Monday, November 12, 2012

Search Tab: Jomer

“Mga anak, mahal kong asawa, mag-ingat kayo dito ha. Tandaan ninyo na mahal na mahal ko kayo.”

Limang taon pa lang ang panganay kong si Jessie at tatlong taon naman si Rafael. Nangibang-bansa ang aking asawang si Jomer para sa aming kinabukasan. Mahirap dahil mag-isa kong itataguyod ang aking dalawang anak. Mahirap pero kailangan naming magsakripisyo para sa aming ikabubuti. Limang taon? Mabilis lang ang takbo ng panahon. Kaya yan!

Sa unang dalawang taon, sa pamamagitan ng liham lamang kami nagkakausap ni Jomer. Buwan buwan kaming nagsusulatan at nagbabalitaan sa mga pangyayari ng bawat isa sa amin. Pero lumipas ang limang taon. Walang dumating na Jomer sa tahanan namin. Nadismaya ang mga anak namin, ako at mga magulang niya pati mga kamag-anak niya. Wala naman kaming naging problema. Wala rin kaming nababalitaan na sakuna sa eroplanong sinasakyan niya. Nasaan ka Jomer?, tanong ng isip ko.

Mahal kong asawa,
Malayo man ako sayo at sa ating mga anak. Tandaan mong hinding hindi ko kayo pababayaan. Mahal na mahal ko kayo. Gustong gusto ko na kayong makasama. Malalaki na ang mga anak natin. Gusto kong nandiyan ako sa tabi nila habang nagdadalaga at nagbibinata sila.

Mahal, konting tiis na lang. Makakasama ko na kayo. Pangako, hindi ko na kayo iiwan. Sapat na ang naipon natin para sa pagpapatayo ng ating negosyo. Ang hirap mawalay sa inyo. Pero kinaya kong lahat para sa atin.

Mag-ingat kayo dyan. H’wag nyo akong alalahanin dito.

Nagmamahal,
Jomer

Huling sulat na natanggap namin mula kay Jomer.
***
Lumaki sila Jessie at Rafael na hindi nakakasama ang ama nila. Dumaan ang mga birthdays , graduations, at pasko na wala si Jomer. Labing-anim na taon na ang nakalipas, ni wala man lang akong nabalitaan kung ano talaga ang nangyari kay Jomer. Pati sa agency niya, walang makakapagsabi kung nasaan siya. Hindi ko na rin alam kung ano ang isasagot ko sa mga kamag-anak niya at lalo na sa aming mga anak. Jomer, bakit mo ito ginawa sa akin?

“Nay! Nasaan ba talaga si Tatay?”

Ang laging tanong ng mga anak ko kapag nasa hapag-kainan kami, wala akong tamang maisagot dahil kahit ako man ay walang alam. Labing limang taon na rin ang nakalipas na wala kaming balita sa asawa ko simula noong siya ay mangibang-bansa hanggang sa natapos ang limang taong kontrata. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Buong pamilya ay nag-alala sa kanya.

Kolehiyo na ang dalawa kong anak. Sa awa ng Diyos, naitaguyod ko naman silang mabuti at napag-aral. Nagpasalamat na rin ako dahil lumaki silang masipag mag-aral at mababait. Wala rin akong naririnig mula sa kanila na may galit sa kanilang ama. Hay! Nakakalungkot! Jomer, sana andito ka!
***
Sa Computer Laboratory…

“Ate, i-search kaya natin si Tatay sa net?” Sabi ni Rafael, “malapit na birthday ni Nanay. Pang-gift na lang natin si Tatay para sa kanya. Naawa na ako sa kanya e. Minsan nakikita ko siyang tulala at umiiyak.”

“Nasubukan ko na noon sa friendster pero wala e. Pero tama ka. Subukan nga natin sa Facebook,” sagot ni Jessie. “Ano ba talaga nangyari kay Tatay?”

Mga tanong na hindi masagot ng bawat isa sa amin. Pero minsan, umaasa pa rin akong magkakaroon ng sagot sa lahat ng tanong.

“Rafael, ang daming kapangalan ni Tatay dito oh,” sambit ni Jessie, “makikilala pa ba natin siya?”

“Hindi ko na rin matandaan mukha niya e. Sa tagal ng panahon na hindi natin siya nakita at nakasama. Malabo yata ate na makikilala natin si Tatay,” sagot ni Rafael.

“Wag tayong mawalan ng pag-asa. Dapat gagawa tayo ng paraan. Tayo naman ngayon ang kikilos, Rafael. Para sa ating ina.”
***
 Ilang buwan din ang paghahanap ng mga anak ko sa kanilang Tatay. Wala akong kaalam-alam na gumagawa pala sila ng paraan para mabuo ulit kami. Nawalan na ako ng pag-asa. Pero ang mga anak ko pala ay umaasa na isang araw makakasama namin siya.

“Rafael, mag-usap nga tayo.”

“Bakit Ate? May nagawa ba ako?”

“Wala naman. May sasabihin lang ako sayo tungkol kay Tatay.”

“Natagpuan mo na si Tatay?”

“Oo! Naghalungkat ako ng mga larawan ni Tatay. At isa isa kong tinitingnan doon sa lahat ng mga kapangalan niya sa Facebook. Sa awa ng Diyos, natagpuan ko siya.”

“Wow! Ate, ang galing mo!” Sabay yakap ni Rafael kay Jessie, “kelan natin siya makikita? Teka, bakit parang malungkot ka? Natagpuan mo na siya di ba?”

“Hindi ko alam Rafael kung paano ko sasabihin ito. Ano kasi e….tinawagan ako ni Tatay kagabi lang.”

“Ate, sabihin mo na…”

“May ibang pamilya si Tatay,” mahinang sabi ni Jessie, “pero gusto niyang makipag-usap at makipagkita sa ating dalawa.”

Nagkita at nagkausap ang mag-amang Jessie, Rafael, at Jomer. Nailahad na rin kung anong dahilan ni Jomer bakit bigla siya nawala. Tinanggap naman siya ng buong buo na walang halong puot na naramdaman ng mga anak niya. Pinatawad at tinanggap siya ng mga anak niya.
***
Dumating ang araw ng aking kapanganakan. Nagdiriwang kami ng aking dalawang anak at ilang mga kamag-anak. Naging masaya naman ang kaarawan ko pero sana mas masaya kung andito si Jomer. Ilang kaarawan ko na rin siya hindi nakakasama pero hindi ko alam kung bakit lagi ko pa ring pinapangarap na makakasama siya.

Habang nagkasiyahan kami sa hapag-kainan. Nagbibiruan. Naglolokohan. Nagtatawanan. Masaya. Nakangiti ang lahat. Pero isa lang ang tunay na magpapangiti sa akin.

“Nanay, may sorpresa po kami sa inyo,”pilyong ngiti ni Rafael.

“At ano na naman yan Rafael ha?”

“Basta,” sabat ni Jessie.

“Kayong dalawa ha…ang hilig niyo sa sorpresa na yan,” sagot ko “t’wing kaarawan ko lagi niyo na lang akong……”

Pero naputol ang sasabihin ko dahil may biglang nagsalita sa likod namin.

“Maligayang kaarawan, Dolores.”

Nagkatinginan kaming lahat sa kinaroroonan ng boses. Laking gulat ko dahil si Jomer ang nakikita ko. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.Sobrang laki ng ngiti ko noong makita siya.

“Jomer,” sambit ko, “nagbalik ka!” sabay yakap ko sa kanya. “Anong nangyari sa’yo? Bakit ngayon ka lang nagpakita?”

Walang patid ang pagbuhos ng aking mga luha sa mata. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Masaya ako, dahil sa haba ng taong paghihintay, ito siya nagbabalik.

Nilapitan ko siya. Niyakap ng mahigpit.

“Jomer…mahal ko, nagbalik ka. Salamat sa Diyos!” Nagyakapan kami. Lumapit sina Jessie at Rafael habang punas punas ang kanilang mga luha sa mata. Nagyakapan kaming apat.

“Dolores…mahal ko! Patawad!”

“Tatay… Nanay…kumpleto na tayo” sambit ni Jessie.

“Patawad, Dolores! Patawad dahil hindi ako bumalik sa inyo. Dolores, nagkaroon ako ng isa pang pamilya. Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko sa inyo ng mga anak ko. Sa pamilya ko. Pero nandito ako para humingi ng tawad,” paghingi ng tawad ni Jomer “si Jessie ang nakahanap sa akin sa pamamagitan ng Facebook. Simula noon, lagi ko na siya nakakausap. Minsan, tinatawagan ko siya.”

“Nasaan ang pamilya mo?”

“Namatay ang asawa ko dahil sa kanser. May isa kaming anak, sampung taong gulang,” patuloy na kwento ni Jomer “tuluyan na sana akong hindi magpakita sa inyo dahil wala akong mukhang maihaharap sayo, sa mga anak natin at sa mga kamag-anak natin. Pero simula noong nakausap ko si Jessie at Rafael. Alam kong mahirap tanggapin ang isang taong nakagawa ng malaking kasalanan pero andito ako naglakas loob para humingi ng tawad sa inyo. Dolores, mga anak ko…..patawarin ninyo ako.”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Walang patid ang luha sa aming mga mata. Luha ng kaligayahan at luha ng hinanakit.

“Pinapatawad na kita, Jomer! Kailangan ka namin ng iyong mga anak. Magsimula ulit tayo.”

“Ayos,” sabay sabi nina Jessie at Rafael.

“Huy! Kayong dalawa ha…kumukota na kayo sa sorpresa sakin. Humanda kayo!”

“Nanay naman e…pero uuyyyy masaya na siya!”

Tawanan ang lahat…

Ako si Dolores. Ito ang kwento ng buhay ko. Dahil sa Facebook natagpuan at nakasama kong muli ang taong nagpapakumpleto ng aking buhay…si Jomer!

*Wakas*


This is my official entry for PEBA 2012.

Theme: The Social Media and I: Bridging the Past, Present and Future

35 comments:

  1. Ang galing talaga nang nagagawa ng social media tulad ng facebook. Good luck sa entry mo sir. :)

    ReplyDelete
  2. umpisa pa lang sabi na nga ba lahok tong entry na to hehehe. Good luck empi :)

    ReplyDelete
  3. Ayan, masaya ang bday ni Dolores :)


    Good luck Empi! :)


    ReplyDelete
  4. clap clap clap. magandang wento.

    Pero siguro kung ako yung nasa katayuan ni dolorores, bwahahaham bugbog yang jomer na yan. lilibing ng buhay! nyahahaha

    ReplyDelete
  5. pre gudluck sa entry mo!
    mahusay

    ReplyDelete
  6. sabi na may sasalihan ang post na to eh.. :) ang galing.. true to life..

    ReplyDelete
  7. nakakaantig naman to. kinilibutan ako. haha ang ganda ng pagkakagawa. pero napaisip lang ako kung sa akin mangyari to ano kayang magiging reaction ko? hahaha pero sana wag mangyari sa akin to hahaha

    ReplyDelete
  8. wow .. bet kong sumali sa mga ganito ... goodluck sau empi!

    ReplyDelete
  9. Good luck Empi! Galing ng kwento mo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks ate...inspired kasi dahil sayo po. :D

      Delete
  10. wow so may another event like this goodluck sa entry mo pareng empi

    ReplyDelete
  11. naiyak akoh sa kwento... galing ahhh.... may talent.... ingatz Godbless!

    ReplyDelete
  12. Iba talaga ang nagagawa ng social media goodluck saten! Btw, ngayon ko lang naipost yung pictures natin,sobrang na-busy kasi :) nice meeting you again empi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. super late na yon sir. pero ok lang at least di ba?

      nice meeting you all! :D

      Delete
  13. good luck to the entry. May you win.

    ReplyDelete
  14. ang galing ng kwento .. Goodluck pareng Empi :)

    ReplyDelete
  15. howow ang ganda ng story pero kung ako maging masama akong kapatid at anak di ko tatanggapin ang ama ko..hahahhhhhhah bahala sya.

    ReplyDelete
  16. Wow, ha... mukhang kinopya mo storya ng kaibigan ko kaya lang iba ang ending dahil di na hinintay ang 15 taon para bumalik at tignan if pwede pang mabuo ang pamilya. Kapag love story na buhay OFW halos same plot and same ang umpisa - mag-aabroad ang isa, magkakamali ang isa - but the exciting part is paano kaya yong ending...

    ReplyDelete
  17. Woah. Grabe. Ang ganda ng storyang to. Ako kaya ano kayang gagawin ko pag ako ang nasa katayuan nila Jess at Raf? HAHAH! Pero buti nalang it all ended well, and they live happily ever after... P

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D