Sunday, November 4, 2012

Ang Pangatlong Bundok

Sa previous kong post ay puro kakatihan dahil sa allergic reaction. Ngayon, ibang kati naman ang meron ako. Uyyy! Iba ang nasa isip mo no? Hindi yon no! Kumati ang mga paa ko. Hehehe! Buti na lang noong gabi na, nawala na ang mga pantal pantal ko sa balat at humupa na rin ang pamamaga nito. At si Kuya jin biglang nagtext at nag-aya na gumala. At dahil nga maayos na kondisyon ko. Hindi pwedeng walang magawa sa weekend. Nakatambay mode lang ako simula noong thursday, sayang ang holidays! Kaya "Ok. Sige." agad ang reply ko.

Unexpected ang lakad na ito. Alas syete lang napagdesisyonan kung saan kami pupunta. Buti na rin at may isang sumama. Kakilala rin ni Kuya.

5:30AM Assembly sa Baliwag Transit, Cubao. Doon na kami nagkita-kita. Then, noong kumpleto na kaming tatlo. Sakay na agad kami ng Bus papuntang Cabanatuan tapos baba kami ng San Miguel, Bulacan. Pamasahe nasa 99pesos sa ordinary bus. Mga dalawang oras ang byahe mula Cubao hanggang sa San Miguel. Drop off Brgy. Camias.

7:30AM arrived Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan. Sumakay ng tricycle papuntang Sitio Madlum. Pamasahe, 60pesos bawat isa sa amin. Pero noong pauwi kami 200 lahat ang siningil sa amin. Dapat pala yong kinontak namin yong naghatid sa amin para 180pesos lang. Hehe!

8:00AM arrived Sitio Madlum. Pagdating sa lugar, tatawid sa river. May dalawang options para makatawid. Una, gamitin ang balsa, 5pesos ang bayad. Pangalawa, gamit ang monkey bridge. Bakit monkey bridges? Dahil tatawirin mo sya using two cable wire. Isang apakan, at isa naman ay hawakan. Ayan! Exciting! Pero di naman sinubukan kasi ang daming tao. Pagtitinginan ka. Nahiya kami kaya balsa na lang. LOL!


Pagkatawid namin, nagparegister agad kami then hired tour guide. Hindi raw pwedeng walang guide. 300pesos ang bayad sa guide paakyat ng Mt. Manalmon. Then, 150pesos naman ang bayad sa guide sa Bayukbok Cave.

8:30AM start na kaming mag trek. Dumaan sa grotto. Climbed at Madlum Rockies. Then, trekking to Mt. Manalmon. 

9:00AM SUMMIT! Easy trail lang siya. Super dali lang, walang kahirap hirap ang pag-akyat. Sabagay, 196 MASL lang naman siya kaya yakang yaka.

Picture! Picture! Picture!

9:30AM baba na kami using the other way, dadaanan ang Manalmon River. 

10:00AM Rest! Eat! Rest!

11:00AM getting ready, headlamp is ready. Tapos trek papuntang Bayukbok Cave na ang sabi ni Kuya Jin.....Buyakyak Cave. LOL!

11:30AM to 1:00PM Spelunking!!!

1:30PM Done! Balik sa kubo. Lunch. Tapos, rest!


2:00PM to 4:00PM Swimming sa Madlum River.

Sorry ha! Walang picture sa Madlum River kung saan makikita mo yong sinasabi kong balsa at monkey bridge. Atat kasi lumublob sa tubig e. 
4:30PM tricycle back to highway


Meet the guide.....siya si Cris. Ang tour guide namin na kasing edad lang namin. Nakasundo namin siya. Lumalaban sa kalukuhan. Siya ang taga-picture namin sa Cave. Taga bantay ng bag namin. Ginawang utusan. All around! Kaya binigyan namin ng tip. :)
Super exciting ang Bayukbok Cave!

*photo credit to Jin

26 comments:

  1. Hung ganda! Namiss ko umakyat ng bundok. May ganyan pala sa Bulacan. Sama next time. lol

    ReplyDelete
  2. Pwede namang kaya kumati ang paa ay may buni, hindi dahil gusto umakyat ng bundok haha :) Ang saya, gusto ko din mag mountain climing to the tune of The Climb by Miley Cyrus!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kailangan po ba talaga may background music pag aakyat ka? LOL

      Delete
  3. buti um-ok na ung pakiramdam mo haha ganda dyan ha want ko din maranasan

    ReplyDelete
  4. wow... gusto ko 'to for my first mountain climbing exp... mabilis at mukhang madali lang... samahan mo ko next tym... sama ntin si Zai at Joanne... hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi sila taong bundok e...taong dagat daw sila (mahilig sa beach)...LOL!

      Delete
    2. Keri namin yan no.. hindi gano haggard e!

      Delete
  5. gash, ang ganda naman!

    ReplyDelete
  6. in short..... inalipin nio yung guide nio. lols. :p

    ayos ha, day trip lang pero pang kakaibang adbentyr!

    ReplyDelete
  7. Ang bilis lang ng trek! Kasi naman hindi nagyaya e! Hmp! Hehe.. Ganda nun cave! Gusto ko yan kasi may light source sa loob, hindi gano katakot!

    At higit sa lahat sayang yun PhP20!! Grabe! :p

    ReplyDelete
  8. Mukha ngang maganda dun sa bayukyuk cave! Lol

    ReplyDelete
  9. at natawa naman ako dun sa collage photos, ganun siguro pag adik sa sex, kasi nung first peer ko, kala ko hugis pwets! hahaha. ADIK.COM.

    Napad pad ulit dito! kumusta ka na Empi, i know Hawt ka parin!

    ReplyDelete
  10. Nganong mas bata tan-awon ang guide? hehehe. Binuang ra ha?!

    By the way, unsa inyong bawon? hehhehehe

    I can't wait for summer para maka-saka sa bukid na pod. :)

    ReplyDelete
  11. gustokodingmagtrekking kaso dipa kaya ng sched ngayon. next year kayapwede pa?haha

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D