Thursday, August 11, 2011
One Night Stand
Monday, June 27, 2011
Sa Gitna ng Dilim 4
Unang Yugto
Pangalawang Yugto
Pangatlong Yugto
Pakiwari ko'y gustong gusto din niya ang ginagawa ko sa kanya.Tuloy lang mo lang Clarence, sabi ko! Walang tigil ang paghalik ko sa kanyang mapupulang labi, napakatamis nito! Pinaliguan ko ng mga halik sa mukha ni Sarah. Ungol lamang ang naririnig ko mula sa kanyang bibig pahiwatig nito'y sumasang-ayon at nagugustuhan niya ito.
"Mahal kita, Clarence!" Sambit niya.
"Mahal din kita, Sarah! Sa akin ka lang..."
"Oo, Clarence! Sayong sayo ako!" Sagot niya.
Dahan dahang bumababa ang malilikot kong kamay. Dinaanan nito ang dalawang bundok na dala dala ni Sarah. Malulusog na bundok na tila hindi pa ito nagagalaw. Unti unti kong tinanggal ang saplot niya. Ramdam ko ang init ng katawan ni Sarah!
"Kamahalan, wala po si Prinsesa Sarah sa silid niya!"
"Halughugin niyo ang buong kapaligiran! Natitiyak kong nagkukubli lamang siya sa mga kakahuyan! Hanapin niyo!" Utos ni Haring Arc
"Masusunod, Kamahalan!'
Kitang kita ko na ang buong katawan ni Sarah! Nasisinagan ito ng konting liwanag, napaka-seksi niya! Walang lalake ang hindi pagnanasaan ang katawan niya!
Hindi ko na patatagalin ito! Hinubad ko na rin ang mga saplot ko...
"Sarahh..." bulong ko.
"Clarence.... angkinin mo ko....angkinin mo na akooo..."
Sa sinabi niya, mas lalo akong nag-init! Hinimas ko ang buo niyang katawan ni Sarah! Napaka-seksi mo! Akin ka lang Sarah! Akin ka lang! Dumamping muli ang aking labi sa kanyang manipis at malambot na labi. Habang ang mga kamay ko'y nasa dalawang malulusog na bundok.
Mapupusok na mga kamay ko'y naglalakbay pababa sa katawan niya. Habang bawat parte ng katawan niya ay aking hinahalikan. Ang bango niya! Nakakagigil!
"Hanapin niyo sa kakahuyan si Prinsesa!" utos ng isang kawal.
"Dyan kayo sa bandang kaliwa at dito naman kami sa kanan" sambit ng isang kawal.
Tanging ang mga tinig ng kuliglig ang maririnig sa kapaligiran. Habang ang mga kawal ay abala sa paghahanap ng nawawalang Prinsesa.
"Prinsesa!" sigaw ng mga kawal, "Prinsesa andyan ka ba? Hinahanap ka ng iyong amang Hari! Prinsesaaa!!!"
"Angkinin mo na ako mahal kong Clarence... angkinin mo na akoooo..."
Inihanda ko ang sandata ko, dahan dahan ko itong ipapasok sa makipot na kweba. Umuungol siya! Clarence.... angkinin mo na ako....ito na Sarah..... unti unti akong umiindayog sa makipot niya kweba...pinagsasaluhan ang sarap....ang init ng pagmamahalan.
"Ohhh... ahhh... Clareennnnnncceeee...."
"Saraahhhhhhhh...."
Walang tigil ang pagkabayo ko sa kanya.
"Mga kasama...nakita ko na siya! Nakita ko na siya!" sigaw ng isang kawal.
Wala kaming naririnig ni Sarah, tuloy sa pagpapasarap... tuloy sa pagpapaligaya ng bawat isa...tuloy sa pag-iisang katawan. Ohhh, ahhhh.... clareeeennnccee.....
"ohhh ahhh sarahhh.... aahhhhh...."
"Clarreennncceeee ahhhh!"
"Sarah... ittt.........."
*****
"Huy! Clarence! Huy! Anong ginagawa mo dyan! Bakit ka nakapatong sa unan mo? Kumakadyot ka pa dyan ha!" Si Kuya.
"Huh? Hindi ah..." bigla akong natauhan sa sinabi ni kuya
"Anong hindi?! Tignan mo... walang kang saplot. Parang kang tanga! Sino ba pinaginipan mo ha?"
"Wala ah.... hindi no!"
"Hahaha! Tumanggi ka pa e kitang kita ko pagkakadyot mo sa unan mo!Bwahaha"
Bwisit! Naudlot pa! Andoon na e! Grrrr....
Tuesday, June 21, 2011
Ganun Talaga!
Medrep: uyy, sir empi! Ikaw pala yan!
Empi: hu u?
Medrep: ako po yong laging nangungulit sayo sa phone.
Empi: Ahh! Ikaw pala yan. Ang taba mo pala! Haha!
Medrep: Hahaha! Tse! Ikaw pala yong naki-chismis sa cubicle ni ma’am lou.
Empi: (so, chismoso ako, ganun?) haha. Oo ikaw din pala yon.
Medrep: na-struck naman ako sayo, sir empi! Aw.. papa P pala.
Empi: Alam mo, medrep ka nga!
Medrep: bakit sir?
Empi: ang galing mo e… ang galing mong mang-uto!
Medrep: hahaha! Sir empi talaga oh.
Empi: hehehe. Joke lang!
Rey: Ang lakas ng ulan!***oo nga e... parang tanga lang... ganun talaga!
MPoy: Oh, really?!
Rey: Yeah! I’m not joking.
MPoy: Why? (pinipigilang matawa)
Rey: Yes! I’m just kidding…
MPoy: *lakas ng tawa*
Rey: Usapang tanga lang.
MPoy: tama ka dyan! *grin*
Thursday, May 26, 2011
Imahe
Dolfo: Kiss mo ko, baby! Pleasseeee...Marielle: Mwah, mwah, mwah! Love you!Dolfo: Nakatatak ka na sa puso ko, baby. I love you, too!Marielle: *kilig to the maximum level*
| Lambingan |
Marielle: H'wag mo muna akong kausapin! Galit ako sayo!
| Tampuhan |
| Nakahanap ng comfort sa ibang tao |
Marielle: Miss ko na siya. :(
| Without your partner |
| Make things up |
Ang inyong lingkod ay marami na ring natutunan sa mga nakaraang relasyon. Kaya naman binabahagi sa inyo ang mga natutunan ko.Pero minsan talaga di pa rin natuto. Bwahahaha!
Sa lahat ng mga rumi-relasyon dyan. Good luck sa inyo! Hindi pagbabanta yan, promise! :D
Maraming salamat!
Abangan ang huling yugto ng "Sa Gitna ng Dilim"
Tuesday, May 17, 2011
Sa Gitna Ng Dilim [3]
Part 2
Biglang may yumakap sa akin....
Hindi ko maanig ang mukha.... madilim ang paligid.
Yakap na mahigpit ang pinakawala niya sa akin.
Hmmm... masarap! Kaya hindi ako tumutol. Ang bango!
Si Sarah ito.... Yes! Nagbalik si Sarah ko!
Yakap na mahigpit.... yakap na tila ba sinasabing wag mo akong bibitawan. yakap na nagpapatunay na mahal na mahal ka. yakap na siyang nagpapatatag sa akin.
"Sarah.... nagbalik ka! Salamat sa Diyos at nagbalik ka!"
Yakap lamang ang tugon niya sa akin. Unti unti niyang pinakawalan ang nakagapos sa aking katawan na wala imik. Pilit kong inaaninag ang kanyang maamong mukha ngunit nabigo ako.... maitim ang nakikita ko sa kanyang mukha dahil binabalot ng kadiliman ang lugar na ito. Anong lugar ba kasi to?!
"Sarah... bakit ang dilim sa lugar na ito? nasaan ako? nasaan tayo"
Pero bigo akong marinig ang boses ni Sarah. Na-pepe na yata ito sa kadiliman. Tsk! Hinawakan niya ang aking pagmumukha. As if naman nakikita niya rin ako! Tsk! Pero sige pabor sa akin ito. Hawak lang Sarah! Hindi kita pakakawalan ngayon!
"Clarence...." bulong niya.
Aba! Nagsasalita pala ang babaeng ito.
"Yes. Sarah! Nasaan ba tayo?"
"H'wag kang maingay. Tumakas lang ako sa aking malupit na Ama."
Hinawakan ko ang kanya mukha. Kainis naman kasi! Ang dilim! Hindi ko makikita ang ganda ng mukha ni Sarah ko! Bwisit!
"Clarence... mahal kita!"
"Mahal na mahal din kita, Sarah!"
"Ikaw ang mundo ko, Sarah"
"Ows? Di nga?"
"Oo naman no! Ayaw pa maniwala nito. Hmp! Kainis ka!"
"Joke lang, 'to naman tampururot agad!"
"May hihilingin ako, Sarah" pabulong kong sabi sa kanya.
Pero nabigo ako sa kahilingan ko. Gusto ko lang naman ng konting liwanag para masilayang ang kagandahan ng Prinsesa ko. Unfair! Life's unfair! Grrr...
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.... Niyakap niya rin ako. Hinalikan ko siya sa mga labi. Ang tamis pa rin ng mga labi niya. Sarap! Gumanti siya sa ginawa ko. Kaya naman naghalikan na kami sa ilalim ng punong kahoy na pinalibutan ng kadiliman. Pero oks lang.... mas okey na 'to!
Ilang minutong halikan ang ginawa namin.... pero di ako nakatiis.... may sariling isip ang aking mga kamay at naglakbay ito sa katawan ni Sarah...walang siyang tutol kaya tanda ito na sumasang-ayon siya sa ginagawa ko.
Unti unti ko siyang hinubaran ng damit. Damn! You're still sexy, Sarah! I love your body! Wala pa rin siya tutol... nagpaubaya siya.
"Ohhh... Clarence, I love you!" bulong niya.
Abangan ang huling yugto ng kwentong ito...
Monday, May 9, 2011
Sa Gitna Ng Dilim [2]
Hindi ako makakilos. Madilim pa rin ang lugar na iyon. Iniwan ako ni Sarah. Tila may gumagapos sa buong katawan ko. Hanggang sa nakatulog ako sa mga oras na iyon.
"Bakit madilim pa rin? Saan ba ako? Nasaan si Sarah?"
"Ano ba 'tong nangyari sa akin?"
"Saaaarrrrraaaahhhhhhhh!!!!!"
"Waaaahhhhhh!!!!! Pakawalan niyo ko ditttoooooooooo!!!!! Saraaahhhhhhh!!!! Naaaaasaaaannnn kaaaaaaa??????"
"Sarah! Ikaw ba yan?!"
Thursday, May 5, 2011
Sa Gitna Ng Dilim
Tahimik na paligid...
Nakasandal sa punong ng acaccia...
Kahit madilim naaninag ko si Sarah...
Tinatawag ko siya... ngunit hindi niya ako naririnig.
"Sarah.... Saraaahhh!"
Ngunit tila wala siyang naririnig. Nakikita ko siyang nag-iisa. Lalapitan ko sana siya pero.....
...pero hindi ako makatayo. Parang may pumipigil sa akin. Nilalabanan ko ito pero malakas ang pumipigil sa akin.
"Saraaaahhhhhhhhh!!!!"
Lumingon siya.... ngumiti lamang siya.
"Sarah, tulungan mo ko... Hindi ako makatayo!"
Ngunit nakatitig lamang siya... nagmamakaawa ako. Pero walang siya ginawa kundi titigan lamang ako.
"Parang awa mo na... tulungan mo ako!"
"Sorry, Clarence."
Itutuloy....
Sunday, February 6, 2011
Ikaw Pala
"Kaya ako nandito para makalimot, hindi para alalahanin ang nakaraan."
"Ayan na, lulubog na ang araw. Ang ganda ganda, di ba?"
"Sana katulad mo ako. Malayang nakakalipad."
"Tulonggg......tulonngggg...." sigaw ni Manang, sa di kalayuan ng aking pinagtatayuan."Tulongggg...may nalulunod"
"Kuya, kuya.... tulungan mo siya.... pleaseeeee"
"Andyan na ako...."
"Miss, are you alright?""No! I'm not!""Bakit ka kasi naliligong mag-isa?""Leave me alone!""Ihatid na kita Miss. Saan ka ba umuuwi?""You hear me? Leave me alone!!!!""Ang taray naman nito. Ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa 'tong galit!" pagtatanggol ni Manang."Tara na nga. Iwan na natin 'tong babaeng 'to." sabay alis ni Manang."Oh, bakit ka pa nandyan?! Umalis ka na..." Taboy sa kin ng babae.
"Miss, ako pala si Ronald."
"Thank you pala. By the way, I'm Vicky! Can you leave me now?"
Thursday, February 3, 2011
Anghel Ni Vicky 2
Si Lawrence ay takang taka dahil nakikita niya si Vicky na duguan at walang malay. Nakita ang sasakyan niyang naipit sa mala-dambuhalang sasakyan. Nakita niya ang kanilang kasama na duguan ang buong katawan at wala ng buhay ang mga ito. Samantalang siya ay nakatayo sa harapan nila, nakatitig sa mukha ni Vicky na halos hindi mo makilala dahil pinaliguan ito ng dugo. Nakita niya ang kanyang pamilya na nandoon sa aksidenteng iyon, pati ang pamilya ni Vicky.
Napansin niya ang isang lalaking pinalibutan na kanyang pamilya na umiiyak habang yakap yakap ng kanyang ina. Nakita niya si Lawrence na duguan. Si Lawrence na halos wala ng buhay. Agad itong dinala sa pinakamalapit na ospital. Nagbakasakaling maisalba pa ang kanyang buhay. Iyak ng iyak ang kanya Ina. Habang si Lawrence ay nakatanaw lamang sa kanyang Ina.
“Lawrence, anak ko…gumising ka…wag mo kaming iiwan, anak ko!”
“Misis... bawal po kayong pumasok.”
“Hindi! Sasama ako!”
“Misis. Bawal po kayong pumasok”
“Lawreeennnceeee…” sigaw ng babaeng pawis na pawis.
“Vicky! Vicky!”
Nagising si Vicky na umiiyak. Niyakap ko siya.
“Tahan na…nananaginip ka na naman.” Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan. Pinaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.
“Saglit lang. Kuha lang ako ng tubig.”
“You’re my angel. Thank you for saving me.”
“Wala yon, Vicky.”
Si Vicky ay nakilala ko dawalang taon na ang nakalipas, pagkatapos noong trahedya sa kanyang buhay… Tinulungang maka-recover at mawala ang lungkot sa kanyang buhay. Kahit papaano ay nagbago ito, na dati ay laging nakatitig sa kawalan. Hindi mo makakausap. Biglang umiiyak. Nagwawala.
Niyakap ko ulit siya....
"I'm just here..."
Thursday, November 4, 2010
The Death Anniversary of his Dream
Si empi ay nagtatrabaho noon sa isang malaking oil depot dito sa Pilipinas. Okay naman ang sweldo kahit papano nakakaraos naman, nabibili ang gusto at nakakaipon. Dahil sa pangarap niya ring makaalis ng bansa at may opportunity na nag-cross sa kanyang landas. Agad niya itong sinunggaban na walang pagdududa.Sa una, okay naman ang pag-uusap at ang mga kalakaran. Ni wala siyang duda sapagkat isa sa mga pinsan niya’y nakaalis nang dahil sa tulong ni matabang babaeng pandak ate. Naglabas ng pera at hinanda ang lahat ng kailangan. Nangutang na siya kay lola para sa pangarap na makaalis ng bansa.Dumating na ang araw na pinakahihintay ni empi... November 2005 iyon, tumawag si ate kay empi,
"Dong, magreadi na kayo dahil bago magpasko ang alis niyo..."
Hinatid si empi ng kanyang Nanay at kamag-anak at kabado siya noong mga panahong iyon parang aatras na siya dahil may kung anong humihila sa kanya pabalik. Pero tuloy pa rin…nilakasan niya ang loob para sa pamilya at sa ambisyon niya.
Sa airport, pinaalis agad ni empi ang Nanay niya’t mga kamag-anak dahil ayaw niya magiging emosyonal ang pag-alis niya. “Pare, si ate?
Hindi nagparamdam si ate. Sinubukan niyang tawagan si ate para i-confirm na nasa airport na sila. Pero, walang sumasagot sa tawag… pati sa text, wala…! Lalong lumakas ang kaba ng dibdib ni empi at pinipilit niya lang iwaksi ang mga negatibong pumapasok sa isipan niya. HINDI PWEDE, HINDI!
Wala maisagot si empi sa tanong ng kumpare niya, nanginginig siya habang sinasagot ang tanong ni kumpare niya. Biglang nag-ring ang phone ni empi nanginginig pa ring sinasagot ang tawag… si Ate yon!
“Pare, punta raw tayo sa Shang… nagkaproblema raw sa ticket natin.”
Pagdating nila sa Shangrila tumambay pa sa food court para maghintay… Shit! Imaginin mo nakatambay sa Shang habang dala dala ang mga bagahe. WTF!!!
May ganon????
Kinabukasan maaga silang nagising dahil ang sabi alas singko daw sila aalis papuntang airport at sana nga makaalis na para wala nang mga tanong at mga pangungulit ng mga kamag-anak… naghintay na naman nang matagal sa may Jollibee sa may crossing. Lintik talaga! Nakahihiya na dahil pinagtitinginan na sila ni empi ng mga crew dahil halos kalahating araw ng nakaupo doon dala dala ang mga maleta.Haayy salamat at dumating din si ate… mabuti naman at pinakain niya muna sila dahil nahihilo na sa gutom…
Palipat-lipat ng apartelle na sila empi… palipat-lipat na parang taong gala. Tumagal ang pag-stay nila sa isang apartelle sa may west ave. sa Quezon City. Doon sila halos isa o dalawang buwan namamalagi. Sa umpisa, ok naman ang kalagayan dahil binibigyan ng food allowance at sila ang nagbabayad ng rent sa apartelle na yon.
“Ate, kamusta? Ano na ang balita?”
Gutom na gutom na sila empi dahil wala na silang makain. Dahil hindi na rin sila nabigyan ng food allowance at pati rent ng apartelle ay nakalimutan na at si empi na ang kinukulit ng mga tauhan ng apartelle. Pabalik-balik na ang tauhan ng apartelle sa kwarto para itanong kung mag-extend pa. Wala silang maisagot sa tanong dahil natulala na naman sa mga nangyayari at siguro dahil na rin sa gutom.
Kung nais nyong magbigay ng tulong pinansyal, o donasyong gamit pang-eskwela, dito nyo lang po sila puntahan isangminutongsmile@yahoo.com
Maaaring bisitahin din ang pahina ni Lord CM para sa programang ito.

Tuesday, November 2, 2010
The Choice
"I want you to promise that if anything ever does happen to me, you'll let me die"
Mahirap mamili o magdesisyon sa isang bagay lalo na kung ang involve ay 'yong mahal mo sa buhay. What if, isa sa iyong minamahal sa buhay ay na car accident at na-comatose? Anong pipiliin mo? Pipiliin mo bang mamatay na lang siya? O mas gugustuhin mong maghintay hanggang sa siya'y magising mula sa matagal na panahon?
Tulad sa istorya nina Travis at Gabby - mag-asawang na car accident at isa sa kanila ay na-comatose. Si Gabby ay comatose dahil sa isang car accident. Si Travis, asawa ni Gabby, ang magdesisyon kung tatanggalin na lang ba ang feeding tube na nakakabit sa kanyang asawa o maghihintay siya. Dahil ayon na rin sa mga Doctor medyo matagal kung hihintayin man at walang kasiguraduhan kung magigising ang pasyente.
Napakahirap na desisyon ito para kay Travis lalo pa't may living will silang ginawa nang kanya asawa. Living will ay parang last will of testament. Nakasaad dito ang mga kasunduan nila.
"I want you to promise that if anything ever does happen to me, you'll let me die"
Mahirap, di ba? Hindi mo alam kung tutuparin mo ang nakapagkasunduan... pero walang ibang choice si Travis kundi ang hintayin niya si Gabby kahit walang kasiguraduhan kung magigising pa ba ito o hindi na. Hindi niya tinupad ang living will na naka-signed silang dalawa at ang attorney.
Did Travis make the right decision?
Mahirap mag desisyon sa ganitong sitwasyon lalo na kung mahal mo ang isang tao na involve nito. You really have to make a choice whether or not to honor your's love ones wishes.
"Please, sweetheart. Do it for me. For our daughters. They need you. I need you. Open your eyes before I go, while there's still time..." - Travis
Pero wagas ang pag-ibig ni Travis para kay Gabby. Pinili niyang hindi tanggalin ang feeding tube na nakakabit sa asawa niya. Nakahimlay lamang ito sa isang home care at dinadalaw na lang niya ito.
Hope, Travis learned, was sometimes all a person had. After 4 months, he learned to embrace it.
Worth it naman kaya ang ginawa ni Travis?
Oo, dahil isang araw nagising si Gabby.
Sa Home Care....
"Gabby?"
"Travis"
"Gabby?"
"I didn't know where you were."
"I'm here now," Travis said, and at that he broke down, his sobs coming out in heaving burst. He leaned towards Gabby, aching for her to hold him. And when he felt her hand on his back, he began to cry even harder. He wasn't dreaming. Gabby was holding him; she knew who he was and how much she meant to him. It's real, was all he could think, this time, it's real.
Para sakin, ito ang nagpapakita ng tunay na pagmamahal......
True love's really exist.
Handang maghintay.
Handang magtiis...
at handang magsakripisyo.
Ang kwento ay hango sa aklat na:
The Choice
By: Nicholas Sparks
Wednesday, October 27, 2010
Eksena 103 (Halloween Edition)
Sa opisina.... alas onse pasado na ng gabi.
Nag-OT ako noon dahil may hinahabol at kailangang tapusin na report. Iniwan na ako ng isa kong kasama mga bandang alas onso ng gabi. Ang pwesto ko nasa pinakadulo.... habang nakatitig ako sa monitor at seryosong nagtatrabaho...halos magkalahati na ng gabi noon. Nakaramdam na ako ng kakaiba...binalewala ko lang yon...trabaho pa rin...habang nakatitig ako sa monitor.... F***K!!!! May nakita akong kakaiba...may dumaan... babae... nakaputi... lumingon ako... wala naman... pagtitig ko ulit... Sh*T!!! Mayroon talaga.... nilakasan ko ang volume ng music...at binalewala ko kung ano man yon nakita ko... nakikipag-chat... Waahhh!!! nakikita ko talaga...padaan daan ang babae...puti ang suot...
Empi: Hindi! Imahinasyon ko lang to! Wala naman talaga e. wag ka ngang matakot!
Pero...mayroon! mayroon akong nakikita sa monitor!
Hindi ko na kinaya.... shut down ko na ang PC at nagmamadaling umuwi.
Si Gen at si empi....
Sa opisina ulit... habang nagtatrabaho sina empi at Gen (ex-officemate ni empi at blogger)...siguro mga alas diyes pa lang yon ng gabi.
Gen: Kuya, andyan pa ba si Sir Lito?
Empi: Ha? Wala na ah...umuwi na.
Gen: Sira! Andyan pa kaya... kadadaan lang niya...
Tumayo si empi at sinilip ang kwarto ni Sir.
Empi: Gago ka! naka-locked na ang pinto ni Sir Lito.
Gen: Waaahhh.... kuya nakita ko kaya dumaan kanina sa likod natin. Anong kulay ng suot niya?
Empi: Polo kulay yellow.
Gen: Yon nga... nakita ko dumaan. Di mo ba napansin?
Empi: Hindi!
CR
Sabado noon...pumasok ako sa opisina...nag CR muna ako bago tumungo sa pwesto ko...habang nagparaos (nagwewe ako!)... may naririnig akong umuungol... hindi ko matukoy kung saang cubicle... na-curious ako at sinilip ko isa isa ang mga cubicle na nandoon.
Cubicle 1: Wala!
Cubicle 2: Wala rin!
Cubicle 3: *nagtaka na ako.. wala namang tao ah!
Pero naririnig ko ang ungol...boses lalaki at babae... at naririnig ko yong pagpasok/pagka**** ng tottt ng lalake doon sa tottt ng babae (imaginin mo na lang...) yon ang naririnig ko...umuungol... kumakadyot...
Lumabas na ako ng CR... di ko kinaya ang eksena... kinilabutan ako....
Officemate...
Napag-usapan namin noong ang mga karanasan namin sa opisina... share ni officemate... habang nagtatrabaho daw sila noon... sa isang cubicle... may naririnig silang nagtatype sa keyboard. Noong sinilip nila ito... wala naman tao.
Ikaw? May nararanasan ka ba kakakilabot?
Friday, September 25, 2009
Mag-syota

Napaka-swerte nilang dalawa sa isa’t isa at mahal na mahal nila ang isa’t isa. Ang pamilya ng dalawang ito ay hindi naman tutol sa kanilang relasyon. Ipinanganak sila na parehong may respeto sa isa’t isa at pagmamahal sa bawat isa. Para na ngang mag-asawa ang dalawang ito e.
Isang gabi pagkatapos ng party na dinaluhan nila, ay ‘yon na pala ang katapusan ng pagkikita at pagsasama nilang dalawa. Bakit? Ito ang nangyari…
Habang pauwi sila mula sa party na kanilang dinaluhan… si lalaki ay nagmamaneho ng sasakyan. At sila’y binangga ng isang ten wheeler truck… himalang nakaligtas si babae at ang kawawang lalaki ay naipit sa ilalim ng kotseng kanilang sinasakyan. At ito’y binawian ng buhay sa loob mismo ng sasakyan.
Napakasakit at sobrang lungkot ang nararamdaman ni babae dahil sa nangyari, halos hindi na siya lumalabas nang bahay dahil sa sobrang lungkot niya. Maraming tanong ang pumapasok sa isipan niya.
At hindi lang si babae ang nagluksa kundi pati na rin ang pamilya ng lalaki lalo na sa kanyang Nanay na kung saan ay malapit siya.
Ito ang kwento ng pag-iibigan nina Lawrence at Vicky.
Paano mo haharapin ang ganitong trahedya ng iyong buhay? Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Vicky? Ano kaya ang gagawin mo?
Hindi natin hawak ang oras at ang buhay natin at lalong hindi natin alam kung hanggang kailan tayo sa mundong ito. Maraming pwedeng mangyari sa bawat segundo na ating buhay. Kaya naman, pahalagahan natin ang bawat segundo o minuto o oras na binibigay Niya sa atin…
Friday, August 7, 2009
Kahapon
Kahapon, ay ginawang special non-working holiday at para sa akin nararapat lamang na siyang bigyan ng pagpapahalaga at respeto sa lahat ng kontribusyon para sa ating lahat. Siya ang tinaguriang “Ina ng Demokrasya” at isang icon.
Sa panonood ko ng telebisyon kahapon para masaksihan ko ang, para sa akin, isang malaking pagtitipon ng mga ordinaryo at nasa taas na antas ng lipunan. Pinagkaisa na naman niya ang mamamayang Pilipino. At doon ko nararamdaman ang kanyang kabutihan sa pamamagitan ng mga supporta ng ating kababayan. Ang bawat awit na inawit ng tanyag ng mang-aawit sa ating bansa ay nagpapakilabot sa akin. Mga awitin na nakatatak na sa mga puso ng Pilipino at sa kanyang pakikipaglaban.
Doon ko naramdaman ang spirit noong mga 80’s kahit pa'y wala pa akong alam sa mga panahong iyon… pero ito ay nagpaantig sa aking puso ang bawat linya ng mga awiting iyon.
“How I wish nasaksihan ko ang pagiging Pangulo niya noong mga panahong yon. She’s great!”
Sa iyo Tita Cory, maraming salamat sa pamana na iniwan mo aming lahat. Hindi man kita lubusang kilala sa iyong pamumuno pero sa pinakita ng sambayanang Pilipino ay batid ko ang kabutihan ng iyong puso. Maraming Salamat po!
Tuesday, May 19, 2009
Anong reaksyon mo?
Very touching story…
Si Darwin ay isang 6 years old na batang bunga ng rape. Dahil dito lagi siyang sinasaktan ng Nanay niya physically and emotionally.
Isang araw naisip ng Nanay niya na ito na siguro ang araw para mahalin naman niya ang kanyang anak. Pagpasok niya sa kwarto ni Darwin nakita niya na nakabigti ito at nag-iwan ng isang note:
“Mama, dib a sabi mo ikaw na ang magiging pinakamasayang tao sa mundo kapag namatay ako. Kaya ito po regalo ko sayo ngayong birthday mo. Happy Birthday Mama… I love you.”
Ito lang ang masasabi ko, napakasama niyang ina bakit niya dinadamay sa galit ang anak niya na walang kasalanan sa nangyari sa buhay niya.
Ikaw, ano ang reaksyon mo?
Sunday, May 10, 2009
Huling Yugto
Palipat-lipat kami ng apartelle noon at minsan naman sa motel kami pinapatuloy… kung hindi ako nagkakamali tatlong motel na ang napasok namin at dalawang apartelle… palipat-lipat na parang taong gala. Tumagal ang pag-stay namin sa isang apartelle sa may west ave. sa Quezon City. Doon kami halos isa o dalawang buwan namamalagi. Sa umpisa, ok naman ang kalagayan namin dahil binibigyan kami ng food allowance at sila ang nagbabayad ng rent sa apartelle na yon.
Ganon pa man, panay pa rin ang pangungulit ng mga kamag-anak ko lalo na si Inay. Pero nananatili akong matigas dahil nasa puso ko pa rin ang pananabik na makakaalis at tuparin ang mga pangarap. Naghihintay pa rin ako na minsan ay naisip ko na ring sumuko at umalis sa apartelle na tinutuluyan ko.
“Ok lang ako ‘wag kayong mag-alala”
Pero alam kong nahihirapan na ako sa sitwasyon lakas loob ko pa rin haharapin ang pangarap na 'yon. Desisyon ko ito kaya paninindigan ko. Kung anuman ang mangyari hindi ko ito pagsisisihan. Manghihinayang, oo! Dahil malaki na ang nagastos ko sa pangarap kong ito.
“Ate, kamusta? Ano na ang balita?”
“Dong, hintay lang kayo ha… please Dong, hintay lang kayo...”
Maraming pangako ang binibigay sa amin. Mga pangako na kay sarap isipin kung talagang tutuparin.
“Mark, uwi ka na lang dahil si Ante Baby ang payat na dahil sa pag-alala sayo… ‘wag mo na lang isipin ang nagastos mo dahil pera lang yan at siguro maiintindihan ka ng Lola mo, hindi mo naman kagustuhan ang nangyari e. Iyak nang iyak ang mama mo. Magpakita ka na dito…” Text iyon ng Auntie ko.
May kirot sa puso ko noong nabasa ko ang text. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong araw na natanggap ko ang mensahe na iyon. Gusto kong umiyak dahil pakiramdam ko nabigo ako sa pangarap ko. Gusto kong sumigaw… at itanong kung bakit nangyari sa akin yon! Kung ano ang naging kasalanan ko...
Halos isa o dalawang buwan na hindi kami nagkita ng aking mahal na ina kaya naman ganoon na lang siya kung mag-alala. Nasa Pinas lang naman ako noon pero parang ang layo ko sa pamilya ko. At minsan naisip ko para akong naglayas na hinahanap ng aking pamilya.
Pinipilit kong maging matatag kahit gusto ko nang sumuko sa mga oras na iyon. Mabuti na lang at may karamay ako sa mga panahong nalulungkot at nabibigo ako. May kausap. At ang karamay ko sa mga panahong iyon ang kumpare na biktima rin, katulad ko. Minsan gusto kong sisihin ang sarili ko dahil nadamay pa siya sa katangahan ko.
Nangarap lang naman ako na iahon at ibigay ang gusto ng mga magulang ko at ibalik ang karangyaan na meron sila noon…
Isang araw, text kami ng text sa kanya para alamin kung ano na ba talaga ang mangyayari sa amin. Kami ba ay makakaalis pa? O hindi? Hanggang kailan kami maghihintay?
“Dong, darating ang taong magdadala sa inyo sa Dubai. Hintay lang kayo ha dahil dyan din siya tutuloy…”
May konting ngiti sa puso ko noong sinabi niya sa amin yon. Sana matuloy na. Please, Lord! Sambit ko sa Itaas.
Ang pagdating…
Dumating na nga yong sinasabi niyang tao na magdadala kamo sa amin papunta sa Dubai at doon maninirahan sa bahay nila. Hmpt! Ang daming dahilan… At ayon, kinausap naman kami nang maayos at pinaliwanag kung bakit nagkaganon. At naku po, alam na alam niya ang nangyayari sa amin… syempre chinismax siguro ni tanda ang mga reklamo namin pati na rin reklamo ng mga kamag-anak. Maayos naman makipag-usap yong lalaki… parang Medrep nga na nagbebenta ng produkto. Haayyss… hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa mga magagandang paliwanag mula sa nagbubulang bibig nila.
Lord, sana nga totoo ang mga sinasabi nito! Sambit ko ulit sa Kanya. Lumipas ang araw at ang isang lingo. Wala pa ring nangyayari. Paggising ko nang umaga akala ko nasa Dubai na ako. Syet! Pilipinas pa rin pala… haayyy! Ano ba talaga ang nangyayari?
Tinawagan na namin siya para ipaalam na sinisingil na kami ng management ng apartelle pero walang reply. Gutom na gutom na kami dahil wala na kaming makain. Dahil hindi na kami nabigyan ng food allowance at pati rent ng apartelle ay nakalimutan na at kami na ang kinukulit ng mga tauhan ng apartelle.
Pabalik-balik na ang tauhan ng apartelle sa kwarto namin para itanong kung mag-extend pa kami. Wala akong maisagot sa tanong dahil natulala na ako sa mga nangyayari at siguro dahil na rin sa gutom.
“Ma’am, magkano po ba ang balance namin?”
“Sir, 1,200 po ang balance niyo… kung mag-extend pa kayo ng isang araw bale 2,000+ ang babayaran niyo.”
Hindi ko alam ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon dahil ako’y litong lito na. Nanginginig na ako kakapindot ng keypad ko sa phone para itext o tawagan si Ate. Pero, ni isang reply… WALA akong natanggap! Natataranta na ako…
“Sir, ano extend pa po ba kayo?”
Limang oras pa ang aming pamamalagi sa apartelle na yon pagkatapos ng limang oras dagdag singil na kami. Kaya naisip kong kontakin ang kamag-anak ko. Wala na akong ibang maisip kundi ibenta ang gamit kong phone para bayaran ang apartelle at umalis na. Doon na ako nakapag-desisyon na… AYOKO na! Suko na ako!
Alas dos ng hapon, buwan ng Enero taong 2006.
Sa SM Sta. Mesa, nakipagkita ako sa aking kamag-anak para ibenta ang phone ko. Mabuti na lang at binili nila. Kaya pagkakuha ko ng pera agad agad akong bumalik sa apartelle para makahabol sa oras. Ni hindi na ako nakipagkwentuhan at hindi ko na sinasagot ang mga tanong nila. Napansin nilang tolero na ako at namayat na rin. Pinipilit kong ngumiti sa harap nila pero kung napapansin man nila may lungkot sa aking mga mata.
Pagdating ko nang apartelle derecho agad ako sa cashier para bayaran ang balance at mag-declare na lalabas na ako. Pagkabayad ko… derecho agad ako sa kwarto at nagligpit ng mga gamit…
“Pare, saan ka pupunta?”
“Pare, aalis na ako dito…uuwi na ako sa Laguna.”
Dahil gusto na ring umalis ni Kumpare isinasama ko na lang siya pauwi ng Laguna dahil nandoon ang kapatid at ang nanay ko na matagal nang naghihintay. Dali dali kaming umalis sa apartelle na yon… Kinalimutan ko na ang pangarap na makaalis ng bansa dahil sobrang pagod na pagod na ako noon.
Sa Laguna…
Gabi na kami nakarating ng Laguna… hindi nila inaasahan na makikita nila ako noong gabing ‘yon.
“Ma, si tito…” sambit ni Weskee (Pamangkin ko)
Nakatayo ako noon sa may pintuan na nakangiti habang tinititigan sila. Hindi ako makapagsalita sa mga oras na nandoon na ako sa bahay. Walang kibo. Agad lumapit ang Nanay at niyakap ako (umiiyak si Inay). Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nahihiya ako sa nangyari. Ngiti lamang ang tanging sagot ko sa mga tanong nila. Ngiti na kumukubli sa mga kabiguan at kalungkutan na nararamdaman ko sa mga oras na yon.
Masakit para sa akin ang pangyayari… isang malaking pagkabigo ang naranasan ko. Wala akong mapagkwentuhan noon sa aking nararamdaman. Wala akong sagot kung bakit nangyayari sa akin yon. Maraming tanong sa aking puso at isipan. Pinipilit kong tumayo mula sa aking pagkadapa. Pinipilit kong maging matatag kahit pakiramdam ko babagsak na ako. Na minsan naisip ko nang tumalon sa Pasig River dahil sa sobrang depressed ko.
“Alam na ni Lola mo ang nangyari sayo. Siya pa nga ang nagsabi na umuwi ka na lang.”
Umiiyak ako noon na hindi nagpapakita sa kanila. Iyak nang pagkabigo. Hinding hindi ko makakalimutan ang karanasan na iyon. Pinipilit ko pa ngang umiwas sa mga tanong na nag-uugnay sa naudlot kong pag-alis. Kahit hanggang ngayon kapag naisip ko… nalulungkot pa rin ako dahil nabigo ako! At hindi ko maiwasan na umiyak.
Kinontak kami ni ate noon pero hindi na ako ang nakipag-usap sa kanya pagod na ako sa mga lintik na pangako. Gusto sana nang kapatid ko na ipaalam sa imbesgador o sa bitag ang nangyari sa amin para kami ay matulungan. Ano?! Bigla na naman akong kinakabahan noong sinabi ni Kuya yon. Si Mark? Makikita sa telebisyon? Parang hindi ko ata kaya yon… Hindi ako pumayag sa halip nakipagkita at kinausap na lang si ate at kinuha ang placement fee na binigay namin sa kanya. Nagmamakaawa siya sa amin noon dahil hindi raw niya alam kung saan siya kukuha ng pera.
“Naawa ka ba sa amin noong kami ay nagmamakaawa sayo?”
Iyak lamang ang sagot ni Ate naawa man ako sa kanya pero dapat lang na magdemand ako dahil hindi lang ako ang naperwisyo sa kagagawan niya pati pamilya ko.
“Dong, alam mo naman na hindi ko kasalanan to di ba? Si ___ kasi ang humawak ng pera niyo at ginamit niya pala ang pera na pambili ng ticket niyo?”
Hindi na ako nakinig sa mga paliwanag niya. Sawang sawa na ako. Hindi raw niya alam na ginamit pala ng kasama niya ang pera namin pero alam kong alam niya ang nangyari. Ayaw niya lang magsalita sa amin.
“Basta ibigay mo nang buo ang pera na binayad namin sayo… dahil kung hindi magkita-kita na lang tayo sa korte.”
“Dong, Baby (pangalan ng Nanay ko), maawa kayo sa akin may mga anak pa akong nag-aaral.”
Wala kaming pinagkinggan sa mga paliwanag at pagmamakaawa niya sa amin. Sa halip binigyan siya ng ilang buwan para mahanap ng pera para ibalik ang lahat ng nagastos ko. Oppsss… wag na kayong magtanong kung magkano!
Mabuti naman at sa takdang araw na binigay namin sa kanya binalik niya ang pera sa akin. Nakapanghihinayang dahil hindi na nga ako natuloy nawalan pa ako ng trabaho. Matagal bago ako naka-move on sa nangyari. Hindi lumalabas ng bahay. Kung lumabas man, sa gabi!
Walong buwan akong tambay mula noong ako’y nag-resigned sa pinapasukan kong kompanya noon at pilit kinalimutan ang mga nangyari. Naghanap ng trabaho sa kung saan saan.
Marami pa ring gusto magtanong tungkol sa nangyari pero umiiwas ako. Kahit nakikita man nila na parang hindi ako naapektuhan pero deep inside my heart… sobrang bigat nang nararamdaman ko!
Ilang kompanya na rin ang pinasahan ko ng aking resume hanggang sa ako’y tinanggap dito sa isang Pharmaceutical dito sa may Mandaluyong. Kahit medyo maliit lang ang kita pero ok lang at least hindi ako palamunin ng aking mga magulang.
Nangangarap pa rin ako na makaalis nang bansa dahil andoon pa rin ang gusto kong makatulong sa pamilya ko. Pero hindi ko alam kung para sa akin ba talaga ang pag-aabroad o hanggang dito lang ako?
Minsan talaga hindi ko maiwasan na hindi malungkot sa mga nangyayari sa akin. Pangarap na pinilit kong abutin pero hindi ko talaga maabot sa halip nabigo pa ako.
Matutupad pa kaya ang mga pangarap na ‘yon?
P.S.
Maraming salamat po sa mga sumusubaybay sa aking kwento hango sa aking karanasan. At pagpasensyahan niyo na po kung kayo man ay nabitin sa kwento ko. Salamat po ulit sa inyong lahat. God Bless you!
Saturday, May 9, 2009
Makakaalis pa ba?
Pagdating naming sa Shangrila tumambay pa kami sa food court para maghintay… Shit! Naiinis na ako sa mga oras na yon dahil tawag na nang tawag ang Nanay ko at mga kamag-anak ko. Kung anu ano na ang mga sinasabi. Hindi na rin ako makapag-isip ng matino dahil nadadala na ako sa mga pinagsasabi nila. Kinukulit na namin siya kung talagang makakaalis pa ba talaga kami.
“Dong, hintay lang kayo inaasikaso pa ang ticket niyo.”
Hanggang kailan? Tanong ng isip ko. Buong araw kaming nakatunganga sa food court ng Shangrila kaya naman hinding hindi ko makakalimutan kapag napunta ako doon. Haayyysss… buhay nga naman!
Makalipas ang mahabang oras na paghihintay… ang sabi,
“Dong, ihanap ko na lang kayo ng mauupahan para makapagpahinga muna kayo bukas na ma-release ang ticket niyo.” may ganon...
Ewan ko ba halos sunud sunuran na lang kami sa mga sinabi niya. Hinatid kami sa may motel sa pasig, yong maraming nakahilira dyan sa may pasig. Haayy natatawa na lang kami ni kumpare… akalain mong iisang kwarto lang ang inuupahan para sa amin. Tsk! Damn you, tanda! Pero ok lang at least may makakausap…
Kinabukasan maaga kami nagising dahil ang sabi alas singko daw kami aalis papuntang airport. Sana nga makaalis na kami para wala nang mga tanong at mga pangungulit ng mga kamag-anak… naghintay na naman kami nang matagal sa may Jollibee sa crossing. Lintik talaga! Nahihiya na ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga crew dahil halos kalahating araw na kaming nakaupo doon dala dala ang mga maleta.
Haayy salamat at dumating din siya… mabuti naman at pinakain niya muna kami dahil nahihilo na kami sa gutom…
“Ate, ano nang mangyayari sa amin? Matutuloy pa ba?”
Ngiti lamang ang sagot niya sa amin. Ano bang ibig sabihin ng mga ngiting yon? Pinipilit naming siya magsalita kung ano ba talaga ang mangyayari sa amin. Alas kwatro na ng hapon pero nanatili pa rin kami sa kinauupuan namin. Wala pa ring balita. Ano na ba talaga? Kinukulit na naman ako ng mga kamag-anak ko… dini-discourage na nila ako pero nanatili akong matatag at pinaninindigan ang desisyon ko. Itutuloy ko ito!
Inaabot na kami nang gabi sa crossing pero wala pa rin talagang nangyayari sa amin. Hinatid na naman kami sa isang apartelle at doon magpalipas ng gabi dahil ang rason bukas na makakaalis…sure na! Lagi na lang bukas! Bukas!
Exhausted na ako sa mga araw na iyon… pakiramdam ko para akong naglayas na walang patutunguhan. Gusto ko na ring sumuko sa pangarap ko pero nilakasan ko ang loob ko. Binalewala ko lahat ng mga negatibong pananaw ng mga kamag-anak ko. Hindi ko pinagkinggan ang lahat ng mga sinasabi nila dahil naniniwala pa rin na matutuloy ang pag-alis ko.
“Dong, hintay lang kayo sa tawag ko ha… “
Kinabukasan (ulit?!) nag-stay lang kami sa apartelle na inuupahan niya para sa amin binigyan kami ng food allowance at binayaran ang upa ng apartelle. Nakatanggap ako ng tawag noong araw na iyon… si kuya yon. Pinapauwi na ako dahil sobrang nag-alala na si Inay at iyak nang iyak na raw. Kahit ako man ay naiiyak na sa pangyayaring iyon. Pero sabi ko, ok lang ako konting tiis na lang at makakaalis na ako. Pinilit kong maging kampante para sa kanila. Pinilit kong pakalmahin ang pamilya ko. Kahit ako ay medyo nahihirapan na rin pero lakas loob kong harapin ang hamon na ito. Hamon na hindi ko alam kung kailan matatapos….
“puro na lang kayo bukas… sabihin niyo na lang ang totoo!”
Susuko na ba ako?
Itutuloy…..
P.S.
Pasensya na medyo bitin… inaalala ko lang muna ang mga nangyayari sa akin noon…
Friday, May 8, 2009
Swerte, malas o minalas?
Part I
"makakaalis din tayo pare"
Mahigit tatlong taon na ang nakalipas nang subukan ko ang mangibang-bansa pero sa kasamaang-palad ako'y hindi natuloy sa kadahilanang... hmmm sabihin na lang nating minalas ako! Ako ay nagtatrabaho noon sa isang oil depot dito Pilipinas. Okay naman ang sweldo ko kahit papano nakakaraos naman, nabibili ang gusto at nakakaipon. Dahil sa kagustuhan kong makaalis ng bansa at may opportunity na nag-cross sa aking landas. Agad ko itong sinunggaban na walang pagdududa.
Sa una, okay naman ang pag-uusap at ang mga kalakaran. Ni wala akong duda sapagkat isa sa mga pinsan ko ay nakaalis nang dahil sa kanya.
I am preoccupied that time because I am preparing all the papers that I need to submit in the said agent. And I'm gonna take a risk for this opportunity came in my way because I think this is it...
I'll make myself strong because I know it is not easy to leave your country and to your love ones. And I'm pushing myself to leave because it is my dream and opportunities are here already. So, I'll grab it!
Hindi mo naman magagawa ang lahat ng bagay kapag wala kang pera kaya pati savings ko ginalaw ko na just for my dream. Naglabas ng pera. Hinanda ang lahat ng kailangan. Nangutang na ako sa lola para sa pangarap na makaalis ng bansa.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko... November 2005 iyon nang tumawag siya sa akin "Dong, magready na kayo dahil bago magpasko alis niyo..."
Pumapasok pa ako noon kaya agad agad akong gumawa ng resignation letter para may oras pa silang makahanap ng ipapalit sa akin at para makapag-turnover ako. Nagulat ang mga Boss ko dahil parang ang bilis ata nang pangyayari. Kahit ako man ay hindi makapaniwala. Hindi pa sana ako payagan na mag-resign pero nagpumilit ako dahil sa pag-aakala ko, ito na yon e!
Ganon pa man, best wishes na lang ang natatanggap ko mula sa mga ka-opisina ko. Nagpapasalamat naman ako sa kanila dahil sinuportahan naman nila ako.
Ito na…
Araw ng aking paglisan… hinatid pa ako ng aking Nanay at mga kamag-anak. Parang ayaw ko nang ituloy dahil sobrang kaba ng dibdib ko. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko para sa pamilya at sa ambisyon ko.
“Pare, andyan ka na ba?”
Pagdating ko nang NAIA, pinaalis ko na agad ang mga humatid sa akin dahil ayokong magkaroon iyakan sa pag-alis ko kahit alam kong umiiyak na sila at ako nama’y pinigilan ang emosyon at pinilit na ngumiti para sa kanila.
Sinubukan kong tawagan ang agent naming para i-confirm na nasa airport na ako at susunod na rin ang isa kong kasama. Pero, walang sumasagot sa tawag ko… pati sa text ko, wala…! Lalong lumakas ang kaba ng aking dibdib pinipilit kong iwaksi ang mga negatibong pumapasok sa isipan ko. HINDI PWEDE, HINDI!
“Pare, si ate ____?”
Wala akong maisagot sa tanong niya pakiramdam ko para akong… hindi ko maipaliwanag… nanginginig ako habang sinasagot ko ang tanong ni kumpare. Biglang nag-ring ang phone ko nanginginig pa rin akong sagutin ang phone… si Ate ___ yon!
“Dong, punta muna kayo dito sa Shangrila dahil nagka-problema sa ticket niyo”
FUCK! What happen?! Tanong ng isip ko.
“Pare, punta raw tayo sa Shang… nagkaproblema raw sa ticket natin.”
Tulala na ako noong nasa taxi na kami pabalik ng Manila. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pinipilit kong maging positibo sa lahat. On and off ang phone ko dahil nagmimiskol na si pinsan. Waaahhh! Hindi ko na alam anong gagawin ko at isasagot ko sa kanila.,,
Pinaglalaruan ba ako?! Makakaalis pa ba ako?
Itutuloy….
Friday, March 20, 2009
Marco: Tag!
Nagtataka si Walter kung bakit sa dalawa niyang kapatid may mga buhok sa binti at sa braso...
Tinanong niya ang tatay niya:
Walter: " Tay, bakit ang dami mong buhok sa binti at sa braso pati kina kuya?"
Sagot ng Tatay ko, "Anak, magkakaroon ka rin nito paglaki mo?"
Medyo naiinggit si Walter sa dalawa niyang kapatid tinatanong niya rin ang mga ito; "Kuya paano magkaroon ng buhok sa binti at sa braso?"
Sagot ni Kuya 1 " Sus, pag laki mo magkaroon ka rin nito...!"
Walter: "Ahh ok... " (Nag-iisip...)
Kuya 2: "Wag ka nang mainggit Walter pag nasa high school ka na... natitiyak kong magkakaroon ka rin ng ganito... hindi lang sa binti at sa braso... pati dibdib mo at mga balbas mo... tutubo na rin yan...pati doon..."
Walter: "Ganon po ba yon?"
Dahil hindi siya convince... may nalalaman siya paraan para tumubo ang pinakaasam niya... naririnig lang din niya ito sa mga mas nakakatandan sa kanya... at ginawa niya ito ayon sa kanyang nalalaman.
Kinuha niya ang shaver ng Tatay niya at hinugasan ang dalawang binti nilagyan ng sabon... toinks! Inaahit na niya ito.....
Pagkalipas ng dalawa araw... laking gulat na lang niya.... may tumubo nang buhok sa kanya mga binti... natakot siya at napangiti....
"Ayan... may mga buhok na rin ang mga binti ko..." Sa isip ni Walter sabay ngiti.... :)
TO AMOR:
Ayan na... nagawa ko na ang tag mo... ako yata ang huling nagpost ng tag na to e... pero oks lang yan di ba? sabi ko nga, gawan na lang ng kwento para maiba... kaya ayan... ang di magbasa... magiging pangit at tubuan ng buhok sa mukha! hahaha!

