Showing posts with label Tag. Show all posts
Showing posts with label Tag. Show all posts

Friday, March 30, 2012

7 Shocking Facts according to iamjessiegarcia

Salamat kay iamjessiegarcia sa pag tag sa akin. Dahil sa iyo, may gagawin ako. Hahaha! Nitong nagdaang linggo ay bored na bored si empi. Ewan ko ba anong nangyari sa hinayupak na yon. 


Okay, ako si Empi. At ito ang aking 7 shocking facts according to iamjessiegarcia:

  • Ayoko magtrabaho sa gabi katulad ng mga call center agent kasi nagiging werewolf ako pumapangit ako kapag night shift at bukod dyan, para akong naka-druga. Naranasan ko na kasi yan noong una kong trabaho. Lol!
  • 10 y/o akong natutong magtottttttttt. #alamna 
  •  Tinuli ako noong Grade 6, kahiya lang kasi mabuhok ako kaya yong paligid ng ehem my tumutubo ng PH. Hahaha! #awkward
  • 3rd year pa lang ako pero medyo makapal na ang beard ko. Parang ako ang pinakamatanda sa klase. 
  • First time nabigo sa lintik na tinatawag na love na yan... noong 2nd year high school ako. Patay na patay ako sa kanya, uso pa noon ang love letter. Halos weekly kong inuutusan ang pinsan ko na ihatid sa kanilang bahay ang love letter ko. Pero sa huli, basted pa rin ako! Napakasakit Kuya Eddie! Hahaha!
  • Nagka-girlfriend ako noong first year high school pero nagkahiwalay din sa loob ng isang buwan. BAKIT? Ayaw ng mga kaibigan ko dahil pangit daw. Ang ginawa nila, pinagseselos si GF kaya ayon nakipaghiwalay. Ang bait ng mga barkada ko, di ba? Lol!
  • Natuto akong uminom at nanigarilyo (hindi na ngayon, healthy living na ako!) noong nag-JS Prom kami at muntik na rin tinikman ang pinagbawal na gamot. Gusto ko lang kasi ma-experience na makipag-suntukan sa buwan katulad ng nakikita ko sa mga kaibigan kong tumitira. Lol!

*nilaglag ang sarili. Hahahaha!

dahil your blog is great dude...ipapasa ko sayo ito...


Sunday, February 26, 2012

Hi Chikletz!

11 random things about myself
  • mahilig sa pasta at pizza
  • pangarap maging doctor
  • gustong mag-aral ng culinary/baking & pastries
  • gumagala mag-isa
  • walang paki kung sasabihang loner
  • blue ang kulay na gusto (halos mga damit ay kulay blue)
  • pero black naman pagdating sa brip
  • naiinis ako sa pangalan ko...very common kasi.
  • tripper (uuyyyy! iba ang iniisip. Lol!)
  • akala mo manhid ako, suplado pero HINDI...may tupak lang! Lol!
  • mag-isang tinataguyod ang sarili sa loob ng 6 na taon
  • para kay Soulmate, "utang na loob...bilis bilisan mo na at ako'y malapit ng mainip".. hahaha!
11 questions for the tagged people to answer
sa tingin mo ba ay makasarili kang tao?
  • Oo! Lalo na pagdating sa pag-ibig. Anu daw? Hahaha!
kung naghihikahos ka na sa buhay, wala kang mga kaibigan, pamilya, asawa o anak, at grade 6 lang ang tinapos mo. ano sa tingin mo ang gagawin mo para magsurvive?
  • gagamitin ang talento at kung wala pa rin...mamumulot na lang ng basura...dahil may pera sa basura.
kung artista ka, anong madalas na gagampanan mong roles?
  • KONTRABIDA... ayaw kong inaapi ako at iiyak. gusto ko, ako ang mambubugbog. mang-rape. o kaya killer. etc etc
what are you most self-conscious about?
  • KATAWAN! Oo, gusto ko magkaroon ng ABS. Tae! ang hirap abutin ang pangarap na yan. bwahaha.
kung papipiliin ka ng pagkain, at yun lang ang pagkain mo for one month, what would it be?
  • pwede na sa akin ang TINAPAY.
ilan ang true friends mo?
  • meron pa ba n'yan? hahaha. di ko alam...Lol! seriously, isa lang. yong utol ko na sobrang open kami sa isa't isa kahit ano ay napag-uusapan namin. Hehe!
meron ka bang sikretong ni-isang tao ay hindi alam?
  • hmmm... teka, teka...Bwahaha!
burial or cremation?
  • cremation
what's the most adventurous activity you've ever done?
  • noong umakyat sa sagada. yon siguro.
what's one personality/characteristic of a person do you dislike the most?
  • yong walang palabra de honor... tama ba? Lol!
do you have anything to say to me?
  • Hmm. hi Chikletz...thank you sa pag-tagged! hehehe


***ayaw ko ng sundin yong nasa rules. sorry! tamad lang. Lol!

Friday, January 29, 2010

Nauuso na naman!

Tag galing kay pareng POGI

Ito ang lugar kung saan busy ako.... ayan... may mga stuff toys pa... bigay ng mga kaibigan.



ito naman ay mga notes, schedule ng holidays (hehehe!) at directory.



ito naman ang lumang pc na ginagamit ko. :)




Salamat Pogi sa tag... :)

Saturday, May 2, 2009

Kowts at Tag


Kahit gaano man kadilim ang nakaraan mo hayaan mong ang liwanag ang gagabay sayo para sa iyong magandang kapalaran. - marco paolo


(ang larawan na yan ay kuha ko noong nasa Baguio ako :) )
*******************
na-TAG ako...
Jen ito na yong tag... pasensya na medyo natagalan... hehehe!
8 Things i'm looking forward to

1. makauwi sa province sa darating na FIESTA.
2. maka-attend ng Class Alumni namin sa September 2009.
3. makahanap ng mauupahan para makalipat na.
4. makapag-enroll ng any medical courses next sem.
5. makapag-aral ng webdesign/autocad.
6. makapag-travel local/abroad.
7-8. dahil sa naudlot kong pangarap na makapagtrabaho abroad susubukan muli ang pangingibang bansa…

8 Things i did yesterday:

1. nag-update ng mga data sa system namin.
2. nakipaglokohan sa ka-officemate.
3. di masyadong busy kaya nag-explore sa net.
4. kumain ng pizza masarap dahil libre yon Hehehe!
5. nakipagkita kay ex-officemate para ibigay ang mga billings niya.
6. kumain ng pasta syempre libre pa rin.
7. nagbasa ng libro pagkatapos nagttxt bago matulog.
8. … Zzzzzz!

8 Things i wish could do:

1. makapag-travel.
2. bumili ng mga bagay na gusto.
3. magsulat ng nobela tungkol sa pag-ibig.
4. magsulat ng bagong tula.
5. gumala ulit at kumuha ng mga larawan.
6. magbakasyon sa province namin kaso di pa pwede ngayon.
7-8. kontakin lahat ng mga high school friends para gumimik o mag-bonding.

8 Shows i watch:

1-8. di ko hawak ang remote control kaya di ko kontrolado kung ano panonoorin ko.

8 People i tag:

1-8. Late na to kaya di ko na i-tag sa iba. :)

Friday, April 17, 2009

Marco: Tag

Tag ni Lord CM!

Bakit ka nagblog? Ito ang tanong ni Lord CM sa lahat... at ito ay kanyang pinasa sa lahat ng mga ka-blog niya at isa ako sa napasahan nito. At dahil nangako ako na gagawin ko ang TAG na ito. Kaya ito na parekoy!

Bilang pasimula, ako'y babati muna ng isang Maganda Araw sa lahat ng mga taga-subaybay ng "A Journal of My Simple Life" at sa lahat na bumisita. Sa totoo lang hindi ko alam ang website na ito. Lagi lang ako sa FS account ko at minsan naman doon ako nagsusulat ng mga tula sa FS blog ko at magpahayag ng mga saloobin.

Isang ex-officemate slash kumare ang nag-udyok sa akin na mag-blog daw ako. Sagot ko naman, "ano naman gagawin ko?". "E di magsulat at kung anu ano pa." sagot naman niya. "Hindi ko alam kung paano gumawa e at saka tamad ako mag-register." Nag-offer siya na siya ang gumawa ng account ko sa blog at pati na rin layout ginawa na rin niya. Kaya dahil sa kanya nahuhumaling ako ngayon sa pagbablog... hehehe! Salamat kay Genyze... Hi Gen, kiss mo ko kay Miszha! Kaya dahil kay Gen natuto akong magblog.


Unang mga entry ko ay galing sa FS blog ko. Tapos, hanggang sa unti unting may nagko-comments sa entry ko at unti unting may nakilala na rin ako. At yong iba naman ay inadd ako sa kanilang blogroll at nagkaroon na rin ako ng mga blogmates na nasa blogroll ko ngayon. At unti unti na rin akong natutong gamitin ang account na ito at bisitahin ito araw araw. Hanggang sa dumami ang sumusubaybay sa aking pahina at sa mga entry ko pati mga hinagpis na dinadaan sa pagtutula, mga photos at kung anu ano pa... mabuti na lang may mga bumabasa sa mga sinusulat ko na kahit non-sense ito para sa kin. Salamat sa inyo! :)

May nagcomment. May nang-uukray. May pumupuri. May sumasaludo. May sumasang-ayon. At may sumasalungat. Ito ang mga katangian ng mga taong dumadalaw sa pahina natin.

Ako'y nagbablog dahil dito ko nailabas ang emosyon ko, mga kalungkutan, mga idea, mga nakahiligan ko na tulad ng pagkukuha ng mga larawan at iba pa. Sa pamamagitan nito nailabas ko ang emosyon ko at may nagiging online buddy na rin ako kasalo sa kaemohan at kaabnuyan. Naging kaibigan na kahit hindi pa man nagkikita ay nagiging sandalan sa tuwing down o depress...na kahit abnuy ang iba ay may naitutulong pa rin para ikaw ay pangitiin. :)

Kaya salamat sa blog dahil nakilala ko kayo...

**************************



Tag ni Amor!


Na-tag na naman ako ng kaibigan kong abnuy na si AMORSKIE... dapat daw picturan ang bunganga na nakalabas ang ipin. Kaya ito na....

Ang sabi ni AMORSKIE: "UNG NAKIKITA NYONG PKTYUR TINA TAG KOW PALA YAN SA INYOW, lol..kaya dapat may same pics din kayow, ung bunganga kita at ipin,bahala na kayow kung anow ung laman nang mga bunganga nyow basta nkasmile, at magsorry na din sa mga taong gsto nyow ibigay ang sorry nyow ok? ANG ayaw MAG TAG NAKOW DADALAWIN NI PSSTT..PSSSTTT...lol"


Bahala na si Sunset sa picture na nilagay ko... hehehehe! Wala ibang maisalpak sa bunganga kaya bolpen na lang. Hmmm... mag-sorry daw! Ah... mag-sorry ako sa bloggers na nag-tag sa akin noon na hindi ko nagawa. Sorry po! Smile!
Kunin niyo na lang din ang Tag nina Lord CM at Amorskie.

P.S.
Salamat pala sa Dentist ko na umayos ng ipin ko. Thanks Doc!

Friday, March 20, 2009

Marco: Tag!

[Deleted Marco: Opinyon!...will post it later... Sorry!]
Tag! Tag! Tag!

Nagtataka si Walter kung bakit sa dalawa niyang kapatid may mga buhok sa binti at sa braso...

Tinanong niya ang tatay niya:

Walter: " Tay, bakit ang dami mong buhok sa binti at sa braso pati kina kuya?"
Sagot ng Tatay ko, "Anak, magkakaroon ka rin nito paglaki mo?"

Medyo naiinggit si Walter sa dalawa niyang kapatid tinatanong niya rin ang mga ito; "Kuya paano magkaroon ng buhok sa binti at sa braso?"

Sagot ni Kuya 1 " Sus, pag laki mo magkaroon ka rin nito...!"
Walter: "Ahh ok... " (Nag-iisip...)
Kuya 2: "Wag ka nang mainggit Walter pag nasa high school ka na... natitiyak kong magkakaroon ka rin ng ganito... hindi lang sa binti at sa braso... pati dibdib mo at mga balbas mo... tutubo na rin yan...pati doon..."
Walter: "Ganon po ba yon?"

Dahil hindi siya convince... may nalalaman siya paraan para tumubo ang pinakaasam niya... naririnig lang din niya ito sa mga mas nakakatandan sa kanya... at ginawa niya ito ayon sa kanyang nalalaman.


Kinuha niya ang shaver ng Tatay niya at hinugasan ang dalawang binti nilagyan ng sabon... toinks! Inaahit na niya ito.....

Pagkalipas ng dalawa araw... laking gulat na lang niya.... may tumubo nang buhok sa kanya mga binti... natakot siya at napangiti....

"Ayan... may mga buhok na rin ang mga binti ko..." Sa isip ni Walter sabay ngiti.... :)

TO AMOR:

Ayan na... nagawa ko na ang tag mo... ako yata ang huling nagpost ng tag na to e... pero oks lang yan di ba? sabi ko nga, gawan na lang ng kwento para maiba... kaya ayan... ang di magbasa... magiging pangit at tubuan ng buhok sa mukha! hahaha!

Thursday, March 12, 2009

What I've Missed?

When I looked at the picture of my grandmother's house I am eager to visit there again. It's just I feel that I missed the place and the surroundings. I missed the old house. I missed scrubbing the floor. I missed my bedroom; where I used it as my hang out.


I missed the beach. I missed the fresh buko juice. I missed also my parents and my grandmother. I am with my grandmother when I was 8 years old until I finished my college. I miss you, Lola!


Ponta Beach; Malimono Surigao Del Norte


I really want to visit there again. I just want to relax and feel the fresh air coming from the ocean. I want to go to mountain; where I can plant trees and more... I missed also the seashore; where I can witness the sunset. And in the morning, I can feel the sun shine while I'm in my bed.

When I can visit there again? I don't know... I really don't know...


***


I was tagged by Jhosel and I promise her to do it. So, here's my version:



Instructions:

1. Write down who tagged you.

2. Answer these:

- your name / username / pseudo
- right-handed or left-handed?
- your favorite letters to write?
- your least favorite letters to write?
- Write “The quick brown fox jumps over the lazy dog.”

3. Tag five persons.

Wednesday, January 14, 2009

Ang Naiwang Tsinelas (from Lord CM)

Dahil sa uso nga ang blogging ngayon at ako’y naki-uso na rin kahit hindi naman ako magaling sa larangan pagsusulat. Nagpaka-writer na lang ang inyong lingkod para na rin mahasa kono ang talent (may talent nga ba?). At para na rin magbasa ng blog ng iba ang dami kasing blog na magaganda at nakakaaliw di ko na isa isahin kung kaninong blog. Si GENYZE kasi e. Oo, si Gen ang nagtulak sa akin para gumawa ng blog at pumasok sa mundo ng blogosphere. Kaya yon, heto na ako nagpapakabaliw sa blogosphere. Hahaha! Joke only! Hindi masaya ang blogging kung wala kang ka-blogmate at kung walang nagko-comment sa mga entries mo kumbaga mas ma-i-inspire ka kung may mga readers ka at sumusubaybay. At dahil sa blogosphere, kung may ka-blogmate ka kailangan mo ring bisitahin at puntahan ang kani-kanilang site. Kaya may nagba “blog hopping”, “blog walking”, “pasyal pasyal”, “was here” at kung anu ano pa ang makikita mo sa chatbox mo para lang sabihin na dumalaw sila sayong tahanan. Ito lamang ay nangangahulugan na may dumadayo at bumisita sa iyong site. At dahil sa kaka-blogwalking ko noong nagdaan taon este nagdaang araw, naiwan ko tuloy ang aking tsinelas sa tahanan ni LORD CM. Mabuti na lang at mabait si pareng CM at sinabihan niya ako na naiwan ko ang tsinelas ko sa tahanan niya. Kaya pala, sumasakit ang talampakan ko sa kanang paa. At siya pa mismo ang dumalaw sa aking tahanan para lang iabot ang aking naiwan na tsinelas. Aw!

Paano ko ba uumpisahan ang kwento ko? (hmmm… pinahihirapan ako ni LORD CM)

Medyo malungkot kasi kapag naalala ni Marco ang salitang tsinelas. Naalala niya kasi noong bata pa siya may tsinelas siya na pinakamamahal niya talaga. At ingat ingat talaga siya sa kanyang tsinelas, ni bihira lang niya ito sinusuot. Pero Isang araw gumuho ang mundo niya noong nakita niya ang pinakamamahal na tsinelas sa may dirty kitchen nila at pira-piraso na ito.

Tinadtad ng kanyang pinakamamahal na Lola. Hindi alam ni Marco kung saan gagamitin ng lola niya ang tinadtad na tsinelas. Hindi niya naabutan at napigilan ang lola niya. At huli na para sumigaw ng “Hhhh’wwwwwaaaggggg!!!! Tsineeeellllasssss kooooo yaaannn!”

Walang nagawa si Marco kundi ang umiyak na lang sa harapan ng kanyang pinakamamahal na tsinelas. At sabi pa niya; “lintik na ang walang ganti, ipaghihiganti kita!”


Isang araw nakita niya ang tsinelas ng kanyang lola at walang atubiling kinuha niya ito. At dinala na kung saan ang isang pares ng tsinelas ni Lola. Hindi alam ni Marco kung anong gagawin niya sa tsinela kaya naman tinapon na lang niya ito sa dagat. Sa isip niya, naiganti ko na rin ang tsinelas ko. Hahahaha!

Mabuti na lang ang bago tsinelas na naiwan ko sa tahanan ni pareng LORD CM ay kusang niyang binalik sa aking tahanan. Salamat pareng CM. Bow ako sayo! Lolz… Langya! Napasubo akong magkwento. Ewan ko lang kung ok 'tong kwento ko. Palagay ko ampaaannngggeetttt!!!! waaahhh!!!

Kailangan ko pa ba ipasa to sa iba? Sige. Sige. ipapasa ko na ito sa lahat ng mga ka-blogmates ko... Kung sino man kayo, tignan niyo na lang kung nasa blogroll ang mga pangalan mo. Simple lang naman ang instruction gawa lang daw ng kwento tungkol sa tsinelas.

PS.

Pareng CM, nagawa ko na ang pinapagawa mo. Wala na akong utang!!! lolz!!! Sya, may aanuhin lang ako... mamaya na lang ulit!!! ;)

-Marco Paolo-