UNANG YUGTO: Sa Gitna Ng Dilim
Hindi ako makakilos. Madilim pa rin ang lugar na iyon. Iniwan ako ni Sarah. Tila may gumagapos sa buong katawan ko. Hanggang sa nakatulog ako sa mga oras na iyon.
Hindi ako makakilos. Madilim pa rin ang lugar na iyon. Iniwan ako ni Sarah. Tila may gumagapos sa buong katawan ko. Hanggang sa nakatulog ako sa mga oras na iyon.
Pagkagising ko....
"Bakit madilim pa rin? Saan ba ako? Nasaan si Sarah?"
Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saang lugar ako napadpad. Gusto kong maniwalang panaginip lamang ang lahat ng ito. Pero HINDI!
"Ano ba 'tong nangyari sa akin?"
Tinawag ko ang pangalan niya kahit alam kong wala namang tao. Parang tanga lang! Hindi pa rin ako makakilos. Pinipilit kong tanggalin ang nakagapos sa aking katawan pero ang higpit nito. Kung si Sarah lang ang nakapulupot sa katawan ko ay hahayaan ko na lang kahit hindi ako makakilos.
Pero HINDI!
"Saaaarrrrraaaahhhhhhhh!!!!!"
Sinambit ko ang pangalan niya na umaasang may makakarinig sa akin. Pero sadyang mapaglaro ang dilim na ito. Mapaglaro ang lugar. Tila ako lang ang nakakarinig sa sigaw ko.
"Waaaahhhhhh!!!!! Pakawalan niyo ko ditttoooooooooo!!!!! Saraaahhhhhhh!!!! Naaaaasaaaannnn kaaaaaaa??????"
Dahil napagod akong sumigaw ng sumigaw na parang tanga lang, wala naman talagang nakakarinig dahil parang ako lang ang tao sa lugar na ito. Tumahimik na lang ako at nag-isip. Kinabisado ang lugar na kahit madilim ay pilit kong inaninag baka sakali alam ko kung saang lugar ito. Pero hindi ko talaga alam kung saan ito. Ang alam ko, maraming puno dito. Kakaiba ang lugar na ito. Kakaiba sa mga gubat ng pinuntahan ko.
Naririnig ko ang mga boses ng mga hayop. Mga kokak ng mga palaka at kung anu ano pang insekto sa lugar na iyon.
Biglang may narinig akong kaluslos sa 'di kalayuan mula sa kinaroroonan ko.
"Sarah! Ikaw ba yan?!"
Si Sarah nga ba ang nakita ni Clarence?
Itutuloy.....
di ko matiyak ang theme ng story ni clarence. lovestory, suspense, drama, horror, comedy.
ReplyDeleteNakaka-sabik naman ano na susunod na magaganaps
Hehehe sigaw ng sigaw hihihi
ReplyDeleteano ba yan... natapos ang part 2 sa kakasigaw ni clarence... ahahah parang tanga nga lang!! joke
ReplyDeleteoo nga, ano ba to, suspense,?... revenge?.. sex? lol
bungangera talaga to'ng bidang to hahahaha
ReplyDelete@ KHANTO: Kumpleto talaga. Hehehe!
ReplyDelete@ ZYRA: Hehehe. Hi zy!
@ RAP: Mas interesado ang sa option mong sex. Hahaha!
ReplyDelete@ BINO: Hahaha. bungangera talaga enoh. Puro sigaw! Lol
nagbabalik na ba Ang Gabi ng Lagim sa DZRH?! LOL
ReplyDeletenakaka-takot. hehehe
aabangan toh malamang
ito ba yung kwento mo dati? parang pareho lng... layo pa ng november ah...hehhe may holloween post ka na...tutal mukhang series to at aabot ang finale sa nov.#lels
ReplyDelete@ MRCHAN: Hahaha. Ano daw yon?
ReplyDelete@ MOKS: Hahaha. Hindi. Iba to. Lol sa novermber!
ReplyDeleteputa, ano kaya toh? parang hindi ko na kaya magbigay ng choices ngayun ahhh.... walangya tong si clarence, nakagapos na, ang dami pang naiisip. hehe
ReplyDeletelols... sex nga ba?... ahahaha
ReplyDeleteparang ganito lang sasabihin ni clarence eh..."sarraaaaahhhhh!!! bakit mo ko ginapos, waaaahhhh!!!! aaahhhhhhh! aaahhhhh!!!
lol.. natatawa ako habang tinatype to... kabuset!! ahaha
exciting ang kasunod..
ReplyDeletebrownout? ang title ba neto eh "Sigaw"? parang timang 'tong si sarah, hide and seek ang show..hehehe
ReplyDeletebakit puro itutuloy, minsan lang ako maginternet putol-putol pa kwento mo. hahahahah. :)
ReplyDeleteAbangan uli ang susunod na kabanata? ahihihihi
ReplyDeleteSalamat sa mga komento. Subaybayan po ninyo ang kapana-panabik na eksena sa susunod na kwento. Lol!
ReplyDeletepanaginip lamang ito... hehe :P
ReplyDelete@ MD: Hayup! Nagmura talaga. Bwahaha!
ReplyDelete@ RAP: Bwahahaha. Sekrito!
@ ARVIN: Thanks!
ReplyDelete@ Tabian: Bwahahaha. Gawan ba ng sariling titulo. Hehehe!
@ JOSHY: Bwahaha! Nagrereklamo ka?
ReplyDelete@ MS. N: Abangan na lang. Hehehe!
Nasaan nga kayang lugar si Clarence? Sino kaya ang kumakaluskos?
ReplyDeleteButi na lang may PART 3 na!