Showing posts with label Bowling. Show all posts
Showing posts with label Bowling. Show all posts

Sunday, October 28, 2012

Laro tayo

Kamusta ang long weekend niyo? Good kung masaya! Hehehe. Kalimutan mo muna ang trabaho sa office at magpakasaya k! Haha! Ayon, noong nakaraang biyernes naglaro kami ng bowling kasama ang dalawa kong friends. 

At narito ang resulta ng laro namin:

Kuya Joey: 

1st game: 166
2nd game: 168
3rd game: 142
4th game: 206

Lito: 

1st game: 91
2nd game: 134
3rd game: 82
4th game: 142

at ang talunan.....


Empi:

1st game: 86
2nd game: 97
3rd game 106
4th game: 83

Nahihiya ako sa score ko. Hahahaha! Pangatlong laro ko na yon ha....di ganyan score ko dati e. Kainis lang!  Pagkatapos naming maglaro.....naglunch kami sa Pepper Lunch. Ayon oh, nakakatuwa ang food.....ikaw maghahalo para maluto sya. Look oh...umuusok pa sya.

Pagkatapos, mag lunch....pumunta ako ng MWAH (ayon sa mga barker embis na MOA). Hahaha! Nagkape at ensaymada. Tapos kinita ang isang kaibigan ko at nag dinner sa Ravioli.

Inorder ko ay Chili Shrimp Spaghetti kahit may allergy....sige lang. Ang allergy mangunsimi sa kin. Hahaha! Inorder naman ng kaibigan ko ay Italian Sausage Ravioli in Romesco Sauce. Yummmyyyyy!

So, sinong hindi tataba nyan kung kain naman ng kain! HMPPPP!!!! May sira na yata tyan ko, kain ako ng kain pero feeling ko walang laman tyan ko. Haha!

Ciao!

Enjoy your day!

Tuesday, August 21, 2012

Anong nasa isip mo?

Uy! Kamusta kayo? Lol! Ang haba ng weekend no? Ang saya lang. Parang gusto ko nga na tuloy tuloy na yong walang pasok. Hahaha. Toxic masyado sa opisina. Daming nangyari in just 2 weeks. Nag-resigned ang katabi ko. Sabi ko sa kanya, next in line na ako. Makiki-trending ako sa pagre-resign. Lol!

Oh, ayaw ko ng pag-usapan ang tungkol sa office. Kaka-stressed e. Naka-set na ang mind ko na kapag lumabas ng building...sasabayan din ng pag-iwan ng pagka-stressed. Bawal sumama! Kainis lang!

Okay na....fast forward na tayo ha?!

Saturday: FOOD TRIP
Ang plano ko sa araw na ito ay matulog ng matulog ng matulog....grabe! Gusto ko itulog lahat ng stressed at ka-toxic-kan na namumuhay sa katawan ko. Pero syempre, pagkagising ko e....nagutom ako. Kaya lumabas ako at....naghahanap ng feeding program para makikikain ako. Joke! Lol!

Ang nakaka-ganda lang sa lugar ko ay madami kang mahahanap na makakainan. Tamad lang talaga ako lumabas mas pinipili ko pang kumain ng kanin at milo kesa lumabas para kumain.

At itong araw na ito ay sinipag akong lumabas. At ito ang binili ko. At (di ako nauubusan ng "at") ito ang kinain ko sa isang kainan lang. Ang PG? Hahaha!

yummy yum yum... 

Sunday: MOUNTAIN CLIMBING
Umaatake na naman ang pagka-gala ng inyong lingkod. Matagal na itong pinagplanuhan ng mga kaibigan ko sa galaan. Ang problema nga lang ay ang panahon. Pambihira! Lagi kasing umuulan. Bumaha pa nga!

Mabuti na lang ngayong Linggo ay medyo okay ang panahon kaya hindi na nagdadalawang-isip na umakyat. First time ko itong ginawa kahit pa e...sanay akong umakyat ng bundok kasi probinsyano nga ako di ba? Kaya, masasabi kong first time ko dahil....ano nga ba ang dahilan ko? Hahaha. Ahh basta! Yon na yon! 

Dahil first time ko, hiningal ako, parang asong nauulol na labas ang dila. Grabe! Kung 5000 calories ang kinain ko noong Sabado, binawi naman siya sa pag-akyat ng bundok. Ang lakas maka-burn ng calories. Nag-magaling akong mag-compute ng calories. Hahaha!

Lesson learned sa pag-akyat ko, kumain muna mga 30minutes bago umakyat para di maubusan ng enerhiya ang katawan.

Pero achievement naman pagdating doon. Maulap nga lang ang panahon kaya di makita ang ibang bundok na kalapit nito.

Kung kagaano kabagal ang pag-akyat mula sa starting point hanggang sa tuktok ng bundok. Sobrang bilis naman ang pagbaba mo na parang tinutulak ka pababa. Sakit sa tuhod! Lol!

Kaya ayon, noong nasa bangka na pauwi...nakayoko na papikit-pikit dahil sa pagod. Pero sobrang nag-enjoy! :D
photo credit to jin

Monday: BOWLING
Nagpaka-mountainer ako noong Linggo. Ngayong Lunes naman ay nagpaka-sporty naman ako. E di ako! Hahaha.

Pangalawang beses ko na ito, naalala ko ang score ko dati mas mataas sya kesa ngayon. Isang beses lang akong naka-strike sa unang game. Sa pangalawa at pangatlo, WALA!!!!! Kainis! Lol!

Syempre, inienjoy ko ang paglaro nito. Lol! Tara laro tayo! Haha!

bowling... 
Tuesday: HOLIDAY pa rin?
Rest........

Rest...........

Rest..............

and.....

Rest.......

-End-


So, ikaw? Anong nasa isip mo?