Tuesday, August 21, 2012

Anong nasa isip mo?

Uy! Kamusta kayo? Lol! Ang haba ng weekend no? Ang saya lang. Parang gusto ko nga na tuloy tuloy na yong walang pasok. Hahaha. Toxic masyado sa opisina. Daming nangyari in just 2 weeks. Nag-resigned ang katabi ko. Sabi ko sa kanya, next in line na ako. Makiki-trending ako sa pagre-resign. Lol!

Oh, ayaw ko ng pag-usapan ang tungkol sa office. Kaka-stressed e. Naka-set na ang mind ko na kapag lumabas ng building...sasabayan din ng pag-iwan ng pagka-stressed. Bawal sumama! Kainis lang!

Okay na....fast forward na tayo ha?!

Saturday: FOOD TRIP
Ang plano ko sa araw na ito ay matulog ng matulog ng matulog....grabe! Gusto ko itulog lahat ng stressed at ka-toxic-kan na namumuhay sa katawan ko. Pero syempre, pagkagising ko e....nagutom ako. Kaya lumabas ako at....naghahanap ng feeding program para makikikain ako. Joke! Lol!

Ang nakaka-ganda lang sa lugar ko ay madami kang mahahanap na makakainan. Tamad lang talaga ako lumabas mas pinipili ko pang kumain ng kanin at milo kesa lumabas para kumain.

At itong araw na ito ay sinipag akong lumabas. At ito ang binili ko. At (di ako nauubusan ng "at") ito ang kinain ko sa isang kainan lang. Ang PG? Hahaha!

yummy yum yum... 

Sunday: MOUNTAIN CLIMBING
Umaatake na naman ang pagka-gala ng inyong lingkod. Matagal na itong pinagplanuhan ng mga kaibigan ko sa galaan. Ang problema nga lang ay ang panahon. Pambihira! Lagi kasing umuulan. Bumaha pa nga!

Mabuti na lang ngayong Linggo ay medyo okay ang panahon kaya hindi na nagdadalawang-isip na umakyat. First time ko itong ginawa kahit pa e...sanay akong umakyat ng bundok kasi probinsyano nga ako di ba? Kaya, masasabi kong first time ko dahil....ano nga ba ang dahilan ko? Hahaha. Ahh basta! Yon na yon! 

Dahil first time ko, hiningal ako, parang asong nauulol na labas ang dila. Grabe! Kung 5000 calories ang kinain ko noong Sabado, binawi naman siya sa pag-akyat ng bundok. Ang lakas maka-burn ng calories. Nag-magaling akong mag-compute ng calories. Hahaha!

Lesson learned sa pag-akyat ko, kumain muna mga 30minutes bago umakyat para di maubusan ng enerhiya ang katawan.

Pero achievement naman pagdating doon. Maulap nga lang ang panahon kaya di makita ang ibang bundok na kalapit nito.

Kung kagaano kabagal ang pag-akyat mula sa starting point hanggang sa tuktok ng bundok. Sobrang bilis naman ang pagbaba mo na parang tinutulak ka pababa. Sakit sa tuhod! Lol!

Kaya ayon, noong nasa bangka na pauwi...nakayoko na papikit-pikit dahil sa pagod. Pero sobrang nag-enjoy! :D
photo credit to jin

Monday: BOWLING
Nagpaka-mountainer ako noong Linggo. Ngayong Lunes naman ay nagpaka-sporty naman ako. E di ako! Hahaha.

Pangalawang beses ko na ito, naalala ko ang score ko dati mas mataas sya kesa ngayon. Isang beses lang akong naka-strike sa unang game. Sa pangalawa at pangatlo, WALA!!!!! Kainis! Lol!

Syempre, inienjoy ko ang paglaro nito. Lol! Tara laro tayo! Haha!

bowling... 
Tuesday: HOLIDAY pa rin?
Rest........

Rest...........

Rest..............

and.....

Rest.......

-End-


So, ikaw? Anong nasa isip mo?

29 comments:

  1. mas enjoy kung magpapalipas ka ng magdamag sa taas ng bundok. Ginawa na namin yun. Sarap :)


    pagkatapos ng ngayon (martes) eh balik na tayo sa riyalidad hehehe..

    magandang araw po sa inyo sir empi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magagawa ko din yan sir. Wala pang tent e. Hehehe!

      Happy weekend! :)

      Delete
  2. hahha pag wang pasok saglit lng ko mg nenet kasi diot mga kapatid ko kya auko ng wang pasok hahahahaha

    ReplyDelete
  3. Ako? gusto ko nun chicken empanado!

    ReplyDelete
  4. wow nagmountain climbing! may itinerary ka?

    ReplyDelete
  5. parang last supper yung kain, hindi nagpapigil parang walang bukas...congrats sa akyat dong! kamusta ang buto-buto? LOL

    ReplyDelete
  6. ang saya naman ng mga ganap! ikaw na ang active hehe :)

    ang nasa isip ko..yung mga kinain mo, nainggit ako e haha :)

    ReplyDelete
  7. tama ka, pag ang bagay na nakakastress dapat di na pinag-uusapans

    ReplyDelete
  8. ang saya saya naman ng longweekend mo.
    sayang ndi ako nakasama.
    isang pin lang naman napapatumba mo sa bowling.LOl

    ReplyDelete
  9. puro pagburn ng calories ang ginawa mo nung long weekend samantalang ako puro paggain ng calories. haha =D

    saya naman nung umakyat kayo ng bundok may bowling pa kinabukasan. very nice.

    ReplyDelete
  10. dami lang activity, buhay na buhay :) na-curious lang ako, anu kaya yung nakaka stress sa office? balak ko pa naman mag shift ng career at mag try sa office, pengeng tip' lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madami naman! Depende kasi yan sa pinagtatrabahuan mo. :D

      Delete
  11. ang saya ng long weekend mo..ang daming pangyayari..sulit na sulit hehe..gusto ko rin ma-try ang bowling at mountain climbing hehehe...

    ReplyDelete
  12. masaya talaga ang mag bowling...iyon ang nasa isip ko ngayon.....Paeng Nepumuceno..

    ReplyDelete
  13. ang susyal lang sa pandinig nung pasta puttanesca. pangmayaman ang tunog. ;)

    ReplyDelete
  14. astig un long weekend mo, buti kapa meron nun..tapos kasama mo pa isa ko kaofficemate...hehehe..di man lang ako inaya...

    wow masarap dun sa mt.tagapo..pero sana ngovernight din kayo..
    share ko lng experience ko dun sa tagapo..

    http://xplorerboyz.blogspot.com/2010/12/mt-tagapo-talim-island-laguna-de-bay.html

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D