Excited akong sunduin si Vicky dahil madali ko siyang napapayag kanina sa paanyaya ko. Pero hindi ko siya maintindihan kanina. Kung bakit siya’y supladang makikipag-usap sa akin. Pero di ko alintana iyon dahil mas nanaig ang saya ng aking puso dahil madadala ko siya sa lugar na kung saan ay lagi kong pinupuntahan noon. Hindi ko na napuntahan ang lugar mula noong bumalik ako dito. Pero ayon sa aming mga tauhan doon ay maayos pa rin naman daw ang lugar.
Dali dali akong lumabas ng aking tahanan upang tunguhin ang tahanan kung saan si Vicky ay naghihintay. Ayaw kong mahuli sa takdang oras na kanyang binigay sa akin kanina.
Natatanaw ako ni Clarisse na padating sa kanilang tahanan. Habang papalapit ako sa tahanang iyon ay bigla akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit, pero hinayaan ko lamang ito. Siguro dahil hindi ko alam kung magugustuhan niya ang lugar kung saan ko siya ay dadalhin.
“Hi, Clarisse!”
“Hello, Kuya Ronald! Teka po ha, tawagin ko lang si Ate.”
“Okey, sige.”
Habang naghihintay ay tinungo ko muna ang mga litratong nakalagay sa mga living room nila. At doon ay nakita ko ang larawan ni Lawrence, na kayakap si Vicky. Maraming larawan ang mga nandoon na halos kay Vicky at Lawrence lang ang nakalagay. Dalawang litrato lamang ng kanyang Ina at Ama ang nandoon.
“I’m ready!” sigaw ni Vicky
Na siya namang ikinagulat ko at muntik ko ng mabitawan ang isang frame ng litrato niya na kasama si Lawrence.
“Siya pala si Lawrence.” Sabi niya.
Naramdaman ko na good mood si Vicky ngayon, hindi tulad kanina na parang kakain ng taong buhay. Maaliwas at maamong mukha na kay sarap titigan ang bumulaga sa harapan ko. Ngumiti ako sa kanya bilang hudyat na handa na ako sa aming pag-alis. Tara! Yaya ko sa kanya.
Hawak ko ang kanyang kamay noong kami ay naglalakad patungong dalampasigan. Wala siyang imik noon, hinayaan ko na lamang siya. Ilang minutong nakalipas, siya ay nagtanong.
“Saan ba tayo pupunta?”
“Basta.” Sabay ngiti.
“Sige na. Sabihin mo na kasi…” pamimilit niya.
“Mawawala ang sense ng surprise kung sasabihin ko.”
“Alright!”
Natanaw ko na ang bangka lulan si Manong Benjamin. Kumakaway sa amin, nakangiti. Pagdaong ng Bangka ay agad kong inaya si Vicky na sumakay. Inaalalayan ko ito paakyat. Walang ideya si Vicky kung saan kami pupunta sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
Mga tatlumpung minuto ang byahe mula sa Isla Cansayong papuntang Isla Pasol. Ang Isla Pasol ay katabi lamang ng Isla Cansayong. Maliit lang ang isla kumpara sa Isla Cansayong. May labing limang tao lamang ang nakatira sa Isla at limang pamilya kasama na ang angkan ko. Abot tanaw ko na sa di kalayuan ang Isla kung saan ako ay lumaki.
Pagkadating sa Isla ay agad naming tinungo ang lugar na sinasabi ko. Pero bago ang lahat ay tinakpan ko muna ang mga mata ni Vicky. Pumayag naman siya sa gusto ko…dinala ko sa likod ng aming tahanan. Nilakad namin ang daan kung saan naghihintay ang surprisa ko para sa kanya. Mga isang daang hakba mula sa tahanan ang lugar na pinakapaborito kong tambayan noon.
“Dito na tayo… pwede mo nang tanggalin ang piring mo.”
Tinatanggal niya ang tela na nakatakip sa mga mata niya.
“Welcome to my….PARAISO!”
Napapamangha siya sa kanyang nakita. Napapaligiran kami na mga puno at mga halaman. May man-made lake ka ring makikita sa paligid na pinagawa ng mga magulang ko. Maganda ang lugar na. Mga huni ng ibon ay maririnig. May mga berdeng dahon mula sa mga punong kahoy.
“Ito ang PARAISO ko. Dito ako namulat. Dito ako natuto. Dito ako lumaki.At ang nakikita mo ay regalo ng mga mga magula ko noong kaarawan ko.”
“Sa inyo itong Isla?” sabay tiningnan ang paligid na hindi pa rin naalis ang pagkamangha niya sa lugar na tinatawag kong Paraiso.
Tumango lamang ako bilang pagsagot sa kanyang tanong.
Nilisan ko ang Isla Pasol, noong mag aaral na ako ng kolehiyo sa siyudad. Simula noong nakapagtapos ako ay hindi na ako nakabalik dito dahil tinulungan ko ang aking Ama at Ina sa kanilang negosyo sa siyudad. Hanggang sa natagpuan ko si Gladys, doon ay nakalimutan ko nang bumalik kung saan ako nanggaling.
Pero simula noong namatay si Gladys ay pinili kong balikan ang Isla Cansayong upang makalimot sa masalimuot kong karanasan. Pero nakalimutan ko pa rin puntahan ang Isla Pasol. Yong tahanan ko sa kabilang Isla ang pagmamay-ari ng tauhan ng mga magulang ko dito.
Solong anak lamang ako pero ginusto kong magkaroon ng kapatid pero kritikal si Ina kung magbuntis. Kaya okey na sa kanila na ako ang nag-iisang anak nila.
Katulad ni Lawrence. Namatay din ang aking kasintahan dahil sa kanser. Lubos ko itong dinamdam dahil buong akala ko ay siya na ang dadalhin ko sa lugar na ito. Sa lugar….sa lugar… kung saan kita dinala.
Nakikinig lamang si Vicky sa akin. Namamangha pa rin sa kanyang nakikita. Mga ilang minuto walang nagsasalita sa aming dalawa. Si Vicky ay nakatanaw pa rin sa kabuuan ng lugar. Ako naman ay nakahiga sa damuhan. Pinipikit ko ang mga mata at inaalala ko ang mga nakaraang nakatira pa ako ditto.Humiga si Vicky sa damuhan katabi ko.
“Anong ibig mong sabihin, Ronald?”
“Bago ako lumisan sa lugar na ito… nangako akong balikan ito kasama ang babaeng gusto kong makakasama sa buong buhay ko. At…..at…. ikaw yon, Vicky! Mahal kita… iaalay ko ang lugar na ito para sayo.”
“Ang Paraisong inaalay mo sa akin ay buong puso kong tatanggapin. Ronald, ikaw ang tumulong sa akin upang hindi manatili sa mga nakaraan na siyang nagpapalungkot sa akin. Andyan ka para ako’y pasayahin at ibalik ang mga ngiti sa aking mga labi, dahil sa ginawa mo ako ay naging masayang muli. Ronald, mahal din kita”
Related stories:
nag nagpromose na ng kasal si ronald? tama ba?
ReplyDeletewhahaha bitin pa rin pero maganda yung phasing :D
nahiya ako.
ReplyDeleteyong paraiso ni ronald ay parang paraiso sa aking pangarap.
napapahinga ako ng malalim.masarap mangarap.at patuloy akong mangangarap
ang bilis ni ronald ha! kailangan din ba talagang hunmiga? nagtatanong lang...
ReplyDeleteang bangis ng proposal. with own island. rich kid si pareng ronald. :D
ReplyDeleteang yaman pala ni ronald.. ang sarap sumakay sa bangka kasama ang mahal, gusto kong maexpirience yan.. patungo sa isla kung saan matatagpuan ang paraiso..
ReplyDeleteang ganda nito.. parehas na may pingadaanan pero sa hindi inaasahang pagkakataon, sabay nilang hinarap at nilampasan..
magaling sir.. sana hindi pa tapos..
@ AXL: Ambilis mo naman.
ReplyDelete@ DIAMOND R: ituloy lang ang pangarap.... libreng mangarap sabi nila. :D
@ IYA: Syempre...pagod sa byahe e.. kailangan ba talaga ng sagot? hehehe!
ReplyDelete@ KHANTO: Hehehe. Oo nga. sana ako na lang si ronald. yaman ko kung ganun! haha
@ ISTAMBAY: Salamat po sa pagsubaybay. Sarap, gusto ko rin maexperience yon. :D
ReplyDelete@ RON: Ikaw pala si Ronald? Hahaha.
TIPIKAL NA DALAGA SI VICKY ;)
ReplyDeleteweh di nga?lols
ReplyDeletewow! sila na ni vicky, fireworks'fireworks.. hehe! congrats ronald.. hehe! empi, kaw b c ronald?
ReplyDeletehong yomon! may manmade lake. joke! kilig to the bones! :D
ReplyDelete@ DEMIGOD: ;-) Oo Dems! :)
ReplyDelete@ AMOR: Shatap liit! :D
@ MOM: Hindi ako si Ronald. Hahaha! Fiction lamang iyan, mommy! :)
ReplyDelete@ BINO: Bumigay din si Vicky. Hehe!
wow...yaman naman pala..
ReplyDeletekilig...:)
ewww as if di sya maliit hahaha
ReplyDeletekaya nga kung makapangmaliit yang si marco ganun ganun na lang. hehe. jowk. miss you marconess. magpastarbucks ka naman. haha
ReplyDeleteAng sweet naman nito :).
ReplyDelete@ JAY: Thanks! :D
ReplyDelete@ AMOR: Di hamak na mas matangkad ako sayo no. Haha!
@ JM: ANong meron? hahaha! miss you too, JM!
ReplyDelete@ GOLDI: Salamat sa pagdalaw. :)
medyo nabitin ako ahh. teka nga makapagbackread
ReplyDelete-kikilabotz
buti na lang binasa ko, ibang paraiso kasi iniisip ko empi :)
ReplyDeletehahah teka yung series ko din nagpropose din.wahahaha
ReplyDeleteTeka muna!!! Teka Muna... parang nabitin ako...
ReplyDelete@ KIKILABOTZ: backread. backread. :D
ReplyDelete@ JEZON: Ikaw ha... haha!
@ KYLE: Uso yata ngayon yan. hahaha!
@ KAMILA: Teka ka rin. haha!