Nakatanaw.
Nag-iisa.
Nagmuni-muni.
Minamasdan ko ang paglubog ng araw. Nakaupo sa batuhan na kung saan may mga batang nalalaro. May dalawang pair na teenagers na nagdidate. May mga players ng volleyball na nagtatalo. May dumadaong na bangka na kung saan ang mangingisda ay dismayado dahil wala man lang nahuling isda. Sa banda roon, ay may kumpulan ng mga Ginang na nagkwentuhan sa kanilang buhay buhay.
Nakatanaw lamang sa malawak na karagatan na kung saan ay mabagal ang takbo ng haring araw na papalubog noong hapong 'yon. Minamasdan ang mga ibon na naglalaro sa itaas na tila ang saya saya nila, na kung saan maririnig mo ang kanilang masasayang huni. Siguro naghaharutan ang mga iyon.
Nag-iisang naglalakad sa tabing dagat, na kung saan ang tubig ay tila iniimbitahan akong maligo at samahan sila. Kay sarap ng pakiramdam na ang tubig na iyon ay malayang haplusin ang aking mga paa. Naglalakad palayo sa mga tao.
Nagmuni-muni sa mga nangyayari sa nakaraan. Hinahayaan na ang mga nakaraan ay lilipas sa tamang panahon. Kahit pa'y lagi itong pumapasok sa isip ay pinipilit na iwaksi ang mga bad memories.
"Kaya ako nandito para makalimot, hindi para alalahanin ang nakaraan."
Tumakbo ako papalayo. Pinilit kong sundan ang ibong iyon na tila nakikipaglaro sa akin. Hindi ko namalayan na malayo na ako sa tapat ng bahay ko.
"Ayan na, lulubog na ang araw. Ang ganda ganda, di ba?"
Kausap ko ang ibong iyon na parang sinasamahan ako sa aking pag-iisa. Ang kanyang huni ang nagsisilbing sagot sa t'wing siya'y aking kinakausap.
"Sana katulad mo ako. Malayang nakakalipad."
Napapangiti ako sa asal ng ibon na 'yon. Parang ang saya saya nya. Hindi siya lumipad papalayo sa akin. Sa halip ay sinamahan nya ako. Pagkatapos ng paglubog ng araw ay nagbabadya na ang dilim na babalutin ang buong isla ng katahimikan.
"Tulonggg......tulonngggg...." sigaw ni Manang, sa di kalayuan ng aking pinagtatayuan."Tulongggg...may nalulunod"
Nagising ang diwa ko sa sigaw ni Manang. Dali dali ko siya pinuntahan. Tinuturo niya ang di ko matukoy kung matanda o bata na tila may humihila sa kanya... Nalulunod!
"Kuya, kuya.... tulungan mo siya.... pleaseeeee"
Dali dali akong naghubad ng tshirt, ng short at lumangoy papalapit sa taong nalulunod.
"Andyan na ako...."
Babae pala ang nalulunod na ito. Dinala ko siya sa dalampasigan. Hinihingal. Tulala. Umiiyak.
"Miss, are you alright?""No! I'm not!""Bakit ka kasi naliligong mag-isa?""Leave me alone!""Ihatid na kita Miss. Saan ka ba umuuwi?""You hear me? Leave me alone!!!!""Ang taray naman nito. Ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa 'tong galit!" pagtatanggol ni Manang."Tara na nga. Iwan na natin 'tong babaeng 'to." sabay alis ni Manang."Oh, bakit ka pa nandyan?! Umalis ka na..." Taboy sa kin ng babae.
Tinititigan ko siya. Maamo ang mukha ng babae. Maganda. Sexy. Mahaba ang buhok. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Na para bang may malalim na pinagdaanan. Umupo ako sa di kalayuan sa kanya. Umiiyak siya at ramdam ko ang kanyang kalungkutan.
"Miss, ako pala si Ronald."
Hindi siya kumibo. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hinayaan ko siyang ibuhos lahat ng sama ng loob niya. Naiintindihan ko siya. Kaya, naisipan ko na lang na iiwan siya doon. Akmang patayo na ako.....at iiwan na lang muna siya.
"Thank you pala. By the way, I'm Vicky! Can you leave me now?"
Hindi na ako sumagot at umalis na lang sa kinauupuan ko. Naririnig ko pa rin ang iyak niya habang ako ay pauwi na sa bahay ko. Sana magiging okey siya.....sino kaya ang babaeng 'yon?
Sa kwarto ko ay siya pa rin ang naiisip ko. Naintriga ako.
Saan siya nakatira?
Anong pinagdaanan niya?
talaga nmn.... bitin na naman :(
ReplyDeleteganda ng mga pangungusap mo Mc Coy. simple pero malalim ang pinaghuhugutan.
hindi kaya may part sa kwento na totoo sa life mo sir.
ReplyDeleteantaray ng konti ni vicky, niligtas na, sya pa may galit. hehehe.
alam mo ang sarap basahin ng bawat talata ng iyong sinulat. ang gaan gaan basahin hindi mahirap i-imagine yong gusto mong iconvey na scene sa kwentong ito. inuulit ko, nagandahan ako sa sulat mong to.
ReplyDeletealam kong fiction to pero parang napakatotohanan ng bawat tagpo. gusto ko yong resemblance ng paglubog ng araw. nung ibon. nung mga batang naglalaro. tipikal na senaryo sa probinsyang yapak. napakaganda.
magaling din ang pagpili mo ng salitang aakma sa gkwentong gusto mong mangyari. magaan ang feeling. madaling i-imagine ang pagbabasa ng kwentong ito.
aabangan ko ang part 2. pramis
Naks! galing ng pagkakagawa... so kelan ang next part?! hehehhehhe
ReplyDeleteAng sungit naman ni Vicky. Bakit kaya? Hmmm.
ReplyDeleteAnother blog-novela hahaha! Nice! I-post mo na yung next biliiiisss!!! hehehe...
ReplyDeleteIniwan niya yung girl baka bumalik uli yun sa dagat at magpakamatay...LOL...
Pero di ko lng magets, nagtangka siyang magpakamatay pero humihingi siya ng saklolo? :)
aba aba!! drama ito!
ReplyDeletenasan na kasunod? kailan?
ReplyDeletebitin naman hehe... hihintayin ko ang kasunod =D
ReplyDeleteComplimenti!!! la storia che hai scritto e molto viva, con le immagine che hai usato e' molto utile per darci un sentimento reale. Sono contento che hai usato il tramonto come figura... mi piace' in sacco...
ReplyDeleteSembra che questa ci da' un po la sua propria storia!!!! vero?
ayos ang pagkakagawa mo ng kuwento na ito.....naalala ko tuloy ang name na vicky belo..
ReplyDeleteah ito pala ang part 3 ng anghel ni vicky.. ayos! :) Ganda pare... hahaha suicidal na si vicky.. lol... dapat may dalang McNuggets si Ronald Mcdonald.. lol.. epal much! Ganda pare.. thumbs up!
ReplyDeletehong galing! may pagkasuplada si ate hehehehe
ReplyDelete@ BHING: Salamat ate bhing. Hirap pala sumulat ng ganito. Tsk! hehe
ReplyDelete@ KHANTO: Hehehe... wala naman. Ginawa kong mataray si Vicky. Hehe!
@ MANGPOLDO: Salamat sa papuri. hehehe! na-inspired naman ako sa sinabi mo. Maraming salamat. :)
ReplyDelete!
@ XPRO: Hehehe... hindi ko pa alam. :D
ReplyDelete@ TSINA: May pinagdaanan. :)
@ JAG: Hahaha. Si Manang po ang humingi na saklolo. Hmp! :D
ReplyDelete@ IYA: Drama nga. Hehe!
@ ADANG: Wala pang kasunod. Nag iisip pa ako. hehehe! Tnx!
ReplyDelete@ PROP: Sorry kung bitin. Hehehe!
@ ANONYMOUS: Grazie! :)
ReplyDelete@ ARVIN: Salamat po!
ReplyDelete@ KAMILA: Hahaha. Mcdonalds talaga. ang adik! Haha!
@ BINO: Salamat Bino. Hehe!
mataray pa sya sa lagay na yun..???
ReplyDeletedapat binatokan u hehehe.,.joke...
nice..ganda...
kaya ka daw pinapaalis kase hinubad mo ang tshirt at shorts mO! haha naka bold ka kaya! lols magdamit ka muna kakausapin ka nya! =)
ReplyDeletebiro lang,, nice plot!!!
napadaan lang!! tagay na empirador
writer na si empi ah, puro short story na ang entry :D
ReplyDeleteayos, may mabuo kayang panibagong pag ibig.? at ang taray ni ateng ha.. hehehe..
ReplyDeletemabuhay ang may akda =)
ReplyDeleteikaw na ang may akda!!! =)
ReplyDeletenext next!=) ang lalim..may pinaghuhugutan?
ReplyDeleteHaha I have to think you really are super cool when it comes to girls. How do you find it when you are bust by beautiful shits?
ReplyDeletehappy monday folk.
follow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/
@ JAY: Grabe. Batukan talaga. haha!
ReplyDelete@ BON: Hahaha.Oo nga no. walang brip? haha...
@ CM: Subok lang yan, boss. Hirap pala. haha!
ReplyDelete@ ISTAMBAY: Titingnan natin kung may mabubuong pag-ibig. :D
@ CHINO: Salamat. Hehehe!
ReplyDelete@ SUPER: Haha. wala naman.
@ DENASE: Lakas ng loob. hehehe!
wow ikaw na ang blogserye writer :) Gusto ko ding i-try magsulat ng fictional stories minsan. hehehe
ReplyDeleteI like yung pumunta ka dun pra makalimot hindi para alalahanin ang nakaraan :) hehehe
Mukhang may pinagdadaanan ka pareng EMPI! kampay na yan, inuman na! hehehe
at si vicky vicks pala yon! di mo naman binanggit na naghubad naman ng tshirt at ek ek shorts si vicky bago magswimming. haha joke
ReplyDeletetatampalin para magising! haha
patingin naman ng picture ni vicky
salamat sa mga kwento mo. finollow ko ang blog mo. pakivisit/follow din sana ang bagong blog ko para naman may reader.
ReplyDeletehttp://momdaughterreviews.blogspot.com/
kaloka naman 'to... wala na, Engrossed na ako sa istorya. HAha. Feel ko ako ung gurl^^
ReplyDelete@ MRCHAN: Try mo din. Hehehe! Tagay na! Haha!
ReplyDelete@ JASON: Naghahanap ng prospect para gawing Vicky. haha!
@ MOM: Thank you sa pagbisita. :)
@ MISCHA: Salamat sayo. :)
aayyy series ito!
ReplyDeleteparang stairway to heaven na lovestory! hehe
wow!! ganda naman po... nakakalungkot yung nangyari kay girla-loo kung ano man yun... kakapalan ko mukha ko hane! hehehe invite po kita sa blog ko walang bisita eh wawa nmn ako hehehe.. pero ganda po talaga, promising ;)
ReplyDelete@ CHYNG: Hehehe. Thanks, Chyng!
ReplyDelete@ CAPTAIN: Salamat sa pagbisita. :D
hanggalinggggg, nman… sana may kasunod na
ReplyDeleteang dami ko ng hindi nabasa! may gaaaaaaad! :(
ReplyDeletethank you kuya kiks...
ReplyDeleteate prets... hehehe