Paglalakbay
Nais kong libutin ang mundo. Nais
kong marating ang iba’t ibang lugar na nakikita ko lamang sa telebisyon at
magasin. Nais kong alamin ang kasaysayan ng bawat pook na mapupuntahan ko. Pero
umpisahan ko ang paglalakbay sa lugar kung saan ako ay naging isang Pinoy…..ang
Pilipinas!
Ako si Lawretz, isang
manlalakbay!
Ang unang paglalakbay ay sa lugar
kung saan ako ay ipinanganak. Dito ipinagdiriwang ang tinatawag na “Bonok Bonok
Marajaw Karajaw Festival,” ito ay pagsasalamin ng isang mayamang kultura na
ipinaman sa lungsod. Ito din ay bilang
paggalang kay Saint San Nicolas de Tolentino. Ang bonok bonok ay isang ritwal
na sayaw ng mga katutubo. Ipinagdirawang ng mga Surigaonon sa buwan ng Septembre.
Bilang isang bagong manlalakbay
ito napakagandang karanasan para sakin dahil bihira ko lang ito masaksihan.
***
Ang susunod na paglalakbay ay sa
lugar kung saan tinatawag itong City of Smiles. Ipinagdiriwang nila dito ang
tinatawag ng Festival of Smiles o mas kilala sa tawag ng “Masskara Festival”.
Ang kwento sa likod ng maskara ay noong ika-22 Abril 1980 ang barkong Don Juan
ang may dalang mga Negrenses kabilang ang prominenteng pamilya ng Bacolod City,
bumangga sa barkong Tacloban City at ito ay lumubog, tinatantyang halos 700 ang
namatay.
Dahil sa trahedyang ito,
napagkasundo ng kinauukulan na ipagdiwang ang Masskara Festival bilang
deklerasyon na kahit anong bigat na pangyayari ang nakakaharap ng mga tao ay
marunong pa rin silang ngumiti. At dito naging tanyag ang Masskara Festival ng
Bacolod City.
***
Rinig na rinig ko ang hiyawan ng
isang grupo sa may kanang bahagi ng kahabaan ng Session Road habang hinihintay
ang pagsisimula ng pagdiriwang sa lugar. Ang pagdiriwa na ito ay tinatawag na Flower Festival na mas kilala sa
tawag ng “Panagbenga Festival”, sa buwan ng Pebrero. Nilikha ito bilang
pagkilala sa mga bulaklak ng lungsod at bilang isang paraan para bumangon mula
sa pagkawasak ng lumindol noong 1990.
Ang mga kalahok sa patimpalak na ito ay may
iba’t ibang magaganda at matitingkad na kulay na kasuotan na may dala-dalang bulaklak
ang bawat isa.
Pero hindi lang ito ang napansin
ko. Kapansin-pansin ang isang babae kasama sa grupo na kanila lang ay hiyawan
ng hiyawan. Isang mala-anghel na mukha ng isang babae. Maganda at simpleng
babae. Makinis ang balat. Matangos ang ilong. Mahaba ang buhok. Ito ang pumukaw
ng atensyon ko. Ang ganda niya!
Hindi ko man sinasadya pero hindi
maalis ang aking paningin sa napakagandang babaeng nakita ko sa tanang buhay
ko. Habang hinihintay ko din ang pagsisimula ng pagdiriwang ay nakatulalang
nakatingin sa kanya.
Lingid sa aking kaalaman ay
nakatingin din siya sa akin, napangiti siya. Pero nakikita ko na lang ang aking
sarili na hawak hawak ang kamera’t kinukuhanan sya ng larawan sa iba’t ibang
angulo. Bawat ngiti. Bawat galaw. Bawat kilos ay hindi pinaglagpas ng aking
kamera. Napakagandang babae!
“Ayan na! Ayan na!” Sabay turo
niya sa mga umiindak at sumasayaw na mga kalahok. Habang ako naman ang abala sa
pagkuha ng larawan.
Klik….klik…klik…
***
Maraming lugar na rin akong
napuntahan. Maraming natutunan sa bawat lugar at ang kasaysayan nito. Ang mga
kwento at kasaysayan na kanilang pagdiriwang. Bawat paglalakbay ko ay punong
puno ng kaalaman. Madami na rin akong nakilala, isang manlalakbay din katulad
ko. Pero isa lamang ang hinding hindi ko makakalimutan sa aking paglalakbay.
Ang babaeng nakita ko, ang babaeng nasa mga larawan.
Kasunod kong pinuntahan ang
tanyag na pagdiriwang, ang “Sinulog Festival” ng Cebu City, tuwing ikatlong
linggo sa buwan ng Enero. Ang pagdiriwang ito ay bilang paggunita sa pinagmulan
ng mga tao at bilang pagtanggap ng Katolisismo Romano. May 800 na katutubo ang
nabinyagan sa simbahang katoliko. Ang pagsayaw hawak ang Santo Nino ay bilang
basbas sa lahat ng tao para maiwas sa kapahamakan.
Habang nakikisaya ako sa mga
umiindak na kalahok ay napansin ko na naman ang isang babae na palagay ko ay
nakita ko na. Yong babae na kinuhanan ko ng larawan. Nakikiindak sa mga kalahok
ang nasabing babae. Dali dali kong tinutok ang mga lenses ng kamera ko dahil
ito ay panibagong pagkakataon na siya ay aking makuhanan.
Akmang akma nakatingin siya sa
akin habang nakangiti. Klik!
***
Pag-ibig ng manlalakbay
Pauwi na ako noon mula sa aking
paglalakbay. Dali dali akong pumasok sa himpilan ng eruplano dahil nahuli na
ako ng ilang minuto. Sa sobrang pagmamadali ko ay nabonggo ko ang isang babae
na nakakasalubong ko na nagmamadali din sa paglalakad. Nalaglag ang kanya mga
gamit at agad agad kong dinampot at humingi ng paumanhin.
“Binibini, pagpaumanhin po ninyo.
Ako po ay nagmamadali. Pasensya na,” sabay abot ng kanya mga gamit.
“Wala yon! Pasensya na rin at
hindi ako nakatingin sa dinadaan ko. Nagmamadali din kasi ako at maiiwanan na
ako ng eruplano ko,” sagot niya.
Pagkalingon ko, siya ang nasa
harapan ko ngayon. Ang babaeng nasa mga larawan ko. Nakangiti. Natameme ako at
natulala. Nawala na sa isip ko ang oras ng lipad ko. Pero, hindi ko nakalimutan
ang pagpakilala sa kanya.
“Ako nga pala si Lawretz….Lawretz....”
hindi ko na natuloy dahil tinatawag na ng information center ang aking
pangalan.
“Ayan, Ginoo! Ikaw po yata ay tinatawag
na.” Sabay tawa niya. “Julian Monte de Ramos. Mag-ingat ka, Ginoo!”
“Salamat!” ang tanging tugon ko
sa kanya.
***
Hindi lang kasaysayan ang
natutunan ko sa mga lugar na pinupuntahan ko. Natagpuan ko din ang aking
pag-ibig, ang babaeng akala ko sa larawan ko lang nakikita. Si Julian, ang
babaeng pumukaw sa natutulog kong puso. Siya ang babaeng matagal ko ng
pinangarap. Siya ang babaeng akala ko’y sa panaginip ko lang makakasama.
Kahit matagal ka ng nag-iisa sa
buhay mo. Kahit minsan pakiramdam mo’y tatanda kang walang makakasama. Pero
napatunayan kong maling akala lamang ang mga ito. Dahil sa tagal kong naghintay
at matagal din akong nag-iisa sa buhay. Pero dumating ang araw na natagpuan ko
siya. At natagpuan nya ako.
“May mahalagang bagay akong
ibibigay sayo, Julian”
“Ako din. May mahalagang bagay
akong ibibigay sayo. Ito’y napakahalaga sa akin.”
Sabay naming inabot ang regalo
namin sa isa’t isa. At sabay sabay din namin itong binuksan. Habang dahan dahan
niya itong binuksan. Nakita ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Noong
nakita ko din ang regalo niya para sa akin. Hindi ako makapaniwala.
“Kinukuhanan mo din ako ng mga
larawan ko noon?” Tanong ko sa kanya.
“Oo, Lawretz! Palihim din kitang
kinukuhanan ng larawan. Hindi ko akalain pati ikaw ay kinukolekta ang mga
larawan ko.”
“Noong una kitang nakita. Gustong
gusto na kita. Nagkaroon ako ng pagkakataon ng makuhanan kita ng larawan. Sabi
ko, kahit sa larawan man lang kita mapagmasdan t makasama.”
“Hindi na ngayon!”
“Oo! Dahil habang buhay na kitang
pagmasdan at makakasama. Mahal na mahal kita, Julian!”
“Buong buhay kita mamahalin,
Lawretz!”
-Wakas-
Ito po ay opisyal na kalahok sa Saranggola Blog Awards 4 sa kategoryang Maikling Kwento.
Sponsors:
haneps sa entry. gudlaks emps! :D
ReplyDeleteGood luck too! hehehe
DeleteHuwaw..love story! At happy ending siya ngaun ah? :D
ReplyDeleteGood luck Empi! ♥
Para maiba....magrereklamo ka na naman kasi kapag pinatay ko ang bida. hahaha
Deletepaglalakbay pa lang naisip ko na'ng entry ito sa SBA eh. ayos! Good luck empi :D
ReplyDeleteThanks, bino! :D
Deletegoodluck sa entry mo pareng empi
ReplyDeleteThanks, mecoy! :)
DeleteGood luck sa iyong paglalakbay. Good luck sa entry mo na to :)
ReplyDeleteSalamat po! :D
DeleteAi in love talaga sila empi a good luck!
ReplyDeletehahaha. di naman po. :D
Deletethanks
Nice! Aliw ako sa name na Lawretz, parang short for Lukaretz :) Good luck sa entry Empi!!!
ReplyDeletehahahaha. lukaretz ka zai! LOL
Deletegoodluck sa entry .. at may panlaban ha ...
ReplyDeleteaww. di ko maiwasang mabuhayan ng loob na someday makikilala ko rin ang right man for me. anyway..good luck sa entry. =D
ReplyDeleteoo naman. bata ka pa. hehehe
Deletegood job. :)
ReplyDelete