Sunday, September 9, 2012

With a Smile (Goodbye)

Limang taon. Oo. limang taon din nating pinagsasaluhan ang mainit ng ating pag-iibigan. Sa una, akala ko hindi natin malagpasan ang pagsubok na dumaan sa ating pagsasama. May mga pagkakataon na gusto na nating bumitiw pero dahil sa pagmamahalan natin. Tayo'y pinagsama pa rin ng ating tadhana. Noon, hindi ko akalain na magiging tayo. Hindi ko lubos maisip na ikaw at ako ay magkakasama at pagsaluhan ang magagandang alaala.

Dati, lagi kong iniisip na langit ka at nasa lupa lamang ako. Ang hirap mong abutin. Pero laking gulat ko, isang araw, ikaw'y napapasaakin. 

Dati, akala ko, ayaw ng mga magulang at mga kapatid mo sa akin dahil sa antas ng inyong pamumuhay. Kumpara naman sa antas ng aking pamumuhay. Malaki ang agwat. Pero hindi ito balakid sa ating pagmamahalan. Bagkus, tinanggap nila ako ng buong buo. Walang pagdududa!

Ang saya noong mga panahong iyon. Kaya, sobra kitang minahal at inaalagaan. Pati mga magulang at mga kapatid mo ay minahal ko at inaalagaan ko dahil sa isip ko, bihira lamang ang ganito, ang pagtrato nila sa isang katulad ko. Sobra napakabuti nila sakin.

Dumating ang panahon na bigla ka na lang nanghina. Biglang humina ang katawan na dati kay sigla. Napag-alaman namin, na hindi ka na magtatagal. Sobrang lungkot ng aking nadarama. 

Hanggang sa dumating ang araw na iyon, nais mong dalhin kita sa dalampasigan. Nais mong lumanghap ng sariwang hangin. Dinala kita roon. Kumapit ka sa aking likod habang naglalakad tayo papunta sa dalampasigan. Ramdam na ramdam ko ang iyong paghahabol ng hininga. Ramdam ko ang panghihina mo. Pero lakas loob mo pa ring magpatuloy sa ating patutunguhan.

"Kargahin na kita," ngunit ngiti lamang ang sinagot mo sakin.

Kinarga kita hanggang marating nating ang dalampasigan. Dahan dahan kita binaba sa buhanginan. Kitang kita ko ang mga magaganda mo pa ring ngiti. Ngiti na laging nagpapalakas ng aking loob.

Katabi kitang nakaupo hanggang tinatanaw ang papalubog na haring araw. Hawak hawak ang kamay mo. 

"Napakaganda ng buhay. Napakaganda ng buhay ko noong makilala kita," mahina mong sabi  sa akin "napakasaya ng mga alaala ng ating pinagsasaluhan. Masaya akong binigyan mo ng kulay ang mundo ko. Hindi mo nakakalimutang isuot ang mga ngiti sa aking mga labi."

Halik lamang ang naisagot ko sa mga salitang lumalabas sa iyong mga labi. At ang katagang, Mahal na mahal.

"Rex, nais ko ng matulog" sambit mo sa akin "mahal na mahal din kita." Higpit ng yakap mo sakin habang sinasabi mo iyon. Humiga sa aking kandungan. Dahan dahan mong pinikit ang mga mata mo habang sinasabi ang "Maraming salamat..."



videokeman mp3
With a Smile – Aiza Seguerra Song Lyrics

40 comments:

  1. awww, nakakalungkot nemen :((

    ReplyDelete
  2. hay.. lalo ako nalungkot dahil sa background music. :(

    ReplyDelete
  3. Napakamadamdamin naman ng version ni Aiza ng kanta, sinabayan mo pa ng malungkot na story, emo much?

    ReplyDelete
  4. 'With a Smile' ang isa sa pinakamaayos na cover dun sa Reunion tribute album. Ironic lang na nalulungkot ako pag tumutugtog yun.

    ReplyDelete
  5. ang bigat sa dibdib naman... nasad ako..=(

    ReplyDelete
  6. ang lungkot! :(


    at nakaka gulat si aiza, bigla bigla kumakanta!

    ReplyDelete
  7. kinilabutan ako sa post na to.. at ni-pause ko talaga yung music kakawasak ng puso eh...

    ReplyDelete
    Replies
    1. sorry naman. baka mabatukan mo pa ako. hehehe

      Delete
  8. I got kurat sa voice ni Aiza but eventually became soothing man pod.

    Kahilak man sad ta ani oy. Dugangan pa sa mingaw nga kanta.

    *high five, Mark!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mingawa jud no. Love ko ang version niya. Hehe

      Delete
  9. parang napanuod ko na yung ganitong scene sa koreanobela ah anyway..sobrang sakit sa puso yung ganyan. haaay

    ReplyDelete
  10. awwww......empi, ang sad naman nito, oi.

    ReplyDelete
  11. emping! pahingi namang fans haha

    ReplyDelete
  12. nice one...

    parang my pelikula ng ganito...

    I remembered only parang si aga ang bidang lalake...

    Kawangis lang naman...

    Everything will be fine in due time...

    LAhat ng sakit na naramdaman mo, mawawala din yan..

    Heartbroken always teach us something....

    Always makes us stronger...

    Kaya karibels lang yan!

    *hugs*...

    Dumaan lang ako...

    At babalik balikan kita...




    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D