Showing posts with label Foodtrip. Show all posts
Showing posts with label Foodtrip. Show all posts

Monday, May 20, 2013

Food trip sa Albay

Finally, natikman ko din ang gusto kong pagkain na nakikita ko lang sa mga photos sa ibang travel/food bloggers and syempre napuntahan ko na rin ang lugar na akala ko e sa pictures or post card ko lang makikita. 

I am glad dahil nangyari ito sa loob ng isa't kalahating araw kahit gahol man sa araw at oras ay naging masaya naman ang aking paglalakbay. This time naman solo backpacking ang trip ko but, thanks to my blogger friend Jun dahil na-i-tour nya ako kahit sa Day 1 nya lang ako nasamahan, Oks lang. Naging maganda at madami naman akong nakikita sa loob ng isa't kalahating araw ng paglalakbay. 

Next post na ang kwento.....

Ngayon, ay nais ko lang i-share kung anu-ano ang mga pagkaing kinain namin....

Day 1: Breakfast at La Terraza
Adobadong Native Manok
Crispy Bicol Express
Halo-halo with Lambanog

Gusto ko ang Crispy Bicol Express dahil super crispy talaga medyo maalat nga lang siya pero masarap. Adobadong Native Manok, gawa sa sya sa gata. Yummy din!
Napakain lang naman kami dito sa La Terraza dahil naintriga kami sa Halo-halo with Lambanog. Noong tinikman ni Jun ang halohalo with lambanog, para daw siyang nasusuka, kakaiba ang lasa. Hahaha! Dapat haluin muna bago kainin para di malasahan ang lambanog.

Pagkatapos mamasyal, we tried the Chili Ice Cream and Bailey's Ice Cream at 1st Colonial.
Yes, from the name itself, maanghang talaga ang Chili Ice Cream pero creamy siya. Nasarapan ako! As in, parang nabitin ako. Hahaha! Hindi ko natikman ang Bailey's Ice Cream, ayaw akong bigyan ni Jun! Joke!

Early dinner at Small Talk
Brownout pa pagdating namin doon kaya yong iba na nasa menu hindi available. So, we had Pinangat Pasta. 
What I can say? Wot, wot, yummy, yummy! That's it! 
Gusto ko ulit siyang tikman next visit ko... :)

Day 2: Early akong gumising para puntahan ang Seawall Section, Legaspi City Port, Sleeping Lion Hill at balikan ang Daraga Church for the perfect view of Mayon Volcano.

Then, nag-breakfast sa Biggs Diner. I ordered Bistek Pinoy.

Lunch time at RED CONTINENT
Early lunch naman ako dito, I tried their Chili Chicken Express and Pili Strawberry Sabayon.
Pagdating ng Chicken Express..Hala! Ang daming servings..like, its good for 2 to 3 person. Hahaha! 

So, hindi ako nagpahalata sa waiter na nagulat ako. Lol! I was not informed! Hahaha! Noong kinuha ko ang menu, ayon, nakalagay nga ang 2-3 person. Basa basa din kasi pag may time. Tsk! Tsk!
Well, naubos ko naman siya...
Mamimili ka pala dito kung anong gusto mo kung "WARM" "HOT" or "VOLCANIC" 
Pinili ko ang warm, meaning, hindi siya masyadong maanghang. 
Chili Chicken Express ay gawa syempre sa chicken na may gata. Yummy siya for me!
Pili Strawberry Sabayon, ang liit ng serving nakakabitin! LOL!
That's it muna. Kagutom! Hahaha! Good day, blogger friends! :)

Monday, May 6, 2013

Empi met blogger friends

Hello ka-blogs! What's up? Anong pinagkakaabalahan niyo? 

Sabi ni Rix sa comment nya sa previous post at sa intagrm post ko...."masyado ka yatang nanahimik? nagpapa-miss ka ba?" LOL! Hindi naman no, as if may nakaka-miss. Haha! Busy lang ang inyong lingkod sa mga pictorial, taping and shooting. Joke! Pasensya na hindi pa ako makakabisita sa mga pahina nyo... busy lang! :)

Anyway, narito ang mga ilang kaganapan noong April 30 at May 1.....

EB with blogger friends

After two years, nagkita-kita ulit ang magka-batch sa blogging world. Kulang nga lang pero IGNORE na! Lets move on.... Lol! Pero hindi ka pa rin nawawala sa usapan kapag may pagtitipon. Tsk! tsk!

Ang mga blogger friends na ito ay bihira na mag post. Sina Khanto at empi lang yata ang masipag mag post. Pero lately nga, nanahimik si Empi. Busy sa buhay! Ganun naman talaga ang kadalasan na rason kaya di nakakapag-post. Why me so defensive? LOL! 

So ayon, after two years, naulit ulit ang EB with Polding Bed, Unni, Madz, Khanto, Empi and first time with Ben. Magba-BADTRIP sana kaso di pwede dahil may isang nag-absent at ang dinahilan yata ay may sakit. You know BADTRIP? Hmmm, isa siyang inumin na kapag nainom mo mababadtrip ka talaga.....sa SARAP! Oh yeah! LOL! Napagkasunduan ng grupo na magcheck-in muna sa isang Apartelle/Inn para mag-refresh? Lol! After that, takbo na sa metrowalk at mag lasing lasingan pag may time. Oh yeah! 

Finally, nakatikim ulit ng alak. Thanks Polding! LOL! Dahil si Polding ang host ng EB siya ang napapa-kwento ng kanyang mga kaganapan sa buhay sa loob ng dalawang taon. Kamusta naman si Inday? LOL! Peace bro!

After mag-alak, kape kape naman daw pag may time ulit.... then, LUGAW daw? Ha? Lintik na tyan yan. Hahaha! Balik na ulit kami sa Apartelle mga around 2am. Pahinga din pag may time....yong isa yata di natutulog at binabantayan kami at ang mami? LOL!

Pagkagising kinabukasan, refresh ulit then, breakfast...tapos uwian na!!! Thank you, guys! See you after two years ulit? hahaha.

Nice meeting you again... Enjoy!

after two years.....

2 hrs of sleep, pahinga naman pagdating sa kubo then, ligo ligo din pag may time.....tapos, mga lunch time, empi met Ate Bhing....oh ha?! Ikaw na empi! 

Nag-lunch sa Seafood Island....pinili namin ang TALI BEACH dahil nakyutan kami pareho ni Ate Bhing, look mo yong picture sa baba (from kumagcow.com).

Shade shade din pag may time dahil sa eyebag.. Hahaha! Nagkamay talaga kami ni Ate Bhing. The food is good for 3-4 person yata tapos kaming dalawa lang ang uubos nito. Wow! PG lang? Hahaha! Lamon kung lamon ito men. Parang walang bukas! LOL!

Dahil hindi ako nakainom ng badtrip noong gabi iyon, sobrang na-badtrip naman ako dahil nabura lahat ng pictures namin sa foodtrip at sa panonood ng movie. At hindi ko na na-retrieve ang mga pictures. Ito lang ang natirang pictures namin. Lol! Badtrip di ba?

After lamon, watch naman kami ng movie....nakauwi ako mga 7pm. 
with ate bhing
Ganito yong kinain namin... :)
photo credit: kumagcow.com

That's all for now, folks! See you.... :*

Monday, March 4, 2013

Sambokojin plus BlueWater equals Relaxing

Nilalagnat. Nalulungkot. Nag-eemo. All alone. Loner. Lahat na! Siguro dala ng pagkabagot, stressed sa work at dala rin siguro ito sa pagiging zero balance ang schedule sa mga lakad noong mga nakaraang linggo. Grabe! Parang adik lang na nilalagnat kapag hindi nakatira. Hindi mapalagay! Aburido! Ganun ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Nag-iingay na lang sa twitter at nakipag-kulitan. Pero kung anong pagkabagot at pagkalungkot ko noong sabado...napawi naman nito noong linggo.

So fans, good day! Kamusta kayo?

Saturday night, check ko ang calendar kung may naka-schedule na lakad. Buti na lang meron! Yahoo! Bigla akong sumigla noong nakita ko ang schedule. At mas lalo akong natuwa noong may nag text to confirm kung makakasama ako. Oo, agad ang sagot. At hindi lang yan, dalawa ang naka-schedule na lakad. Ayos!

Sunday morning, meet ko muna bestfriend ko to get my order na parfum kasi may nag-order din sakin.  Small business namin ito. Hehehe! Then, nagpasama sa Trinoma para magregister sa RU1 at napag-alaman kong wala ng registration sa araw na yon? Huh? What?  Hindi! Kababasa ko lang na hanggang March 3, 2013 ang last registration e. Dali dali akong nag internet at tinignan ang Fitness Calendar ko. Ayon, nalaman kong hindi pala sa Trinoma kundi sa SM North ang registration. Hahaha! Sino tanga? E di si empi! LOL!

To make this katangahan short nag lunch kami sa Landmark Trinoma, nag chatime, then, kwentuhan sa buhay buhay, lovelife, sexlife, at iba pang may buhay. Biro lang! Kaya, ikaw kuya! MOVE ON ka na! Madami pa dyan. Gayahin mo kasi ako na kung ayaw sa akin, hindi ko pinagpipilitan. Wag mong hayaang umikot ang mundo mo sa isang tao. You have to learn to let go and move on! Pero thank you sa birthday gift mo sakin. Makapagpa-full-body massage na ako. Yahoo!

Afterward, punta naman akong Santolan MRT Station to meet my mountaineer friends dahil may carbo-party daw kami. Akalain mo yon, di lang mountaineering ang alam kundi pati foodtripping. Pero thanks kay jin dahil kung hindi sa kanyang pagkapanalo....hindi kami makakain dito. Haha! Ang mahal kaya, sabi nga namin, i-akyat na lang namin ang paggastos sa pagkaing ito. 

From Santolan MRT Station, nilakbay naman namin ang kahabaan ng EDSA papunta sa Sambokojin, parusa lang ang ginawa namin sa sarili namin, kasi naman kung sa Ortigas kami nagkikita-kita e di mas malapit lang ang nilakad namin. Tsk! Tsk! Tsk!

Pagkadating sa Sambokojin, akyat na kami sa second floor, all waiters greeted us, pero hindi ko alam kung anong language yon, Japanese yata, similar siya sa korean greetings na "an o sa yo" Hahaha! 

The waiter introduced his name tapos binigay ang menu, iniintroduce niya pati mga sauce kung saan siya gagamitin, may pang-seafood, at pang-meat. Itong nasa ibaba ay appetizer kuno namin pero parang walang kumain nito. Hahaha! 
kangkong, dilis, togue
Mga ilang minuto bago umalis si waiter, ito na, sugod na sa pagkain...... hahaha! nakakalito kapag buffet, hindi ko alam kung ano ang kakainin ko. Ang PG lang! 

Unang attack: Ito ang unang atake ko sa pagkain, Ojingo Bokum, salmon, at Chapchae. Yummy!
At syempre, di kumpleto ang Sambokojin experienced kapag hindi kami magluluto; beef, pork at yong laman ng crab, at yong parang taba ng bangus. Yummy!
Pangalawang attack: Crab stick, creamie salmon, at hindi ko matandaan itong bilog na ito, sige meat roll na lang itawag natin.

Lumapit si waiter, at binuksan yong maliit na lagayan, at pinakilala sa amin si Japanese Rice. Rice pala iyon buong akala namin ay ulam. Hahaha! Sarap! Nag-served naman ng soup.
medyo matamis ang japanese rice
Pangatlong attack: Dessert naman kami. Strawberry Moose yogurt, Mango Moose yogurt, Strawberry icecream at Mocha Swiss Roll. Sarap! Whew! One round pa!  

At ng dahil sa icedtea, nabusog agad kami! Tsk! Tsk! Tsk! Madami pang pwedeng itry na food e. Kainis! Hahaha! Nagkwentuhan na lang at planning para sa major hike namin by May siguro. Target namin ay Mt. Tapulao sa Zambales, overnight ito! Excited na ako! Saka, tuloy na raw ang Cagbalete Island getaway namin by April. Yahooo! After ng lokohan, tawanan, at kwentuhan....Time to relax naman kami.

Welcome to Blue Water spa......

Part pa rin ito sa napanalunan ni Jin, thankful talaga kami dahil sa isang gabi naranasan namin ang maging mayaman. Hahaha! 
Blue Water Spa lobby
Ang gara ng footspa room, parang nasa movie house lang kami, nakaupo sa malaki at malambot na upuan habang nanonood ng movie sa big screen at habang minamasahe ni ate ang mga paa. Ang sarap! Gusto ko yong tinusok-tusok ang talampakan ko, ang sarap! Promise! 
pasensya naman sa photo, medyo malabo
After one hour sa footspa, minasahe ni ate ang ulo at ang balikat at ang likod. Happiness! At pagkatapos, inienjoy ang kulay ng hallway nila. Parang avatar lang. 
Team Expandables
Having fun with Team Expandables (ito yong group namin kapag nagregister sa pag akyat, LOL). Thank you guys for the laugters at mga kalokohan. Looking forward for our major hike! Ihanda na ang alak! Biro lang!

Tuesday, February 5, 2013

Pagkain

Babala: Ang sumusunod na paksa ay nakakagutom kaya dapat busog ka habang iniscroll down mo ito! 

Huwag mong titigan ng husto baka ikaw ay maglaway at magutom.Ito ang sampung pagkaing nakain at nagugustuhan ko. Nainggit ako sa post ni Kulapitot kaya gumawa din ako ng sariling version. LOL!

Ang bawat larawan na makikita ninyo ay hindi base sa medyo hindi ko gusto hanggang sa pinaka-gusto. Ito po ang mga pagkain patok sa aking panlasa. Oppss! Hindi ako sosyal kagaya ng mga putaheng nakahanda. Nagkaroon lamang ng pagkakataon ang inyong lingkod na makakain ng ganitong pagkain.

Kaya tara na't maglaway tayo! LOL!

10. Breakfast at Acacia Hotel during our Conference. Slice bread, cheese, hash brown, melon and tuna.
9. California Maki at Teriyaki Boy
8. Burger, french fries at iced-tea. Ang messy lang kumain. LOL!
7. Roasted Chicken at Sbarro
6. Hmmm. Nakalimutan ko kung anong tawag nito. LOL! Ham and cheese yata. Ewan!
5. Pork Loin Chops sa Kabab Korner
4. Pagkaing baboy. LOL! Sa Holiday Inn ito during our Team Bldg. Fried rice, chicken with tausi yata, tapos beef, etc.
3. Tuna. Paborito kong SHRIMP! At Baked Tahong sa Sharmila
2. Spaghetti MeatBalls sa Old Spaghetti House
1. Danggitsilog

Madami pa sana akong ipost kaso lang....next time na lang dahil nagmamadali na akong umuwi dahil............VACATION ko naaaa!!!! Yahooo! Ciao!

Tuesday, January 29, 2013

Jatujak

Patalastas:
Bago ka maglaway sa post na ito, nais ko lang ibahagi ang PBO o Pinoy Bloggers Outreach - ay magkakaroon ng PBO's Bazaar For A Cause. Baka ikaw ay nais mag-donate para sa bazaar para maibahagi ng membro para sa next project. Maaring kontakin lamang po ang kasapi ng PBO. Maaring sa Facebook fan page o kaya sa twitter. Ang layunin ng PBO ay magbigay, tumulong at magpasaya ng kapwa. Maaring pong bisitahin ang PBO website at Facebook fan page
Maraming Salamat! :)

Ito na! Inimbitahan ako ng aking mabuting kaibigan na mag-foodtrip (PG kasi siya!LOL) dahil karawan nga naman niya. Nahiya naman ako dahil wala akong naibigay na konting handog. Hahaha! Pero ok lang yon, naiintindihan naman niya na magastos ako kaya walang pera. Hahaha! Laglag ba ang sarili? Hayaan mo na!

Lagi niya akong tinatanong kung saan daw ba masarap kumain. E siya itong mahilig mag-browse sa net at madaming alam pagdating sa mga foods e. Ako pa ang tatanungin? Kesyo, ako daw ay gala kaya ako ang tinatanung. So, to make this reklamo short....siya ang nagresearch! Hahaha! 

Gusto ni Bestfriend i-try ang Thai Food. Kaya, nahagilap niya itong JATUJAK (alam ko ano iniisip mo sa name ng resto) na resto sa net. Nagbasa ng reviews, etc. Oh, kita mo na di ba? Ang husay mag-browse sa net tapos ako pa tatanungin talaga! 

Parang ang hyper ko ngayon? Dala ba ito ng pagsasabon ng mga ehem? Anyway, back to our topic....We met at SM North Edsa para doon tikman ang Thai Food na sinasabi niya. 

Trivia:
Jatujak (cha-tu-chak) is the largest weekend market in Bangkok and in the world - a haven for bargain hunters and Thai Food lovers.

Inorder namin ay; Fried Rice with Shrimp, Chicken Phad Thai, Pomelo and Pawn Salad, at SpringRoll.

Sa totoo lang, nagugutom ako habang pinopost ko ito. Grabe! Kaya, nawala na lahat ng gusto kong sabihin e.

Masarap ang Pomelo and Pawn Salad.

Ang laman ng spring roll ay sotanghon (yata?) at togue.

Fried rice with shrimp, dahil matigas ang ulo ko....kakain ako kahit may shrimp!

Chicken Phad Thai, may peanut sya. Medyo matamis daw pero bakit di ko nalasahan ang tamis? LOL!


Happy Viewing! Maglaway ka! LOL!

**may hindi magandang nangyari sa akin ngayong araw....sana after ng Siargao ay may trabaho pa rin ako. Tsk! Tsk!

Siya, uwi na ako. Babawi na lang ako at magpakitang gilas ulit! :) 

Friday, December 28, 2012

Mga kaganapan sa taong 2012

Kamusta ang inyong Pasko? Malamig ba? Mainit? Mamasa-masa? Kung ano man yan basta't nag-eenjoy kayo....sige lang! Enjoyin lang ang kaganapan sa inyong buhay dahil sabi nga nila baka pagsisihan mo sa bandang huli kung bakit di mo ginawa ang ganito, ang ganyan...

Ako? Ayon, natulog lang....hahaha. Wala masyadong happenings sa akin noong pasko dahil pagkatapos naming kumain ng dinner, nanood ng movie then tulog nagising ng alas ten. Gumala sa Marquee Mall, nood sana ng movie kaso ang haba ng pila kaya ikot ikot na lang sa loob then lumuwas na ng Manila para i-meet naman ang dabarkads. Nagpalipas ng gabi sa seaside sa MOA, kumain ng baon ni Jin. Kwentuhan. 

Sa kabilang dako roon, hahaha, maiba nga tayo! Ano bang nangyari o kaganapan sa aking mapayapang buhay nitong 2012? 

Lika dito...isa-isahin natin.....

ARAL ARAL
  • Matagal ko ng gustong mag-aral ng HRM at nagkaroon ako ng pagkakataon na pag-aralan ito kahit maikli panahon lamang. Nag-enjoy ako sa natutunan ko. At mas interested ako doon sa Food and Beverage lalo na yong mixing ng mga alak. Sarap! Natutunan ko din kung paano ang proper na pagtupi ng bedshit bedsheets cover, etc. 



CHECK IN
  • Nakapag-check-in sa Fersal Hotel gamit ang napanalunang GC. Overnight ito with FREE breakfast. Sayang lang kasi walang kaharutan sa loob ng kwarto pero maigi na rin dahil super nakapag-relax ako.


EB with fellow bloggers. Get together with friends & officemates. 
  • Nagkaroon ng pagkakataon na ma-meet ang ibang bloggers. Unang nameet ko sina Joanne at Zai. Followed by Arline, Hash, Lori and Theo. Then, sinundan nina Mar, Jaid, and nakita ulit ang batchmate (ko yata ito) si Bino.
  • Nakakasama naman palagi ang naging kaibigan ko sa totoong buhay sina Joanne and Zai. Thanks blogspot! Hahaha!
  • Nakakasama rin palagi sa mga gala ang dabarkads ko sa totoong buhay. Thanks ulit blogspot dahil sayo may naging kaibigan ako. LOL!
  • Nag-get-together naman with ex-officemates and current officemates.


CONCERT
  • Napili naman ako sa close-up bilang isa sa mga nanalo sa kanilang pakontes na essay. Nagkaroon ng pagkakataon para mapanood ang concert ni Avril Lavigne noong February.


KAWANG-GAWA
  • Syempre, hindi mawawala ang outreach program bilang isang volunteer. Kung hindi ako nagkakamali yearly ko na yata nagagawa ang pagsali sa outreach program bilang volunteer. Kaya, I'm looking forward to join outreach next year.


BACK HOME
  • Umuwi naman ako sa probinsya ko kung saan sinubukan ko ang mag-landtrip at ang daming naganap on my way home. Na-stranded. May nag-away sa loob ng bus. 
  • Nakauwi ako sa pangalawang pagkakataon dahil nawalan naman ako ng isa sa mahal ko sa buhay ang aking......Tatay! Ang 2012 din pala ay hindi lang puro saya dahil sa taong ito, iniwan kami ng aming mahal na Ama. Pero tuloy pa rin ang buhay.... :)


TRIP TRIP
  • Nagkapag-VIGAN naman ang inyong lingkod with dabarkads. Inikot ang Ilocos Sur. Tinikman ang Vigan empanada at ang halo halo specialty ng Secret Garden.


TOUR
  • Nakapag-tour naman sa Phil Post, Metropolitan Theater.


HOLIDAY INN
  • Yes! Holiday Inn. Ang sosyal lang. Hahaha!Team bldg naman namin ito. 


Gaano kaumbok ang bundok mo?

  • For this year, nakalimang bundok na ako. So far ang pinakataas na naakyat ko ay ang Mt. Batulao with 811 MASL. Looking forward sa year-end mountaineering namin. Sana ay matuloy!


TAKBO TAKBO TAKBO

  • At syempre, hindi mawawala ang pagsali ko ng takbuhan. 

Madami-dami din pala akong nagawa nitong 2012 na hindi ko akalain na mangyayari. Sabi ko nga, enjoy life. Habang may dumating na pagkakataon. Grab it! Para walang sisihan at the end. So, thank you 2012 for making my life active.

Happy New Year everyone! Be safe sa paputok, okey? LOL!

Tuesday, October 30, 2012

Despedida di da di da e e e

Sana thursday na para long long weekend na... hahaha. Di naman ako nawili sa long weekend e no. So excited mag long long weekend. Ewan ko ba! Sarap kasi, walang stress...walang boss...FREE! LOL!

Anyway, maiba nga tayo...noong linggo pala.....food trip na naman ang pinuntahan ng inyong lingkod. AKO na talaga! Tapos magrereklamo na tumataba, e kain naman ng kain! Ang gulo lang! Ano naman kasi magagawa natin e ang sarap sarap sarap sarap sarap lumamon! Nagkaka-dyspepsia na nga e. LOL!

Ang dahilan kung bakit may foodtrip noong linggo ay despedida ng aming kaibigang si Tolits. Nagbonding na kami last time noong nag Sun City Resort kami and last sunday was our last bonding. Mag-aabroad na ulit siya kaya kulang na ang grupo kapag may mga gala, trekking, takbo, etc. 

Sa Seaside nga pala kami pumunta sa may Macapagal Blvd. Tawa kami ng tawa dahil pagdating namin doon....yong mga nagbabantay sa labas at mag-aalok ng mga paluto etc, yong isa doon sabi "napapaligiran na namin kayo sir....." at yong isa talagang sinusundan pa kami....sabi ba naman, "Sir, parking lot na yan dyan" sagot namin "dito namin gusto kumain...." sagot niya "e sir! lamukin kayo dyan! dito na kasi kayo sir, magtiwala kayo sakin." 

Ayon, dahil sa super power niya....doon kami kumain sa Sharmila! 

Niloko pa namin, "ilibre mo naman kami ng isang rice."

Sagot niya, "sir, icharge pa sa ako ang isa kagatus." (sir, sa akin pa i-charge ang isang daan)

at...chibugan naaaa!!!! at may shrimp na naman... hahaha!

Bakit ako nakapag-blog? office hours pa ah? E kasi wala ang mga BOSS! LOL

Happy trip Tolits! See you next year! :D



Sunday, October 28, 2012

Laro tayo

Kamusta ang long weekend niyo? Good kung masaya! Hehehe. Kalimutan mo muna ang trabaho sa office at magpakasaya k! Haha! Ayon, noong nakaraang biyernes naglaro kami ng bowling kasama ang dalawa kong friends. 

At narito ang resulta ng laro namin:

Kuya Joey: 

1st game: 166
2nd game: 168
3rd game: 142
4th game: 206

Lito: 

1st game: 91
2nd game: 134
3rd game: 82
4th game: 142

at ang talunan.....


Empi:

1st game: 86
2nd game: 97
3rd game 106
4th game: 83

Nahihiya ako sa score ko. Hahahaha! Pangatlong laro ko na yon ha....di ganyan score ko dati e. Kainis lang!  Pagkatapos naming maglaro.....naglunch kami sa Pepper Lunch. Ayon oh, nakakatuwa ang food.....ikaw maghahalo para maluto sya. Look oh...umuusok pa sya.

Pagkatapos, mag lunch....pumunta ako ng MWAH (ayon sa mga barker embis na MOA). Hahaha! Nagkape at ensaymada. Tapos kinita ang isang kaibigan ko at nag dinner sa Ravioli.

Inorder ko ay Chili Shrimp Spaghetti kahit may allergy....sige lang. Ang allergy mangunsimi sa kin. Hahaha! Inorder naman ng kaibigan ko ay Italian Sausage Ravioli in Romesco Sauce. Yummmyyyyy!

So, sinong hindi tataba nyan kung kain naman ng kain! HMPPPP!!!! May sira na yata tyan ko, kain ako ng kain pero feeling ko walang laman tyan ko. Haha!

Ciao!

Enjoy your day!