Friday, November 2, 2012

okoy-kati-get-get-aw

alam mo yong pakiramdam na binabanat ang balat mo?

alam mo yong pakiramdam na pagkatapos mo....e napansin mo yong pag-iinit ng buo mong katawan?

e yong pamamantal ng makinis mo balat? alam mo yon? ha?

hindi pa yan, e yong medyo sumisikip ang dibdib mo?

Oo. Ganun nga!

Makati.

Pag kinamot mo....parang kumakalat sya...kamot dito, kamot doon.
******
Sarap na sarap ako sa pagkain ng okoy kanina. Aliw na aliw ako dahil ang crispy nya. Sawsaw sa suka sabay subo....yum, yum! Isa pa, isa pa!

Ang sarap talaga!
******
Pag-uwi ng kubo! Aba! May kakaiba akong nararamdaman. Nag-iinit ako. Hahaha! Ang init! Tapos yong mukha ko parang feeling ko namaga. Dali dali kong tiningnan ang maliit kong salamin! Hala ka! Oh my allergy! Dumating ka sa wakas. LOL!

Ito ang nangyari sa akin kani-kanina lang (yong picture sa baba).....saya no? pagkinamot mo yan, dadami sya. May sa lips ko pa, may sa pisngi, sa braso at sa ABS ko (ang tanong may ABS ba? LOL).

Sa sobrang katakawan ko, naudlot ang EB namin. My bad! Sorry guys! Bawi na lang ako. Dahil alone ako sa haus, ako ang bumili ng gamot ko. Wala akong stock dahil hindi naman na kasi siya lumalabas. Ngayon lang ulit talaga! No choice dahil si mabait na pinsan...di ako pinansin. LOL! Kaya, ako na lang ang bumili ng gamot ko. Nagjacket ako na may hood. Imaginin mo....kainit init sa panahon, ako lang ang nakajacket, nakahood.

Eksena sa Mercury Drug:

Pagpasok sa entrance....tingin si manong guard sa akin,. ako naman dere-derecho lang.... sabay bigay ng papel sa pharma-assistant, nakayuko lang ako.

Pharma-Assistant: Sir, anong gamot?
Empi: Paki-basa na lang po.
PA: Sir, anong nangyari sa mukha mo.
Empi: *walang imik*
PA: *parang nandiri*
Empi: *sabay abot ng bayad*

Paglabas ko ng store...ngiting nakakaasar yong binato sa akin ni manong guard na parang nandidiri din.


*asar!*

imaginin mo na lang ako habang may ganito... :)
ayokong picturan sarili ko....ang panget e.
kakabadtrip! LOL

*pictures from tito google

30 comments:

  1. Wahahaha! Andame kong tawa, akala ko ba ayaw mong mag-post ng pic ha?! Grabe yung maga ng lips mo! Ayan, pasaway ka kasi e! Na-experince ko na maallergy no, sa gamot nga lang, hindi sa food, kaya alam ko ang feeling ng super kati at mainit na pantal.. Wawa naman bebs ko, hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay... mali.. hindi pala ikaw yan.. in fairness, kamukha mo..

      Delete
    2. Ayan, ayan, namalik-mata ka! Di ba nga ayaw ko....kahit anong pangungulit mo, hehehe

      Delete
  2. yung last pic parang after bubuyog invasion lang. ;)) lol!

    ReplyDelete
  3. Nakakadiri nga. Magaling naba? get well soon :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes! Ok na po. Normal na ngayon, hehehe

      Delete
  4. grabe! ibang klase ang allergy mo.

    Dapat hinawakan mo sa kamay si pharma at si manong guard para kunyare nakakahawa. lols

    ReplyDelete
  5. waaaahhhh... ganun pala tlg ung feeling nyan... kapag nangangati si Sophie dati akala ko ayaw lang tlg nya makinig sa pagsaway ko na wag kamutin... wawa naman...

    tagal ka ng hindi inallergy? eh di ibig sabihin si Sophie may possibility pa rin na mgaganyan.... :(

    hindi nio kase ako sinabihan sa EB... kaya ayan... hindi natuloy... bwahahaha! (salbahe lang ako noh?) get well soon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matakaw lang siguro ako, hehehe. Kaya, wag pabayaan si Sophie baka bumalik.

      Sinumpa mo siguro no? LOL

      Delete
  6. may ganyan din ako'ng allergy pero kapag kumakain ako ng hipon. kaya ayun. iwas-iwas

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga e. hehe minsan talaga di maiiwasan. :D

      Delete
  7. hala ka! tsk..tsk..tsk...kasi, kasi alam nang bawal yan tuloy (sermon?)

    next time magdala ng backup na meds, ok? sana ok ka na! ^____^

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo, ate! hahaha

      ok na ako tabs. :D

      Delete
  8. OMG. Lahat ng symptoms mo ay severe allergic reaction. It's life-threatening. I carry Epipen injection lagi just in case, God forbid, my son gets allergic reaction specially when we travel.

    In some cases, mag close up talaga ang throat at di na makahinga ang pasyente.

    Don't you ever eat okoy again or anything with shrimp. Nukaba? Parang you're just playing Russian Roulette.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minsan kasi di talaga maiiwasan matakam sa bawal. Oks na ako Lili, daghang salamat! :D

      Delete
  9. Replies
    1. ok na dong....nakalaag na ko. haha

      Delete
  10. ala nag ka ganyan na din ako hahays pagaling ka po

    ReplyDelete
  11. wah grabe naman pala! kawawa ka sa pic ng maga ang nguso, para ka lang nabugbog! padalan kita ng okoy ha! hahaha :)

    ReplyDelete
  12. get well soon!

    ganyan ako kapag nakakakain ng beans, tas mamula-mula na uber kati!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganun? beans naman sayo. hehehe. apir!

      Delete
  13. oh my gash! kinilabutan ako..eto pala yung sinasabi ni joanne na namantal ka kaya di kau natuloy magkita hehehe! ooops nangbuking ba ko? :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. nabuking nga! LOL

      secret lang yon e... hahaha

      Delete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D