Monday, August 27, 2012

Hanggang Kailan

"Lumayas ka kung ayaw mong mapatay ng mga tao..."

Ang mga katagang paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan habang nilalakbay ko ang makipot na daan patungo sa madilim na kagubatan. Hindi ko alintana kung ano man kapahamakan ang sasalubong sa aking paglalakbay na ito. Nais ko lamang makalayo sa mga taong umaalipusta sa aking pagkatao. Gabay ko ang mga kulisap at mga halamang ligaw habang binabaybay ko ang kagubatan.

Hindi ko alam kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Pero umaasa ako kung saan man ako dalhin nito ay magiging maayos ang kalagayan ko. Walang mananakit. Maging masaya.

Bahala na, sa isip ko, tuloy lang sa paglalakbay. Wala na akong mailabas na luha. Pagod na ang puso kong niyurakan ng mga tao makitid at walang pang-uunawa. Tao din ako. Simula't sapul ay ayaw na rin ng aking pamilya sa akin. Salot --- ito ang salitang hindi mawaglit sa aking kaisipan kahit noong musmos pa lamang ako.

Wala akong nagawa kundi lisanin ang lugar na napapamahal na sa akin. Ang aking pamilya na akala ko'y magtatanggol sa aking kalagayan ngunit sila mismo ang tumulak sa akin palayo. Napakasakit! Nakakalungkot dahil ang mga taong malapit sa iyong puso ay pinabayaan at hindi pinagtanggol. Ganun na nga siguro ang buhay...mapaglaro!

Subalit ipagpatuloy ko ang buhay ko malayo sa kanila. Walang mang-aapi. Walang mananakit. 

Dito ko ipagpatuloy ang buhay ko....sa kagubatan!

16 comments:

  1. naku sa gubat pa naman maraming ahas :D

    ReplyDelete
  2. hanggang kailan?
    napaisip ako dito ah... kw ba mismo eto pre?

    ReplyDelete
  3. haha napaka matalinhaga neto ahh haha anu nga b ung matalinhaga parng sarap lng sabihin ee haah basta ang cute nyan

    ReplyDelete
  4. napaisip naman ako kung ano siya at bakit niya kailangan danasin yung ganito haaay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e. Siguro sasaya din sya! :D

      Delete
  5. ang lungkot naman ng buhay nya :(

    ReplyDelete
  6. Ang deep naman. Hehe. Napaisip ko kung ano/sino sya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehehe.Oo nga e. Salamat sa pagbisita! :D

      Delete
  7. sya ba ay aswang o monkey kaya sa gubat na titira?

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D