Thursday, February 3, 2011

Anghel Ni Vicky 2

Part 1


Si Lawrence ay takang taka dahil nakikita niya si Vicky na duguan at walang malay. Nakita ang sasakyan niyang naipit sa mala-dambuhalang sasakyan. Nakita niya ang kanilang kasama na duguan ang buong katawan at wala ng buhay ang mga ito. Samantalang siya ay nakatayo sa harapan nila, nakatitig sa mukha ni Vicky na halos hindi mo makilala dahil pinaliguan ito ng dugo. Nakita niya ang kanyang pamilya na nandoon sa aksidenteng iyon, pati ang pamilya ni Vicky.

Napansin niya ang isang lalaking pinalibutan na kanyang pamilya na umiiyak habang yakap yakap ng kanyang ina. Nakita niya si Lawrence na duguan. Si Lawrence na halos wala ng buhay. Agad itong dinala sa pinakamalapit na ospital. Nagbakasakaling maisalba pa ang kanyang buhay. Iyak ng iyak ang kanya Ina. Habang si Lawrence ay nakatanaw lamang sa kanyang Ina.

“Lawrence, anak ko…gumising ka…wag mo kaming iiwan, anak ko!”

“Misis... bawal po kayong pumasok.”

“Hindi! Sasama ako!”

“Misis. Bawal po kayong pumasok”

“Lawreeennnceeee…” sigaw ng babaeng pawis na pawis.

“Vicky! Vicky!”

Nagising si Vicky na umiiyak. Niyakap ko siya.

“Tahan na…nananaginip ka na naman.” Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan. Pinaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

“Saglit lang. Kuha lang ako ng tubig.”

“You’re my angel. Thank you for saving me.”

“Wala yon, Vicky.”

Si Vicky ay nakilala ko dawalang taon na ang nakalipas, pagkatapos noong trahedya sa kanyang buhay… Tinulungang maka-recover at mawala ang lungkot sa kanyang buhay. Kahit papaano ay nagbago ito, na dati ay laging nakatitig sa kawalan. Hindi mo makakausap. Biglang umiiyak. Nagwawala.

Niyakap ko ulit siya....

"I'm just here..."

26 comments:

  1. pumifiction ka empi. hahahaha. ikaw na!! may kasunod ba ito?

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  2. ayun pala yun parekoy.. ganda, mabuti at panaginip lang.. nga lang paulit ulit yata iyong bumibisita sa kanya, siguro ang gamot para sa hindi na muling bumalik at makalaya sa panaginip na iyon ay pagmamahal.. pagibig na hanggang ngayon nararamdaman nya kay lawrence..

    tamang nanjan ka lagi sa tabi nya, hanggang mapawi ang sakit na dulot ng panaginip na iyon.. :)

    ReplyDelete
  3. Ay dream sequence pala ito hehehe.

    ReplyDelete
  4. akala ko dedbols na talaga. bangungot lang pala yun. masamang panaginip.

    ReplyDelete
  5. buti nalang it was only just a dream hehehehe

    ReplyDelete
  6. PWEDE NA. KAHIT BINAGO MO ;) HEHE.
    HAPPY ENDING ;)

    ReplyDelete
  7. o h diba ang galing ng twist… kelan ang kasunod…

    ReplyDelete
  8. @ KIKILABOTZ: Hahaha... oo!

    @ ISTAMBAY: Salamat parekoy sa pag subaybay. :)

    @ SB: Hehehe... oo nga e..

    ReplyDelete
  9. @ GLENTOT: Opo. Hehe!

    @ Khanto: oo nga e. sorry naman!

    @ Bino: panaginip talaga oo... panira. hehehe!

    @ DEMIGOD: Hehehe... binago na lang.

    @ kiko: sir kris, nag iisip pa. hehehe

    @ zy: haha!

    ReplyDelete
  10. kala ko maglalabasan na mga demonyo dun sa bunganga buti di namatay. fiction kung fiction.

    nakakaantig. buti na lang di totoong nangyare. kunde nakakalungkot.

    ReplyDelete
  11. hehehe.. ayos.. para, ang galing mo.. hindi halatang first time :)

    ReplyDelete
  12. haaay....panaginip lang pala....nadale mo ko dun ha!(klap-klap-klap!)

    ReplyDelete
  13. are, pwede ka na gumawa ng libro, tyak talong talo mo BobOng, Xerex at J.KRowling...hehehe nambobola lang!

    ReplyDelete
  14. nice naman oh may stories na rin dito..nice nice di alng photoblog literary blog na rin eheheh

    ReplyDelete
  15. Ganda ng twist ah hehe...nice post! kelan ang sunod nito =D

    ReplyDelete
  16. thank you panaginip lang pala... masakit ang mawalan ng lablayp noh.. mas masakit kung kamatayan ang maghihiwalay lalo... lol

    thumbs up!!

    ReplyDelete
  17. ay panaginip lang pala...:))

    nice mpoy!!!

    ReplyDelete
  18. @ JASON: Haha. ayos ang imahinasyon mo ah.

    @ MD: Dwende, nambola ka! Hehe!

    @ IYA: Thanks, iya!

    ReplyDelete
  19. @ MOKS: Bwahaha!

    @ SUPERJAID: Salamat! :)

    @ PROP: Nag iisip pa po. hehe!

    @ KAMILA: Oo. mas masakit yon.

    @ JAY: Salamat. :D

    ReplyDelete
  20. di pa nga tapos ung kwento.

    to the rescue pa yung babaeng sumexy na ngayon at allergic sa siomai :)

    ReplyDelete
  21. hahaha... to the rescue ba... haha

    ReplyDelete
  22. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  23. panaginip lang pala.. haisst! kala ko ung parang sa ghost movie..i love it.:))

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D