Sadyang darating sa buhay mo ang tinatawag na "malas." Minsan nakakabwisit ang mga pangyayari kasi nangyayari sa di tamang panahon. Sabagay, di na siguro matatawag na malas kung sinasadya ito. Isang linggo na rin ang nakalipas noong nadukutan ang inyong lingkod sa siksikang lintik na MRT na yan. Lintik din yong taong tumulak sa akin papasok sa loob ng MRT akala ko tulak lang ang sadya nya.... yon naman pala ay ang coin purse ko, na ang laman ay tumatagingting na halos pitong daan pesoses, ang sadya niya. Malaking pera na yon para sa katulad kong hikaos sa buhay. Hayup na gagung yon!
Kagagaling ko nga lang noong sa sakit tapos yon pa ang mangyayari sa kin. Kay malas nga naman, oo! Sus, ginoo patawarin sila!
Madaming dukutan ang magaganap sa loob ng MRT. I swear! Kung makatabi ka ng mas hot pa sa chilimansi... iiling iling ka na lang. One time, na sight ko si office girl nakasimangot na palingon lingon sa likod.... ayon naman pala ang malikot at malanding kamay ni manong nasa pwet ni office girl. Tsk! Tsk! Tsk!
Oh huh! Balik tayo sa subject na malas.... ayon nga... nalaman ko na lang na nawala si coin purse ko noong maluwag na ang MRT. Lintik talaga! Wala pa naman akong extrang money! Nag-panic ako dahil baka kako pati wallet ko sa bag at cellphone na dukot na rin. Haaayyy! Salamat, hindi nadukot!
Buti naman pala sahod noong araw na yon kaya less konsume sa side ko. Pang grocery ko din sana yong 500 na nadukot para di muna ako magwithdraw... ayon nasira ang plano ko sa lintik na makating kamay. 1 point na kamalasan yon!
Sa grocery (same day ito ha) e di kuha na ako ng mga kakailanganin ko sa kubo ko. Tapos, ayon binayaran na si cashier, dumerecho sa sakayan, sumakay ng jeep pauwi, bumaba sa babaan, sumakay ng tricycle papunta sa kubo.... pagdating ng kubo... bihis muna dahil naalibadbaran sa nangyari. Naligo para mahimasmasan. Tapos, ayon.............inaayos ang pinimili..... at...... tantararantarannnnnn..... wala ang MILO na binili ko! Tinignan ko ang resibo.... kasama siya sa resibo. Grrrr... umusok na ang tenga ko. Kay malas nga naman!
Ganun talaga!
Patalastas...
Medrep: uyy, sir empi! Ikaw pala yan!
Empi: hu u?
Medrep: ako po yong laging nangungulit sayo sa phone.
Empi: Ahh! Ikaw pala yan. Ang taba mo pala! Haha!
Medrep: Hahaha! Tse! Ikaw pala yong naki-chismis sa cubicle ni ma’am lou.
Empi: (so, chismoso ako, ganun?) haha. Oo ikaw din pala yon.
Medrep: na-struck naman ako sayo, sir empi! Aw.. papa P pala.
Empi: Alam mo, medrep ka nga!
Medrep: bakit sir?
Empi: ang galing mo e… ang galing mong mang-uto!
Medrep: hahaha! Sir empi talaga oh.
Empi: hehehe. Joke lang!
***galing talaga ng mga sales rep no.... ang husay mambola. marketing e. ganun talaga!!
Parang Tanga lang…(sa opisina)
Rey: Ang lakas ng ulan!***oo nga e... parang tanga lang... ganun talaga!
MPoy: Oh, really?!
Rey: Yeah! I’m not joking.
MPoy: Why? (pinipigilang matawa)
Rey: Yes! I’m just kidding…
MPoy: *lakas ng tawa*
Rey: Usapang tanga lang.
MPoy: tama ka dyan! *grin*
kwawa ka naman .... sabi nga nila ang buhay ay weder weder lang hihihi. ok lang yun mababawi mo rin
ReplyDeletepag minamalas talaga, naku. pero ang kulit ng usapang tanga ah hehehe
ReplyDeletenext time ingat ka na...paghiwa-hiwalayin mo pera mo para di lahat makukuha kung lagi ka pala ng mrt :-)
ReplyDeleteHahahaha...Papa P ah...ikaw na sir empi...
ReplyDeleteparang lumiko ng bahagya sa commercial..hehe
ReplyDeletepero sabi nga nila "when it rains, it pours..hard!" eh ganun talaga at least coin purse mo lang ang nakuha..next time double ingat nalang! :)
@ CHINCHAN: Oo nga e. Bawi na lang. :)
ReplyDelete@ BINO: Ang malas talaga di mo alam kung kelan darating sayo.
@ MAC: Hehehe. oo nga. kaya ikaw mag-ingat din. di bale ng iba madukot kesa ang wallet ang madukot sayo. Hahaha!
ReplyDelete@ AKONI: Thank you. Bwahaha!
@ TABIAN: It pours...hard talaga? haha... iba naisip ko. Sh*T laswa ng nasa isip ko. Lol! Sorry.
ReplyDeleteaw, nasapul ka ng Kmlasan. tsk tsk.
ReplyDeletepero yaan mo na, after ng bad happenings, good karma will appear :D
badtrip nga yan.. sa ngayon puro kamalasan din ang nangyayari sa buhay ko eh. pero iniisip ko na lang na blessings in disguise lagi ung mga un. pag nawalan ibig sabihin magkakaroon ulit. diba diba diba..
ReplyDeleteang sama sa loob ng madukutan! :D
ReplyDeletebuti madaming prang tangang ganun talagang patalastas... hehehe
cheer uP!
kamalas nga!! pano nalang ang lamig ng umaga kung walang MILO! hahaha
ReplyDeletegrabe. poverty is creating monsters in people. at wala na talagang pinipili--pati MRT. mga mukhang desente na ang mga mandurukot so dimo na talaga masasabi. better put your guard all the time. mamatay na lahat ng mandurukot!!!hahaha
ReplyDeletepag minamalas ka nga naman.. hehe! hayaan mo na un.. ingat sa sunod.
ReplyDeletePaalala lang maraming kapatid ang mga yan.itago ng maigi ang inyong mga kayamanan.
ReplyDeletepag lumalabas ako aside from my wallet ako may extra money din ako sa maliit kung ulsa if in case madukutan ng mga mandurukot na yan.
ReplyDeletepag nasa LRT/MRT bago sumakay ilagay ang wallet sa harap na bulsa para cgurado.
@ KHANTS: Hay! Sapul na sapul talaga.
ReplyDelete@ CHIKLETS: Oo nga e. :)
@ MRCHAN: Sobra! Sarap manapak. :)
ReplyDelete@ BON: Hahaha! Tama!
@ PUSA: Sinabi mo pa!
ReplyDelete@ MOMMY: Yes, Mom! :D
@ DIAMOND: Kayamanan talaga enoh. Hehehe!
ReplyDelete@ KASWAK: Masusunod po sir. Hehe
kaya ka pala minamalas parekoy, ang lakas mong manglait! "Ang taba mo pala!" hehehe lolzz
ReplyDeletenaku sayang naman.. huhuhh.. dumarating talaga ang malas minsan.
ReplyDeletesayang din iyon ha...tsk tsk tsk...
ReplyDeletesa susunog eh wag maglalagay sa kung san san at ang T,iwanan na lan sa bahay lol
tsk.. tsk... dapt hiwa-hiwalay pera moh.. ako 3 wallet ko eh, isang coin purse at pamasahe lang laman... isang wallet na mga papel ang laman na di naman kalakihan... at ung mamahalin at branded kong wallet sa girbaud na andun lahat ng importanteng bagay na nakatago sa kailaliman ng aking bag.. (talagang dapat branded noh? ahahha)
ReplyDeletenatawa ako dun sa usapang tanga lang... parang ganun kasi ako minsan eh. ahahaha.. tanga din ako! lol
sa 4 na taon ko sa Morayta-Recto area, buti hindi ko pa yan naeexperience awa ni Bro. Ok lang yung dukot, at least walang encounter. Kesa tutukan ka ng baril at holdapin ka or hablutin ang bag mo na siguradong kahit pinagpractisan mong wag lumaban, e lalaban at lalaban ka pa rin.. mas delikado diba?
ReplyDeletebuti nakauwi ka pa. Ingat na lang lagi. Mas ok na maging praning.
Hi, Empi! Marami talagang siraulo sa panahon ngayon, kahit na yung coin purse or cellphone na patapon, ninanakaw o dinudukot pa din, kaya mabuti na rin maingat. Nakakatawa yung usapang Tanga, hehehe! =)
ReplyDelete@ CM: Hahaha!
ReplyDelete@ XANDER: That's life bro. Hehe!
@ JAY: Ano daw? susunog? susunugin ko? tama ba? lol
ReplyDelete@ RAP: Wow! Tatlo tatlo ang wallet. Hehehe!
@ KURA: Mas nakakatakot naman yon! :)
ReplyDelete@ ISP: Salamat sa pagbisita. Hwehehe!