Friday, February 18, 2011

Si Vicky

Simula noong nakausap ko siya, naging maayos na pakikitungo sa akin ni Vicky. Ilang araw na rin kaming nagkikita, madalas ay sa hapon kami magtagpo dahil hindi siya lumalabas sa umaga. Habang nanonood ng paglubog ng araw. At unti-unti ko na siyang nakikitang nakangiti hindi tulad noong una ko siyang nakita sa dalampasigan.

Naging palaisipan sa akin kung ano ang kanyang nakaraan. Nais kong malaman kung ano ang pinagdaan niya bago siya napadpad sa Isla Cansayong. Hindi ko siya noon nakikita sa islang ito sa t’wing magbabakasyon ako dito. Palagay ko, isa siyang istranghero na nag soul searching dito sa isla. O baka naman ay laking Maynila talaga siya at ang kanyang mga magulang ay lumaki sa Isla.

Nakasanayan ko na ang maglakad lakad at tumakbo sa dalampasigan t’wing umaga. Ang ganda ng panahon. Ang ganda ng sikat ni haring araw. Nagdatingan na rin ang mga mangingisda. May mga batang maaga naliligo sa dagat. May naglalaro ng volleyball.

Ganito sa Isla, simple lamang ang buhay. Walang gulo. Walang usok na galing sa mga pampublikong sasakyan. Napakapayak ang pamumuhay dito. Kung hindi lang dahil sa mga magulang ko, mas pipiliin ko ang mamuhay sa Isla kaysa siyudad.

Nakita ko si Vicky. May kasama. Napangiti ako dahil maaliwalas ang mukha niya ngayon. Malaki na ang pinagbago ni Vicky. At himala, nakikita ko siya ngayong umaga sa labas. May kasama siyang kasing edad lang din yata niya. Nakita niya ako at ngumiti. Nilapitan ko sila. Pinakilala niya sa akin si Clarisse bilang kamag-anak niya at kasama niya sa bahay.

“Saan ang punta niyo?”
“Dito lang. Ikaw?”
“Maglakad lakad lang. Nagpapawis. Baka gusto nyong sumama?”
“H’wag na po.” Sagot ni Clarisse.

Nakatingin lamang si Vicky sa akin na parang sumasang-ayon kay Clarisse. Minabuti ko na lang na hindi kulitin baka matarayan pa ako. Pero…..

“Sige na, Ate Vicky! Samahan mo na si Kuya.”

Tinaasan ng kilay niya si Clarisse. Pero hindi ito nasindak sa halip ay pinipilit niya para sumama sa akin. Natutuwa ako kay Clarisse. Yes! May kakampi pala ako nito, sa isip ko.

“Sige na, samahan mo na si Kuya. Magpa-araw ka naman, uy! Namumutla ka na oh.” Si Clarisse. “Bye, bye! Mauna na ako sa inyo.” Sabay kindat sa akin.

Naglakad lakad kami sa dalampasigan. Kwentuhan. At may konting biruan. First time ko siyang narinig na tumawa. Ang sarap pakinggan. Mas maganda siya pag nakangiti.

“Kamusta naman ang bakasyon mo dito sa Isla?”
“So far… maayos naman at unti unti na akong naka-recover sa trahedya ng buhay ko.”
“Hmmm… pwede ko bang malaman kung anong trahedya sa buhay mo?”

Sinimulan niyang ikwento si Lawrence sa akin noong umagang ‘yon. Nakikinig lamang ako sa kanya. Tuloy tuloy niya itong sinalaysay sa akin. Hanggang doon sa aksindenteng nangyari sa kanilang noong gabing iyon (Paki-klik mo na lang kung interesado ka >>> PART 1 PART 2).

“Ganun talaga ang buhay, Vicky. May mga bagay talaga na hindi natin aasahan na mangyayari. Mga bagay na akala natin ay sa pelikula o teleserye lang magaganap pero sa totoong buhay ay mangyayari din pala.”
Tumango lamang si Vicky.

“Pero unti unti ko ng natatanggap na wala na si Lawrence. Tatlong taon na rin ang aksidenteng iyon. At mabuti na lang at pinadala ako nila Mama at Papa dito sa Isla. Kahit papaano ay nakatulong ito sa akin.”
Nakatingin lamang ako sa kanya at ngumiti.

“Syempre! Salamat at nakilala kita, Ronald! Kung hindi dahil sa iyo…siguro hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin ako sa bahay. Salamat!”
“Hehehe. Tama na ‘yan! Baka humagulhol ka na naman dyan”
“Hahaha! Sira!”
Niyaya ko siyang mag-breakfast sa bahay ko. At buti na lang ay pumayag siya. Naging maganda ang umagang iyon para sa aming dalawa. Pagkatapos kumain ay hinatid ko siya sa bahay nila. Nakangiting nakatingin sa amin si Clarisse. Malamang, lulunurin niya itong sa tukso….

“Ronald….” Tawag ni Vicky bago ako nakalayo sa bahay nila. “Salamat sa breakfast!”
"Salamat lang? Wala man lang...." sabay senyas sa lips
"Hahaha! Sira ka talaga"  


20 comments:

  1. magkikiss na ba cla??
    parang may censored sa kasunod na kabanata. hahaha!

    empi babasahin ko ulit mula sa umpisa Part 1!
    kc nmn eh ang haba :)

    ReplyDelete
  2. oo nga parang may censored part na hihihi =) next na!more more..hehehe

    ReplyDelete
  3. @ BHING: Hahaha! Sorry naman ate bhing. :)


    @ SUPER: Hehehe. more more more pa talga

    ReplyDelete
  4. EMPOY NAMAN. MAGKAKAROON NG ADULT CONTENT ANG BLOG MO PAG TINULUYAN MONG MAGKA-CENSORED PART ANG SUPPOSED TO BE WHOLESOME LOVE STORY NILA.
    (PANIRA NAMAN AKO, NUNG UNA PINATAY KO AGAD SA STORYA SI LAWRENCE.)

    CUTE NI VICKY, MAY KILALA AKO, NA PARANG SIYA. NAKARELATE NAMAN AKO. TOINK.

    MORE!

    ReplyDelete
  5. lumelevel up na si vicky ah. ano kaya susunod? baka magsex na sila! joke lang hehehehehe

    ReplyDelete
  6. @ DEMIGOD: Haha. naaliw ako sa comment mo... advance thinker ka talaga. ayan tuloy mag iisip na naman ng bago... hmp! hahaha

    ReplyDelete
  7. @ BINO: Ganun talaga yan... hehehe... gawin mo malandi si vicky sa susunod. hahaha

    ReplyDelete
  8. wala man lang........ :p iba naisip q. wakikiki

    ReplyDelete
  9. wooahahaha... kwentutan este kwentuhan din pala din... puro din...woooahhh...ahahaha... inde ko pa nababasa yung ibang parts... pero itong scene na ito kilig ah...wooot... :)

    ReplyDelete
  10. magkatuluyan kaya sina vicky at ronald?

    abangan ko nga :))

    happy weekend :)

    ReplyDelete
  11. nyahahah.. guso ko din tumira sa isla na yan... gusto ko ng kapayapaan.. ano daw? hahahahahah :) uy empi nice na nice ang story mo ah...

    ReplyDelete
  12. uy uy uy... binitin pa eh. hahaha.. may kiss na ba, kahit smack lang hahah. hindi pa naisingit.. tyak may malaking twist sa susunod...

    :)

    ReplyDelete
  13. painit ng painit. hihi

    ilabas mo na po kasi picture ni vicky kuya empoy. wahahahahah

    ReplyDelete
  14. @ KHANTO: Hehehe..ikaw ha.

    @ Iya: Atat ka ha.. hehe!

    ReplyDelete
  15. @ SUPER G: Kwentutan talaga ang gusto... nagpapahalata ka parekoy. hehe!

    @ JAY: Abangan mo na lang. Hehe! Ty jay!

    ReplyDelete
  16. @ KAMILA: Kapayapaan talaga... Haha! Ayos ka!

    @ ISTAMBAY: Hehe... gusto mo rin magkiss ha. Tnx banjo!

    ReplyDelete
  17. @ HAMSTER: Haha. adik ka. kailangan talaga may picture. :D

    ReplyDelete
  18. padaan lang ha. sino si vicky? mamaya after ng duty ko basahin ko. haha. bago na ang blog ng marco. ayooosss ah. hehe. ako din, bago na... hehehehehhe... apir!

    ReplyDelete
  19. JM: salamat sa pagbisita. add kita. :D

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D