Showing posts with label Gala. Show all posts
Showing posts with label Gala. Show all posts

Friday, December 28, 2012

Mga kaganapan sa taong 2012

Kamusta ang inyong Pasko? Malamig ba? Mainit? Mamasa-masa? Kung ano man yan basta't nag-eenjoy kayo....sige lang! Enjoyin lang ang kaganapan sa inyong buhay dahil sabi nga nila baka pagsisihan mo sa bandang huli kung bakit di mo ginawa ang ganito, ang ganyan...

Ako? Ayon, natulog lang....hahaha. Wala masyadong happenings sa akin noong pasko dahil pagkatapos naming kumain ng dinner, nanood ng movie then tulog nagising ng alas ten. Gumala sa Marquee Mall, nood sana ng movie kaso ang haba ng pila kaya ikot ikot na lang sa loob then lumuwas na ng Manila para i-meet naman ang dabarkads. Nagpalipas ng gabi sa seaside sa MOA, kumain ng baon ni Jin. Kwentuhan. 

Sa kabilang dako roon, hahaha, maiba nga tayo! Ano bang nangyari o kaganapan sa aking mapayapang buhay nitong 2012? 

Lika dito...isa-isahin natin.....

ARAL ARAL
  • Matagal ko ng gustong mag-aral ng HRM at nagkaroon ako ng pagkakataon na pag-aralan ito kahit maikli panahon lamang. Nag-enjoy ako sa natutunan ko. At mas interested ako doon sa Food and Beverage lalo na yong mixing ng mga alak. Sarap! Natutunan ko din kung paano ang proper na pagtupi ng bedshit bedsheets cover, etc. 



CHECK IN
  • Nakapag-check-in sa Fersal Hotel gamit ang napanalunang GC. Overnight ito with FREE breakfast. Sayang lang kasi walang kaharutan sa loob ng kwarto pero maigi na rin dahil super nakapag-relax ako.


EB with fellow bloggers. Get together with friends & officemates. 
  • Nagkaroon ng pagkakataon na ma-meet ang ibang bloggers. Unang nameet ko sina Joanne at Zai. Followed by Arline, Hash, Lori and Theo. Then, sinundan nina Mar, Jaid, and nakita ulit ang batchmate (ko yata ito) si Bino.
  • Nakakasama naman palagi ang naging kaibigan ko sa totoong buhay sina Joanne and Zai. Thanks blogspot! Hahaha!
  • Nakakasama rin palagi sa mga gala ang dabarkads ko sa totoong buhay. Thanks ulit blogspot dahil sayo may naging kaibigan ako. LOL!
  • Nag-get-together naman with ex-officemates and current officemates.


CONCERT
  • Napili naman ako sa close-up bilang isa sa mga nanalo sa kanilang pakontes na essay. Nagkaroon ng pagkakataon para mapanood ang concert ni Avril Lavigne noong February.


KAWANG-GAWA
  • Syempre, hindi mawawala ang outreach program bilang isang volunteer. Kung hindi ako nagkakamali yearly ko na yata nagagawa ang pagsali sa outreach program bilang volunteer. Kaya, I'm looking forward to join outreach next year.


BACK HOME
  • Umuwi naman ako sa probinsya ko kung saan sinubukan ko ang mag-landtrip at ang daming naganap on my way home. Na-stranded. May nag-away sa loob ng bus. 
  • Nakauwi ako sa pangalawang pagkakataon dahil nawalan naman ako ng isa sa mahal ko sa buhay ang aking......Tatay! Ang 2012 din pala ay hindi lang puro saya dahil sa taong ito, iniwan kami ng aming mahal na Ama. Pero tuloy pa rin ang buhay.... :)


TRIP TRIP
  • Nagkapag-VIGAN naman ang inyong lingkod with dabarkads. Inikot ang Ilocos Sur. Tinikman ang Vigan empanada at ang halo halo specialty ng Secret Garden.


TOUR
  • Nakapag-tour naman sa Phil Post, Metropolitan Theater.


HOLIDAY INN
  • Yes! Holiday Inn. Ang sosyal lang. Hahaha!Team bldg naman namin ito. 


Gaano kaumbok ang bundok mo?

  • For this year, nakalimang bundok na ako. So far ang pinakataas na naakyat ko ay ang Mt. Batulao with 811 MASL. Looking forward sa year-end mountaineering namin. Sana ay matuloy!


TAKBO TAKBO TAKBO

  • At syempre, hindi mawawala ang pagsali ko ng takbuhan. 

Madami-dami din pala akong nagawa nitong 2012 na hindi ko akalain na mangyayari. Sabi ko nga, enjoy life. Habang may dumating na pagkakataon. Grab it! Para walang sisihan at the end. So, thank you 2012 for making my life active.

Happy New Year everyone! Be safe sa paputok, okey? LOL!

Tuesday, August 21, 2012

Anong nasa isip mo?

Uy! Kamusta kayo? Lol! Ang haba ng weekend no? Ang saya lang. Parang gusto ko nga na tuloy tuloy na yong walang pasok. Hahaha. Toxic masyado sa opisina. Daming nangyari in just 2 weeks. Nag-resigned ang katabi ko. Sabi ko sa kanya, next in line na ako. Makiki-trending ako sa pagre-resign. Lol!

Oh, ayaw ko ng pag-usapan ang tungkol sa office. Kaka-stressed e. Naka-set na ang mind ko na kapag lumabas ng building...sasabayan din ng pag-iwan ng pagka-stressed. Bawal sumama! Kainis lang!

Okay na....fast forward na tayo ha?!

Saturday: FOOD TRIP
Ang plano ko sa araw na ito ay matulog ng matulog ng matulog....grabe! Gusto ko itulog lahat ng stressed at ka-toxic-kan na namumuhay sa katawan ko. Pero syempre, pagkagising ko e....nagutom ako. Kaya lumabas ako at....naghahanap ng feeding program para makikikain ako. Joke! Lol!

Ang nakaka-ganda lang sa lugar ko ay madami kang mahahanap na makakainan. Tamad lang talaga ako lumabas mas pinipili ko pang kumain ng kanin at milo kesa lumabas para kumain.

At itong araw na ito ay sinipag akong lumabas. At ito ang binili ko. At (di ako nauubusan ng "at") ito ang kinain ko sa isang kainan lang. Ang PG? Hahaha!

yummy yum yum... 

Sunday: MOUNTAIN CLIMBING
Umaatake na naman ang pagka-gala ng inyong lingkod. Matagal na itong pinagplanuhan ng mga kaibigan ko sa galaan. Ang problema nga lang ay ang panahon. Pambihira! Lagi kasing umuulan. Bumaha pa nga!

Mabuti na lang ngayong Linggo ay medyo okay ang panahon kaya hindi na nagdadalawang-isip na umakyat. First time ko itong ginawa kahit pa e...sanay akong umakyat ng bundok kasi probinsyano nga ako di ba? Kaya, masasabi kong first time ko dahil....ano nga ba ang dahilan ko? Hahaha. Ahh basta! Yon na yon! 

Dahil first time ko, hiningal ako, parang asong nauulol na labas ang dila. Grabe! Kung 5000 calories ang kinain ko noong Sabado, binawi naman siya sa pag-akyat ng bundok. Ang lakas maka-burn ng calories. Nag-magaling akong mag-compute ng calories. Hahaha!

Lesson learned sa pag-akyat ko, kumain muna mga 30minutes bago umakyat para di maubusan ng enerhiya ang katawan.

Pero achievement naman pagdating doon. Maulap nga lang ang panahon kaya di makita ang ibang bundok na kalapit nito.

Kung kagaano kabagal ang pag-akyat mula sa starting point hanggang sa tuktok ng bundok. Sobrang bilis naman ang pagbaba mo na parang tinutulak ka pababa. Sakit sa tuhod! Lol!

Kaya ayon, noong nasa bangka na pauwi...nakayoko na papikit-pikit dahil sa pagod. Pero sobrang nag-enjoy! :D
photo credit to jin

Monday: BOWLING
Nagpaka-mountainer ako noong Linggo. Ngayong Lunes naman ay nagpaka-sporty naman ako. E di ako! Hahaha.

Pangalawang beses ko na ito, naalala ko ang score ko dati mas mataas sya kesa ngayon. Isang beses lang akong naka-strike sa unang game. Sa pangalawa at pangatlo, WALA!!!!! Kainis! Lol!

Syempre, inienjoy ko ang paglaro nito. Lol! Tara laro tayo! Haha!

bowling... 
Tuesday: HOLIDAY pa rin?
Rest........

Rest...........

Rest..............

and.....

Rest.......

-End-


So, ikaw? Anong nasa isip mo?

Monday, May 23, 2011

Food Trip at Gala

Sobrang bored ako nitong nakaraang linggo na parang ikakamatay ko na ang boredom na iyon. Joke lang! Hehe! Pero minsan talaga darating sa ating buhay ang pagkabagot. Sa kaso ko, madalas ko itong nararamdaman lalo na sa buwang ito. Dumating sa punto na dahil sa pagkabagot ay kung anu ano na ang pumapasok sa isipan at pati trabaho ay naapektuhan.

Kaya naman naisipan kong lumabas ng lungga. Magliwaliw sa kung saan man dalhin ng mga paa. Habang nasa kahabaan ng EDSA ay nagtatalo ang isipan kung saan tutungo. Mabuti na lamang at may nag-suggest na lugar kung saan ako pwede pumunta. Hindi alintana ang init ng araw noong mga panahon na iyon. Basta lamang maisakatuparan ang naisin na mag-unwind.


Napadpad ang inyong lingkod sa lugar ng Las Piñas na kung saan ay matatagpuan ang Mary Immaculate Parish o kilala sa tawag na Nature Church. Naiiba siya na simbahang napuntahan ko. Pinalibutan ito ng mga punong kahoy, na sa unang tingin ay parang restaurant o bar ito. 


Ang Nature Church ay gawa sa kahoy, dahon ng anahaw, cogon, capiz at iba pang uri ng native products. Ang altar ay gawa sa driftwood and polished tree stumps na nagsisisilbing upuan ng mga churchgoers.





Naiiba talaga ang Nature Church sa lahat ng simbahang napuntahan ko. Masasabi mong napaka-creative ng Pinoy. Kung ikaw ay naghahanap ng peace of mind and refreshing experience, subukan mong pumunta rito. Napapalibutan din ito ng hardin. 


Hindi ako nagtagal doon dahil may wedding ceremony. Wrong timing ang pagpunta ko. Hehehe! Pero okey lang, babalik ako some other time. Next stop, pinuntahan ko ang kilalang simbahan sa Las Piñas ang Bamboo Organ. 


Napakalumang simbahan na ito. The church was completed in 1819, and the organ finally completed in 1824 after Fr. Cera decided to use metal for the trumpets.


Mga ilang minuto lang din ang tinagal ng inyong lingkod sa lugar na iyon dahil hapon na. At bago tuluyan bumalik sa lungga, ay naisipang mag food trip muna sa Cafe France. 

At ito ang mga nilamon ng inyong lingkod. Hehehe! 

Mini Chicken Bechamel

Iced Tea

Seafoods Marinara

Teka, kung ikaw ay magtatanong kung saan ang Nature Church - ito po ay matatagpuan sa Apollo III Moonwalk Village Talon V, Las Piñas City.