Tuesday, February 1, 2011

Anghel Ni Vicky

Mag-girlfriend sila simula noong tumuntong ng high school. Napaka-sweet nilang dalawa at karamihan ay naiinggit sa kanilang ka-sweetan. Binansagan na nga silang “the perfect couple” ng buong campus. Maganda naman kasi si Vicky at gwapo din naman si Lawrence.

Pareho silang may part time job pagkatapos ng kanilang klase. Si Lawrence, sa coffee shop ng pamilya niya nagpa-part time. Si Vicky naman, sa isang botique. Graduating sila pareho. Si Lawrence, candidate for valedictorian. Si Vicky, ay candidate for salutatorian.Napaka-swerte nilang dalawa sa isa’t isa bukod sa masasaya ang kani-kanilang pamilya, ay hindi tutol sa kanilang relasyon ang kanilang mga magulang. Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Ipinanganak sila na parehong may respeto sa isa’t isa at pinalaki ng kanilang mga magulang sa pagiging mabuting mamamayan.

Para na ngang mag-asawa ang dalawang ito e…Isang gabi, pagkatapos ng party na dinaluhan nina Lawrence at Vicky, ay hindi nila alam na ‘yon na pala ang katapusan ng pagkikita at pagsasama nilang dalawa.

Bakit?

Ito ang nangyari…Habang pauwi sila mula sa party’ng kanilang dinaluhan, si Lawrence ang nagmamaneho ng sasakyan. Habang binaybay nila ang kahabaan ng SLEX, ay masaya silang nagkikwentuhan kasama ang ibang kaklase nila. Tawanan. Tuksuhan.

Naisipan nilang magkape muna sa starbucks… pero bago nila ito narating ay may isang ten wheelers truck ang bumangga sa likuran ng kanilang sasakyan. Mabilis nagpreno si Lawrence pero huli na ang lahat. Bumangga sila sa isa pang truck na ang lulan ay puro motorsiklo.



























Maririnig mo ang ingay ng serin ng mga ambulansya. Pinalibutan ng mga pulisya ang aksidenteng naganap noong gabing iyon.

“Buhay pa, buhay pa” sambit ng isang pulis.

“Miss, miss…” sambit ng isa paramedic.

“Lawrence…”

“Si Lawrence….”

Dali dali tinanggal ng mga paramedic ang babaeng naghihingalo sa loob ng maliit na sasakyan. Duguan ang mukha nito at animo’y lantang gulay na nakasandal sa front seat.

“Lawrence…” sambit ulit ni Vicky



****itutuloy....

33 comments:

  1. langya! nakakabitin...nabuhay ba si Lawrence? pang maalaala mo kaya ah!!!!

    ReplyDelete
  2. poteekkkkkk.. kainis.. wala talagang perpekt sa mundo... hahaha lol... tagay empi..

    ReplyDelete
  3. is this a fact or a fiction??

    hehehe...

    ganun talaga pag masahdong perfect. hehehe

    ReplyDelete
  4. anu ba ok na eh... bitin... pambihira ka naman

    ReplyDelete
  5. NAMATAY YUN. KASE SI LAWRENCE ANG MAGIGING ANGHEL NI VICKY. HEHE. PANIRA NG SUSPENSE EH NO. O KAYA YUNG PARAMEDIC YUNG NAMATAY. TOINK.

    ReplyDelete
  6. tragic.. kakabitin... ituloy mo na parekoy...

    ReplyDelete
  7. suspense nmn..............

    comment ko rin

    ****itutuloy!

    ReplyDelete
  8. initial reaction:
    waaaa! ano to ano to? trutrulayp ba 'to?

    nagbasa ng labels:
    *toinks JC, fiction nga eh. haha!

    ReplyDelete
  9. ay kawa....

    ****itutuloy ang comment


    kala mo ah lolzz

    ReplyDelete
  10. hala asan na si Lawrence???hmmmmmm

    asan na kasunoooooooooood??? LOL

    ReplyDelete
  11. haaayyy.. langya ka, nabitin ako promise.. sana ok pa sila... at sana ipost mo na yung kasunod.. adik!

    ReplyDelete
  12. konting description pa. :) pero maganda ang kwento aabangan ko to!

    ReplyDelete
  13. mukhang infected, este affected lahat ng readers ah...eniwiez, bitin din ako putek...

    next please!!!

    ReplyDelete
  14. Tingin ko deads na si Lawrence tama ba???

    ReplyDelete
  15. mahilig talagang mambitin tong si MP! naks sumeserye na rin :D

    ReplyDelete
  16. @ MOKS: Sekretong malupit.... haha!

    @ KAMIL: Tara! Tagay na! lol!

    @ MRCHAN: Fiction po. :D

    @ AXL: Sorry naman!

    ReplyDelete
  17. @ SB: Hahaha. xerex talaga. mahilig ka dyan no? lol

    @ DEMIGOD: tsk tsk tsk... sinira mo... hahaha!

    @ ISTAMBAY: oo parekoy.. nagiisip pa. hirap pala gumawa nito. haha!

    ReplyDelete
  18. @ BHING: Thank u! Hahaha!

    @ JC: Hahaha. adik ka!

    @ CM: Abnuy ka talaga Boss! Haha!

    ReplyDelete
  19. @ HART: sus... ikaw nga ilang araw pa bago magkaroon ng karugtong e. Hahaha!

    @ MD: promise? nabitin ka talaga? :D

    @ mangpoldo: hehehe.. hirap gumawa ng ganito pala. kainis! haha!

    ReplyDelete
  20. @ jason: di ko rin alam... hehe!

    @ rhyckz: oo nga... affected din ako. haha!

    @ cheenee: sorry po ;)

    ReplyDelete
  21. @ glentot: hehehe... di ko pa alam kung papatayin ko si lawrence dyan hehehe!

    @ sean: sorry naman. :D

    @ bino: inggitero lang ako... kaya gumawa. hirap pala! :D

    ReplyDelete
  22. hmmm.... almost perfect pati ang kanilang family hehe! ayos! later makikibasa pa ako sa iba. Thanks! By the way, pwede ba makipag-palitan ng link. Nadagdag na kita sa ayaw at sa gusto mo hehehe!

    ReplyDelete
  23. huh!! bitin?!!kakasuspense ka naman!

    ReplyDelete
  24. @ IZELEON: Okey po. Hehehe!

    @ ARVIN: Thanks!

    @ IYA: Sorry naman. hehehe!

    @ MD: Ayos! :D

    ReplyDelete
  25. galing ni empi :) may susubay bayan na ako…

    ReplyDelete
  26. ito pala ang unang part.. haisst..:( ang sakit.. basahin ko pa ang iba pang part.. hehe

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D