Showing posts with label Fiction. Show all posts
Showing posts with label Fiction. Show all posts

Monday, November 12, 2012

Search Tab: Jomer

“Mga anak, mahal kong asawa, mag-ingat kayo dito ha. Tandaan ninyo na mahal na mahal ko kayo.”

Limang taon pa lang ang panganay kong si Jessie at tatlong taon naman si Rafael. Nangibang-bansa ang aking asawang si Jomer para sa aming kinabukasan. Mahirap dahil mag-isa kong itataguyod ang aking dalawang anak. Mahirap pero kailangan naming magsakripisyo para sa aming ikabubuti. Limang taon? Mabilis lang ang takbo ng panahon. Kaya yan!

Sa unang dalawang taon, sa pamamagitan ng liham lamang kami nagkakausap ni Jomer. Buwan buwan kaming nagsusulatan at nagbabalitaan sa mga pangyayari ng bawat isa sa amin. Pero lumipas ang limang taon. Walang dumating na Jomer sa tahanan namin. Nadismaya ang mga anak namin, ako at mga magulang niya pati mga kamag-anak niya. Wala naman kaming naging problema. Wala rin kaming nababalitaan na sakuna sa eroplanong sinasakyan niya. Nasaan ka Jomer?, tanong ng isip ko.

Mahal kong asawa,
Malayo man ako sayo at sa ating mga anak. Tandaan mong hinding hindi ko kayo pababayaan. Mahal na mahal ko kayo. Gustong gusto ko na kayong makasama. Malalaki na ang mga anak natin. Gusto kong nandiyan ako sa tabi nila habang nagdadalaga at nagbibinata sila.

Mahal, konting tiis na lang. Makakasama ko na kayo. Pangako, hindi ko na kayo iiwan. Sapat na ang naipon natin para sa pagpapatayo ng ating negosyo. Ang hirap mawalay sa inyo. Pero kinaya kong lahat para sa atin.

Mag-ingat kayo dyan. H’wag nyo akong alalahanin dito.

Nagmamahal,
Jomer

Huling sulat na natanggap namin mula kay Jomer.
***
Lumaki sila Jessie at Rafael na hindi nakakasama ang ama nila. Dumaan ang mga birthdays , graduations, at pasko na wala si Jomer. Labing-anim na taon na ang nakalipas, ni wala man lang akong nabalitaan kung ano talaga ang nangyari kay Jomer. Pati sa agency niya, walang makakapagsabi kung nasaan siya. Hindi ko na rin alam kung ano ang isasagot ko sa mga kamag-anak niya at lalo na sa aming mga anak. Jomer, bakit mo ito ginawa sa akin?

“Nay! Nasaan ba talaga si Tatay?”

Ang laging tanong ng mga anak ko kapag nasa hapag-kainan kami, wala akong tamang maisagot dahil kahit ako man ay walang alam. Labing limang taon na rin ang nakalipas na wala kaming balita sa asawa ko simula noong siya ay mangibang-bansa hanggang sa natapos ang limang taong kontrata. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Buong pamilya ay nag-alala sa kanya.

Kolehiyo na ang dalawa kong anak. Sa awa ng Diyos, naitaguyod ko naman silang mabuti at napag-aral. Nagpasalamat na rin ako dahil lumaki silang masipag mag-aral at mababait. Wala rin akong naririnig mula sa kanila na may galit sa kanilang ama. Hay! Nakakalungkot! Jomer, sana andito ka!
***
Sa Computer Laboratory…

“Ate, i-search kaya natin si Tatay sa net?” Sabi ni Rafael, “malapit na birthday ni Nanay. Pang-gift na lang natin si Tatay para sa kanya. Naawa na ako sa kanya e. Minsan nakikita ko siyang tulala at umiiyak.”

“Nasubukan ko na noon sa friendster pero wala e. Pero tama ka. Subukan nga natin sa Facebook,” sagot ni Jessie. “Ano ba talaga nangyari kay Tatay?”

Mga tanong na hindi masagot ng bawat isa sa amin. Pero minsan, umaasa pa rin akong magkakaroon ng sagot sa lahat ng tanong.

“Rafael, ang daming kapangalan ni Tatay dito oh,” sambit ni Jessie, “makikilala pa ba natin siya?”

“Hindi ko na rin matandaan mukha niya e. Sa tagal ng panahon na hindi natin siya nakita at nakasama. Malabo yata ate na makikilala natin si Tatay,” sagot ni Rafael.

“Wag tayong mawalan ng pag-asa. Dapat gagawa tayo ng paraan. Tayo naman ngayon ang kikilos, Rafael. Para sa ating ina.”
***
 Ilang buwan din ang paghahanap ng mga anak ko sa kanilang Tatay. Wala akong kaalam-alam na gumagawa pala sila ng paraan para mabuo ulit kami. Nawalan na ako ng pag-asa. Pero ang mga anak ko pala ay umaasa na isang araw makakasama namin siya.

“Rafael, mag-usap nga tayo.”

“Bakit Ate? May nagawa ba ako?”

“Wala naman. May sasabihin lang ako sayo tungkol kay Tatay.”

“Natagpuan mo na si Tatay?”

“Oo! Naghalungkat ako ng mga larawan ni Tatay. At isa isa kong tinitingnan doon sa lahat ng mga kapangalan niya sa Facebook. Sa awa ng Diyos, natagpuan ko siya.”

“Wow! Ate, ang galing mo!” Sabay yakap ni Rafael kay Jessie, “kelan natin siya makikita? Teka, bakit parang malungkot ka? Natagpuan mo na siya di ba?”

“Hindi ko alam Rafael kung paano ko sasabihin ito. Ano kasi e….tinawagan ako ni Tatay kagabi lang.”

“Ate, sabihin mo na…”

“May ibang pamilya si Tatay,” mahinang sabi ni Jessie, “pero gusto niyang makipag-usap at makipagkita sa ating dalawa.”

Nagkita at nagkausap ang mag-amang Jessie, Rafael, at Jomer. Nailahad na rin kung anong dahilan ni Jomer bakit bigla siya nawala. Tinanggap naman siya ng buong buo na walang halong puot na naramdaman ng mga anak niya. Pinatawad at tinanggap siya ng mga anak niya.
***
Dumating ang araw ng aking kapanganakan. Nagdiriwang kami ng aking dalawang anak at ilang mga kamag-anak. Naging masaya naman ang kaarawan ko pero sana mas masaya kung andito si Jomer. Ilang kaarawan ko na rin siya hindi nakakasama pero hindi ko alam kung bakit lagi ko pa ring pinapangarap na makakasama siya.

Habang nagkasiyahan kami sa hapag-kainan. Nagbibiruan. Naglolokohan. Nagtatawanan. Masaya. Nakangiti ang lahat. Pero isa lang ang tunay na magpapangiti sa akin.

“Nanay, may sorpresa po kami sa inyo,”pilyong ngiti ni Rafael.

“At ano na naman yan Rafael ha?”

“Basta,” sabat ni Jessie.

“Kayong dalawa ha…ang hilig niyo sa sorpresa na yan,” sagot ko “t’wing kaarawan ko lagi niyo na lang akong……”

Pero naputol ang sasabihin ko dahil may biglang nagsalita sa likod namin.

“Maligayang kaarawan, Dolores.”

Nagkatinginan kaming lahat sa kinaroroonan ng boses. Laking gulat ko dahil si Jomer ang nakikita ko. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.Sobrang laki ng ngiti ko noong makita siya.

“Jomer,” sambit ko, “nagbalik ka!” sabay yakap ko sa kanya. “Anong nangyari sa’yo? Bakit ngayon ka lang nagpakita?”

Walang patid ang pagbuhos ng aking mga luha sa mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Masaya ako, dahil sa haba ng taong paghihintay, ito siya nagbabalik.

Nilapitan ko siya. Niyakap ng mahigpit.

“Jomer…mahal ko, nagbalik ka. Salamat sa Diyos!” Nagyakapan kami. Lumapit sina Jessie at Rafael habang punas punas ang kanilang mga luha sa mata. Nagyakapan kaming apat.

“Dolores…mahal ko! Patawad!”

“Tatay… Nanay…kumpleto na tayo” sambit ni Jessie.

“Patawad, Dolores! Patawad dahil hindi ako bumalik sa inyo. Dolores, nagkaroon ako ng isa pang pamilya. Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko sa inyo ng mga anak ko. Sa pamilya ko. Pero nandito ako para humingi ng tawad,” paghingi ng tawad ni Jomer “si Jessie ang nakahanap sa akin sa pamamagitan ng Facebook. Simula noon, lagi ko na siya nakakausap. Minsan, tinatawagan ko siya.”

“Nasaan ang pamilya mo?”

“Namatay ang asawa ko dahil sa kanser. May isa kaming anak, sampung taong gulang,” patuloy na kwento ni Jomer “tuluyan na sana akong hindi magpakita sa inyo dahil wala akong mukhang maihaharap sayo, sa mga anak natin at sa mga kamag-anak natin. Pero simula noong nakausap ko si Jessie at Rafael. Alam kong mahirap tanggapin ang isang taong nakagawa ng malaking kasalanan pero andito ako naglakas loob para humingi ng tawad sa inyo. Dolores, mga anak ko…..patawarin ninyo ako.”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Walang patid ang luha sa aming mga mata. Luha ng kaligayahan at luha ng hinanakit.

“Pinapatawad na kita, Jomer! Kailangan ka namin ng iyong mga anak. Magsimula ulit tayo.”

“Ayos,” sabay sabi nina Jessie at Rafael.

“Huy! Kayong dalawa ha…kumukota na kayo sa sorpresa sakin. Humanda kayo!”

“Nanay naman e…pero uuyyyy masaya na siya!”

Tawanan ang lahat…

Ako si Dolores. Ito ang kwento ng buhay ko. Dahil sa Facebook natagpuan at nakasama kong muli ang taong nagpapakumpleto ng aking buhay…si Jomer!

*Wakas*


This is my official entry for PEBA 2012.

Theme: The Social Media and I: Bridging the Past, Present and Future

Sunday, September 9, 2012

With a Smile (Goodbye)

Limang taon. Oo. limang taon din nating pinagsasaluhan ang mainit ng ating pag-iibigan. Sa una, akala ko hindi natin malagpasan ang pagsubok na dumaan sa ating pagsasama. May mga pagkakataon na gusto na nating bumitiw pero dahil sa pagmamahalan natin. Tayo'y pinagsama pa rin ng ating tadhana. Noon, hindi ko akalain na magiging tayo. Hindi ko lubos maisip na ikaw at ako ay magkakasama at pagsaluhan ang magagandang alaala.

Dati, lagi kong iniisip na langit ka at nasa lupa lamang ako. Ang hirap mong abutin. Pero laking gulat ko, isang araw, ikaw'y napapasaakin. 

Dati, akala ko, ayaw ng mga magulang at mga kapatid mo sa akin dahil sa antas ng inyong pamumuhay. Kumpara naman sa antas ng aking pamumuhay. Malaki ang agwat. Pero hindi ito balakid sa ating pagmamahalan. Bagkus, tinanggap nila ako ng buong buo. Walang pagdududa!

Ang saya noong mga panahong iyon. Kaya, sobra kitang minahal at inaalagaan. Pati mga magulang at mga kapatid mo ay minahal ko at inaalagaan ko dahil sa isip ko, bihira lamang ang ganito, ang pagtrato nila sa isang katulad ko. Sobra napakabuti nila sakin.

Dumating ang panahon na bigla ka na lang nanghina. Biglang humina ang katawan na dati kay sigla. Napag-alaman namin, na hindi ka na magtatagal. Sobrang lungkot ng aking nadarama. 

Hanggang sa dumating ang araw na iyon, nais mong dalhin kita sa dalampasigan. Nais mong lumanghap ng sariwang hangin. Dinala kita roon. Kumapit ka sa aking likod habang naglalakad tayo papunta sa dalampasigan. Ramdam na ramdam ko ang iyong paghahabol ng hininga. Ramdam ko ang panghihina mo. Pero lakas loob mo pa ring magpatuloy sa ating patutunguhan.

"Kargahin na kita," ngunit ngiti lamang ang sinagot mo sakin.

Kinarga kita hanggang marating nating ang dalampasigan. Dahan dahan kita binaba sa buhanginan. Kitang kita ko ang mga magaganda mo pa ring ngiti. Ngiti na laging nagpapalakas ng aking loob.

Katabi kitang nakaupo hanggang tinatanaw ang papalubog na haring araw. Hawak hawak ang kamay mo. 

"Napakaganda ng buhay. Napakaganda ng buhay ko noong makilala kita," mahina mong sabi  sa akin "napakasaya ng mga alaala ng ating pinagsasaluhan. Masaya akong binigyan mo ng kulay ang mundo ko. Hindi mo nakakalimutang isuot ang mga ngiti sa aking mga labi."

Halik lamang ang naisagot ko sa mga salitang lumalabas sa iyong mga labi. At ang katagang, Mahal na mahal.

"Rex, nais ko ng matulog" sambit mo sa akin "mahal na mahal din kita." Higpit ng yakap mo sakin habang sinasabi mo iyon. Humiga sa aking kandungan. Dahan dahan mong pinikit ang mga mata mo habang sinasabi ang "Maraming salamat..."



videokeman mp3
With a Smile – Aiza Seguerra Song Lyrics

Monday, August 27, 2012

Hanggang Kailan

"Lumayas ka kung ayaw mong mapatay ng mga tao..."

Ang mga katagang paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan habang nilalakbay ko ang makipot na daan patungo sa madilim na kagubatan. Hindi ko alintana kung ano man kapahamakan ang sasalubong sa aking paglalakbay na ito. Nais ko lamang makalayo sa mga taong umaalipusta sa aking pagkatao. Gabay ko ang mga kulisap at mga halamang ligaw habang binabaybay ko ang kagubatan.

Hindi ko alam kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Pero umaasa ako kung saan man ako dalhin nito ay magiging maayos ang kalagayan ko. Walang mananakit. Maging masaya.

Bahala na, sa isip ko, tuloy lang sa paglalakbay. Wala na akong mailabas na luha. Pagod na ang puso kong niyurakan ng mga tao makitid at walang pang-uunawa. Tao din ako. Simula't sapul ay ayaw na rin ng aking pamilya sa akin. Salot --- ito ang salitang hindi mawaglit sa aking kaisipan kahit noong musmos pa lamang ako.

Wala akong nagawa kundi lisanin ang lugar na napapamahal na sa akin. Ang aking pamilya na akala ko'y magtatanggol sa aking kalagayan ngunit sila mismo ang tumulak sa akin palayo. Napakasakit! Nakakalungkot dahil ang mga taong malapit sa iyong puso ay pinabayaan at hindi pinagtanggol. Ganun na nga siguro ang buhay...mapaglaro!

Subalit ipagpatuloy ko ang buhay ko malayo sa kanila. Walang mang-aapi. Walang mananakit. 

Dito ko ipagpatuloy ang buhay ko....sa kagubatan!

Monday, June 18, 2012

Tatsulok


***
Ang buhay ay mapaglaro. Kapag hindi ka marunong lumaban, talo ka! Sa buhay, hindi lahat ng gusto natin ay  mapapasaatin. Minsan, akala mo ang taong gusto mo ay gusto ka rin. Minsan, binigay mo na ang buong puso mo sa taong akala mo ay buong buo din binigay ang puso niya sayo. Hindi lang minsan kundi madalas ay paglalaruan ka ng iyong tadhana.

Ang taong iniibig ko ay meron ding iniibig na iba. Mahal niya ako pero hindi buo! Oo, naging kami. Pero hindi tumagal. Hindi nag-work ang relasyong sinimulan namin. Umabot ng isa’t kalahating taon, okey na yon! Sa sandaling iyon ay naging masaya naman ako, sa sandaling iyon ay naramdaman ko din naman kahit papaano ang pagmamahal na hinahanap ko. ‘Yon nga lang e sa bandang huli ay sakit ang nararamdaman ko sa katutuhanang hindi pala talaga ako  minahal ng buo. Kumbaga, pinaniwala ka ng mahal na mahal ka niya.
Ako si Claire, umiibig kay Alex, siya ang lalaking minahal ko, siya ang nagturo sa ‘kin sa lahat ng bagay na hindi ko pa nagagawa, at siya ang nag-introduce sa ‘kin sa sports at iba’t ibang klase ng pagkain na hindi ko pa natitikman.

Masakit! Sobrang sakit na mawala siya buhay ko. Pero wala nga akong magagawa. Sabi nga, first step to moving on is to MOVE.

**
Malaki ang pagkakamaling nagawa ko sa tanang buhay ko. Pinaasa. Sinaktan ko ang babaeng pinagkatiwala sa akin ang kanyang puso. Umaasa ako noon na mamahalin ko siya ng buo pero nagkamali ako. Dahil sa t’wing kami’y magkasama, pinapangarap ko na sana siya ang kasama ko (ang tunay na nagpapatibok ng puso ko). Oo, alam kong mali ako. Maling mali!

Sa loob ng isa’t kalahating taon ko siyang pinaniniwala na siya ang mahal ko, na siya ang nagpapasaya sa akin araw-araw, na siya ang pinapangarap ko na makakasama habang buhay.

Kinukurot ang puso ko sa t’wing ibubulong niya sa ‘kin ang, “Alex, wag mo kong sasaktan ha.”

Siguro nga, pagkakataon na ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kami. Ang hirap palang makasakit ng kapwa mo lalo na kung ang taong nasasaktan ay wala namang ginawa sayo ng masama. Nakaka-guilty dahil sa loob ng isa’t kalahating taon ay pinaramdam niya sa ‘kin ang pagmamahal na walang kapalit at inaalagaan niya ako.

Madaling magpanggap na masaya ka. Madaling sabihin na abot langit ang kasiyahang nadarama mo sa t’wing kasama mo ang iyong irog. Subalit, napakabigat nito sa dibdib dahil ikaw lamang ay nagpanggap. Nasasabi ko na lang sa sarili ko, sana sinisigurado ko ang nararamdaman ko noon para hindi ako nakakasakit ng damdamin ng ibang tao.

Pinagdusahan ko na ang mga pagkakamaling nagawa ko. Umiibig ako sa babaeng napakamanhid. Umiibig sa babaeng hindi ko alam kung may pagtingin sa akin o wala. Ang sakit pala ng ganito, ang hirap! Dahil hindi ko alam kung aasa pa ba ako o palayain ko na lang siya sa aking puso. Ngunit, may parte ng aking puso ang nagsasabi, wag mo pakawalan. Ang hirap!

“Hanggang pangarap ka na lang ba, Donna?”

**
Mabait siya sa akin. Inaalagaan niya ako kahit hindi ko naman hinihingi sa kanya. Binibigay ang lahat ng kailangan ko. Mag-isa lang ako sa lugar na ito. Walang kamag-anak. Walang kakilala. Pero isang lalaki ang natagpuan ko na nagmamalasakit sa ‘kin. Pinaramdam niya kung gaano ako ka-espesyal. Tinuring ko siyang matalik na kaibigan. Pero alam ko at ramdam ko na iba ang pagtingin niya sa akin.

Nakakatuwang isipin dahil sa kanya ko naramdaman na noon ay hindi maibigay ng kamag-anak at pamilya ko. Itinakwil nila ako. Pinalayas. Kinamuhian ng buong barangay. Kahit pamilya ko ay hindi ko ito maramdaman. Pati pamilya ko, na akala ko, sila ang magtatanggol sa akin. Pero HINDI! Itinatakwil din nila ako.

Pilit ko kinalimutan ang aking nakaraan. Pilit ko magpaka-normal na tao sa piling ng lalaking nagbigay ng kakaibang trato sa akin. Pakiramdam ko isa akong normal na tao.

Ngunit...

“Patayin ang babaeng yannnnn… ” sigaw ng mga tao sa bayan papunta sa bahay ko. May dala dalang itak ang bawat isa sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala si Alex. Ito na nga ang kinatatakutan ko.

“Patayin ang babaeng yannnnn….”

“Isang halimaw!!!!” sigaw ng isang babae. Kinakalabog na ang buong bahay. Pintuan na pilit binuksan. Nakapasok ang mga tao, tinutunton nila ang kinaroroonan ko. Hinahalughog ang buong bahay…

“Nakita ko na ang halimaw!” sigaw ng matandang babae, na bigla naman kumaripas ang mga tao sa kinaroroonan ng matandang sumisigaw.

Mga taong galit na galit. Pinagtatadtad nila ako. Mula buntot, katawan hanggang sa ulo!

“Isa kang salot, babaeng ahas!”


Wednesday, October 19, 2011

Alaala ng Ulan

Masayang binaybay ang madilim at makipot na daan patungo sa lugar na kung tawagin ay “Paraiso ng Pag-ibig”. Tinatawag na “Paraiso ng Pag-ibig” sapagkat ito ay isang lugar na kung saan ay nag-uumapaw ang kasiyahan, at lugar kung saan ay ramdam na ramdam ang pagmamahalan ng bawat isa.

Pag-ibig ay nag-uumapaw sa t’wing magkasama ang magkasintahan. Dalawang tao na pinagtagpo ng mapaglarong tadhana, pinagtagpo upang pagsaluhan ang uhaw na mga puso, mga pusong sabik sa pagmamahal.

Hindi maipaliwanag ang bawat sayang nadarama sa t’wing magkasama. Halakhak ng sinta ay parang isang nota na pinagtagpi tagpi ng isang musikero, na kay sarap pakinggan. Bawat ngiti’y ay nakakatunaw na kay sarap pagmasdan. Walang humpay ang tuwa’t ligayang kapag magkasama sa lugar na iyon.

Kay sarap balikan ang nakaraan noong unang nagkakilala, mga unang pagtatagpo. Unang hindi makakalimutang date; malakas ang ulan na kung saan ay basang basa ang katawan. Kasagsagan ng ulan habang magkasukob sa isang payong na noon ay nagpahiwatig sa tunay nararamdaman. Maulan din noon kung saan nakamit ang matamis “Oo! Mahal din kita!” Ang sarap alalahanin ang bawat sandaling kasama si Ella at ang ulan na nagpapaalala ng mga masasayang sandali. Ang ulan ay saksi sa walang hanggan pagmamahalan. 

Binaybay noon ang lugar na iyon para ipagdiwang ang unang anibersayo ng pagmamahalan. Malakas ang ulan noong mga sandaling patungo sa lugar ng “Paraiso ng Pag-ibig”. Habang masayang tinungo ang lugar, inaalala ang mga unang pagtatagpo at ang mga pagkakataon na magkasama. Hindi alam na sa sandali ding iyon ay ang una at ang huling anibersaryo na kasama si Ella.

Ang lugar na kung tawagin ay “Paraiso ng Pag-ibig” ay nagmistulang paraiso ng kadiliman. Namatay si Ella sa lugar na dati ay punong puno ng pagmamahal pero ngayon ay punong puno ng pighati. Maulan at madilim ang kapaligiran noong  nangyayari iyon. Ang ulan na dati ay kay sarap alalahanin pero sa kasalukuyan pinipilit na kalimutan.

Alaala ng ulan ay gusto ko ng kalimutan….

***ang akdang inyong nababasa ay nakapaskil sa The Kablogs Journal.

Monday, June 27, 2011

Sa Gitna ng Dilim 4

Ang kwentong inyong matutunghayan ay pawang gawa gawa lamang ng imahisyon ng inyong lingkod. Ito ay karugtong ng kwentong SA GITNA NG DILIM. Ang laman ng kwentong nakasaad dito ay maaaring magustuhan niyo, mabastusan o ikakabago ng tingin niyo sa may akda. 

Hindi ito akma sa taong 18 taong gulang pababa. Patnubay ng matatandang ma L ay kailangan. :-D

Unang Yugto
Pangalawang Yugto
Pangatlong Yugto

Pakiwari ko'y gustong gusto din niya ang ginagawa ko sa kanya.Tuloy lang mo lang Clarence, sabi ko! Walang tigil ang paghalik ko sa kanyang mapupulang labi, napakatamis nito! Pinaliguan ko ng mga halik sa mukha ni Sarah. Ungol lamang ang naririnig ko mula sa kanyang bibig pahiwatig nito'y sumasang-ayon at nagugustuhan niya ito.

"Mahal kita, Clarence!" Sambit niya.
"Mahal din kita, Sarah! Sa akin ka lang..."
"Oo, Clarence! Sayong sayo ako!" Sagot niya.

Dahan dahang bumababa ang malilikot kong kamay. Dinaanan nito ang dalawang bundok na dala dala ni Sarah. Malulusog na bundok na tila hindi pa ito nagagalaw. Unti unti kong tinanggal ang saplot niya. Ramdam ko ang init ng katawan ni Sarah!

"Kamahalan, wala po si Prinsesa Sarah sa silid niya!"
"Halughugin niyo ang buong kapaligiran! Natitiyak kong nagkukubli lamang siya sa mga kakahuyan! Hanapin niyo!" Utos ni Haring Arc
"Masusunod, Kamahalan!'


Kitang kita ko na ang buong katawan ni Sarah! Nasisinagan ito ng konting liwanag, napaka-seksi niya! Walang lalake ang hindi pagnanasaan ang katawan niya!

Hindi ko na patatagalin ito! Hinubad ko na rin ang mga saplot ko...


"Sarahh..." bulong ko.
"Clarence.... angkinin mo ko....angkinin mo na akooo..."

Sa sinabi niya, mas lalo akong nag-init! Hinimas ko ang buo niyang katawan ni Sarah! Napaka-seksi mo! Akin ka lang Sarah! Akin ka lang! Dumamping muli ang aking labi sa kanyang manipis at malambot na labi. Habang ang mga kamay ko'y nasa dalawang malulusog na bundok.

Mapupusok na mga kamay ko'y naglalakbay pababa sa katawan niya. Habang bawat parte ng katawan niya ay aking hinahalikan. Ang bango niya! Nakakagigil!

"Hanapin niyo sa kakahuyan si Prinsesa!" utos ng isang kawal.
"Dyan kayo sa bandang kaliwa at dito naman kami sa kanan" sambit ng isang kawal.

Tanging ang mga tinig ng kuliglig ang maririnig sa kapaligiran. Habang ang mga kawal ay abala sa paghahanap ng nawawalang Prinsesa.

"Prinsesa!" sigaw ng mga kawal, "Prinsesa andyan ka ba? Hinahanap ka ng iyong amang Hari! Prinsesaaa!!!"
"Angkinin mo na ako mahal kong Clarence... angkinin mo na akoooo..."

Inihanda ko ang sandata ko, dahan dahan ko itong ipapasok sa makipot na kweba. Umuungol siya! Clarence.... angkinin mo na ako....ito na Sarah..... unti unti akong umiindayog sa makipot niya kweba...pinagsasaluhan ang sarap....ang init ng pagmamahalan.

"Ohhh... ahhh... Clareennnnnncceeee...."
"Saraahhhhhhhh...."

Walang tigil ang pagkabayo ko sa kanya.

"Mga kasama...nakita ko na siya! Nakita ko na siya!" sigaw ng isang kawal.

Wala kaming naririnig ni Sarah, tuloy sa pagpapasarap... tuloy sa pagpapaligaya ng bawat isa...tuloy sa pag-iisang katawan. Ohhh, ahhhh.... clareeeennnccee.....

"ohhh ahhh sarahhh.... aahhhhh...."
"Clarreennncceeee ahhhh!"
"Sarah... ittt.........."

*****
"Huy! Clarence! Huy! Anong ginagawa mo dyan! Bakit ka nakapatong sa unan mo? Kumakadyot ka pa dyan ha!" Si Kuya.
"Huh? Hindi ah..." bigla akong natauhan sa sinabi ni kuya
"Anong hindi?! Tignan mo... walang kang saplot. Parang kang tanga! Sino ba pinaginipan mo ha?"
"Wala ah.... hindi no!"
"Hahaha! Tumanggi ka pa e kitang kita ko pagkakadyot mo sa unan mo!Bwahaha" 

Bwisit! Naudlot pa! Andoon na e! Grrrr....

Monday, June 13, 2011

Nagbalik si Tatay Ko!

***Ang kaganapan sa kwentong inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang ng author ng pahinang ito. Kung ang bawat pangyayari ay katulad ng nangyari sa totoong buhay, paumanhin po. Ito po lamang ay contribution para sa June Theme: Tribute To Fathers ng The Kablogs Journal. 




“Nay! Nasaan ba talaga si Tatay?”

Ito ang lagi ang tanong ng aking anak. Sampung taong gulang pa lamang si Leonelle pero hinahanap na niya ang asawa kong si Homer. Halos labing limang taon na rin ang nakalipas na wala kaming balita sa asawa ko simula noong siya ay mangibang-bansa.

Nangibang-bansa siya pero simula noon wala na akong naririnig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya doon. Buong pamilya ay nag-alala sa kanya.

Pero pilit kong iniisip na siguro busy o walang oras. O kaya naman istrikto ang nagiging amo niya. Pero noong tumagal ay hindi na ako umasang babalik pa ang asawa kong si Homer. Nangungulila ako dahil wala akong ibang tatakbuhan kapag may sakit ang anak ko. Kailangan ko si Homer. Kailangan ko ng karamay sa mga pagkakataong magkakasakit ang anak ko, sa panahong kailangan ko siya.

“Homer, nasaan ka na nga ba?”

Nawalan na ako ng pag-asang babalik pa siya. Kaya, sa bawat tanong ng aking mahal na anak ay sinabi kong nasa ibang bansa. Ayaw kong kamuhian ng aking anak si Homer dahil lumaki siyang wala ang ama.

Nakakapagod pala ang ganitong sitwasyon. Hindi mo masasagot ang lahat ng mga tanong. Minsan pa nga, naririnig ko na lang sa ibang tao na iniwan na kami ng asawa ko. Nakaka-praning ang ganitong sitwasyon pero kakayanin ko ito dahil sa anak namin ni Homer.

Isang umaga, lumapit sa akin si Leonelle...

“Nanay, may program po kami at kailangan po kayo umattend kasama si Tatay. Pero hindi ako aattend dahil wala naman akong Tatay” sambit sa akin ni Leonelle.

“Anak, si Tito James na lang isama natin.”

“Nanay! Tatay nga, Tatay! Hindi Tito!”

“Anak naman…”

“Nanay, nasaan ba si Tatay?”

Kitang kita ko sa mga mata ng anak ko ang pagkadismaya dahil hindi ko masagot ang tanong niya. Ayokong magsinungaling sa anak ko. At ayaw ko ring sabihin na iniwan kami ng ama niya dahil hindi ako sigurado. Napakabigat ng loob ko sa t’wing itatanong ni Leonelle sa akin ang tungkol sa kanyang ama. Wala akong maisagot dahil wala rin akong alam kung nasaan si Homer.

Pero bago ako sumagot…

“Nandito ako. Ako ang Tatay mo.”

Mga ilang minuto rin bago kami nakalingon sa taong nagsalita sa likod namin. Nanginginig ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman noong mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa paglingon ko sa likod ng taong nagsasalita… wala iba kundi si Homer.

“Anak… ako ang tatay mo.” Tugon niya, “Sabel, patawad kung hindi ko nagawang magparamdaman sa inyong lahat. Mahabang istorya. Napakalupit ng tadhana.”

Walang patid ang pagbuhos ng aking mga luha sa mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Masaya ako, dahil sa haba ng taong paghihintay, ito siya nagbalik. Malungkot dahil hindi siya ang Homer na nakita ko bago siya umalis. Napasakit makita ang mahal mo na walang matinong damit, madungis, at sobrang payat.

Nilapitan ko siya. Niyakap ng mahigpit.

“Homer… nagbalik ka. Salamat sa Diyos!”

“Sabel…mahal ko! Patawad!”

“Tatay… Tatay…” sambit ni Leonelle.

Noon ko lang nakita si Leonelle na nakangiti. Masaya habang yakap ang amang matagal na niya inaasam.

“Tatay ko! Ikaw ang Tatay ko!”

“Anak, patawad… hindi ko nasilayan ang paglaki mo.”

“Wala yon, Tay! Ang mahalaga ngayon ay nandito ka. May matatawag na akong Tatay. May Tatay na ako! Yahoooo!” Masayang sabi ni Leonelle.

“Sabel, patawad. Hindi ko nagawa ang pangarap natin.”

“Shhhh… gaya ng sabi ni Leonelle. Mahalaga sa amin ang pagbabalik mo.”

“Pinagkaitan ako ng tadhana. Pero magsisimula tayong muli. Kasama ang anak natin. Wala akong ibang iniisip kundi kayo ng mag-ina ko. Hindi ko matiis na mawalay sa inyo. Mahal ko kayo Sabel…at ng aking anak!”

Simula ng dumating si Homer, naging masayahin na si Leonelle. Masipag na sa kanyang pag-aaral. Aktibo sa mga activities sa school. Lubos akong natuwa sa anak ko dahil nagiging first honor siya. Noon ko lang siya nakitang ganoon. Kaya lubos ang kasiyahan na nadarama ko.

Ngayon andito na siya. Magsisimula kaming muli. Muli kaming mangarap. Kalimutan ang bangungot na pinagdaanan. Sa ngayon, masaya ang pamilya ko. Masaya at kontento sa kung anong meron kami. Ang mahalaga, sama sama kami sa hirap at ginhawa.

“Nanayyyyy… Tatayyyyy…… Mahal ko po kayo!” Sigaw ni Leonelle.

Ngiti lamang ang naging tugon naming mag-asawa habang papalayo si Leonelle.

Tuesday, May 17, 2011

Sa Gitna Ng Dilim [3]

Part 1
Part 2


Biglang may yumakap sa akin....

Hindi ko maanig ang mukha.... madilim ang paligid.

Yakap na mahigpit ang pinakawala niya sa akin.

Hmmm... masarap! Kaya hindi ako tumutol. Ang bango!

Si Sarah ito.... Yes! Nagbalik si Sarah ko!

Yakap na mahigpit.... yakap na tila ba sinasabing wag mo akong bibitawan. yakap na nagpapatunay na mahal na mahal ka. yakap na siyang nagpapatatag sa akin.

"Sarah.... nagbalik ka! Salamat sa Diyos at nagbalik ka!"

Yakap lamang ang tugon niya sa akin. Unti unti niyang pinakawalan ang nakagapos sa aking katawan na wala imik. Pilit kong inaaninag ang kanyang maamong mukha ngunit nabigo ako.... maitim ang nakikita ko sa kanyang mukha dahil binabalot ng kadiliman ang lugar na ito. Anong lugar ba kasi to?!

"Sarah... bakit ang dilim sa lugar na ito? nasaan ako? nasaan tayo"

Pero bigo akong marinig ang boses ni Sarah. Na-pepe na yata ito sa kadiliman. Tsk! Hinawakan niya ang aking pagmumukha. As if naman nakikita niya rin ako! Tsk! Pero sige pabor sa akin ito. Hawak lang Sarah! Hindi kita pakakawalan ngayon!

"Clarence...." bulong niya.

Aba! Nagsasalita pala ang babaeng ito.

"Yes. Sarah! Nasaan ba tayo?" 
"H'wag kang maingay. Tumakas lang ako sa aking malupit na Ama."

Hinawakan ko ang kanya mukha. Kainis naman kasi! Ang dilim! Hindi ko makikita ang ganda ng mukha ni Sarah ko! Bwisit!

"Clarence... mahal kita!"
"Mahal na mahal din kita, Sarah!"
"Ikaw ang mundo ko, Sarah"
"Ows? Di nga?"
"Oo naman no! Ayaw pa maniwala nito. Hmp! Kainis ka!"
"Joke lang, 'to naman tampururot agad!"
"May hihilingin ako, Sarah" pabulong kong sabi sa kanya.

Pero nabigo ako sa kahilingan ko. Gusto ko lang naman ng konting liwanag para masilayang ang kagandahan ng Prinsesa ko. Unfair! Life's unfair! Grrr...

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.... Niyakap niya rin ako. Hinalikan ko siya sa mga labi. Ang tamis pa rin ng mga labi niya. Sarap! Gumanti siya sa ginawa ko. Kaya naman naghalikan na kami sa ilalim ng punong kahoy na pinalibutan ng kadiliman. Pero oks lang.... mas okey na 'to!

Ilang minutong halikan ang ginawa namin.... pero di ako nakatiis.... may sariling isip ang aking mga kamay at naglakbay ito sa katawan ni Sarah...walang siyang tutol kaya tanda ito na sumasang-ayon siya sa ginagawa ko.

Unti unti ko siyang hinubaran ng damit. Damn! You're still sexy, Sarah! I love your body! Wala pa rin siya tutol... nagpaubaya siya.

"Ohhh... Clarence, I love you!" bulong niya.























Abangan ang huling yugto ng kwentong ito...

Monday, May 9, 2011

Sa Gitna Ng Dilim [2]

UNANG YUGTO: Sa Gitna Ng Dilim


Hindi ako makakilos. Madilim pa rin ang lugar na iyon. Iniwan ako ni Sarah. Tila may gumagapos sa buong katawan ko. Hanggang sa nakatulog ako sa mga oras na iyon.

Pagkagising ko....

"Bakit madilim pa rin? Saan ba ako? Nasaan si Sarah?"

Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saang lugar ako napadpad. Gusto kong maniwalang panaginip lamang ang lahat ng ito. Pero HINDI!

"Ano ba 'tong nangyari sa akin?"

Tinawag ko ang pangalan niya kahit alam kong wala namang tao. Parang tanga lang! Hindi pa rin ako makakilos. Pinipilit kong tanggalin ang nakagapos sa aking katawan pero ang higpit nito. Kung si Sarah lang ang nakapulupot sa katawan ko ay hahayaan ko na lang kahit hindi ako makakilos.

Pero HINDI!

"Saaaarrrrraaaahhhhhhhh!!!!!"

Sinambit ko ang pangalan niya na umaasang may makakarinig sa akin. Pero sadyang mapaglaro ang dilim na ito. Mapaglaro ang lugar. Tila ako lang ang nakakarinig sa sigaw ko. 

"Waaaahhhhhh!!!!! Pakawalan niyo ko ditttoooooooooo!!!!! Saraaahhhhhhh!!!! Naaaaasaaaannnn kaaaaaaa??????"

Dahil napagod akong sumigaw ng sumigaw na parang tanga lang, wala naman talagang nakakarinig dahil parang ako lang ang tao sa lugar na ito. Tumahimik na lang ako at nag-isip. Kinabisado ang lugar na kahit madilim ay pilit kong inaninag baka sakali alam ko kung saang lugar ito. Pero hindi ko talaga alam kung saan ito. Ang alam ko, maraming puno dito. Kakaiba ang lugar na ito. Kakaiba sa mga gubat ng pinuntahan ko. 

Naririnig ko ang mga boses ng mga hayop. Mga kokak ng mga palaka at kung anu ano pang insekto sa lugar na iyon.

Biglang may narinig akong kaluslos sa 'di kalayuan mula sa kinaroroonan ko.

"Sarah! Ikaw ba yan?!"






Si Sarah nga ba ang nakita ni Clarence?



Itutuloy.....

Thursday, May 5, 2011

Sa Gitna Ng Dilim

Madilim...

Tahimik na paligid...

Nakasandal sa punong ng acaccia...

Kahit madilim naaninag ko si Sarah...

Tinatawag ko siya... ngunit hindi niya ako naririnig.

"Sarah.... Saraaahhh!"

Ngunit tila wala siyang naririnig. Nakikita ko siyang nag-iisa. Lalapitan ko sana siya pero.....

...pero hindi ako makatayo. Parang may pumipigil sa akin. Nilalabanan ko ito pero malakas ang pumipigil sa akin.

"Saraaaahhhhhhhhh!!!!"

Lumingon siya.... ngumiti lamang siya.

"Sarah, tulungan mo ko... Hindi ako makatayo!"

Ngunit nakatitig lamang siya... nagmamakaawa ako. Pero walang siya ginawa kundi titigan lamang ako.

"Parang awa mo na... tulungan mo ako!"

"Sorry, Clarence."

Itutuloy....

Tuesday, February 22, 2011

Paraiso

Excited akong sunduin si Vicky dahil madali ko siyang napapayag kanina sa paanyaya ko. Pero hindi ko siya maintindihan kanina. Kung bakit siya’y supladang makikipag-usap sa akin. Pero di ko alintana iyon dahil mas nanaig ang saya ng aking puso dahil madadala ko siya sa lugar na kung saan ay lagi kong pinupuntahan noon. Hindi ko na napuntahan ang lugar mula noong bumalik ako dito. Pero ayon sa aming mga tauhan doon ay maayos pa rin naman daw ang lugar.

Dali dali akong lumabas ng aking tahanan upang tunguhin ang tahanan kung saan si Vicky ay naghihintay. Ayaw kong mahuli sa takdang oras na kanyang binigay sa akin kanina.
Natatanaw ako ni Clarisse na padating sa kanilang tahanan. Habang papalapit ako sa tahanang iyon ay bigla akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero hinayaan ko lamang ito. Siguro dahil hindi ko alam kung magugustuhan niya ang lugar kung saan ko siya ay dadalhin.
“Hi, Clarisse!”

“Hello, Kuya Ronald! Teka po ha, tawagin ko lang si Ate.”

“Okey, sige.”
Habang naghihintay ay tinungo ko muna ang mga litratong nakalagay sa mga living room nila. At doon ay nakita ko ang larawan ni Lawrence, na kayakap si Vicky. Maraming larawan ang mga nandoon na halos kay Vicky at Lawrence lang ang nakalagay. Dalawang litrato lamang ng kanyang Ina at Ama ang nandoon.
“I’m ready!” sigaw ni Vicky
Na siya namang ikinagulat ko at muntik ko ng mabitawan ang isang frame ng litrato niya na kasama si Lawrence.
“Siya pala si Lawrence.” Sabi niya.

Naramdaman ko na good mood si Vicky ngayon, hindi tulad kanina na parang kakain ng taong buhay. Maaliwas at maamong mukha na kay sarap titigan ang bumulaga sa harapan ko. Ngumiti ako sa kanya bilang hudyat na handa na ako sa aming pag-alis. Tara! Yaya ko sa kanya.
Hawak ko ang kanyang kamay noong kami ay naglalakad patungong dalampasigan. Wala siyang imik noon, hinayaan ko na lamang siya. Ilang minutong nakalipas, siya ay nagtanong.
“Saan ba tayo pupunta?”

“Basta.” Sabay ngiti.

“Sige na. Sabihin mo na kasi…” pamimilit niya.

“Mawawala ang sense ng surprise kung sasabihin ko.”

“Alright!”
Natanaw ko na ang bangka lulan si Manong Benjamin. Kumakaway sa amin, nakangiti. Pagdaong ng Bangka ay agad kong inaya si Vicky na sumakay. Inaalalayan ko ito paakyat. Walang ideya si Vicky kung saan kami pupunta sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.

Mga tatlumpung minuto ang byahe mula sa Isla Cansayong papuntang Isla Pasol. Ang Isla Pasol ay katabi lamang ng Isla Cansayong. Maliit lang ang isla kumpara sa Isla Cansayong. May labing limang tao lamang ang nakatira sa Isla at limang pamilya kasama na ang angkan ko. Abot tanaw ko na sa di kalayuan ang Isla kung saan ako ay lumaki.
Pagkadating sa Isla ay agad naming tinungo ang lugar na sinasabi ko. Pero bago ang lahat ay tinakpan ko muna ang mga mata ni Vicky. Pumayag naman siya sa gusto ko…dinala ko sa likod ng aming tahanan. Nilakad namin ang daan kung saan naghihintay ang surprisa ko para sa kanya. Mga isang daang hakba mula sa tahanan ang lugar na pinakapaborito kong tambayan noon.
“Dito na tayo… pwede mo nang tanggalin ang piring mo.”
Tinatanggal niya ang tela na nakatakip sa mga mata niya.

“Welcome to my….PARAISO!”
Napapamangha siya sa kanyang nakita. Napapaligiran kami na mga puno at mga halaman. May man-made lake ka ring makikita sa paligid na pinagawa ng mga magulang ko. Maganda ang lugar na. Mga huni ng ibon ay maririnig. May mga berdeng dahon mula sa mga punong kahoy.

“Ito ang PARAISO ko. Dito ako namulat. Dito ako natuto. Dito ako lumaki.At ang nakikita mo ay regalo ng mga mga magula ko noong kaarawan ko.”
“Sa inyo itong Isla?” sabay tiningnan ang paligid na hindi pa rin naalis ang pagkamangha niya sa lugar na tinatawag kong Paraiso.
Tumango lamang ako bilang pagsagot sa kanyang tanong.
Nilisan ko ang Isla Pasol, noong mag aaral na ako ng kolehiyo sa siyudad. Simula noong nakapagtapos ako ay hindi na ako nakabalik dito dahil tinulungan ko ang aking Ama at Ina sa kanilang negosyo sa siyudad. Hanggang sa natagpuan ko si Gladys, doon ay nakalimutan ko nang bumalik kung saan ako nanggaling.
Pero simula noong namatay si Gladys ay pinili kong balikan ang Isla Cansayong upang makalimot sa masalimuot kong karanasan. Pero nakalimutan ko pa rin puntahan ang Isla Pasol. Yong tahanan ko sa kabilang Isla ang pagmamay-ari ng tauhan ng mga magulang ko dito.
Solong anak lamang ako pero ginusto kong magkaroon ng kapatid pero kritikal si Ina kung magbuntis. Kaya okey na sa kanila na ako ang nag-iisang anak nila.
Katulad ni Lawrence. Namatay din ang aking kasintahan dahil sa kanser. Lubos ko itong dinamdam dahil buong akala ko ay siya na ang dadalhin ko sa lugar na ito. Sa lugar….sa lugar… kung saan kita dinala.
Nakikinig lamang si Vicky sa akin. Namamangha pa rin sa kanyang nakikita. Mga ilang minuto walang nagsasalita sa aming dalawa. Si Vicky ay nakatanaw pa rin sa kabuuan ng lugar. Ako naman ay nakahiga sa damuhan. Pinipikit ko ang mga mata at inaalala ko ang mga nakaraang nakatira pa ako ditto.Humiga si Vicky sa damuhan katabi ko.
“Anong ibig mong sabihin, Ronald?”

“Bago ako lumisan sa lugar na ito… nangako akong balikan ito kasama ang babaeng gusto kong makakasama sa buong buhay ko. At…..at…. ikaw yon, Vicky! Mahal kita… iaalay ko ang lugar na ito para sayo.”

“Ang Paraisong inaalay mo sa akin ay buong puso kong tatanggapin. Ronald, ikaw ang tumulong sa akin upang hindi manatili sa mga nakaraan na siyang nagpapalungkot sa akin. Andyan ka para ako’y pasayahin at ibalik ang mga ngiti sa aking mga labi, dahil sa ginawa mo ako ay naging masayang muli. Ronald, mahal din kita”




Related stories:

Sunday, February 20, 2011

That's Why I Love You



[Si Ronald]

Laging masaya ang umaga sa t’wing kasama ko siya. Nawala na totally ang mga masasamang alaala ng nakaraan. Salamat at pinili kong bumalik sa Isla kaysa magbakasyon sa Europa kasama ang mga magulang ko. Kamusta na kaya sila? Hindi man lang tumawag sa akin. Siguro pinabayaan na lang nila akong mapag-isa muna sa Islang ito. Saka ko na lang ibalita sa kanila na maganda ang nangyayari sa akin dito. Total, malapit na rin sila uuwi at sa Isla raw sila didiretso mula Europa.

Nagising ako sa tilaok ng manok at sa sikat ng araw na pumapasok mulang sa aking bintana. Maganda pa rin ang panahon walang nagbabadyang ulan o masamang panahon. Nakangiting bumangon sa kama,  sa mga masasayang alaala kasama si Vicky. Mga isang buwan na rin kaming magkakilala. Masayang kasama si Vicky. Hindi na ako natatarayan. Magaan ang loob ko sa kanya. Naipapakita ko ang tunay na ako. Hindi ako nahihiyang sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko at kung ano ang nasa isipan ko.

“Ganun din kaya siya?”

[Si Vicky]

Pagbangon ko sa umaga ay si Ronald na agad ang nasa isipan ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Sa t’wing kasama ko siya ay tila ang aking puso ay lumulundag sa tuwa. Lalo na kapag hinawakan niya ang aking mga kamay. Ako’y parang natutunaw habang nararamdaman ko ang init ng kanyang mga palad. Paano na si Lawrence? Mahal ko si Lawrence! Wala ng papalit sa pagmamahal ko para sa kanya!

Pero bakit tila araw araw ay hinahanap ko si Ronald. Ang kanyang mga ngiti. Ang paghawak ng kanyang mga kamay sa mga kamay ko ay tila nagsasabing “aalagaan kita hanggang gusto mo.”

Buntong-hininga lamang ang maisasagot ko sa ngayon. Hindi ko pa alam kung ano itong kakaibang nararamdaman ko sa para sa kanya.






Isang umaga….

“Vicky!”
Tila hindi niya ako naririnig. Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan siya patungo. Subalit, lakas loob ko siyang sinundan. Bahala na kung tatarayan niya na naman ako. Ilang araw din siyang hindi nagpapakita sa akin. Ang sabi lang ni Clarisse ay nagmukmok lang sa kanyang kwarto. Gusto niya lang mapag-isa.

“Vicky!”
Lumingon siya pero tila hindi mo maipinta ang mukha. Tumakbo siya papalayo sa akin. Hindi ko alam kung kanino siya galit na galit. Wala naman akong nagawa na ikinagalit niya. Naalala ko noong huling pagkikita namin ay masaya kami. Tinawag ko ulit siya. Huminto siya sa kanyang pagtakbo at tinititigan niya ako.

“Ano ba?! Hindi mo ako titigilan?!”
“Ha? Ano bang nagawa ko sayo?”
“Wala!”
“Wala pala e. Bakit ka nagagalit? May problema ba? You can share it to me.”
“Wala!” sagot niya sa akin. “Pwede bang layuan mo na ako… pwede?”
“Sabihin mo muna ang dahilan kung bakit kita kailangang layuan.”
“Ronald, please…. Just leave me… I don’t need you!”
Mga ilang minuto din ang nakakabinging katahimik mulang noong lumabas ang mga katagang iyon mula sa kanyang bibig. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya sa akin pero hindi ako papatalo sa kanyang mga sinasabi.

“Uyyyy…. Alam ko na kung bakit ka nagkaganyan.”
“What?”
“Hmmm… are you falling…?”
“Falling…..what?” nagtatakang niyang tanong.
“Are you falling in love with me? Tell me…don’t hesitate!”
“Hahaha! Ang yabang mo!”
“Anong ibig sabihin ng tawa na yan?”
“Wala! So, what do you want for me? Why following me, Ronald!”
“I-imbitahin lang sana kita mamayang alas tres ng hapon e. May pupuntahan akong lugar dito sa Isla. At tiyak ay magugustuhan mo. Pleasseeeee?” pagmamakaawa ko sa kanya.
“Alright! Sunduin mo ko sa bahay ng 2:30PM. Okey?” pagtataray niya sagot sabay takbo palayo sa akin.
“Okey! Thank you!”
“ That’s why I love you, vicky…” sa isip ko.

Abangan ang nalalapit na huling kabanata… Maraming salamat!






True Colors – Glee Cast Song Lyrics

videokeman mp3



    Friday, February 18, 2011

    Si Vicky

    Simula noong nakausap ko siya, naging maayos na pakikitungo sa akin ni Vicky. Ilang araw na rin kaming nagkikita, madalas ay sa hapon kami magtagpo dahil hindi siya lumalabas sa umaga. Habang nanonood ng paglubog ng araw. At unti-unti ko na siyang nakikitang nakangiti hindi tulad noong una ko siyang nakita sa dalampasigan.

    Naging palaisipan sa akin kung ano ang kanyang nakaraan. Nais kong malaman kung ano ang pinagdaan niya bago siya napadpad sa Isla Cansayong. Hindi ko siya noon nakikita sa islang ito sa t’wing magbabakasyon ako dito. Palagay ko, isa siyang istranghero na nag soul searching dito sa isla. O baka naman ay laking Maynila talaga siya at ang kanyang mga magulang ay lumaki sa Isla.

    Nakasanayan ko na ang maglakad lakad at tumakbo sa dalampasigan t’wing umaga. Ang ganda ng panahon. Ang ganda ng sikat ni haring araw. Nagdatingan na rin ang mga mangingisda. May mga batang maaga naliligo sa dagat. May naglalaro ng volleyball.

    Ganito sa Isla, simple lamang ang buhay. Walang gulo. Walang usok na galing sa mga pampublikong sasakyan. Napakapayak ang pamumuhay dito. Kung hindi lang dahil sa mga magulang ko, mas pipiliin ko ang mamuhay sa Isla kaysa siyudad.

    Nakita ko si Vicky. May kasama. Napangiti ako dahil maaliwalas ang mukha niya ngayon. Malaki na ang pinagbago ni Vicky. At himala, nakikita ko siya ngayong umaga sa labas. May kasama siyang kasing edad lang din yata niya. Nakita niya ako at ngumiti. Nilapitan ko sila. Pinakilala niya sa akin si Clarisse bilang kamag-anak niya at kasama niya sa bahay.

    “Saan ang punta niyo?”
    “Dito lang. Ikaw?”
    “Maglakad lakad lang. Nagpapawis. Baka gusto nyong sumama?”
    “H’wag na po.” Sagot ni Clarisse.

    Nakatingin lamang si Vicky sa akin na parang sumasang-ayon kay Clarisse. Minabuti ko na lang na hindi kulitin baka matarayan pa ako. Pero…..

    “Sige na, Ate Vicky! Samahan mo na si Kuya.”

    Tinaasan ng kilay niya si Clarisse. Pero hindi ito nasindak sa halip ay pinipilit niya para sumama sa akin. Natutuwa ako kay Clarisse. Yes! May kakampi pala ako nito, sa isip ko.

    “Sige na, samahan mo na si Kuya. Magpa-araw ka naman, uy! Namumutla ka na oh.” Si Clarisse. “Bye, bye! Mauna na ako sa inyo.” Sabay kindat sa akin.

    Naglakad lakad kami sa dalampasigan. Kwentuhan. At may konting biruan. First time ko siyang narinig na tumawa. Ang sarap pakinggan. Mas maganda siya pag nakangiti.

    “Kamusta naman ang bakasyon mo dito sa Isla?”
    “So far… maayos naman at unti unti na akong naka-recover sa trahedya ng buhay ko.”
    “Hmmm… pwede ko bang malaman kung anong trahedya sa buhay mo?”

    Sinimulan niyang ikwento si Lawrence sa akin noong umagang ‘yon. Nakikinig lamang ako sa kanya. Tuloy tuloy niya itong sinalaysay sa akin. Hanggang doon sa aksindenteng nangyari sa kanilang noong gabing iyon (Paki-klik mo na lang kung interesado ka >>> PART 1 PART 2).

    “Ganun talaga ang buhay, Vicky. May mga bagay talaga na hindi natin aasahan na mangyayari. Mga bagay na akala natin ay sa pelikula o teleserye lang magaganap pero sa totoong buhay ay mangyayari din pala.”
    Tumango lamang si Vicky.

    “Pero unti unti ko ng natatanggap na wala na si Lawrence. Tatlong taon na rin ang aksidenteng iyon. At mabuti na lang at pinadala ako nila Mama at Papa dito sa Isla. Kahit papaano ay nakatulong ito sa akin.”
    Nakatingin lamang ako sa kanya at ngumiti.

    “Syempre! Salamat at nakilala kita, Ronald! Kung hindi dahil sa iyo…siguro hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin ako sa bahay. Salamat!”
    “Hehehe. Tama na ‘yan! Baka humagulhol ka na naman dyan”
    “Hahaha! Sira!”
    Niyaya ko siyang mag-breakfast sa bahay ko. At buti na lang ay pumayag siya. Naging maganda ang umagang iyon para sa aming dalawa. Pagkatapos kumain ay hinatid ko siya sa bahay nila. Nakangiting nakatingin sa amin si Clarisse. Malamang, lulunurin niya itong sa tukso….

    “Ronald….” Tawag ni Vicky bago ako nakalayo sa bahay nila. “Salamat sa breakfast!”
    "Salamat lang? Wala man lang...." sabay senyas sa lips
    "Hahaha! Sira ka talaga"  


    Saturday, February 12, 2011

    Ang Gabi Kasama Si Vicky

    Part 1

    Part 2

    Part 3


    Tahimik ang gabi na ang tanging maririnig mo lamang ay ang nagkakantahang palaka at kuliglig. Ang mga alitaptap na kumikinang ang buntot na nagsasayawan sa may puno ng mangga sa likod ng aking munting tahanan. Hindi ako makatulog. Hindi mapakali. Kaya, naisipan kong lumabas muna ng tahanan at magmuni-muni sa dalampasigan.

    Bilog ang buwan noong gabing iyon. Maaliwalas. Madaming bituin. Kay sarap tingnan ang kalangitan. Ang ganda ng panahon. Sana ganito kaganda ang naging buhay ko kasama ka, sa isip ko.

    Sa hindi kalayuan makikita mo ang ilaw ng bangka ng mga mangingisda. Hay! Bakit ganito ang buhay ko, sa isip ko ulit.

    Naglakad-lakad ako sa dalampisagan. Gusto na kita makalimutan. Pero bakit hindi ko magawa. Anong meron ka?

    “Kakalimutan na kita! Ayoko na! Hirap na hirap na ako!”

    Nakaupo siya na nakatanaw sa kawalan. Umiiyak siya. Lungkot na lungkot. Nag-iisa. Tila mahirap siyang lapitan dahil hindi mo alam kung tatarayan ka o kakausapin ka.

    “Bakit mo ako iniwan, Lawrence?”

    Sambit niya. Naririnig ko ang pangalang Lawrence. Siguro nobyo niya iyon.

    “Lawrrrreennnccccceeeee!!” sigaw niya.

    Lumingon ako sa kanya. Umiiyak siya. Nilapitan ko.

    “Miss, okey ka lang?”

    Umiiyak pa rin siya. Hindi ko alam kung naririnig niya ako o ayaw niya lang akong pansinin.

    “Miss, okey ka lang?”

    “Teka, Miss, ikaw yong nagtangkang magpa…..”

    “Oo…. Ako nga!”

    “E, bakit?”

    “H’wag ka ngang mangialam. E sa gusto ko, e!”

    Umupo ako medyo malayo sa kanya….

    “Alam mo… may nakapagsabi sa akin, h’wag ka raw mag-dwell sa nakaraan mo kung ayaw mo mahirapan. Isipin mo na lang ang mga masasayang nangyayari na kapiling mo si Lawrence.”

    Tinanong niya sa akin kung bakit ko kilala si Lawrence.

    “Narinig kasi kitang umiyak kanina at sinasambit ang pangalang Lawrence.”

    Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan ay kitang kita ko ang kanyang mapupungay na mga mata. Pinunasan niya ang kanyang luha na tila ba nahihiya na kaharap ako.

    “Ako nga pala si Ronald.”

    “Ako si Vicky…Vicky Tatlonghari.”

    “Ronald Monte de Ramos.” Sabay ngiti.

    “Ganun talaga ang buhay. May mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari. Mga bagay na hindi natin akalain na mawawala. Katulad ko, may mga bagay na akala ko noon ay akin na. Pero sa isang iglap ay nawala. Masakit pero kailangang tanggapin at harapin. Kaya nga ako nandito sa Isla Malimono para harapin ang bagong yugto ng paglalakbay ko...”

    Nakatitig lang sakin si Vicky. Nakikinig. Nagtataka. At nahihiwagaan sa mga sinasabi ko. Hindi siya makapagsalita, siguro naiilang sa akin dahil sa pinagsasabi ko.

    “Malalim na ang gabi. Halika na! Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita.”

    “Dyan lang. Ronald, salamat pala sa pagsagip mo sa akin kanina.”

    “Walang anuman! Hindi solusyon ang magpatiwakal. Kailangan mo lang harapin kung ano man yan.”

    Ngiti lamang ang sagot niya sa kin. Binaybay namin ang daan patungo sa kanilang tahanan. Mga ilang hakbang lang pala ang layo ng tahanan nila sa bahay ko. Maingay ang mga asong alaga nila.

    "Salamat sa paghatid. I hope I can see you tomorrow!"

    Ito na nga ba ang panibagong yugto ng paglalakbay ni Ronald na kasama si Vicky?

    Sunday, February 6, 2011

    Ikaw Pala

    Nakaupo.

    Nakatanaw.

    Nag-iisa.

    Nagmuni-muni.

    Minamasdan ko ang paglubog ng araw. Nakaupo sa batuhan na kung saan may mga batang nalalaro. May dalawang pair na teenagers na nagdidate. May mga players ng volleyball na nagtatalo. May dumadaong na bangka na kung saan ang mangingisda ay dismayado dahil wala man lang nahuling isda. Sa banda roon, ay may kumpulan ng mga Ginang na nagkwentuhan sa kanilang buhay buhay.

    Nakatanaw lamang sa malawak na karagatan na kung saan ay mabagal ang takbo ng haring araw na papalubog noong hapong 'yon. Minamasdan ang mga ibon na naglalaro sa itaas na tila ang saya saya nila, na kung saan maririnig mo ang kanilang masasayang huni. Siguro naghaharutan ang mga iyon.

    Nag-iisang naglalakad sa tabing dagat, na kung saan ang tubig ay tila iniimbitahan akong maligo at samahan sila. Kay sarap ng pakiramdam na ang tubig na iyon ay malayang haplusin ang aking mga paa. Naglalakad palayo sa mga tao.

    Nagmuni-muni sa mga nangyayari sa nakaraan. Hinahayaan na ang mga nakaraan ay lilipas sa tamang panahon. Kahit pa'y lagi itong pumapasok sa isip ay pinipilit na iwaksi ang mga bad memories.

    "Kaya ako nandito para makalimot, hindi para alalahanin ang nakaraan."
    Tumakbo ako papalayo. Pinilit kong sundan ang ibong iyon na tila nakikipaglaro sa akin. Hindi ko namalayan na malayo na ako sa tapat ng bahay ko.

    "Ayan na, lulubog na ang araw. Ang ganda ganda, di ba?"

    Kausap ko ang ibong iyon na parang sinasamahan ako sa aking pag-iisa. Ang kanyang huni ang nagsisilbing sagot sa t'wing siya'y aking kinakausap.

    "Sana katulad mo ako. Malayang nakakalipad."

    Napapangiti ako sa asal ng ibon na 'yon. Parang ang saya saya nya. Hindi siya lumipad papalayo sa akin. Sa halip ay sinamahan nya ako. Pagkatapos ng paglubog ng araw ay nagbabadya na ang dilim na babalutin ang buong isla ng katahimikan.

    "Tulonggg......tulonngggg...." sigaw ni Manang, sa di kalayuan ng aking pinagtatayuan.

    "Tulongggg...may nalulunod"

    Nagising ang diwa ko sa sigaw ni Manang. Dali dali ko siya pinuntahan. Tinuturo niya ang di ko matukoy kung matanda o bata na tila may humihila sa kanya... Nalulunod!

    "Kuya, kuya.... tulungan mo siya.... pleaseeeee"

    Dali dali akong naghubad ng tshirt, ng short at lumangoy papalapit sa taong nalulunod.

    "Andyan na ako...."

    Babae pala ang nalulunod na ito. Dinala ko siya sa dalampasigan. Hinihingal. Tulala. Umiiyak.

    "Miss, are you alright?"

    "No! I'm not!"

    "Bakit ka kasi naliligong mag-isa?"

    "Leave me alone!"

    "Ihatid na kita Miss. Saan ka ba umuuwi?"

    "You hear me? Leave me alone!!!!"

    "Ang taray naman nito. Ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa 'tong galit!" pagtatanggol ni Manang.

    "Tara na nga. Iwan na natin 'tong babaeng 'to." sabay alis ni Manang.

    "Oh, bakit ka pa nandyan?! Umalis ka na..." Taboy sa kin ng babae.

    Tinititigan ko siya. Maamo ang mukha ng babae. Maganda. Sexy. Mahaba ang buhok. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Na para bang may malalim na pinagdaanan. Umupo ako sa di kalayuan sa kanya. Umiiyak siya at ramdam ko ang kanyang kalungkutan.

    "Miss, ako pala si Ronald."

    Hindi siya kumibo. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hinayaan ko siyang ibuhos lahat ng sama ng loob niya. Naiintindihan ko siya. Kaya, naisipan ko na lang na iiwan siya doon. Akmang patayo na ako.....at iiwan na lang muna siya.

    "Thank you pala. By the way, I'm Vicky! Can you leave me now?"

    Hindi na ako sumagot at umalis na lang sa kinauupuan ko. Naririnig ko pa rin ang iyak niya habang ako ay pauwi na sa bahay ko. Sana magiging okey siya.....sino kaya ang babaeng 'yon?

    Sa kwarto ko ay siya pa rin ang naiisip ko. Naintriga ako.

    Saan siya nakatira?

    Anong pinagdaanan niya?