Sunday, October 21, 2012

Keep Smiling, Keep Shining

Sinipag ako ngayon mag post. Ganun talaga kapag walang magawa. Busy kasi nitong mga nagdaang linggo, mall tour dito, mall tour doon. Ganun! Anong pinagkakaabalahan ko? Hmmm...bukod sa bantay sarado ako sa mga bagong bossing ko. Di ako makapag net. Haha. Dati halos araw araw akong nakapagbukas ng email, blog, fb and twitter. Ngayon, weekly na. Minsan, di pa nga kasi nga busy ako sa mall tour ko. Hahaha! Saka, business, may small business ako ngayon. Konting puhunan lang. Malay mo, matalbugan ko ang pabango ni Haydeen Kho. Joke! Hahaha!

Ano nga ba ang pag-uusapan natin ngayon? Life? Lovelife? sexlife? at lahat ng may life? LOL! Nako! Sikreto daw walang clue. 

Narito ang mga pinagkakaabalahan ko nitong mga nagdaan araw, linggo, at buwan.

Umakyat ako ng bundok. Yes! Inakyat ko ang Mt. Tagapo sa Binangonan, Rizal. Hindi siya masyadong matarik at easy lang akyatin pero ang lakas din makahingal. Grabe!


Inakyat ko din ang Mt. Batulao. Kung sobrang easy lang ang pag-akyat ko sa Mt. Tagapo. Dito naman, sobrang nahirapan ako. Grabe! Lakas makanginig ng tuhod. To think na takot ako sa matataas pero thankful ako dahil naka-survived ako dito.

Gapang kung gapang ang ginawa ko para lang makarating sa tuktok. Pero noong narating ko ang tuktok...mapapa haaaayyyyy....at mapapapa woooowwwwww! ang sarap ng feeling!

Alam mo bang hindi ako makatingin sa baba kapag sinakyan ko to? Ewan ko ba, parang may tumutulak sakin kapag tumitingin ako sa baba. Hahaha. Nginig din tuhod ko dito. 

Hindi ko kayang sakyan to! Kahit ilibre mo pa akong pagkain sa loob ng isang buwan. Di bale ng magutom ako. Wag ko lang masakyan to. Baka mamatay ako pagkatapos kung masakyan ito. OA? LOL!

Nagjogging ako. Jogging with the sunset. Napaka-romantic ng dating talaga kapag sunset. Favorite subject ko talaga ito sa photography. Napaka-peaceful kasi para sakin. Lakas ng dating. Nakaka-inlab. Hahaha!

Sunset with the namingwiter/s

hinihintay ang paglubog ng araw....walk...jog...run...stalking... LOL

at ang pinakahinihintay...haaayyyyy! LOVE IT!!!!

Na-LSS ako sa kantang ito. Grabe! Na-realized ko, may iba ibang katergorya pala ang isang kaibigan. Para sakin lang naman ito. Kasi, naisip ko lang...may kaibigan ka sa galaan, may kaibigan ka na kasundo mo sa paglamon (lamon talaga? hahaha), may kaibigan ka rin na kasundo mo sa lahat ng kalukuhan mo, may kaibigan ka rin na mapagsasabihan mo ng mga problema/sikreto/mga kalukuhan, may kaibigan ka rin na parang wala lang. Basta ako, kahit sabihin nilang manhid ako, di matinong kausap, hindi seryoso, walang kwenta....pero akala mo lang iyon. Wala lang siguro sa mukha ko pero nabibilang ko lang sa daliri ko ang kaibigan ko na they trusted me, they shared problems and asked for advises/opinion. Na-appreciate ko yon!

Basta, katulad ng lyrics ng kantang ito....

Knowing you can always count on me, for sure
That’s what friends are for
In good times, in bad times
I’ll be on your side forever more
Oh, that’s what friends are for


iyon ay kung tinuring mo talaga akong kaibigan. madali lang akong kausap, malakas instinct ko kapag ayaw sakin ang isang tao. 

videokeman mp3
That’s What Friends Are for – Dionne Warwick Song Lyrics

24 comments:

  1. Ako ba kaibigan kasama sa lamunan? Nice post Empi, cheers to friends! Na lss na din ako sa kanta hmp!

    ReplyDelete
  2. Like ko na rin yung songs. Ang saya ng life mo. like the photos :)

    ReplyDelete
  3. Grabe, nahirapan ako basahin ang "namingwiter/s", haha! Pa-english basa ko, tagalog pala, asar!

    Bakit ang drama mo?Haha.. Ako pala ang kaibigan mo sa lahat ng bagay, true friend ako e, chos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha... ikaw lang nakapansin yan! Galing mo talaga!

      Alam mo din yan.... hahaha

      Delete
  4. gnda nman ng message ng kanta,.
    tama nga nman keep smiling, khit na pakiramdan eh ang bgat ng dinadala.
    kelan k pre umakyt sa Mt. Batulao lapit lng me d2 cgr 1 hour lng... aus sa trip ah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Last month lang yata yon pre. Hehehe! Sayang...ikaw na lang sana naging guide namin. Haha

      Delete
  5. favorite ko ang last pic..im so inlove din sa sunset...im so glad lang na marami akong true friends :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang pinaka-masaya....ang madaming TRUE friends. :D

      Delete
  6. yung friends, madaming category, iba-iba kasi hindi naman parang clones ang tao, iba-ibang traits. agree ako, minsan ang akala ng iba ay iba sa katotohanan.

    ReplyDelete
  7. agree with khanto! yun lang :D

    ReplyDelete
  8. panalo talaga ang sunset ng Manila Bay!

    ReplyDelete
  9. For sure nasa spam na naman tong comment ko...

    anyways, nainggit me sa trek mo..mejo matagal na rin nung last trek, mga last month..hehe

    ang ganda ng sunset ha, infairview!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tara! Trek trek tau.


      Infairness, di pumasok sa spam ang komento mo. Galing! LOL

      Delete
  10. ang ganda ng sunset!anyway..tama may mga categories talaga ng friends kunti lang talaga yung makikilala mo na babagsak dun sa category ng true friends. =D

    ReplyDelete
  11. kaka LSS nga kumanta talaga ako dito sa opis namin! hmmmm...
    tama madami ngang klase ng kaibigan iba-ibang karakter pero suma tutal masarap talaga magkaroon ng barkada lalo na sa galaan at lamunan! wahahah

    ReplyDelete
  12. theme song lang namin ng mga emoterang friends ko dati hahaha :) sumakay ka na dun ... bibigyan kita ng 1 million ayaw mo pa? ahahah ano bet?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Masasayang ang isang milyon mo. Baka ipambayad lang yan sa ospital o kaya sa libingan. Hahahaha. Joke!

      Delete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D