. Drop off Brgy. Camias.

7:30AM arrived Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan. Sumakay ng tricycle papuntang Sitio Madlum. Pamasahe, 60pesos bawat isa sa amin. Pero noong pauwi kami 200 lahat ang siningil sa amin. Dapat pala yong kinontak namin yong naghatid sa amin para 180pesos lang. Hehe!

8:00AM arrived Sitio Madlum. Pagdating sa lugar, tatawid sa river. May dalawang options para makatawid. Una, gamitin ang balsa, 5pesos ang bayad. Pangalawa, gamit ang monkey bridge. Bakit monkey bridges? Dahil tatawirin mo sya using two cable wire. Isang apakan, at isa naman ay hawakan. Ayan! Exciting! Pero di naman sinubukan kasi ang daming tao. Pagtitinginan ka. Nahiya kami kaya balsa na lang. LOL!


Pagkatawid namin, nagparegister agad kami then hired tour guide. Hindi raw pwedeng walang guide. 300pesos ang bayad sa guide paakyat ng Mt. Manalmon. Then, 150pesos naman ang bayad sa guide sa Bayukbok Cave.

8:30AM start na kaming mag trek. Dumaan sa grotto. Climbed at Madlum Rockies. Then, trekking to Mt. Manalmon. 

9:00AM SUMMIT! Easy trail lang siya. Super dali lang, walang kahirap hirap ang pag-akyat. Sabagay, 196 MASL lang naman siya kaya yakang yaka.

Picture! Picture! Picture!

9:30AM baba na kami using the other way, dadaanan ang Manalmon River. 

10:00AM Rest! Eat! Rest!

11:00AM getting ready, headlamp is ready. Tapos trek papuntang Bayukbok Cave na ang sabi ni Kuya Jin.....Buyakyak Cave. LOL!

11:30AM to 1:00PM Spelunking!!!

1:30PM Done! Balik sa kubo. Lunch. Tapos, rest!


2:00PM to 4:00PM Swimming sa Madlum River.

Sorry ha! Walang picture sa Madlum River kung saan makikita mo yong sinasabi kong balsa at monkey bridge. Atat kasi lumublob sa tubig e. 
4:30PM tricycle back to highway


Meet the guide.....siya si Cris. Ang tour guide namin na kasing edad lang namin. Nakasundo namin siya. Lumalaban sa kalukuhan. Siya ang taga-picture namin sa Cave. Taga bantay ng bag namin. Ginawang utusan. All around! Kaya binigyan namin ng tip. :)
Super exciting ang Bayukbok Cave!

*photo credit to Jin

Friday, November 2, 2012

okoy-kati-get-get-aw

alam mo yong pakiramdam na binabanat ang balat mo?

alam mo yong pakiramdam na pagkatapos mo....e napansin mo yong pag-iinit ng buo mong katawan?

e yong pamamantal ng makinis mo balat? alam mo yon? ha?

hindi pa yan, e yong medyo sumisikip ang dibdib mo?

Oo. Ganun nga!

Makati.

Pag kinamot mo....parang kumakalat sya...kamot dito, kamot doon.
******
Sarap na sarap ako sa pagkain ng okoy kanina. Aliw na aliw ako dahil ang crispy nya. Sawsaw sa suka sabay subo....yum, yum! Isa pa, isa pa!

Ang sarap talaga!
******
Pag-uwi ng kubo! Aba! May kakaiba akong nararamdaman. Nag-iinit ako. Hahaha! Ang init! Tapos yong mukha ko parang feeling ko namaga. Dali dali kong tiningnan ang maliit kong salamin! Hala ka! Oh my allergy! Dumating ka sa wakas. LOL!

Ito ang nangyari sa akin kani-kanina lang (yong picture sa baba).....saya no? pagkinamot mo yan, dadami sya. May sa lips ko pa, may sa pisngi, sa braso at sa ABS ko (ang tanong may ABS ba? LOL).

Sa sobrang katakawan ko, naudlot ang EB namin. My bad! Sorry guys! Bawi na lang ako. Dahil alone ako sa haus, ako ang bumili ng gamot ko. Wala akong stock dahil hindi naman na kasi siya lumalabas. Ngayon lang ulit talaga! No choice dahil si mabait na pinsan...di ako pinansin. LOL! Kaya, ako na lang ang bumili ng gamot ko. Nagjacket ako na may hood. Imaginin mo....kainit init sa panahon, ako lang ang nakajacket, nakahood.

Eksena sa Mercury Drug:

Pagpasok sa entrance....tingin si manong guard sa akin,. ako naman dere-derecho lang.... sabay bigay ng papel sa pharma-assistant, nakayuko lang ako.

Pharma-Assistant: Sir, anong gamot?
Empi: Paki-basa na lang po.
PA: Sir, anong nangyari sa mukha mo.
Empi: *walang imik*
PA: *parang nandiri*
Empi: *sabay abot ng bayad*

Paglabas ko ng store...ngiting nakakaasar yong binato sa akin ni manong guard na parang nandidiri din.


*asar!*

imaginin mo na lang ako habang may ganito... :)
ayokong picturan sarili ko....ang panget e.
kakabadtrip! LOL

*pictures from tito google

Tuesday, October 30, 2012

Despedida di da di da e e e

Sana thursday na para long long weekend na... hahaha. Di naman ako nawili sa long weekend e no. So excited mag long long weekend. Ewan ko ba! Sarap kasi, walang stress...walang boss...FREE! LOL!

Anyway, maiba nga tayo...noong linggo pala.....food trip na naman ang pinuntahan ng inyong lingkod. AKO na talaga! Tapos magrereklamo na tumataba, e kain naman ng kain! Ang gulo lang! Ano naman kasi magagawa natin e ang sarap sarap sarap sarap sarap lumamon! Nagkaka-dyspepsia na nga e. LOL!

Ang dahilan kung bakit may foodtrip noong linggo ay despedida ng aming kaibigang si Tolits. Nagbonding na kami last time noong nag Sun City Resort kami and last sunday was our last bonding. Mag-aabroad na ulit siya kaya kulang na ang grupo kapag may mga gala, trekking, takbo, etc. 

Sa Seaside nga pala kami pumunta sa may Macapagal Blvd. Tawa kami ng tawa dahil pagdating namin doon....yong mga nagbabantay sa labas at mag-aalok ng mga paluto etc, yong isa doon sabi "napapaligiran na namin kayo sir....." at yong isa talagang sinusundan pa kami....sabi ba naman, "Sir, parking lot na yan dyan" sagot namin "dito namin gusto kumain...." sagot niya "e sir! lamukin kayo dyan! dito na kasi kayo sir, magtiwala kayo sakin." 

Ayon, dahil sa super power niya....doon kami kumain sa Sharmila! 

Niloko pa namin, "ilibre mo naman kami ng isang rice."

Sagot niya, "sir, icharge pa sa ako ang isa kagatus." (sir, sa akin pa i-charge ang isang daan)

at...chibugan naaaa!!!! at may shrimp na naman... hahaha!

Bakit ako nakapag-blog? office hours pa ah? E kasi wala ang mga BOSS! LOL

Happy trip Tolits! See you next year! :D



Sunday, October 28, 2012

Laro tayo

Kamusta ang long weekend niyo? Good kung masaya! Hehehe. Kalimutan mo muna ang trabaho sa office at magpakasaya k! Haha! Ayon, noong nakaraang biyernes naglaro kami ng bowling kasama ang dalawa kong friends. 

At narito ang resulta ng laro namin:

Kuya Joey: 

1st game: 166
2nd game: 168
3rd game: 142
4th game: 206

Lito: 

1st game: 91
2nd game: 134
3rd game: 82
4th game: 142

at ang talunan.....


Empi:

1st game: 86
2nd game: 97
3rd game 106
4th game: 83

Nahihiya ako sa score ko. Hahahaha! Pangatlong laro ko na yon ha....di ganyan score ko dati e. Kainis lang!  Pagkatapos naming maglaro.....naglunch kami sa Pepper Lunch. Ayon oh, nakakatuwa ang food.....ikaw maghahalo para maluto sya. Look oh...umuusok pa sya.

Pagkatapos, mag lunch....pumunta ako ng MWAH (ayon sa mga barker embis na MOA). Hahaha! Nagkape at ensaymada. Tapos kinita ang isang kaibigan ko at nag dinner sa Ravioli.

Inorder ko ay Chili Shrimp Spaghetti kahit may allergy....sige lang. Ang allergy mangunsimi sa kin. Hahaha! Inorder naman ng kaibigan ko ay Italian Sausage Ravioli in Romesco Sauce. Yummmyyyyy!

So, sinong hindi tataba nyan kung kain naman ng kain! HMPPPP!!!! May sira na yata tyan ko, kain ako ng kain pero feeling ko walang laman tyan ko. Haha!

Ciao!

Enjoy your day!

Friday, October 26, 2012

Trick or Treat

Hi guys! Kamusta naman kayo?

Kanina lang ay nagkaroon ng trick or treat sa opis. E di wednesday pa lang ng gabi ay effort na kaming magdecorate. Ang ginawa namin ay nilagyan ng sapot ang buong lugar namin...nilagyan ng mga glow in the dark na mga skeleton, spider at mga kurti-kurtina. Haha! Tinakpan ang ilaw para medyo dim ang lugar namin....sa entrance nilagyan namin ng picture na bungo at ulo ng witch tapos binalutan ng itim at pula para kunwari damit. hahaha... may mga nakasabit pa pala sa entrance.....may lights and sound effects, at projector sa loob.....kapag mga bata ang pumapasok, pinapalabas ang CASPER....at kapag malalaki naman, piniplay ang mga photos ng zombies sabayan ng tugtog na nakakatakot. Astig!

Noong nag-umpisa na ang trick or treat.....ayon, pagpunta ng mga bata sa pwesto namin, biglang na-play ang nakakatakot na tugtog.....tumili ang mga bata. Hahaha! natakot...umatras. Hahaha! 

ito ang ComEx Department...PANALO! LOL

Yong ibang department, ang theme nila ay may KUNGFU Panda.....Anime like naruto, sailormoon, etc....At di lang yan, nanalo kami bilang BEST in FLOOR. Hahahaha! Madaming nagagandahan sa ginawa namin. E di kami na! LOL!

Akala namin hindi yon pakontes. Noong inannounce na sa program ang mga nanalo ng best costume hanggang sa tinawag ang department namin. Ayos! Sigawan at tilian! Akalain mo yon!
mga assistant sa kabilang department....
Trick or treat!!!!!!! :D

Sunday, October 21, 2012

Keep Smiling, Keep Shining

Sinipag ako ngayon mag post. Ganun talaga kapag walang magawa. Busy kasi nitong mga nagdaang linggo, mall tour dito, mall tour doon. Ganun! Anong pinagkakaabalahan ko? Hmmm...bukod sa bantay sarado ako sa mga bagong bossing ko. Di ako makapag net. Haha. Dati halos araw araw akong nakapagbukas ng email, blog, fb and twitter. Ngayon, weekly na. Minsan, di pa nga kasi nga busy ako sa mall tour ko. Hahaha! Saka, business, may small business ako ngayon. Konting puhunan lang. Malay mo, matalbugan ko ang pabango ni Haydeen Kho. Joke! Hahaha!

Ano nga ba ang pag-uusapan natin ngayon? Life? Lovelife? sexlife? at lahat ng may life? LOL! Nako! Sikreto daw walang clue. 

Narito ang mga pinagkakaabalahan ko nitong mga nagdaan araw, linggo, at buwan.

Umakyat ako ng bundok. Yes! Inakyat ko ang Mt. Tagapo sa Binangonan, Rizal. Hindi siya masyadong matarik at easy lang akyatin pero ang lakas din makahingal. Grabe!


Inakyat ko din ang Mt. Batulao. Kung sobrang easy lang ang pag-akyat ko sa Mt. Tagapo. Dito naman, sobrang nahirapan ako. Grabe! Lakas makanginig ng tuhod. To think na takot ako sa matataas pero thankful ako dahil naka-survived ako dito.

Gapang kung gapang ang ginawa ko para lang makarating sa tuktok. Pero noong narating ko ang tuktok...mapapa haaaayyyyy....at mapapapa woooowwwwww! ang sarap ng feeling!

Alam mo bang hindi ako makatingin sa baba kapag sinakyan ko to? Ewan ko ba, parang may tumutulak sakin kapag tumitingin ako sa baba. Hahaha. Nginig din tuhod ko dito. 

Hindi ko kayang sakyan to! Kahit ilibre mo pa akong pagkain sa loob ng isang buwan. Di bale ng magutom ako. Wag ko lang masakyan to. Baka mamatay ako pagkatapos kung masakyan ito. OA? LOL!

Nagjogging ako. Jogging with the sunset. Napaka-romantic ng dating talaga kapag sunset. Favorite subject ko talaga ito sa photography. Napaka-peaceful kasi para sakin. Lakas ng dating. Nakaka-inlab. Hahaha!

Sunset with the namingwiter/s

hinihintay ang paglubog ng araw....walk...jog...run...stalking... LOL

at ang pinakahinihintay...haaayyyyy! LOVE IT!!!!

Na-LSS ako sa kantang ito. Grabe! Na-realized ko, may iba ibang katergorya pala ang isang kaibigan. Para sakin lang naman ito. Kasi, naisip ko lang...may kaibigan ka sa galaan, may kaibigan ka na kasundo mo sa paglamon (lamon talaga? hahaha), may kaibigan ka rin na kasundo mo sa lahat ng kalukuhan mo, may kaibigan ka rin na mapagsasabihan mo ng mga problema/sikreto/mga kalukuhan, may kaibigan ka rin na parang wala lang. Basta ako, kahit sabihin nilang manhid ako, di matinong kausap, hindi seryoso, walang kwenta....pero akala mo lang iyon. Wala lang siguro sa mukha ko pero nabibilang ko lang sa daliri ko ang kaibigan ko na they trusted me, they shared problems and asked for advises/opinion. Na-appreciate ko yon!

Basta, katulad ng lyrics ng kantang ito....

Knowing you can always count on me, for sure
That’s what friends are for
In good times, in bad times
I’ll be on your side forever more
Oh, that’s what friends are for


iyon ay kung tinuring mo talaga akong kaibigan. madali lang akong kausap, malakas instinct ko kapag ayaw sakin ang isang tao. 

videokeman mp3
That’s What Friends Are for – Dionne Warwick Song Lyrics

Saturday, October 20, 2012

Sana naging aso na lang ako...

....ha? Bakit?

............e kasi.......para alagaan mo din ako. 

BOOOMMM!!! Hahaha!

Hey guys! Kamusta?


A friend told me, "Don't close your door in any possibilities but be guarded."

A friend also told me, "Ang pride mo ha...ang pride mo!"


Na-LSS ako sa mashup na ito. Ewan ko ba! 

Sunday, October 14, 2012

Ang Paglalakbay ni Lawretz

Paglalakbay

Nais kong libutin ang mundo. Nais kong marating ang iba’t ibang lugar na nakikita ko lamang sa telebisyon at magasin. Nais kong alamin ang kasaysayan ng bawat pook na mapupuntahan ko. Pero umpisahan ko ang paglalakbay sa lugar kung saan ako ay naging isang Pinoy…..ang Pilipinas!

Ako si Lawretz, isang manlalakbay!

Ang unang paglalakbay ay sa lugar kung saan ako ay ipinanganak. Dito ipinagdiriwang ang tinatawag na “Bonok Bonok Marajaw Karajaw Festival,” ito ay pagsasalamin ng isang mayamang kultura na ipinaman sa lungsod.  Ito din ay bilang paggalang kay Saint San Nicolas de Tolentino. Ang bonok bonok ay isang ritwal na sayaw ng mga katutubo. Ipinagdirawang ng mga Surigaonon sa buwan ng Septembre.

Bilang isang bagong manlalakbay ito napakagandang karanasan para sakin dahil bihira ko lang ito masaksihan.
***
Ang susunod na paglalakbay ay sa lugar kung saan tinatawag itong City of Smiles. Ipinagdiriwang nila dito ang tinatawag ng Festival of Smiles o mas kilala sa tawag ng “Masskara Festival”. Ang kwento sa likod ng maskara ay noong ika-22 Abril 1980 ang barkong Don Juan ang may dalang mga Negrenses kabilang ang prominenteng pamilya ng Bacolod City, bumangga sa barkong Tacloban City at ito ay lumubog, tinatantyang halos 700 ang namatay.

Dahil sa trahedyang ito, napagkasundo ng kinauukulan na ipagdiwang ang Masskara Festival bilang deklerasyon na kahit anong bigat na pangyayari ang nakakaharap ng mga tao ay marunong pa rin silang ngumiti. At dito naging tanyag ang Masskara Festival ng Bacolod City.

***
Rinig na rinig ko ang hiyawan ng isang grupo sa may kanang bahagi ng kahabaan ng Session Road habang hinihintay ang pagsisimula ng pagdiriwang sa lugar. Ang pagdiriwa na ito ay  tinatawag na Flower Festival na mas kilala sa tawag ng “Panagbenga Festival”, sa buwan ng Pebrero. Nilikha ito bilang pagkilala sa mga bulaklak ng lungsod at bilang isang paraan para bumangon mula sa pagkawasak ng lumindol noong 1990. 

Ang mga kalahok sa patimpalak na ito ay may iba’t ibang magaganda at matitingkad na kulay na kasuotan na may dala-dalang bulaklak ang bawat isa.

Pero hindi lang ito ang napansin ko. Kapansin-pansin ang isang babae kasama sa grupo na kanila lang ay hiyawan ng hiyawan. Isang mala-anghel na mukha ng isang babae. Maganda at simpleng babae. Makinis ang balat. Matangos ang ilong. Mahaba ang buhok. Ito ang pumukaw ng atensyon ko. Ang ganda niya!

Hindi ko man sinasadya pero hindi maalis ang aking paningin sa napakagandang babaeng nakita ko sa tanang buhay ko. Habang hinihintay ko din ang pagsisimula ng pagdiriwang ay nakatulalang nakatingin sa kanya.

Lingid sa aking kaalaman ay nakatingin din siya sa akin, napangiti siya. Pero nakikita ko na lang ang aking sarili na hawak hawak ang kamera’t kinukuhanan sya ng larawan sa iba’t ibang angulo. Bawat ngiti. Bawat galaw. Bawat kilos ay hindi pinaglagpas ng aking kamera. Napakagandang babae!

“Ayan na! Ayan na!” Sabay turo niya sa mga umiindak at sumasayaw na mga kalahok. Habang ako naman ang abala sa pagkuha ng larawan.

Klik….klik…klik…
***
Maraming lugar na rin akong napuntahan. Maraming natutunan sa bawat lugar at ang kasaysayan nito. Ang mga kwento at kasaysayan na kanilang pagdiriwang. Bawat paglalakbay ko ay punong puno ng kaalaman. Madami na rin akong nakilala, isang manlalakbay din katulad ko. Pero isa lamang ang hinding hindi ko makakalimutan sa aking paglalakbay. Ang babaeng nakita ko, ang babaeng nasa mga larawan.

Kasunod kong pinuntahan ang tanyag na pagdiriwang, ang “Sinulog Festival” ng Cebu City, tuwing ikatlong linggo sa buwan ng Enero. Ang pagdiriwang ito ay bilang paggunita sa pinagmulan ng mga tao at bilang pagtanggap ng Katolisismo Romano. May 800 na katutubo ang nabinyagan sa simbahang katoliko. Ang pagsayaw hawak ang Santo Nino ay bilang basbas sa lahat ng tao para maiwas sa kapahamakan.

Habang nakikisaya ako sa mga umiindak na kalahok ay napansin ko na naman ang isang babae na palagay ko ay nakita ko na. Yong babae na kinuhanan ko ng larawan. Nakikiindak sa mga kalahok ang nasabing babae. Dali dali kong tinutok ang mga lenses ng kamera ko dahil ito ay panibagong pagkakataon na siya ay aking makuhanan.

Akmang akma nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Klik!

***

Pag-ibig ng manlalakbay

Pauwi na ako noon mula sa aking paglalakbay. Dali dali akong pumasok sa himpilan ng eruplano dahil nahuli na ako ng ilang minuto. Sa sobrang pagmamadali ko ay nabonggo ko ang isang babae na nakakasalubong ko na nagmamadali din sa paglalakad. Nalaglag ang kanya mga gamit at agad agad kong dinampot at humingi ng paumanhin.

“Binibini, pagpaumanhin po ninyo. Ako po ay nagmamadali. Pasensya na,” sabay abot ng kanya mga gamit.

“Wala yon! Pasensya na rin at hindi ako nakatingin sa dinadaan ko. Nagmamadali din kasi ako at maiiwanan na ako ng eruplano ko,”  sagot niya.

Pagkalingon ko, siya ang nasa harapan ko ngayon. Ang babaeng nasa mga larawan ko. Nakangiti. Natameme ako at natulala. Nawala na sa isip ko ang oras ng lipad ko. Pero, hindi ko nakalimutan ang pagpakilala sa kanya.

“Ako nga pala si Lawretz….Lawretz....” hindi ko na natuloy dahil tinatawag na ng information center ang aking pangalan.

“Ayan, Ginoo! Ikaw po yata ay tinatawag na.” Sabay tawa niya. “Julian Monte de Ramos. Mag-ingat ka, Ginoo!”

“Salamat!” ang tanging tugon ko sa kanya.

***

Hindi lang kasaysayan ang natutunan ko sa mga lugar na pinupuntahan ko. Natagpuan ko din ang aking pag-ibig, ang babaeng akala ko sa larawan ko lang nakikita. Si Julian, ang babaeng pumukaw sa natutulog kong puso. Siya ang babaeng matagal ko ng pinangarap. Siya ang babaeng akala ko’y sa panaginip ko lang makakasama.

Kahit matagal ka ng nag-iisa sa buhay mo. Kahit minsan pakiramdam mo’y tatanda kang walang makakasama. Pero napatunayan kong maling akala lamang ang mga ito. Dahil sa tagal kong naghintay at matagal din akong nag-iisa sa buhay. Pero dumating ang araw na natagpuan ko siya. At natagpuan nya ako.

“May mahalagang bagay akong ibibigay sayo, Julian”

“Ako din. May mahalagang bagay akong ibibigay sayo. Ito’y napakahalaga sa akin.”

Sabay naming inabot ang regalo namin sa isa’t isa. At sabay sabay din namin itong binuksan. Habang dahan dahan niya itong binuksan. Nakita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Noong nakita ko din ang regalo niya para sa akin. Hindi ako makapaniwala.

“Kinukuhanan mo din ako ng mga larawan ko noon?” Tanong ko sa kanya.

“Oo, Lawretz! Palihim din kitang kinukuhanan ng larawan. Hindi ko akalain pati ikaw ay kinukolekta ang mga larawan ko.”

“Noong una kitang nakita. Gustong gusto na kita. Nagkaroon ako ng pagkakataon ng makuhanan kita ng larawan. Sabi ko, kahit sa larawan man lang kita mapagmasdan t makasama.”

“Hindi na ngayon!”

“Oo! Dahil habang buhay na kitang pagmasdan at makakasama. Mahal na mahal kita, Julian!”

“Buong buhay kita mamahalin, Lawretz!”

-Wakas-

 Ito po ay opisyal na kalahok sa Saranggola Blog Awards 4 sa kategoryang Maikling Kwento.



Sponsors:





Friday, October 5, 2012

Ang pagsibol: Umindak, ngumiti at magsaya


"Sumabay sa pag-indak. Ngumiti at magsaya dahil ang buhay ay punong-puno ng ligaya."


Ito ay opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards Year 4



Sa pakikipagtulungan/isponsor:




Sunday, September 23, 2012

Photo-Qoutes

Nobody has the power to make things perfect but everyone should be given countless chance to make things right.

Sunday, September 9, 2012

With a Smile (Goodbye)

Limang taon. Oo. limang taon din nating pinagsasaluhan ang mainit ng ating pag-iibigan. Sa una, akala ko hindi natin malagpasan ang pagsubok na dumaan sa ating pagsasama. May mga pagkakataon na gusto na nating bumitiw pero dahil sa pagmamahalan natin. Tayo'y pinagsama pa rin ng ating tadhana. Noon, hindi ko akalain na magiging tayo. Hindi ko lubos maisip na ikaw at ako ay magkakasama at pagsaluhan ang magagandang alaala.

Dati, lagi kong iniisip na langit ka at nasa lupa lamang ako. Ang hirap mong abutin. Pero laking gulat ko, isang araw, ikaw'y napapasaakin. 

Dati, akala ko, ayaw ng mga magulang at mga kapatid mo sa akin dahil sa antas ng inyong pamumuhay. Kumpara naman sa antas ng aking pamumuhay. Malaki ang agwat. Pero hindi ito balakid sa ating pagmamahalan. Bagkus, tinanggap nila ako ng buong buo. Walang pagdududa!

Ang saya noong mga panahong iyon. Kaya, sobra kitang minahal at inaalagaan. Pati mga magulang at mga kapatid mo ay minahal ko at inaalagaan ko dahil sa isip ko, bihira lamang ang ganito, ang pagtrato nila sa isang katulad ko. Sobra napakabuti nila sakin.

Dumating ang panahon na bigla ka na lang nanghina. Biglang humina ang katawan na dati kay sigla. Napag-alaman namin, na hindi ka na magtatagal. Sobrang lungkot ng aking nadarama. 

Hanggang sa dumating ang araw na iyon, nais mong dalhin kita sa dalampasigan. Nais mong lumanghap ng sariwang hangin. Dinala kita roon. Kumapit ka sa aking likod habang naglalakad tayo papunta sa dalampasigan. Ramdam na ramdam ko ang iyong paghahabol ng hininga. Ramdam ko ang panghihina mo. Pero lakas loob mo pa ring magpatuloy sa ating patutunguhan.

"Kargahin na kita," ngunit ngiti lamang ang sinagot mo sakin.

Kinarga kita hanggang marating nating ang dalampasigan. Dahan dahan kita binaba sa buhanginan. Kitang kita ko ang mga magaganda mo pa ring ngiti. Ngiti na laging nagpapalakas ng aking loob.

Katabi kitang nakaupo hanggang tinatanaw ang papalubog na haring araw. Hawak hawak ang kamay mo. 

"Napakaganda ng buhay. Napakaganda ng buhay ko noong makilala kita," mahina mong sabi  sa akin "napakasaya ng mga alaala ng ating pinagsasaluhan. Masaya akong binigyan mo ng kulay ang mundo ko. Hindi mo nakakalimutang isuot ang mga ngiti sa aking mga labi."

Halik lamang ang naisagot ko sa mga salitang lumalabas sa iyong mga labi. At ang katagang, Mahal na mahal.

"Rex, nais ko ng matulog" sambit mo sa akin "mahal na mahal din kita." Higpit ng yakap mo sakin habang sinasabi mo iyon. Humiga sa aking kandungan. Dahan dahan mong pinikit ang mga mata mo habang sinasabi ang "Maraming salamat..."



videokeman mp3
With a Smile – Aiza Seguerra Song Lyrics

Monday, August 27, 2012

Hanggang Kailan

"Lumayas ka kung ayaw mong mapatay ng mga tao..."

Ang mga katagang paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan habang nilalakbay ko ang makipot na daan patungo sa madilim na kagubatan. Hindi ko alintana kung ano man kapahamakan ang sasalubong sa aking paglalakbay na ito. Nais ko lamang makalayo sa mga taong umaalipusta sa aking pagkatao. Gabay ko ang mga kulisap at mga halamang ligaw habang binabaybay ko ang kagubatan.

Hindi ko alam kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Pero umaasa ako kung saan man ako dalhin nito ay magiging maayos ang kalagayan ko. Walang mananakit. Maging masaya.

Bahala na, sa isip ko, tuloy lang sa paglalakbay. Wala na akong mailabas na luha. Pagod na ang puso kong niyurakan ng mga tao makitid at walang pang-uunawa. Tao din ako. Simula't sapul ay ayaw na rin ng aking pamilya sa akin. Salot --- ito ang salitang hindi mawaglit sa aking kaisipan kahit noong musmos pa lamang ako.

Wala akong nagawa kundi lisanin ang lugar na napapamahal na sa akin. Ang aking pamilya na akala ko'y magtatanggol sa aking kalagayan ngunit sila mismo ang tumulak sa akin palayo. Napakasakit! Nakakalungkot dahil ang mga taong malapit sa iyong puso ay pinabayaan at hindi pinagtanggol. Ganun na nga siguro ang buhay...mapaglaro!

Subalit ipagpatuloy ko ang buhay ko malayo sa kanila. Walang mang-aapi. Walang mananakit. 

Dito ko ipagpatuloy ang buhay ko....sa kagubatan!

Tuesday, August 21, 2012

Anong nasa isip mo?

Uy! Kamusta kayo? Lol! Ang haba ng weekend no? Ang saya lang. Parang gusto ko nga na tuloy tuloy na yong walang pasok. Hahaha. Toxic masyado sa opisina. Daming nangyari in just 2 weeks. Nag-resigned ang katabi ko. Sabi ko sa kanya, next in line na ako. Makiki-trending ako sa pagre-resign. Lol!

Oh, ayaw ko ng pag-usapan ang tungkol sa office. Kaka-stressed e. Naka-set na ang mind ko na kapag lumabas ng building...sasabayan din ng pag-iwan ng pagka-stressed. Bawal sumama! Kainis lang!

Okay na....fast forward na tayo ha?!

Saturday: FOOD TRIP
Ang plano ko sa araw na ito ay matulog ng matulog ng matulog....grabe! Gusto ko itulog lahat ng stressed at ka-toxic-kan na namumuhay sa katawan ko. Pero syempre, pagkagising ko e....nagutom ako. Kaya lumabas ako at....naghahanap ng feeding program para makikikain ako. Joke! Lol!

Ang nakaka-ganda lang sa lugar ko ay madami kang mahahanap na makakainan. Tamad lang talaga ako lumabas mas pinipili ko pang kumain ng kanin at milo kesa lumabas para kumain.

At itong araw na ito ay sinipag akong lumabas. At ito ang binili ko. At (di ako nauubusan ng "at") ito ang kinain ko sa isang kainan lang. Ang PG? Hahaha!

yummy yum yum... 

Sunday: MOUNTAIN CLIMBING
Umaatake na naman ang pagka-gala ng inyong lingkod. Matagal na itong pinagplanuhan ng mga kaibigan ko sa galaan. Ang problema nga lang ay ang panahon. Pambihira! Lagi kasing umuulan. Bumaha pa nga!

Mabuti na lang ngayong Linggo ay medyo okay ang panahon kaya hindi na nagdadalawang-isip na umakyat. First time ko itong ginawa kahit pa e...sanay akong umakyat ng bundok kasi probinsyano nga ako di ba? Kaya, masasabi kong first time ko dahil....ano nga ba ang dahilan ko? Hahaha. Ahh basta! Yon na yon! 

Dahil first time ko, hiningal ako, parang asong nauulol na labas ang dila. Grabe! Kung 5000 calories ang kinain ko noong Sabado, binawi naman siya sa pag-akyat ng bundok. Ang lakas maka-burn ng calories. Nag-magaling akong mag-compute ng calories. Hahaha!

Lesson learned sa pag-akyat ko, kumain muna mga 30minutes bago umakyat para di maubusan ng enerhiya ang katawan.

Pero achievement naman pagdating doon. Maulap nga lang ang panahon kaya di makita ang ibang bundok na kalapit nito.

Kung kagaano kabagal ang pag-akyat mula sa starting point hanggang sa tuktok ng bundok. Sobrang bilis naman ang pagbaba mo na parang tinutulak ka pababa. Sakit sa tuhod! Lol!

Kaya ayon, noong nasa bangka na pauwi...nakayoko na papikit-pikit dahil sa pagod. Pero sobrang nag-enjoy! :D
photo credit to jin

Monday: BOWLING
Nagpaka-mountainer ako noong Linggo. Ngayong Lunes naman ay nagpaka-sporty naman ako. E di ako! Hahaha.

Pangalawang beses ko na ito, naalala ko ang score ko dati mas mataas sya kesa ngayon. Isang beses lang akong naka-strike sa unang game. Sa pangalawa at pangatlo, WALA!!!!! Kainis! Lol!

Syempre, inienjoy ko ang paglaro nito. Lol! Tara laro tayo! Haha!

bowling... 
Tuesday: HOLIDAY pa rin?
Rest........

Rest...........

Rest..............

and.....

Rest.......

-End-


So, ikaw? Anong nasa isip mo?

Friday, August 17, 2012

Weh?


At the start, I thought it was only a game
A game that will end so soon
Playing around is always bear in my mind
But I was wrong!

I wanted to share my love,
Love that my heart longing for
Wishing you could hear what my heart says
That I just can’t explain what’s inside....

The feeling that I needed someone,
That I want to be with…
I just don’t know if what will happen next
Trusting God is what I can do now.

Whatever happens,
The love I have for you will still remain
The love that I never felt before…
I will take care of you as long as you want me to.

And as long as you will stay with me
I will stay with you, too!
I’m making ways to feel that as if I am near with you
That I am always here with you no matter what…

The moments that we’ve shared are treasured
Every moments will stored,
The moment that makes me smile if remembered
It is already here in my heart.

**re-post


Saturday, August 11, 2012

What I've been longing

Wala akong maisip. O Sadyang walang isip lang talaga ako. Nakaka-ano. Basta...madaming nakaka-ano sa akin ngayon. Lol! Wala! Kaya, ito, re-post ng post at photo lang muna ang maihahain ko sa inyo. Salamat sa aking kaibigan na nagpahiram ng kanyang mga obra. 

What I've been longing
I have been longing for someone to come along
who can make me feel that i truly belong
I have been longing for a good companionship
a better kind of a working relationship

I have been longing for a shoulder to lean on
when things went bad into my direction
I have been longing for a good lending ear
who just listen quietly to the sounds of my tears

I have been longing for arms to wrap me around
and comfort me when I am feeling down
I have been longing for a hand to hold
and would never let me go until we grow old

I have been longing for a body to warm me right
to lie beside me during those cold lonely nights
I have been longing for soft lips to kiss
and can spare me the sweet eternal bliss

I have been longing for a loving heart
who misses me even if we are not apart
I have been longing for the person to love
who can satisfy my longings of what I'm dreaming of...

Photo By: Empi
Poem By: Alhon

Saturday, August 4, 2012

Photo-Poem


I have been hurt so many times
And left alone in this world of mine
Love easily come and it simply goes
Leaving me with lots of sorrow

So I decided to evade love from now on
To avoid wasting so much emotion
I don't want anymore to take the chance
So not to experience any poor romance

I don't want to fall in love again
So tired of playing the same game
I will try to lock down my heart
To keep it away from breaking apart

I know love is sweet but often bitter
especially when lovers don't understand each other
Getting hurt in the end is what I try to dodge
Just to protect myself and I don't need to be judged

I don't want to be in loved again
And get myself hurt in the end
I will face the world on my own
And continue my life all alone


Photograph by: Empi
Poem By: Alhon

Monday, July 30, 2012

Ngiti Lang

Ngiti lang, ngiti lang pag mayroong problema
Ngiti lang, daanin sa ngiti at tawa
Maari ngayon di mo malaman
Ang mga sagot sa mga katanungan
Ngiti lang, maaayos din yan, ngiti lang


Maulang umaga sa inyo! Napaka-productive ng weekend ko. Dahil naging volunteer ako sa isang outreach ng pinangungunahan ni Madz....ang Project SMILE. Ito ay ginanap sa Childhauz, Quezon City.

Sabado, alas sais pa lang ng umaga ay nagpunta na ng SM North dahil doon ang meeting place ng mga volunteers. Na-met ko una si Ate Bhing. Then, si Sir Pete. Ilang oras ang paghihintay ay nakita ko din ang iba pang volunteers sa nasabing outreach program.

Naghihintayan pala kami noong sabado, buti na lang si Ate Bhing tumingin sa may likuran namin at nakita nya ang banner ng Isang Minutong SMILE. Kaya ayon, lumapit kami sa kanila.

Ilang sandali lamang ay dumating si Ate Rose kasama si Darryl (anak niya). Ayon, kumpleto na ang grupo. Kaya, nagpunta na sa lugar kung saan gaganapin ang programa.

Pagdating sa Childhauz, mga ilang sandali lamang ay nagdistribute muna ng breakfast para sa mga bata at sa kani-kanilang guardian. Pagkatapos nilang kumain, inumpisahan agad ang programa sa pamamagitan ng prayers tapos kasunod nito ay mga palaro para mag-enjoy ang mga kids.


Nag-enjoy ang mga bata sa iba't ibang laro kasama ang ilang volunteers. At kasama rin sa mga laro ang mga magulang ng mga bata para pati sila ay mag-enjoy din. 

Pagkatapos ng laro, si Zyra naman ay nagbahagi ng kwento at ng aral sa mga bata.

May activity naman silang ginawa sa pangunguna naman ni Ms. Leny. Ang gagawin nila ay kukulayin ang mga letrang nakasulat sa isang cardboard gamit ang iba't ibang kulay ng sands at saka glue. May ginawa kami ni Ate Bhing, kaso hindi ko na-picturan. Binigay ko kay Danielle ang finished product namin ni Ate Bhing. Maganda siya gawin sa bahay para magbonding kayo ng mga kids mo o kaya pamangkin.

Habang tinatapos nila ang kanilang ginagawa, na mukhang nag-eenjoy sila sa pag lagay ng kulay sa mga letra.  Nagdistribute naman ang ibang volunteers ng lunch para sa kanila. 

At isa sa nagpapahipo sa aking puso, hindi lang siguro sa akin pati sa ibang volunteers, ay yong pagkanta ng mga bata. Grabe! Nakakaiyak ang kanta nila.

Blessed pa rin tayo dahil hindi natin na-experience ang magkaroon ng karamdaman katulad ng mga batang ito. Nakaka-guilty no? Dami nating reklamo sa buhay, bakit ganito, bakit ganyan...blah blah blah. Pero kapag tignan mo ang mga batang ito na nag-eenjoy sa bawat oras ng kanilang buhay. Simpleng bagay ang ibibigay sa kanila ay tuwang tuwa na sila. Hindi nila alintana ang karamdaman na dinadala nila. Ramdam mo at makikita mo sa kanilang mga ngiti ang contentment. Kaya, we are still blessed!

Kagaya nga ng kanta na nasa itaas, ngiti lang kapag may problema. Dahil matatagpuan mo din ang kasagutan nito.

Sa next PROJECT SMILE ulit. Count me in! :) Good job sa nag-organized ng event at sa founder at pati na rin sa mga volunteers. God bless us!


******
Noong linggo naman, tumakbo ako sa Milo Marathon. Pangalawang beses ko pa itong takbo sa Milo. Haha! Ang loser ko lang. Kainis!

5k lang tinakbo ko dahil yong ang pinakamura. Hahaha! At natapos ko naman ito sa loob ng 42minutes (estimated time).

Salamat sa mga running buddies ko! Nagkakasama ulit tayo! :D
Good day! SMILE!


videokeman mp3
Thanks to You – Taylor Collins Song Lyrics

***photos from Ate Bhing and Zyra