Showing posts with label Eksena. Show all posts
Showing posts with label Eksena. Show all posts

Thursday, December 23, 2010

Eksena 106

Si Manong Driver... bingi!

Empi: Manong, philcoa po!
MD: Quiapo?
Empi: Philcoa po.
MD: Quiapo nga?
Empi: Philcoa nga po... P-H-I-L-C-O-A
MD: ahh... Altura?

***sobrang asar bumaba at pumara ng ibang taxi.

Si Manong Driver...Sundalo!

MD: Hijo, saan ka!

Empi: Philcoa po!
MD: Saan doon!
Empi: Sa may jollibee lang po!

***nakakaloko ang command ni Manong Driver... parang nasa military lang e...

Sa isang Bookstore...

Cashier: Ma'am, may laking national card po kayo?
MY: Wala...

Empi umepal...

Empi: Wala dahil laking Bear Brand ako.

***laki ng ngiti ni cashier. lols!

Wednesday, November 24, 2010

Eksena 106 (feat. officemates)

Problema ni officemate...



Officemate: May problema ako, empi!
Empi: wow! Ano yon?
Officemate: matutulungan mo ba ako?
Empi: hindi ko maipapangako!
Officemate: naks!
Empi: ano ba yon? *lapit kay officemate* Sa excel ba? *sabay tingin sa monitor*
Officemate: Hindi!
Empi: Ano nga?
Officemate: kanina pa to e.
Empi: Ano ba yon kasi…?!*naka-titig sa monitor*
Officemate: kanina pa ako natatae. *evil laugh*
Empi: fuck you! *asar*



Sa canteen…nag usap usap para sa Christmas Party na gaganapin “daw” sa kubo ni empi. Tsk tsk magugulo ang maliit na kubo.

Rey: oist! Ano iinumin natin? The bar?
Empi: wag yan! May bago ngayon.
Rey: ano yon?
Empi: the club
Rey: *nag-iisip* meron ba noon?
Empi: oo naman!
Lou: wala kaya.
Rey: abnormal ka talaga.
Empi: *evil laugh*



Usapang inuman...


Rey: Clarisse, umiinom ka?
Clarisse: hmmm… cocktail lang po.
Rey: ha? COCK…. Tail?
Clarisse: ei… kuya rey naman e. ano ba yon?

*tawanan*


***fertile si rey! Tsk! di siguro naka-score kay misis. lol! Nawa'y di niya mabasa ito. haha!

Si Rey at Empi...

Rey: Balbon, saan kayo mag-NATCON (National Conference)
Empi: Hindi ko alam.
Rey: Bakit hindi mo alam?! Sabi sa Bora daw...
Empi: Hindi ah.
Rey: E saan nga?!
Empi: Sa EDSA *pabulong*
Rey: Ano daw?
Empi: Sabi ko, dyan lang sa EDSA...
Rey: Gago! Abnormal to!
Empi: Gantihan lang yan dude. *evil laugh*

***nakaganti rin.

Monday, November 15, 2010

Eksena 105

Sa Resto...

Crew: Sir, namumukhaan kita.
empi: Ha?
Crew: Kayo yong nandito noong mga nakaraang buwan may kasama ka. Tapos after ilang minutes umalis din kayo.
empi: Hmmmm... *may naalala*
Crew: Kayo po yon sir noh.
empi: Hindi ah. Kamukha ko lang siguro yon.
Crew: Ah ok!

***pahamak kayo.... alam niyo kung sino kayo. Hmp!
Natutunan: Wag muna pumasok ng resto kung di pa sure kung ano kakainin.

Sa Main gate (Security Guard)





SG: Sir empi, good morning!
empi: Morning din po.
SG: Sir, naubusan ba?
empi: Ano yon?
SG: Naubusan ba ng pang-ahit ang mga department store?
empi: Bakit sakin ka nagtatanong? Ako ba may-ari?
SG: Hindi naman. Kasi... hindi ka na nakakapag-ahit oh. Para ka ng terorista.
empi: ah... ito ba. Trip ko lang to kuya. *grin*

proof


***may sakit na KATAM si empi kaya di nag-aahit. :D

Sa Park...

Nagjojogging si empi noon sa park. May isang guy, nag-stretching...mga ilang minuto biglang tumugtog ang "Nobody" - wonder girls. Gumigiling si guy... kembot dito... kembot doon.

Sa likod ni empi...may mga nagsalita.

Girl1: Ay! Gay?!
Girl2: Sayang ka! Sayang ka, kuya! Ang gwapo mo pa naman!

Boy1: Shit ka!
Boy2: I like him already.

Lola: Ay! Ang cute niya.


***ang eksena na babasa mo sa itaas ay hango sa totoong pangyayari. Salamat! ;)

Monday, November 8, 2010

Eksena 104 (Feat. Manong TD)

Kahapon, nagpunta ako ng Trinoma at namili pandagdag sa mga regalo ko, kulang pa nga e. Sigh! Sabi ko kasi, unti-unti na akong mamimili para hindi mabigat sa bulsa - yon ang tip ko para di gaano magastos pag dating ng December. Dalawang damit para sa mga kids ang nabili ko at isang polo para sa akin. :)

Nag-taxi na ako pauwi ang haba kasi ng pila papuntang UP Campus. Grrr... Sa loob ng taxi si Manong Taxi Driver... Umeksena....

Manong TD: Pogi, saan tayo?

empi: Philcoa po, Manong!

Makalipas ang 10 minutes....

Manong TD: Ang lalim ng iniisip mo pogi ah...alam mo pogi, ang pag-ibig parang trapik lang yan.

empi: Ha?

Manong TD: Sa trapik kasi, kailangan mo lang ng konting pasensya at makakausad ka rin. Pag mag overtake ka dahil nagmamadali ka maaari kang madisgrasya. Tulad ng sa pag-ibig, pag masyado mong minamadali... posibleng magkamali ka at masasaktan ka lang. Kaya dahan dahan lang.

empi: Ganoon ba yon Manong?

Manong TD: Oo. Nakikita ko sa mga mata mo na malungkot ka, malalim ang iniisip.

empi: Anong konek doon sa sinasabi mo at sa akin?

Manong TD: Nakikita ko lang sa mga mata mo...(sabay tingin niya sa kin sa may salamin)

empi: Pagod lang yan Manong, wag kang OA.

Manong TD: Hindi e (ngiting nakakaloko). Wag masyadong mag-isip pogi. Pasasaan pa't magiging ok din yan. Isipin mo na lang na nasa kalsada ka at matrapik.

*tahimik*

Manong TD: Papasok pa ba tayo, pogi?

empi: Wag na po. Dyan na lang sa may Jollibee.

Manong TD: Ok.

empi: Manong oh (sabay abot ng pamasahe). Bigyan mo na lang ako ng bente.

Manong TD: Ito, pogi oh. Magiging ok din yan pogi. Nasa tamang pagkakataon lang yan.

empi: Salamat po. (sabay sara ng pintuan)

Nakakaloko si Manong TD umeeksena ng ganon. Tsk!

Naishare ko lang din... Back to work na.

Good day, guys!

Wednesday, October 27, 2010

Eksena 103 (Halloween Edition)

Naranasan mo bang makaramdam ng mga kaluluwang gumagala sa paligid? O nakakita ka na ba ng white lady na gumagala? Nakakarinig ng nagta-type sa keyboard pero wala namang tao talaga?

Sa opisina.... alas onse pasado na ng gabi.

Nag-OT ako noon dahil may hinahabol at kailangang tapusin na report. Iniwan na ako ng isa kong kasama mga bandang alas onso ng gabi. Ang pwesto ko nasa pinakadulo.... habang nakatitig ako sa monitor at seryosong nagtatrabaho...halos magkalahati na ng gabi noon. Nakaramdam na ako ng kakaiba...binalewala ko lang yon...trabaho pa rin...habang nakatitig ako sa monitor.... F***K!!!! May nakita akong kakaiba...may dumaan... babae... nakaputi... lumingon ako... wala naman... pagtitig ko ulit... Sh*T!!! Mayroon talaga.... nilakasan ko ang volume ng music...at binalewala ko kung ano man yon nakita ko... nakikipag-chat... Waahhh!!! nakikita ko talaga...padaan daan ang babae...puti ang suot...

Empi: Hindi! Imahinasyon ko lang to! Wala naman talaga e. wag ka ngang matakot!

Pero...mayroon! mayroon akong nakikita sa monitor!

Hindi ko na kinaya.... shut down ko na ang PC at nagmamadaling umuwi.

Si Gen at si empi....

Sa opisina ulit... habang nagtatrabaho sina empi at Gen (ex-officemate ni empi at blogger)...siguro mga alas diyes pa lang yon ng gabi.

Gen: Kuya, andyan pa ba si Sir Lito?
Empi: Ha? Wala na ah...umuwi na.
Gen: Sira! Andyan pa kaya... kadadaan lang niya...

Tumayo si empi at sinilip ang kwarto ni Sir.

Empi: Gago ka! naka-locked na ang pinto ni Sir Lito.
Gen: Waaahhh.... kuya nakita ko kaya dumaan kanina sa likod natin. Anong kulay ng suot niya?
Empi: Polo kulay yellow.
Gen: Yon nga... nakita ko dumaan. Di mo ba napansin?
Empi: Hindi!


CR

Sabado noon...pumasok ako sa opisina...nag CR muna ako bago tumungo sa pwesto ko...habang nagparaos (nagwewe ako!)... may naririnig akong umuungol... hindi ko matukoy kung saang cubicle... na-curious ako at sinilip ko isa isa ang mga cubicle na nandoon.

Cubicle 1: Wala!
Cubicle 2: Wala rin!
Cubicle 3: *nagtaka na ako.. wala namang tao ah!

Pero naririnig ko ang ungol...boses lalaki at babae... at naririnig ko yong pagpasok/pagka**** ng tottt ng lalake doon sa tottt ng babae (imaginin mo na lang...) yon ang naririnig ko...umuungol... kumakadyot...

Lumabas na ako ng CR... di ko kinaya ang eksena... kinilabutan ako....

Officemate...

Napag-usapan namin noong ang mga karanasan namin sa opisina... share ni officemate... habang nagtatrabaho daw sila noon... sa isang cubicle... may naririnig silang nagtatype sa keyboard. Noong sinilip nila ito... wala naman tao.


Ikaw? May nararanasan ka ba kakakilabot?

***ang mga kwento po na nababasa mo sa itaas ay hango po sa totoong buhay o pangyayari. salamat!***


Saturday, October 2, 2010

Eksena 102

Ang mga pangyayari o eksena na mababasa mo sa mga sumusunod ay hango sa pangyayari nitong mga nagdaang araw.

Sa tindihan...

si empi ay bumibili ng softdrink...biglang may nagtanong:

Girl1: Kuya, kaanu-ano mo si Uma?
Empi: Ha? Sino daw?
Girl2: Si Uma daw po yong sa PBB dati..
Empi: Bakit mo naman natanong?
Girl1: Kahawig mo kasi kuya e.
Empi: Ngek! Nambola ka pa Eneng!

***pagdating ko ng bahay tumingin ako sa salamin... at sabi ko, hindi ko naman talaga kahawig yon ah... hmmm...

Sa opisina...

Binisita si officemate ni MedRep...

Gaysha: Hi, kuya paayos mo naman 'tong unit ko... hindi kasi ako makapag-sync e.
Officemate: Ano na naman ba kasing ginawa mo dito... nag-fb ka na naman siguro dito no!
Gaysha: Excuse me, Kuya! Di ko ginagamit sa FB yan no... (sabay lingon kay empi) Hi Marco...

(lumapit at nakipagbeso-beso sa kin....)
Gaysha: P********* ka marco! Ang bango mo! Ang sarap mo! I-date mo nga ako, kahit one time lang... kahit ako na gagastos!
Officemate: Pag ikaw pinatulan niyan...
Gaysha: E di mas mabuti... ano Marco?
Officemate: Solve ka dyan... mabalbon yan!
Empi: Gago ka Rey!
Gaysha: I-date mo na ako... papatikim ko sayo ang pinakamasarap....blah blah blah....

***wag na ituloy masyado ng bulgar kung itutuloy ko pa ang sinasabi niya. Hehehe! anyway, sanay na ako sa Gaysha kasi everytime pupunta ng office yon... makipagbeso-beso siya o kaya hahalik sa noo namin. Pero ewan ko lang kung may pagnanasa sa kin yon! LOL

Sa Department Store...

SaleLady: Sir, anong hanap niyo?
Empi: Ikaw!
SaleLady: Ho? Ano, Sir?
Empi: Ikaw, ikaw ang hinahanap ko!
SaleLady: *Tumatawa* Sir, talaga!
Empi: *big grin*

***Natawa din ako sa ginawa kong ito.... ewan ko ba at bakit bigla kong binitiwan ang mga katagang yon. LOL

Monday, September 13, 2010

Eksena

Eksena #1: Sa HBC

Cashier: Hi Sir, Good morning welcome to HBC! ahmm... sir, total purchase of 250 pesos... would you like to add item sir so you can have free facial.
Empi: No! Wait.... Miss y englishing? Pinoy ako!
Cashier: Ay! Sorry naman, sir! Akala ko arabo ka.
Empi: *hagalpak sa tawa*

*napaisip tuloy ako... mukha ba talaga akong arabo! hmp!

Eksena#2: Sa opisina (lagpas na ng alas five)

Empi nag-o-OT... biglang lumapit si Mr. X!

Mr. X: Aba! OT ah... Coding ka?
Empi: *ngiting naaasar*

Eksena #3: Sa bench store

She: Kuya, kuya.... ito na lang bilhin mo for me.

empi lumingon

Empi: Ha?
She: Ay! Sorry, akala ko si kuya Gian.

*Kamukha ko ba kuya niya? hmmm...!