Showing posts with label feelings. Show all posts
Showing posts with label feelings. Show all posts

Thursday, June 16, 2011

Realization

Photo from redgage

***Minsan sa ating buhay, akala natin hindi tayo tatamaan ng kung anu anong pangyayari o karamdaman na hindi natin inaasahang dadapo o mangyari. Akala natin, malakas tayo. Dahil sa sobrang busy tayo sa bagay na ating pinagkukuhanan ng ating ikakabuhay. Dahil sa sobra tayong abala at nakalimutan nating...............hindi pala isang machine ang ating katawang lupa, na kunting repair lang ay okey na agad. Napapagod at napapagod din pala ito. Minsan kasi pabaya na tayo dahil buong akala natin ay malakas pa ito. Doon na lang natin mapansin na unti unti siyang nanghihina at ikaw.....ikaw mismo ang maaapektuhan nito. 

***Ang pinaka-kalaban mo kapag ikaw ay namumuhay mag-isa, ay sa t'wing dadapuan ka ng sakit. Wala kang kasama. Kailangang pilitin mong kumilos para sa sarili mo. Kailangan mong gumaling para na rin sa sarili mo. Kailangan mo ng comfort ng ibang tao pero wala...wala...wala... dahil nag-iisa ka. Pero ganun talaga ang buhay, kailangan mong magpakatatag hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili mo. 

***Dahil dito nagiging matatag ka. May nagsabing, "Over ka na sa pagiging independent mo! Hindi ko kaya ang ginawa mo!" Ganun talaga, kapag hindi ka magpakatatag lalamunin ka ng iyong kahinaan. Lalamunin ka ng iyong kalungkutan. Sinabi mo lang na hindi mo kaya pero kung nasa sitwasyon ka sa ganito. Ma-realized mo na lang na kaya mo pala.Oo naman! Mahirap kung sa mahirap pero papayag ka bang tatalunin ka ng iyong kahinaan? Syempre, hindi! Kailangan mong gumaling. Kailangan mong magpakatatag. 

***Kapag nasa ganito kang sitwasyon, minsan naiisip mong umuwi sa pamilya mo hindi para sabihing natalo ka sa laban. Kundi, sabihin sa kanila na kailangan mo ang kanilang kalinga. Kailangan mo ang comfort ng mga taong nagmamahal sayo. Kahit isang YAKAP lang sa mga taong importante sa buhay mo ay oks na oks na!




Tuesday, July 7, 2009

Pangarap

EUROPE.... ito ang lugar na pinangarap kong puntahan simula noong nagkaisip ako. Lagi kasi akong nakapanood ng video ng aking Tiyuhin na nagta-travel kasama ang kanyang mag-ina. At simula noon pinangarap ko rin na puntahan ang lugar na pinuntahan nila. Kasalukayang naninirahan ang Tiyuhin ko sa Cyprus kasama ang kanyang Greek wife at ang anak nila.

Pangarap ko rin na ikutin ang buong Europa. At ang mga larawan na makikita niyo sa ibaba ay nakuha ko lang sa google. Ang isa sa mga lugar sa Europa na gusto kong bisitahin:
Eiffel Tower, Paris, France

St. Peter's Basilica, Vatican City

Leaning tower of Pisa, Italy

Mapuntahan din kita balang araw... At ako mismo ang kukuha ng mga larawan na yan... :)

Friday, July 3, 2009

Tama kaya... pero alam kong mali!

Patalastas:

Binigyan ako ng dalawang award ng kablogerong si
Reigun, ito ay A lovely Blog at Best Blog... Salamat sa iyo parekoy sa pagbibigay ng karangalang ito (naks!). Ngayon ay ibibigay ko rin ito sa mga kablogero ko. Sila ay sina: Lord CM, Kosa, Hari ng Sablay, Jen, Dhianz, Ate Yanah, Saul Krisna, The Pope, Chyng, Pogi, Doc RJ, at Amor. Pasensya na sa mga hindi ko nabanggit pero pwede niyo rin kunin ang award para sa inyo rin iyon. Pakikuha na lang sa may kanang bahagi ng tahanang ito, ayon oh sa may ibaba yong awards corner.


**********



Tama kaya na sasabihin kong ako na lang dapat ang mawala at hindi sila? hmm... nitong nagdaang araw kasi tatlong beses akong nakarinig ng DEATH sa mga taong malalapit sa akin. At sa t'wing naririnig ko ang DEATH, sinasabi ng isipan ko palagi na "Pwede kayang ako na lang? handa na rin naman ako e" Alam kong mali ito pero hindi ko alam kung bakit lagi iyon nababanggit ng isipan ko.

Kasalanan ba kung maituturing ang pagsabing "Ako na lang..."?

Ewan ko ba! Bakit parang handang handa na akong mawala sa mundo... Weird no?

Patawarin sana ako ng Itaas sa mga sinasabi ko... Patawad po!

Wednesday, July 1, 2009

Blurry

Love is really unpredictable… it is not all the happiness you’ve feel in your heart with someone you love, but also the loneliness will embrace yourself especially if the one you truly love will leave you unexpectedly.

Wednesday, June 17, 2009

Paalam

Ilang buwan ka lang sa aking mga kamay
Hindi pa nga kita napagsawaan e
Araw at gabi kitang kasama
Ni hindi ako nagsasawa na ika'y palaging nasa tabi ko.
Sa pagtulog, kasama kita
Sa pagising, nasa tabi pa rin kita
Sa pagpasok ko sa trabaho, ika'y kasama pa rin
Kasama ka sa lahat ng mga lakad ko.
Pero BAKIT?
Pilit kang inagaw sa akin
Pilit na dukutin kung saan ikaw ay nakatago
Ako'y magpapaalam na sayo aking CELLPHONE.


(akalain mong ginawan ko ng tula ang cp ko.... lintik kasi yang mga mandurukot na yan e! hmpt! mumurahin na nga lang binili kong cp...kakanain pa talaga! hmpt!)


Para sayo
Bakit pati mumurahin ay kinakana mo na?
Wala ka na bang ibang mahanap na trabaho
Kungdi ang pang-aagaw at pandudukot ng gamit ng iba?
Wala ka bang konsensya sa mga pinaggagawa mo?
O sadyang makati lang talaga ang kamay mo?
O sadyang likas na masama ang budhi mo?
Magtrabaho ka naman oy!

Friday, June 12, 2009

09.08.110.45

If you are asking about the title of my entry and this is my first ever numeric title.
Why numeric? Well its 9 months of staying here in blogosphere. I started last September 2008 and this is my ika-110 posts and yours truly got 46 followers.

I would like to thank you guys for following "A Journal of My Simple Life."

And of course, thank you for having you as my blog mates and friends. :)

Let me share you my first entry when I entered bloggy world.


One more day to live

If I had only one more day to live,All love, praise,
and glory to you I'd give.
I'd try my best to put a smile on someone's face
To share with them your saving grace.I'd remember things about my life
The times you were there through fun and strife,
And thank you then for all you've done.

Without you no victories would have been won.If I have one more day before I die
I would apologize to the kid I made cry.
I would take back the harsh words said to everyone,
And fill their hearts with laughter and fun.

If I only had one more day
I wouldn't push anyone away.
I wouldn't try to hurt a friendBecause
I should love them to the very end.Why not live each day as if it were our last
Looking towards our future and forgetting the past
To be a Christian each day we live...

Tuesday, June 9, 2009

Daming Q's

Puro tanong. Daming tanong. Ang mensaheng mababasa niyo ay hindi base sa feelings ko ngayon sapagkat masaya naman ako... hehehe! Natanggap ko ito mula sa isang kaibigan...

[tunog ng CP ko...]

1 New Message

[Binuksan ang CP at binasa ang mensahe]

"Bakit kapag nagmahal ka? Kailangang masaktan? Ano yon? Package deal? Buy love, take pain... Pwede bang? with purchase of love...you can get your love one for free?"

May ganon tanong talaga enoh... hehehe! Wala lang akong magawa kaya pati mga text message pinag-tripan... adik lang! hehehe!

Pwede niyo ring sagutin ang mga tanong na yan...

Anyway, musta ang weekend ninyo?

Sa akin, masaya naman... sa bahay lang ako; nagpahinga, nagtulog tapos nakapagbasa ako ng libro ni John Grisham at tapos nagttext… tapos noong linggo dahil sumikat si haring araw kaya dali dali akong naglaba para matuyo kaagad. Tapos noong gabi nag-videoke kami tapos nagttext ulit… yon lang! :)


Have a wonderful Monday to all! :)

P.S.
Congrats pala sa mga ikakasal sa buwan na ito... Buwan daw kasi ng sakalan ngayon e... este kasalan pala... :)
Saka salamat pala sa nag-congrats sa pagkapanalo ko... mga ka-chorva salamat! lolz!

Saturday, June 6, 2009

Peace To All


Ang "A Journal of My Simple Life" ay na-featured at nanalo sa CHORVACHEORVAMUS bilang Chorva Blog Award for Week 4. Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng bomoto. Hindi ko po alam kung sinu-sino po kayo sapagkat ang inyong lingkod po ay hindi naman nangangampanya para sa botohan. Kaya naman po ako'y lubos na natutuwa dahil napili ako sa nasabing award at kahit papaano po ay may nakikilala sa akin. :)

Maraming Salamat ulit sa mga bomoto at sa mga Ka-Chorva!

**********


Nitong nagdaang mga araw ay punong-puno po ng tensyon ang blogosperyo. Sana po ay maayos na natin ang hindi pagkakaunawaan at bigyan ang isa't isa na magpaliwanag at pakinggan ito. Hindi kung banat lang banat sa mga komento at salitan ng mga salitang hindi kaaya-aya. Sana po ay ayusin natin ito dahil tayo po ay mga Pinoy na dapat mag-isa at hindi maging magka-away.

Ako naman po ay naiintindihan ang mga saloobin nang bawat isa. Siguro nga nabahiran ng sama ng loob o galit sa ating mga puso dahil sa ating mga nababasa. Nayurakan ang ating ego o pride kung tawagin. H'wag po sana nating idaan ito sa init ng ating mga ulo mga blogmates... Kaya SMILE na kayo riyan.... Sige kayo rin baka dadami mga wrinkles niyo...hehehehe! H'wag nga kayong ma-HB, okie dokie?

PEACE TO ALL! God Bless!

-Marco Paolo-

Tuesday, May 26, 2009

Leaving...?


Ako muna ay pansamantalang mananahimik (kelan ba ako nag-ingay? hehehe!) teka teka parang ang panget ng pagkasabi ko ah para namang mamatay na ako at mananahimik talaga.... hmmmpptt...

Ako muna ay pansamantalang mawawala sa mundo ng blogosphere sa kadahilanan...?????????.... sa akin na lang yon! Hindi naman ako gaano magtagal... babalik at babalik din ako, pramis!

Marami akong natutunan at nakilala dito sa mundo ng blogosphere. May nameet na rin kahit papano. Naging kaibigan at naging kakwentuhan at kasama minsan sa galaan.

Ako'y magpapasalamat sa mga naging kaibigan na nakilala ko rito at yong tinuring akong kaibigan. Maraming sayo at sa inyo!

Sa mga nakakaalam ng contact number ko.... pano? text text na lang ok?

Ang tula na mababasa niyo sa ibaba ay para po sa inyo... tinuturing ko po kayong kaibigan kahit hindi ko man kayo nakikita, nakainuman, naging kasama sa mga trip at kung anu ano pa... kaibigan na ang turing ko sa inyo!




TO You my Friend
-Marco Paolo-

You’re such a wonderful friend
for a little bit of time
I thank God for having a friend like you.
When I will say goodbye to you
My amiable friend
Because someday I maybe far away
I hope you don’t even forget me like I do.

Our sweet and happy memories will always bear fresh in my mind
I do hope you feel the same, too!
Whatever obstacle comes from our friendship
and how I am far apart from you,
I assure you that you will not be forgotten.

I thank God for having a friend like you For guiding me
For protecting me
For understanding me
For loving me
And for caring me.

Because our friendship is golden
like the stars in the heaven
and you will be my precious stone in my heart
until one day we will meet
Thank you my friend!

Tuesday, April 7, 2009

My Fave Subject

Maraming bagay ang bumabagabag sa aking isipan nitong nagdaang araw ako'y tolero sa mga dapat kong gawin. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang mga plano. At kung paano ko ito sisimulan.

May mga bagay din na nagpapabigat sa aking kalooban at mga bagay na minsan ay nakakaapekto na sa aking kalusugan. Pilit kong iwaksi ang mga bagay na ito sapagkat mentally stress na ako.

Kaya naman, naisipan kong gumala nitong weekend para kahit papaano ay mawala pansamantala ang mga bagay na iyon.

Sa aking paglalakbay, napag-tripan ko mga billboards sa may EDSA at ito ang mga kuha ko....


Nag-ikot ikot ako para libangin ang sarili at nilakad ang kahabaan ng Roxas Blvd. (from US embassy to Raja Sulayman to be exact).Whew! Kaya niyo yon? Ganon mga trip ko 'pag upset ako. At syempre ang favorite subject ko sa photography... ang SUNSET!


Sana'y lilipas din tong mga bagay na bumagabag sa aking isipan at sana'y magiging ok ang mga plano na gagawin ko. At sana magiging ok ang lahat!

You must learn to say, "If God has allowed this thing to happen in my life, there mustbe something I can learn from it." The Word of God tells us that "all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose" (Rom. 8:28). We don't learn the lesson by asking why, but by giving thanks in all things. "In everything give thanks; for this is the will of God in Christ Jesus for you" ( 1 Thess. 5:18). - this is from the book of Enjoy Your Journey (Dr. Alyn E. Waller).

I thanks God for giving me strength to face all the troubles in my life though sometimes I really want to give up because in my mind this is odd! But God gives me strength and hope that everything will be alright.




Saturday, March 21, 2009

Marco: Opinyon!



Bakit ka lilisan?

Walang iwanan sa bayan ni Juan, ito ang madalas sinasabi ng mga kababayan nating Pinoy. Pero ngayon, bakit halos lahat ng ating mga kababayan ay nag-alisan na sa bayan kinalakihan? Isang pagbabago ang nangyayari sa ating mga kababayan pakiwari ko’y dahil sa pagbabago ng pagpapatakbo ng sistema ng ating bansa. Sistemang hindi makatarungan ayon sa ating mga kababayan. Tulad na lang ng pagtaas ng bilihin sa market. Pagtaas ng singil ng kuryente, pagtaas ng presyo ng gasoline at kung anu ano pa… buti na lang ngayon medyo bumaba ng konti ang mga pamilihin at iba pa. Pero ganon pa rin… minsan tumaas at minsan naman nagrorollback. Nakakaloko ang mga negosyante… grabe!

Suliranin na hindi magawan ng paraan ng mga kinauukulan. Ano nga ba ang dapat gawin? Paanong hindi iiwan ang bayan kung ang sistema ay hindi kaayaaya sa mata ng mga mamamayan? Tulad ngayon, malayo pa ang eleksyon pero ang iba nating mga nasa itaas tila abala na sa pagpapabango para mapansin ng sambayanang Pilipino. Kung anu ano nang paraan ang ginagawa nila para lamang mapansin. At ang iba’y tila pinag-uusapan na kung sino ang tatakbo bilang bagong manglilikod. Haaayyy… ganito na lang ba palagi!

Wala namang gustong iiwan ang bayan na kung saan dito tayo lumaki at namulat pero sa sistema ng pagpapatakbo nito. Maraming dahilan kung bakit lilisanin ang bayan kinagisnan. Isakripisyo ang lahat ng maiiwan.

Talagang ang ibang kababayan natin ay nagpupursige na makaalis sa sariling bayan upang maiahon sa hirap ang kani-kanilang pamilya. Para sa kanila, ito lamang ang paraan upang matustusan ang pamilya na naiiwan dahil kung hindi pare-parehong maghihirap at walang makakain ang bawat isa.

Pero sa panahon ngayon, paano na ang mga pangarap ng ating mga kababayan kung halos buong mundo ang hinaharap ang tinawag nating pandaigdigan krisis ekonomiya?

Matupad pa kaya nila ang mga minimithi nilang pag-unlad kung halos lahat ng mga kompanya ay nagsasara at nagbabawas ng mga manggagawa. At ang iba pa nating kababayan na nasa ibang bansa ay pinapauwi na dahil nagbabawas na nang mga tauhan ang kompanyang pinagtatrabuhuan nila. Paano na ang umaasa sa kanila?

Alam naman natin na mahirap mawalay sa ating mga minamahal sa buhay pero kailangang magsakripisyo alang-alang sa kinabukasan ng lahat. Pero dahil sa krisis ekonomiya, paano na ang mga pangarap? Makakaahon pa ba? Makakaraos pa ba?

Tuesday, March 17, 2009

As You Go Through Life

In life, we never know our fate... we don't know exactly what will happen for our future. Some are very lucky. And some are still waiting for their luck. There are lots of trials we encountered in our journey of life. Trials that sometimes we want to give up or even we ought to end our life because of unreasonable situation. We don't know on how if we can overcome these trials because all in our minds are NEGATIVE - it doesn't help us to face the reality.

Life is like a game. If you know the game and you know how to use your strategy surely you will be the winner! If not, sad to say but you are the loser.

Life is like a fruit tree. It is seasonal. Sometimes it is full of leaves and fruits and sometimes, not.

Life is full of challenges. It is up to you on how to handle the situation and how to face the consequences. Be brave in facing any challenges in life. God will give us challenges because HE knows we can make it.

Don't get tired in facing challenges in life because it will help us to be a better person and stronger individual. Just don't forget to call Him if you really needed Him. He is just in our side guiding us. Maybe we forgot Him that is why He gives us these challenges because He wants us to be near by Him.

Always bear in mind that there is always tomorrow… Just have FAITH!
-Marco Paolo-

***

[Note: I just want to share this to you guys... ]

As You Go Through Life ...

1. Set your own pace........When someone is pushing you, it's ok to tell them they're pushing.
2. Take nothing for granted........Watch water flow, the corn grow, the leaves blow, your neighbors mow.
3. Allow yourself time to be lazy and unproductive........Rest isn't a luxury, it's a necessity.
4. Listen to the wind blow........It carries a message of yesterday and tomorrow........And now.........Now counts.
5. Rest on your laurels........They bring comfort whatever their size, age or condition.
6. Talk slower. Talk less. Don't talk. Communication isn't measured by words.
7. Give yourself permission to be late sometimes........Life is for living, not scheduling.
8. Listen to the song of a bird........The complete song. Music and nature are gifts, but only if you are willing to receive them.
9. Slow down. God is still in heaven........You are not responsible for doing it all...yourself... right now.
10. Remember a happy, peaceful time in your past........Rest there. Each moment has a richness that takes a lifetime to savor.
11. Quit planning how you're going to use what you know, learn or possess........God's gifts just are. Be grateful and their purpose will be clear.
12. When you walk with someone, don't think about what you'll say next........Thoughts will spring up naturally if you let them.
13. Talk and play with children........It will bring out the unhurried little person inside you.
14. Create a place in your home...At your work....in your heart...where you can go for quiet and recollection. You deserve it.
15. Take time to think........Action is good and necessary, but it's fruitful only if we muse, ponder and mull.
16. Make time for play........The things you like to do. Whatever your age, your inner child needs re-creation.
17. Watch and listen to the night sky........It speaks.
18. Listen to the words you speak........Especially in prayer.
19. Learn to stand back and let others take their turn as leaders........ There will always be new opportunities for you to step out in front again.
20. Divide big jobs into little jobs........If God took six days to create the universe, can you do any better?
21. Direct your life with purposeful choices, not with speed and efficiency........The best musician is one who plays with expression and meaning, not the one who finishes first.
22. Take a day off alone........Make a retreat. You can learn from monks and hermits without becoming one.
23. Pet a furry friend........You will give and get the gift of now.
24. Work with your hands........It frees the mind.
25. Take time to wonder........Without wonder, life is merely an existence.
26. Sit in the dark........It will treat you to see and hear, taste and smell.
27. Once in awhile........Turn down the lights, The throttle, The invitations. Less really can be more.
28. Let go......Nothing is usually the hardest thing to do...but often it is the best.
29. Taste your food........God gave it to delight as well as nourish.
30. Notice the sun and the moon as they rise and set........They are remarkable for their steady pattern of movement, not their speed.
31. And as you ramble on thru life my dearest friend........Keep your eye upon the doughnut, and not upon the hole.
32. "AND SLOWLY COUNT YOUR BLESSINGS ONE AT A TIME"

***

For our blogmate Yanah:




Prayers for sis Yanah... whatever problems come in your way... You just have to trust Him I know everything will be fine. Just hold on and pray!

Thursday, March 12, 2009

What I've Missed?

When I looked at the picture of my grandmother's house I am eager to visit there again. It's just I feel that I missed the place and the surroundings. I missed the old house. I missed scrubbing the floor. I missed my bedroom; where I used it as my hang out.


I missed the beach. I missed the fresh buko juice. I missed also my parents and my grandmother. I am with my grandmother when I was 8 years old until I finished my college. I miss you, Lola!


Ponta Beach; Malimono Surigao Del Norte


I really want to visit there again. I just want to relax and feel the fresh air coming from the ocean. I want to go to mountain; where I can plant trees and more... I missed also the seashore; where I can witness the sunset. And in the morning, I can feel the sun shine while I'm in my bed.

When I can visit there again? I don't know... I really don't know...


***


I was tagged by Jhosel and I promise her to do it. So, here's my version:



Instructions:

1. Write down who tagged you.

2. Answer these:

- your name / username / pseudo
- right-handed or left-handed?
- your favorite letters to write?
- your least favorite letters to write?
- Write “The quick brown fox jumps over the lazy dog.”

3. Tag five persons.

Tuesday, March 10, 2009

That's Life

Sa buhay, hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo mananatili sa mundong ibabaw. Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ng itaas. Hindi natin alam kung oras na ba natin. Siya lamang ang nakakaalam sa lahat ng mangyayari sa ating buhay walang iba kung si… JESUS.

Kaya habang tayo ay nabubuhay pa, dapat nating ipakita o iparamdam sa taong nakapaligid sa atin na sila’y ating mahal. Sapagkat kapag tayo’y nawala wala na tayong pagkakataon para iparamdam o sabihin sa kanila na mahal natin sila.

Maaaring gawing masaya ang bawat yugto ng ating buhay para sa bandang huli hindi natin ito pagsisihan. Maaaring gawin itong makulay. Gawin ang mga bagay na minimithi natin. Planuhin ng maayos ang bawat takbo ng ating buhay kahit pa ito’y punung-puno ng pagsubok. Mga pagsubok na kung tutuusin ay kaya naman nating harapin. Tayo lamang ay nanghihina o naduduwag pero kayang kaya natin ito . Kailangan lamang ang tiwala sa MayKapal. At tiwala sa sarili...

Sapagkat kapag oras na natin, hinding hindi na natin ito magagawa at hinding hindi na natin ito kayang balikan pa...

Gawing makabuluhan ang bawat yugto ng buhay!
***


Noong linggo, naging emosyonal ang buong araw... nakakaramdam ng pagka-miss para sa taong mahal... nakausap pero sadyang emosyonal talaga ang araw na yon... ewan kung bakit naramdaman ang ganong bagay... siguro dahil may mga changes para sa dalawang nagmamahalan...

Subalit, kahit ganon pa man mananatili ang pag-ibig para sa isa't isa. Kahit alam nilang medyo busy sa mga darating na araw pero ang kanilang puso ang nag-uugnay sa kanilang pag-iibigan. Nawa'y malampasan nila ang mga pagsubok na darating sa kanilang relasyon.

[Buntong hininga]

At sana'y isa sa kanila ay hindi sumuko sa journey of love. Maging matatag sana sila. Magtiwala para magtagumpay sa bawat minimithi nila. Mahal nila ang isa't isa kaya may tiwala sila na kaya nila ito!

Tuesday, March 3, 2009

Smile naman dyan...

Haayyyss... natapos din sa wakas ang labanan namin ng sinasabi kong virus. Parang nakikipag-boxing ako nitong nakalipas na mga araw. Kahit hinang hina na ako... nilalabanan ko pa rin talaga siya. Hindi pwedeng hindi! Hindi ako pwedeng magpatalo...

Sa buhay, kailangan talaga laging handa ka sa laban na darating dahil kung hindi kawawa ka. Kailangan maging matapang at h'wag maging duwag.

Salamat na lang at nagiging ok na ako... as in ok na panlasa ko... ganado na akong kumain... ang laki ng binagsak ng katawan ko... pero recovering na ako nowadays. Salamat pala sa mga ka-blog ko dito na laging nangungumusta sa kin hindi ko na kayo isa isahing banggitin baka may makalimutan pa ako... Salamat sa inyong lahat!!!

Kaya ito ako ngayon, nakakangiti na!

Ito muna ang pabaon ko sa inyong lahat... smile naman dyan....

Q: What's the difference between LIGHT & HARD ?
A: U can sleep with the LIGHT on but u can't sleep w/ a HARD on !

Q: Ano ang pagkakaiba ng SANITARY NAPKIN sa BRA ?
A: Sa Sanitary napkin parang wala kahit meron, samantalang sa bra parang meron kahit wala !

BF: Sweetie, pwede ko bang ipasok ang aking pag-ibig sa butas ng iyong pagmamahal ?
GF: Sobra ka namang magsalita.nakakabuntis ka ng damdamin !

SweetHearts making love ..
GF: Luv, alam mo ikaw lang ang naikama ko
BF: Sweet mo naman luv !
GF: Oo, kasi, yung iba, sa CR, Sala, Kusina at kung saan-saan pa !

Monday, February 23, 2009

Mahina pa rin pero pagaling na...

Linggo, ika-apat na araw ng aking pagpapahinga subalit hindi pa rin lubusang malakas. Hindi ko alam kung anung klaseng virus ang sumanib sa aking mala-maskuladong katawan (hahaha... natawa ako!). Ngunit sadyang malupit ang virus na kumapit sa katawan ko na hanggang ngayon ay dinadaing ko pa rin. Kung anu anong gamot na lang ang sinalpak sa bunganga ko para lang mapuksa ang virus na to pero sadyang malakas ang kapangyarihan ng lintik ng virus na ito. Kelan ba kita matatalo?

Sa ganitong pagkakataon, may mga namimiss ako... na-miss ko ang pag-aaruga ng aking butihing ina na siya lamang ang nag-aalaga sa t'wing ako'y magkakasakit. Napakahirap talaga! Pipilitin mo na lang bumangon at wag isipin na ika'y mahina kasi wala ka man lang masandalan o mapaglambingan sa mga ganitong pagkakataon. haaayyy! Ayoko nang pahabain pa ito baka mag-eemote na naman....

Sana'y gumaling na ako.... miss you all!


-Marco Paolo-

Monday, February 16, 2009

As sweet as


Your sweetness is like a box of almond chocolates when I taste each I feel the love of yours. - Marco Paolo-

Thursday, February 12, 2009

My Current Mood




I just want to shout out loud........


wwwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

Sunday, February 1, 2009

February: Love Month


February is known as the Love Month and we celebrate Valentine's Day on the 14th day of the month. Flowers, candies, chocolates, or candle light for the two... Many partners, today, are excited in the said occassion. This is their special day as lover, as couple or as partner. Some are going to have dinner with their honey, baby, or love and of course with matching candle light or singer who'll serenade them (hmmm... that's so sweet!). Some are going to watch concert of their favorite artists. And of course, some are going to take their (2nd...3rd...4th... and so on) honeymoon somewhere. Hehehe!!!


Single do celebrate also this occassion? Why not? Because this is for all you should show your love to your friends, mother, father, brothers and sisters. Why you dont' date them? Bring them to movie house, watch concert also, or dinner. Just show them how much you value their presence...


Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. - 1 Corinthians 13:5-7


Ooppss... February is important month for Marco Paolo (ako yon...) because on the 7th day of the month I celebrate my 25th birthday. Whhhaaattt??? Yeah, it's my 25th birthday... Hehehe...


Hmmm.. so that's it for now... have a good evening to all!!!


-Marco Paolo-

Friday, January 30, 2009

The Story of a Girl and her Four Boyfriends

The 4 Boyfriends

Once upon a time there was this girl who had four (4) boyfriends.

She loved the 4th boyfriend the most and adored him with rich robes and
treated him to the finest of delicacies. She gave him nothing but the best.

She also loved the 3rd boyfriend very much and was always showing him
off to neighboring kingdoms. However, she feared that one day he would
leave her for another.

She also loved her 2nd boyfriend. He was her confidant and was always
kind, considerate and patient with her. Whenever this girl faced a
problem, she could confide in him, and he would help her get through the
difficult times.

The girls 1st boyfriend was a very loyal partner and had made great
contributions in maintaining her wealth and kingdom. However, she did
not love the first boyfriend. Although he loved her deeply, she hardly
took notice of him.

One day, the girl fell ill and she knew her time was short. She
thought of her luxurious life and wondered, I now have four boyfriends
with me, but when I die, I'll be all alone.'

Thus, she asked the 4th boyfriend, I loved you the most, endowed you
with the finest clothing and showered great care over you. Now that I'm
dying, will you follow me and keep me company?' 'No way!', replied the
4th boyfriend, and he walked away without another word. His answer cut
like a sharp knife right into her heart.

The sad girl then asked the 3rd boyfriend, 'I loved you all my life. Now
that I'm dying, will you follow me and keep me company?' ¡No!¢, replied
the 3rd boyfriend. 'Life is too good! When you die, I'm going to marry
someone else!' Her heart sank and turned cold.

She then asked the 2nd boyfriend, 'I have always turned to you for help
and you've always been there for me. When I die, will you follow me and
keep me company?' 'I'm sorry, I can't help you out this time replied the
2nd boyfriend. 'At
the very most, I can only walk with you to your grave.' His answer
struck her like a bolt of lightning, and the girl was devastated..

Then a voice called out: 'I'll go with you. I'll follow you no matter
where you go.'

The girl looked up, and there was her first boyfriend. He was very
skinny as he suffered from malnutrition and neglect. Greatly grieved,
the girl said, 'I should have taken much better care of you when I had
the chance!'

Being happy doesn't mean everything's perfect. It means you've decided
to see beyond the imperfections.
***Emailed by a friend.