Monday, July 30, 2012

Ngiti Lang

Ngiti lang, ngiti lang pag mayroong problema
Ngiti lang, daanin sa ngiti at tawa
Maari ngayon di mo malaman
Ang mga sagot sa mga katanungan
Ngiti lang, maaayos din yan, ngiti lang


Maulang umaga sa inyo! Napaka-productive ng weekend ko. Dahil naging volunteer ako sa isang outreach ng pinangungunahan ni Madz....ang Project SMILE. Ito ay ginanap sa Childhauz, Quezon City.

Sabado, alas sais pa lang ng umaga ay nagpunta na ng SM North dahil doon ang meeting place ng mga volunteers. Na-met ko una si Ate Bhing. Then, si Sir Pete. Ilang oras ang paghihintay ay nakita ko din ang iba pang volunteers sa nasabing outreach program.

Naghihintayan pala kami noong sabado, buti na lang si Ate Bhing tumingin sa may likuran namin at nakita nya ang banner ng Isang Minutong SMILE. Kaya ayon, lumapit kami sa kanila.

Ilang sandali lamang ay dumating si Ate Rose kasama si Darryl (anak niya). Ayon, kumpleto na ang grupo. Kaya, nagpunta na sa lugar kung saan gaganapin ang programa.

Pagdating sa Childhauz, mga ilang sandali lamang ay nagdistribute muna ng breakfast para sa mga bata at sa kani-kanilang guardian. Pagkatapos nilang kumain, inumpisahan agad ang programa sa pamamagitan ng prayers tapos kasunod nito ay mga palaro para mag-enjoy ang mga kids.


Nag-enjoy ang mga bata sa iba't ibang laro kasama ang ilang volunteers. At kasama rin sa mga laro ang mga magulang ng mga bata para pati sila ay mag-enjoy din. 

Pagkatapos ng laro, si Zyra naman ay nagbahagi ng kwento at ng aral sa mga bata.

May activity naman silang ginawa sa pangunguna naman ni Ms. Leny. Ang gagawin nila ay kukulayin ang mga letrang nakasulat sa isang cardboard gamit ang iba't ibang kulay ng sands at saka glue. May ginawa kami ni Ate Bhing, kaso hindi ko na-picturan. Binigay ko kay Danielle ang finished product namin ni Ate Bhing. Maganda siya gawin sa bahay para magbonding kayo ng mga kids mo o kaya pamangkin.

Habang tinatapos nila ang kanilang ginagawa, na mukhang nag-eenjoy sila sa pag lagay ng kulay sa mga letra.  Nagdistribute naman ang ibang volunteers ng lunch para sa kanila. 

At isa sa nagpapahipo sa aking puso, hindi lang siguro sa akin pati sa ibang volunteers, ay yong pagkanta ng mga bata. Grabe! Nakakaiyak ang kanta nila.

Blessed pa rin tayo dahil hindi natin na-experience ang magkaroon ng karamdaman katulad ng mga batang ito. Nakaka-guilty no? Dami nating reklamo sa buhay, bakit ganito, bakit ganyan...blah blah blah. Pero kapag tignan mo ang mga batang ito na nag-eenjoy sa bawat oras ng kanilang buhay. Simpleng bagay ang ibibigay sa kanila ay tuwang tuwa na sila. Hindi nila alintana ang karamdaman na dinadala nila. Ramdam mo at makikita mo sa kanilang mga ngiti ang contentment. Kaya, we are still blessed!

Kagaya nga ng kanta na nasa itaas, ngiti lang kapag may problema. Dahil matatagpuan mo din ang kasagutan nito.

Sa next PROJECT SMILE ulit. Count me in! :) Good job sa nag-organized ng event at sa founder at pati na rin sa mga volunteers. God bless us!


******
Noong linggo naman, tumakbo ako sa Milo Marathon. Pangalawang beses ko pa itong takbo sa Milo. Haha! Ang loser ko lang. Kainis!

5k lang tinakbo ko dahil yong ang pinakamura. Hahaha! At natapos ko naman ito sa loob ng 42minutes (estimated time).

Salamat sa mga running buddies ko! Nagkakasama ulit tayo! :D
Good day! SMILE!


videokeman mp3
Thanks to You – Taylor Collins Song Lyrics

***photos from Ate Bhing and Zyra

26 comments:

  1. kahit ano mang suliranin ang dumating, ngumiti lang! :D

    ReplyDelete
  2. yey! nakikilala ko rin kayo ser!.... kinagagalak ko kayong makilala.. di man tayo nakapagkwentuhan.... atleast iisa ang naging layunin at adhikain natin... ang makapagbigay ng ngiti... hindi lang ngiti kung masarap na tawanan... hanggang sa muli po...

    Shy! :D

    ReplyDelete
  3. NICE.. productive nga!! At naiinggit ako sa pagiging productive mo.. :) hahaha keep it up..

    ReplyDelete
  4. congrats d2 pre. more power. ngti lang kahit anu pang dumating sa buhay...

    ReplyDelete
  5. ang sarap siguro ng feeling na mag-volunteer sa ganitong mga activity :)

    ReplyDelete
  6. I'm in aw when it comes to this charity program (umeenglish?)

    pero totoo, bilib ako sa mga gumaganyan...salute to you and the other volunters empi boy!!! ^_____________^

    ReplyDelete
  7. smile do ur heart is aching .... smile kahit di okay :) ngiti ng unli!

    ReplyDelete
  8. May naalala ako sa song, nakakaiyak nga.. na-touch ako sa 6th photo.. keep smiling..

    ReplyDelete
  9. want ko din mga volunteer sa ganayn galing mo

    ReplyDelete
  10. Milo finisher ka rin pala. nag-5k lang din ako this time. hahaha

    ReplyDelete
  11. sana ininvite mo ako sa outreach, para may artista! char haha!

    super fun and meaningful ang weekend mo Empi, good for you! :))

    ReplyDelete
  12. congrtas sa isangminutong smila at sa milo run!

    ReplyDelete
  13. Hi, Nice post thanks for sharing. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back.

    Thanks!

    Randy
    randydavis387@gmail.com

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D