Tahimik ang gabi na ang tanging maririnig mo lamang ay ang nagkakantahang palaka at kuliglig. Ang mga alitaptap na kumikinang ang buntot na nagsasayawan sa may puno ng mangga sa likod ng aking munting tahanan. Hindi ako makatulog. Hindi mapakali. Kaya, naisipan kong lumabas muna ng tahanan at magmuni-muni sa dalampasigan.
Bilog ang buwan noong gabing iyon. Maaliwalas. Madaming bituin. Kay sarap tingnan ang kalangitan. Ang ganda ng panahon. Sana ganito kaganda ang naging buhay ko kasama ka, sa isip ko.
Sa hindi kalayuan makikita mo ang ilaw ng bangka ng mga mangingisda. Hay! Bakit ganito ang buhay ko, sa isip ko ulit.
Naglakad-lakad ako sa dalampisagan. Gusto na kita makalimutan. Pero bakit hindi ko magawa. Anong meron ka?
“Kakalimutan na kita! Ayoko na! Hirap na hirap na ako!”
Nakaupo siya na nakatanaw sa kawalan. Umiiyak siya. Lungkot na lungkot. Nag-iisa. Tila mahirap siyang lapitan dahil hindi mo alam kung tatarayan ka o kakausapin ka.
“Bakit mo ako iniwan, Lawrence?”
Sambit niya. Naririnig ko ang pangalang Lawrence. Siguro nobyo niya iyon.
“Lawrrrreennnccccceeeee!!” sigaw niya.
Lumingon ako sa kanya. Umiiyak siya. Nilapitan ko.
“Miss, okey ka lang?”
Umiiyak pa rin siya. Hindi ko alam kung naririnig niya ako o ayaw niya lang akong pansinin.
“Miss, okey ka lang?”
“Teka, Miss, ikaw yong nagtangkang magpa…..”
“Oo…. Ako nga!”
“E, bakit?”
“H’wag ka ngang mangialam. E sa gusto ko, e!”
Umupo ako medyo malayo sa kanya….
“Alam mo… may nakapagsabi sa akin, h’wag ka raw mag-dwell sa nakaraan mo kung ayaw mo mahirapan. Isipin mo na lang ang mga masasayang nangyayari na kapiling mo si Lawrence.”
Tinanong niya sa akin kung bakit ko kilala si Lawrence.
“Narinig kasi kitang umiyak kanina at sinasambit ang pangalang Lawrence.”
Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan ay kitang kita ko ang kanyang mapupungay na mga mata. Pinunasan niya ang kanyang luha na tila ba nahihiya na kaharap ako.
“Ako nga pala si Ronald.”
“Ako si Vicky…Vicky Tatlonghari.”
“Ronald Monte de Ramos.” Sabay ngiti.
“Ganun talaga ang buhay. May mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari. Mga bagay na hindi natin akalain na mawawala. Katulad ko, may mga bagay na akala ko noon ay akin na. Pero sa isang iglap ay nawala. Masakit pero kailangang tanggapin at harapin. Kaya nga ako nandito sa Isla Malimono para harapin ang bagong yugto ng paglalakbay ko...”
Nakatitig lang sakin si Vicky. Nakikinig. Nagtataka. At nahihiwagaan sa mga sinasabi ko. Hindi siya makapagsalita, siguro naiilang sa akin dahil sa pinagsasabi ko.
“Malalim na ang gabi. Halika na! Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita.”
“Dyan lang. Ronald, salamat pala sa pagsagip mo sa akin kanina.”
“Walang anuman! Hindi solusyon ang magpatiwakal. Kailangan mo lang harapin kung ano man yan.”
Ngiti lamang ang sagot niya sa kin. Binaybay namin ang daan patungo sa kanilang tahanan. Mga ilang hakbang lang pala ang layo ng tahanan nila sa bahay ko. Maingay ang mga asong alaga nila.
"Salamat sa paghatid. I hope I can see you tomorrow!"
Ito na nga ba ang panibagong yugto ng paglalakbay ni Ronald na kasama si Vicky?
naks. mukang may line na between ronald and vicky.
ReplyDeletelumalandi si vicky hehehe
ReplyDeletehuwakaguacamoli! Ano daw sabi ko? Hehehe.. natawa naman ako sa comment ni Kuya Bino.. lol....
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletenaman! Si Ronald na kaya ang pupunan sa pagkawala ni Lawrence sa buhay ni Vicky? Ses! gustong-gusto ko tong sundan..:) i
ReplyDeletehahahaha! natawa din ako kay Bino!
ReplyDeleteayan, panibagong yugto na ng buhay yan.. lumalandi daw si vickey hehehe..
ReplyDeleteIto ba ang dahilan kung baket palaging mainit ang valentines day ni empi? hehehe...nice blog po =D
ReplyDeletenaglalagablab!!!!
ReplyDeletehappy valentines day bloggers =)
http://www.juanderfulpinoy.com
chinchan
Salamat sa mga sa inyong pagsubaybay... :D
ReplyDeletehahaha.. natawa ko sa comment na lumalandi si vicky!
ReplyDeleteat ayun na si ronald, ang papalit kay lawrence.. more mp, more!
clap clap!!!
ReplyDeletego mp :)
galing!
@ MD: haha... naman!
ReplyDelete@ JAY: Bleh!
napagtagpi tagpi ko ang mga pangyayare. ayon sa aking masusing imbistigasyon,
ReplyDeletegelpren ni kuya empoy si vicky.
natawa ako dun sa comment na
ReplyDelete"lumalandi si vicky!"
hahahahaha!
TGIF EMPI!
@ JEZON: Hahaha... grabe ang conclusion mo!
ReplyDelete@ MR. CHAN: TGIF din sayo. Ingat! :D