***
Ang buhay ay mapaglaro. Kapag hindi ka marunong lumaban, talo ka! Sa buhay, hindi lahat ng gusto natin ay mapapasaatin. Minsan, akala mo ang taong gusto mo ay gusto ka rin. Minsan, binigay mo na ang buong puso mo sa taong akala mo ay buong buo din binigay ang puso niya sayo. Hindi lang minsan kundi madalas ay paglalaruan ka ng iyong tadhana.
Ang taong iniibig ko ay meron ding iniibig na iba. Mahal niya ako pero hindi buo! Oo, naging kami. Pero hindi tumagal. Hindi nag-work ang relasyong sinimulan namin. Umabot ng isa’t kalahating taon, okey na yon! Sa sandaling iyon ay naging masaya naman ako, sa sandaling iyon ay naramdaman ko din naman kahit papaano ang pagmamahal na hinahanap ko. ‘Yon nga lang e sa bandang huli ay sakit ang nararamdaman ko sa katutuhanang hindi pala talaga ako minahal ng buo. Kumbaga, pinaniwala ka ng mahal na mahal ka niya.
Ang taong iniibig ko ay meron ding iniibig na iba. Mahal niya ako pero hindi buo! Oo, naging kami. Pero hindi tumagal. Hindi nag-work ang relasyong sinimulan namin. Umabot ng isa’t kalahating taon, okey na yon! Sa sandaling iyon ay naging masaya naman ako, sa sandaling iyon ay naramdaman ko din naman kahit papaano ang pagmamahal na hinahanap ko. ‘Yon nga lang e sa bandang huli ay sakit ang nararamdaman ko sa katutuhanang hindi pala talaga ako minahal ng buo. Kumbaga, pinaniwala ka ng mahal na mahal ka niya.
Ako si Claire, umiibig kay Alex,
siya ang lalaking minahal ko, siya ang nagturo sa ‘kin sa lahat ng bagay na
hindi ko pa nagagawa, at siya ang nag-introduce sa ‘kin sa sports at iba’t
ibang klase ng pagkain na hindi ko pa natitikman.
Masakit! Sobrang sakit na mawala
siya buhay ko. Pero wala nga akong magagawa. Sabi nga, first step to moving on
is to MOVE.
**
Malaki ang pagkakamaling nagawa
ko sa tanang buhay ko. Pinaasa. Sinaktan ko ang babaeng pinagkatiwala sa akin
ang kanyang puso. Umaasa ako noon na mamahalin ko siya ng buo pero nagkamali
ako. Dahil sa t’wing kami’y magkasama, pinapangarap ko na sana siya ang kasama
ko (ang tunay na nagpapatibok ng puso ko). Oo, alam kong mali ako. Maling mali!
Sa loob ng isa’t kalahating taon
ko siyang pinaniniwala na siya ang mahal ko, na siya ang nagpapasaya sa akin
araw-araw, na siya ang pinapangarap ko na makakasama habang buhay.
Kinukurot ang puso ko sa t’wing
ibubulong niya sa ‘kin ang, “Alex, wag mo kong sasaktan ha.”
Siguro nga, pagkakataon na ang
gumawa ng paraan para magkahiwalay kami. Ang hirap palang makasakit ng kapwa mo
lalo na kung ang taong nasasaktan ay wala namang ginawa sayo ng masama.
Nakaka-guilty dahil sa loob ng isa’t kalahating taon ay pinaramdam niya sa ‘kin
ang pagmamahal na walang kapalit at inaalagaan niya ako.
Madaling magpanggap na masaya ka.
Madaling sabihin na abot langit ang kasiyahang nadarama mo sa t’wing kasama mo
ang iyong irog. Subalit, napakabigat nito sa dibdib dahil ikaw lamang ay
nagpanggap. Nasasabi ko na lang sa sarili ko, sana sinisigurado ko ang
nararamdaman ko noon para hindi ako nakakasakit ng damdamin ng ibang tao.
Pinagdusahan ko na ang mga
pagkakamaling nagawa ko. Umiibig ako sa babaeng napakamanhid. Umiibig sa
babaeng hindi ko alam kung may pagtingin sa akin o wala. Ang sakit pala ng
ganito, ang hirap! Dahil hindi ko alam kung aasa pa ba ako o palayain ko na
lang siya sa aking puso. Ngunit, may parte ng aking puso ang nagsasabi, wag mo
pakawalan. Ang hirap!
“Hanggang pangarap ka na lang ba,
Donna?”
**
Mabait siya sa akin. Inaalagaan
niya ako kahit hindi ko naman hinihingi sa kanya. Binibigay ang lahat ng
kailangan ko. Mag-isa lang ako sa lugar na ito. Walang kamag-anak. Walang
kakilala. Pero isang lalaki ang natagpuan ko na nagmamalasakit sa ‘kin.
Pinaramdam niya kung gaano ako ka-espesyal. Tinuring ko siyang matalik na
kaibigan. Pero alam ko at ramdam ko na iba ang pagtingin niya sa akin.
Nakakatuwang isipin dahil sa
kanya ko naramdaman na noon ay hindi maibigay ng kamag-anak at pamilya ko.
Itinakwil nila ako. Pinalayas. Kinamuhian ng buong barangay. Kahit pamilya ko
ay hindi ko ito maramdaman. Pati pamilya ko, na akala ko, sila ang magtatanggol
sa akin. Pero HINDI! Itinatakwil din nila ako.
Pilit ko kinalimutan ang aking
nakaraan. Pilit ko magpaka-normal na tao sa piling ng lalaking nagbigay ng
kakaibang trato sa akin. Pakiramdam ko isa akong normal na tao.
Ngunit...
“Patayin ang babaeng yannnnn… ”
sigaw ng mga tao sa bayan papunta sa bahay ko. May dala dalang itak ang bawat
isa sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala si Alex. Ito na nga ang
kinatatakutan ko.
“Patayin ang babaeng yannnnn….”
“Isang halimaw!!!!” sigaw ng
isang babae. Kinakalabog na ang buong bahay. Pintuan na pilit binuksan.
Nakapasok ang mga tao, tinutunton nila ang kinaroroonan ko. Hinahalughog ang
buong bahay…
“Nakita ko na ang halimaw!” sigaw
ng matandang babae, na bigla naman kumaripas ang mga tao sa kinaroroonan ng
matandang sumisigaw.
Mga taong galit na galit.
Pinagtatadtad nila ako. Mula buntot, katawan hanggang sa ulo!
“Isa kang salot, babaeng ahas!”
love triangle pero nabigla ako sa dulo. Isang hindi ordinaryong nilalang si Donna?
ReplyDeletemay karugtong pa ba ito sir empi?
maligayang pagbabalik sa pagsusulsi ng watak watak na ideya upang makabuo ng kwento..
gandang araw po
Pag may tupak, Sir! Dudugtungan ko. Hehehe.
DeleteGandang araw po.
Napakagulo naman ng love story na ito, may nagmamahal ng buo, may hindi, may tao, may hindi.. kelan ang next episode? :)
ReplyDeleteNagmana kasi sa author...magulo ang utak. Hehe
Deletenabigla ako sa ending :)
ReplyDeletetwisted na twisted ang ending! grabe
ReplyDeleteHahaha.
Deleteakala ko love story na tragic.. biglang naging fiction :))
ReplyDeletenext!
Hahaha. Nexy agad.. wala pa maisip e. :)
Deletesana si joanne happy ending ang love story, kahit babaeng halimaw din sya.
ReplyDeleteHahaha, may ganun zai? :D
Deletenakakarelate na ko sa una peo biglaan bumali ng ganun haha nice one
ReplyDeletehehehe. tnx MEcoy!
Delete