Limang taon. Oo. limang taon din nating pinagsasaluhan ang mainit ng ating pag-iibigan. Sa una, akala ko hindi natin malagpasan ang pagsubok na dumaan sa ating pagsasama. May mga pagkakataon na gusto na nating bumitiw pero dahil sa pagmamahalan natin. Tayo'y pinagsama pa rin ng ating tadhana. Noon, hindi ko akalain na magiging tayo. Hindi ko lubos maisip na ikaw at ako ay magkakasama at pagsaluhan ang magagandang alaala.
Dati, lagi kong iniisip na langit ka at nasa lupa lamang ako. Ang hirap mong abutin. Pero laking gulat ko, isang araw, ikaw'y napapasaakin.
Dati, akala ko, ayaw ng mga magulang at mga kapatid mo sa akin dahil sa antas ng inyong pamumuhay. Kumpara naman sa antas ng aking pamumuhay. Malaki ang agwat. Pero hindi ito balakid sa ating pagmamahalan. Bagkus, tinanggap nila ako ng buong buo. Walang pagdududa!
Ang saya noong mga panahong iyon. Kaya, sobra kitang minahal at inaalagaan. Pati mga magulang at mga kapatid mo ay minahal ko at inaalagaan ko dahil sa isip ko, bihira lamang ang ganito, ang pagtrato nila sa isang katulad ko. Sobra napakabuti nila sakin.
Dumating ang panahon na bigla ka na lang nanghina. Biglang humina ang katawan na dati kay sigla. Napag-alaman namin, na hindi ka na magtatagal. Sobrang lungkot ng aking nadarama.
Hanggang sa dumating ang araw na iyon, nais mong dalhin kita sa dalampasigan. Nais mong lumanghap ng sariwang hangin. Dinala kita roon. Kumapit ka sa aking likod habang naglalakad tayo papunta sa dalampasigan. Ramdam na ramdam ko ang iyong paghahabol ng hininga. Ramdam ko ang panghihina mo. Pero lakas loob mo pa ring magpatuloy sa ating patutunguhan.
"Kargahin na kita," ngunit ngiti lamang ang sinagot mo sakin.
Kinarga kita hanggang marating nating ang dalampasigan. Dahan dahan kita binaba sa buhanginan. Kitang kita ko ang mga magaganda mo pa ring ngiti. Ngiti na laging nagpapalakas ng aking loob.
Katabi kitang nakaupo hanggang tinatanaw ang papalubog na haring araw. Hawak hawak ang kamay mo.
"Napakaganda ng buhay. Napakaganda ng buhay ko noong makilala kita," mahina mong sabi sa akin "napakasaya ng mga alaala ng ating pinagsasaluhan. Masaya akong binigyan mo ng kulay ang mundo ko. Hindi mo nakakalimutang isuot ang mga ngiti sa aking mga labi."
Halik lamang ang naisagot ko sa mga salitang lumalabas sa iyong mga labi. At ang katagang, Mahal na mahal.
"Rex, nais ko ng matulog" sambit mo sa akin "mahal na mahal din kita." Higpit ng yakap mo sakin habang sinasabi mo iyon. Humiga sa aking kandungan. Dahan dahan mong pinikit ang mga mata mo habang sinasabi ang "Maraming salamat..."
