Showing posts with label Marco Paolo. Show all posts
Showing posts with label Marco Paolo. Show all posts

Monday, December 12, 2011

IT’S YOUR CHOICE

Sa buhay natin, may pagpipilian.... ang maging malungkot o ang maging masaya.

Bakit ka maging malungkot?
Kung ang buhay ay punong-puno ng excitement.
Masaya ang buhay kung tutuusin.
Nasa iyo lamang kung paano mo ito lagyan ng spices.


Nasa iyo lamang kung paano mo ito i-handle.
Hindi porket, di mo nakuha ang gusto mo e, susuko ka na agad?
MALI yan! Ito lamang ay test o pagsubok para ikaw ay magpursige.
Ang pagsuko ay isang katangian ng pagiging duwag. 
Fight lang kung fight. Papasaan pa't makukuha mo din ang mga yan.


Sabi nga nila, kailangan mo muna dumaan sa mga butas ng karayom
Para makuha mo ang gusto mo.
Pero isipin mo din na hindi lahat ng gusto mo ay para sa iyo,
Sadya meron lang nakalaan para sa iyo.
And you have to be contented with what you have.
Hindi ka kasi maging masaya kung hindi ka kontento sa isang bagay.
Dapat lahat ng bagay na mapapasa iyo, konti man o mala-higanti,
Magpasalamat at maging kontento!

Nalulungkot ka kasi hindi napasaiyo ang gusto mo,
Pero mas Blessed ka kasi kahit paano ay meron ka,
Tumingin ka sa paligid mo, pansinin mo ang mga batang lansangan,
Isang tinapay lamang ay masaya na sila.
Mas swerte ka pa rin!

Maging masaya sa mga bagay na nakukuha mo,
Maging kontento,
And of course, share your blessings!

Maging malungkot o maging masaya?

It's your choice!

Friday, December 9, 2011

Mga Nominado sa TABA 2011

Hey guyz! Maulang umaga sa inyong lahat. Ang mga sumusunod ay aking mga nominado sa TABA 2011.

Narito ang mga sumusunod:


Best in English Blogger of the Year
-LEAH of http://www.iamsuperleah.com/
**sa mga guest post palang niya, nosebleed na! :)

-Ronster of http://voidandprofound.blogspot.com/
**isa ring nakaka-hemorrhage ng utak ang mga post.

Best in Filipino Blogger of the Year
-Bino of http://www.damuhan.com/
-AIM of http://anindecentmind.blogspot.com
-Duking of http://duking.wordpress.com/
-Jay of http://nakahide04.blogspot.com
**mga post na ang hirap sisirin ang kahulugan, ang lalamin ng tagalog kasi. Hehe!

Photoblogger of the Year
-Jay of http://www.enjayneer.com/
**puntahan mo na lang ang site para malaman mo kung bakit ko ito nominado.

-Pepe Cabrera of http://cameranicabrera.blogspot.com/
**husay kumuha ng mga larawan, isa sa mga hinahangaang photoblogger.

-Amor of http://amor-photography.blogspot.com/
**isa sa mga namiss kong blogger si Amor, hanga ako sa galing niyang kumuha ng mga larawan.

R-18 Blogger of the Year
-Glentot of http://www.wickedmouth.com/
-Salbe of http://salbehe.com/
-Akoni of http://www.akonilandiya.com/
**siguro naman napupuntahan mo ang site nila.

Pinaka-Teking Blogger of the Year
- Bon of http://www.taragis.com/
**updated sa mga gadgets, kung ikaw ay naghahanap ng latest gadgets pwede mong puntahan ang site na ito para malaman mo ang mga latest and updated hi-technology.

Pinaka-Gwapong Blogger of the Year
-Kiki of http://inusentepapalaako.blogspot.com/
**lahat ng nakakakilala sa kanya sinasabing artistahin, kaya Ikaw na Kikilabotz! :D

Pinaka-Fashionistang Blogger of the Year
-Steph of http://www.traveliztera.com/
**magaling ng kumanta, pretty-licious pa! :D

-Roanne of http://www.iheartroanne.com/
**simple ang taglay na kagandahan. Pinay na pinay! :D

Pinaka-Galanteng Blogger of the Year
-Madz of http://itsmadzday2day.blogspot.com/
-Bino of http://www.damuhan.com/
-Bulakbolero of http://www.bulakbolero.com/
**dahil sa pasabook ni madz, pa-dotcom ni Bino, at pakontes ni Bulakbolero na ginawang 10 ang mga nanalo. Bow!

Most Active Blogger of the Year (Blog Category)
-Khants of http://khantotantra.blogspot.com/
***laging nangunguna sa blogroll ko na may updates. Grabe! Kahit nga lumalakwatsa ang batang ito ay updated pa rin ang blog. Lol!

Lifetime Achievement Award
-CM of http://fromthedungeon.com/
**batchmate sa mundo ng pagbablog, kami na lang yata natitira sa mga ka-batch namin. Lol!

-Ms. N of http://nortehanon.com
**kahit bihira ng magpost pero nanatili ang kanya magandang kalooban na tumulong sa mga bata. Isa sa mga hinahangaan kong blogger.

Best Blog Design
-Rhyckz of http://tintadefilipinas.blogspot.com
**ito ang napili ko kasi para sakin organized ang site niya, para sakin lang ha? Walang magrereact! Hehe! 


Kung ikaw ay interesadong malaman kung ano ang TABA 2011, hindi ito taba na makikita natin sa ating katawan, tumambling ka ng sampung beses sabay split sa pahinang ito >>>> TABA 2011

Wednesday, December 7, 2011

Titira o mangungupahan? [Repost]

Kung ikaw ay may iniibig o mga admirer
Maari mo siyang tanungin sa pamamagitan nito.... (nasa ibaba po)
Dali tanungin niyo na... titignan natin kong anong isasagot?
Kung ikaw naman kaya ang tatanungin ng ganyan...
Ano kaya ang sagot mo?



Ang puso ko parang apartment!
Marami nang tumira pero umaalis din pag nagsawa na.
Ngayong dumating ka, itatanong ko lang sana,
dito ka ba titira, o mangungupahan ka lang din tulad nila?


***Ito ay aking entry sa REPOST PACONTEST EXTENSION ni Gillboard. Posted on June 2009

Monday, November 28, 2011

Coins of Love

"Share your blessings to the less fortunate people and to the people who needed it. A simple thing is a big thing for them." - Coins of love

Last year, ang kapiranggot na naipon ng inyong lingkod mula sa alkansya ay ibinahagi sa mga bata na ino-organized ng isang kakilalang blogger na si Chyng sa kanyang outreach program. At sumama na rin sa nasabing programa at nasaksihan ang mga ngiti ng mga batang naghahanap ng kalinga't pagmamahal. Sa mga oras na iyon ay ma-realized mong "You are still blessed". 

Mula Enero hanggang sa kasalukayan ay muling nakaipon at muling magbahagi ng biyaya sa mga bata. Ngayong taong ito ay ibabahagi ang konting naipon sa apat na mga bata ng PENS OF HOPE project na ino-organized ni Miss N, isang kakilalang blogger na taon taong namamahagi ng biyaya. Nawa'y mapangiti ko ang apat na batang ito.


Noon, akala ko ang malas ko. Siguro dala na rin sa mga naranasang hindi kaaya-aya sa buhay pero after that naman pala ay may biyayang ibibigay sa iyo mula sa Kanya. Maliit man o malaki ang biyayang ito, magpasalamat pa rin tayo. Minsan kasi hindi natin napapansin ang maliliit na bagay na ipinagkaloob Niya sa atin kaya nababalewala natin ito.

Ma-swerte ang taon kong ito.....saka ko na i-share... Hehehe! O sya, yon lang for now! 

Monday, November 21, 2011

Sang Libo't, Sang Tinig ng Pasko

Isang karangalan ang makapanood ng isang konsyerto ni Maestrong Ryan Cayabyab o mas kilalang Mr. C. Excited ako noong nalaman kong nanalo ako ng ticket (Lower Box) para sa concert na tinatawag na "Maestro Ryan Cayabyab at Sang Libo't Sang Tinig ng Pasko. Hosted by Miss Universe - Philippines 2010 & 2011; Venus Raj and Shamcey Supsup.

First time kong makapanood ng ganitong event kaya hindi ko ito pinalagpas..... Yay! Ito na ang mga larawan na galing sa fan page ng The Araneta Center. Wala akong masyadong kuha kasi halos nasa gilid ako ng stage kaya puro likod ang kuha. Hehe!









Mrs. Lea Salonga led an impressive cast of performers and strong voice award-winning choirs in the country in a special Christmas, which filled the most traditional Filipino Christmas carols. Viewers experienced the joy of Christmas and the spirit of traditional classics song such as Kampana ng Simbahan, Himig Pasko ,Heto Na Naman ang Pasko, Noche Buena, Kumukuti-kutitap and many others.
Lea Salonga

KC Concepcion

Marcelito Pomoy

Angeline Quinto

Jed Madela

Ariel Rivera

Piolo Pascual
 Salamat "The Araneta Center" sa napakagandang experience na ito! Sobrang enjoy!

Friday, November 18, 2011

Kotse-kotsehan

Dahil matayog ang lipad ng mga pangarap ko. Ang mga larawan sa ibaba ay ang gusto kong kotse. Naks! Kung kunti lang ang pera ko siguro tama na itong Honda CRV.

Pero kung madami akong kwarta. Tsk! Bibili ako ng mas mahal na kotse. Porsche Cayenne, sa halagang 20milyones (estimated lang. Lol)

Honda CRV

Porsche Cayenne
Tara! Sakay na!

Monday, November 14, 2011

One More Day to Live


If I had only one more day to live,All love, praise,
and glory to you I'd give.
I'd try my best to put a smile on someone's face
To share with them your saving grace.
I'd remember things about my life
The times you were there through fun and strife,
And thank you then for all you've done.

Without you no victories would have been won.
If I have one more day before I die
I would apologize to the kid I made cry.
I would take back the harsh words said to everyone,
And fill their hearts with laughter and fun.

If I only had one more day
I wouldn't push anyone away.
I wouldn't try to hurt a friendBecause
I should love them to the very end.
Why not live each day as if it were our last
Looking towards our future and forgetting the past
To be a Christian each day we live...


**My first blogpost....September 11, 2008.

Tuesday, November 8, 2011

Straw

Try ko daw inumin ang San Mig gamit gamit straw.
Wot! Sarap nga parang icedtea lang. Bilis makalasing!

Noong nagbakasyon ako sa probinsya...
Empi: Buti ka pa may gold na bracelet at ring. Si ako, wala!
Weska: Hellooo! Tito, Fake yan, fake!
Empi: speechless

Monday, October 24, 2011

Agad agad


G1: May mahal na s'yang iba! :(
G2: Bakit mo nasabi yan?
G1: Nakita ko siya kahapon, ka-akbay niya ang isang babae sa mall. ;(
G2: Oo! Sigurado ako! Kaya hiniwalayan ko na! I hate him!
G1: Agad agad? Hindi mo man lang hintayin ang paliwanag niya?
G2: At para san pa? para saktan ako?

***Minsan ay mali ang mga inaakala natin. Minsan ay kailangan din nating maghintayin o pakinggan ang paliwanag. Hindi agad agad husgahan ang isang bagay kung wala kang ebidensya. 

Wednesday, October 19, 2011

Alaala ng Ulan

Masayang binaybay ang madilim at makipot na daan patungo sa lugar na kung tawagin ay “Paraiso ng Pag-ibig”. Tinatawag na “Paraiso ng Pag-ibig” sapagkat ito ay isang lugar na kung saan ay nag-uumapaw ang kasiyahan, at lugar kung saan ay ramdam na ramdam ang pagmamahalan ng bawat isa.

Pag-ibig ay nag-uumapaw sa t’wing magkasama ang magkasintahan. Dalawang tao na pinagtagpo ng mapaglarong tadhana, pinagtagpo upang pagsaluhan ang uhaw na mga puso, mga pusong sabik sa pagmamahal.

Hindi maipaliwanag ang bawat sayang nadarama sa t’wing magkasama. Halakhak ng sinta ay parang isang nota na pinagtagpi tagpi ng isang musikero, na kay sarap pakinggan. Bawat ngiti’y ay nakakatunaw na kay sarap pagmasdan. Walang humpay ang tuwa’t ligayang kapag magkasama sa lugar na iyon.

Kay sarap balikan ang nakaraan noong unang nagkakilala, mga unang pagtatagpo. Unang hindi makakalimutang date; malakas ang ulan na kung saan ay basang basa ang katawan. Kasagsagan ng ulan habang magkasukob sa isang payong na noon ay nagpahiwatig sa tunay nararamdaman. Maulan din noon kung saan nakamit ang matamis “Oo! Mahal din kita!” Ang sarap alalahanin ang bawat sandaling kasama si Ella at ang ulan na nagpapaalala ng mga masasayang sandali. Ang ulan ay saksi sa walang hanggan pagmamahalan. 

Binaybay noon ang lugar na iyon para ipagdiwang ang unang anibersayo ng pagmamahalan. Malakas ang ulan noong mga sandaling patungo sa lugar ng “Paraiso ng Pag-ibig”. Habang masayang tinungo ang lugar, inaalala ang mga unang pagtatagpo at ang mga pagkakataon na magkasama. Hindi alam na sa sandali ding iyon ay ang una at ang huling anibersaryo na kasama si Ella.

Ang lugar na kung tawagin ay “Paraiso ng Pag-ibig” ay nagmistulang paraiso ng kadiliman. Namatay si Ella sa lugar na dati ay punong puno ng pagmamahal pero ngayon ay punong puno ng pighati. Maulan at madilim ang kapaligiran noong  nangyayari iyon. Ang ulan na dati ay kay sarap alalahanin pero sa kasalukuyan pinipilit na kalimutan.

Alaala ng ulan ay gusto ko ng kalimutan….

***ang akdang inyong nababasa ay nakapaskil sa The Kablogs Journal.

Saturday, October 8, 2011

E ano ngayon kung magbakasyon ka?!

...yan ang banat ng isa kong kakilala noong sinabi kong magbakasyon ako. Sabagay, paki nga naman nya kung magbakasyon ako. O di kaya bitterans lang siya kasi di makapagbakasyon. Lol! Matagal ko na itong pinaghandaan 'to, nakatsamba't may 0 fare ang CebPac kaya nakatipid ako. Yon nga lang, maikling bakasyon lang ito. Yong tipong madaliang lakad lang. Pero okey lang, at least nakapagbakasyon.

Teka, saan nga ba nagpunta ang "kol me empi"? Hmmm... walong taon akong nawalay sa aking inang bayan (gumaganun? Lol). Since 2003 unang uwi ko palang mga 2008 yata, tapos nitong September 29, 2011 lang ulit nakabalik doon. Akalain mo yon... daig pa ang nasa ibang bansa. Lol!
habagat kasi kaya maalon ang dagat
at kulay brown pa

September 29, 2011: Original flight - Manila to Surigao - 7:15AM. Sa kasamaang palad, na-kansela ang flight ng inyong lingkod. At nilipat ang flight ko sa Butuan, kaya Manila to Butuan ang drama ko. 
abot ko na ang langit... Lol!
Nakakainis lang kasi sinadya ko pa naman na mag Mla - Sur para mas malapit ako. Pero e sa wala akong magagawa kaya... inhale exhale na lang. Pero, binigyan ako ng free flight ng CebPac kaya okey na rin. 
Surigao

pagkagising sa umaga gumala agad sa beach
sa likod lang naman ng bahay yan. hehe!

Nakarating ng Butuan mga bandang 11:45AM, mga 2 hours ride pa bago makarating ng Surigao City. From there, sakay ulit ng jeep about 1hr and 45 minutes ang byahe. Nakakapagod!

madaming kahoy at kung anu ano pa
kapag habagat sa lugar namin

Minalas na naman ako, ang sinakyan kong jeep ay hindi dumirecho sa mismong lugar ko. Mga dalawang barangay pa bago ako makarating sa amin. Tsk! Tsk! Tsk! Sakay na naman ng habal habal papunta na talaga sa amin.

naalala ko noong bata pa ako,
naglalaro din kami sa maalong dagat

Mga 30 minutes nakarating din sa bahay. Alam na nila ang pagdating ko. Di ko na sinurpresa ang aking mga tauhan doon baka magulat na naman tulad noong una kong uwi. Hehe! Pagdating ko sa bahay, derecho na kay Ina, Ama, at Lola. At si Lola, hindi na ako kilala..."Nay! Nay!" "Kinsa ka?" (Sino ka?). Dala ng katandaan ni Lola kaya hindi na ako kilala. Pero nakilala din ako. Hehe!

iba't ibang kulay ng bato

hindi ko alam kung ano ito,
parang kamag-anak yata ng mga shell

Stop! Humaba na ang kwento... hanggang dito na lamang. :) Itong tatlong huling larawan ang mga antigong gamit sa bahay.
Black & White TV

De Gas na Refrigerator

Wall Clock
na kasing edad ko na rin, tumutunog yan
Hindi ko alam kung bakit ayaw pang itapos ang De gas na ref namin. Ang luma luma na e at sobrang sira na. Ayaw pa itapon.

***Habal habal - motorcycle

Wednesday, October 5, 2011

Manlalakbay


"Ang isang manlalakbay ay pinapahalagahan ang kanyang sariling bayan."


Location: Masgad, Surigao Del Norte




Ito po ay aking lahok sa pa-kontes ng ating kaibigang bulakbolero.

Thursday, September 29, 2011

tatlo

Noong una, hindi naman talaga kita gusto e. Yong kaibigan ko lang ang nag-udyok sakin para makilala at kilalanin ka. Sa umpisa palang ng samahan natin, wala akong ideya kung ano ang dapat kung gawin at kung anung pwede kong gawin para mag-work ang samahan natin. Kung anu ano nga lang napag-usapan natin e, hindi ko alam kung gusto mo yon. Pakiramdam ko nga, walang sense mga pinagdadakdak ko sayo.

Sa kabilang banda, may nakakakilala sa ating dalawa. Nakiki-join sa usapan natin kahit walang sense. Syempre, may nakikila na rin tayong ibang tao kahit papaano. Hindi ba’t parang takot tayo sa tao. Ni hindi nga tayo nagpapakita e, di ba?

Pero nag-grow tayo, unti unti tayo humaharap sa tao pero ‘yon nga lang napapagkamalan na suplado’t supladita. Siguro kasi hindi tayo sanay. Pero okey lang yon. Magandang experience din naman sa ting dalawa yon e.

Naku, nagkakasama na rin tayo sa mga byahe. Pangarap nga nating mangibang-bansa di ba? Pero sabi natin, “Oo! Mararating din natin yan sa tamang panahon!”

Isa…

Dalawa…

Tatlong taon na pala tayo. Akalain mo yong tumagal tayo, naalala ko muntikan na tayong magkahiwalay kasi na-feel natin pareho na parang walang patutunguhan ang samahan nating dalawa. Siguro, nagkasawaan na. Tinikman mo ko, tinikman din kita. Ibang putahe naman parang ganun. Hehehe!

Muntik na rin kita iwanan ng tuluyan pero bakit hindi ko magawa gawa. Binalik balikan pa rin kita kahit gusto na kitang bitawan. Hay naku, daming sinasabi e gusto lang naman kita batiin e…


HAPPY 3RD ANNIVERSARY KOL ME EMPI! J

Tuesday, September 20, 2011

Ngiti ko para sayo


SMILE Quotes Contest


Kung wala kang baong ngiti, 
hayaan mo’t ibabahagi ko ang ngiti ko sayo para gumanda ang araw mo.


***
Salamat sa mabubuting sponsors ng SMILE Quotes Contest : Field of Dreams, Alohagems on Squidoo, ISP101 at from the dungeOn.

Thursday, September 15, 2011

I won daw?!

Nanalo daw po ako ng tumataginting na 750,000.00 Euros! Wow! Mayaman na ako! Mabibili ko na ang HTC, DSLR at gitara na nasa wishlist ko. Makakapag-travel na ako. Makapag-deposit sa savings account. Mababalatuhan ko na kayo! 


Sana.... totoo! Asa! Lol!

Thursday, September 8, 2011

Wishlist

Tatlong bagay lang naman ang gusto ko sa ngayong darating na Pasko... gusto ko ng DSLR. Bakit? Hindi ako photographer pero medyo nakahiligan ko ng kumuha ng mga photos. Dahil gusto ko na rin ma-enhance ang pagkahilig ko sa pagkukuha ng mga larawan. 

Pangalawa, gusto ko ng gitara. Bakit? marunong ka? HINDI! Gusto kong matutong gumitara para kakantahan ko ang mamahalin kong nilalang (nilalang talaga enoh!). Gusto ko lang punuin ang mga oras na wala akong ginagawa kesa mag emo emohan (kapagod kaya! Lol) at least ma-develop ang talentong nakatago sa kaila-ilaliman ng baul.Hahaha! Parang may talento enoh. 

Inggitero kasi ako, kapatid ko ang galing galing mag drum at mag gitara in fact may isang set siya ng mga drum at isang electric guitar. Kulang na lang magtayo siya ng banda, magaling naman din kumanta kaya pwede na. Kaso lang, di ginamit ang talento! Bwisit! Bitter? Lol!

Pangatlo, kailangan ko ng telepono. HTC Desire. Whew! Bakit? Gusto ko e. Ngialam? lol


Larawan ng mga I want something really really badly. Ano daw? Lol!

Kung hindi ko man mabili yan, sana may mag REGALO! Haha! Asa!

Tuesday, August 30, 2011

Textmate

Noong high school pa lamang ako ay naalala ko ang mga ganitong eksena. Vandal dito, vandal doon. Sa mga armchair ng room ng paaralan ay madami ring vandal; mga motto sa buhay, mga love qoutes, mga kudigo at kung anu ano pa.  

Isang araw, ang nasakyan kong bus ay nakapa-messy. Ew! Yuck! Parang feeling ko may surot doon. Ew talaga! Ang daming vandal sa mga upuan. Tulad nito...nasa ibaba...naghahanap ng TEXTMATE. At defensive pa masyado oh, "girl" daw po sya. Hmm...Lol!

.
Ito naman dalawang pictures sa ibaba ay nakita ko doon sa isang park sa QC. At tama naman siya di ba? Kung mahal mo ang isang tao, ibigay mo ang katawan mo. Bwahaha!


At ang isang ito ay bitter bitteran ang drama... siguro kakahiwalay lang ng boyfriend niya. LoL!

Saturday, August 20, 2011

Pix can tell... whatever!

Inspired ka pag may love life, kagaya niya oh!


 Pero laging tandaan, pag may love, may hurts. Okey?!


Date? Whatever!


Bitter? Lol! May maupdate lang.

Monday, August 15, 2011

Masahista: Number 88


Si Ella ay isang blogger katulad mo, katulad nating lahat. Ang laman ng kanyang blog ay tungkol sa karanasan niya bilang isang masahista. Number 88, yan ang pangalan niya sa isang massage parlor. Oppss! Alam ko kung ano nasa isip mo, hehehe! 

Paano naging libro ang blog ni Ella? Isang editor-in-chief (walang nakalagay kung saan newspaper/tabloid/mag/print ads) ang sumulat kay Ella para ipublish ang kanya mga sulatin sa blog.

Sa edad na labing walo, ay pumasok siya bilang isang masahista sa massage parlor. Musmus pa ang kaalaman niya pagdating sa trabahong ito. Iba’t ibang tao/lahi ang na-serbisan niya at iba’t ibang ugali ang pakikisamahan niya.

May mga nakakaaliw na bahagi sa kanya mga panulat na lubusan kong ikinatuwa. Actually, hindi boring lahat ng parte ng librong ito. Siguradong hindi ka mag-skipread gaya ng nakagawian natin. Hahaha! Isa sa mga nakakaaliw na bahagi ng libro ay ang “Yunihong” – ito ay eksena na kung saan ang kanyang sinerbisan ay isang Japanese. Ang yunihong pala ay uniporme, at ang krarko firdo ay clark field. Lol!

Isa pa, itong eksenang “pag-ibig” at ang filipinisms. Daming kong aliw sa aklat na ito. Haha!

Ang masasabi ko lang sa librong ito ay….very entertaining, witty and funny!

Kayo na lang bahala maghanap ng libro o sa online kung andyan pa siya. Hehehe!