Showing posts with label Surigao (my province). Show all posts
Showing posts with label Surigao (my province). Show all posts

Sunday, February 10, 2013

Trip to Siargao Island

Hi Guys! Back to reality na after my birthday trip. Ipinagdiriwang ang kaarawan kasama ang mabubuti, magaganda, gwapo at seksing kaibigan sa blogosperyo. At syempre, naging happy din dahil kahit konting oras lang ay nayakap at nakita ko ang nag-iisa ko ng magulang…si Nanay! Nagkausap ng konti at syempre konting sumbong na naman tungkol sa kapatid ko. At pinaalala niya sakin na malapit na raw mag isang taon (death anniv) si Tatay.

Anyway, ang Trip to Siargao ay nakaplano na last year pa lang. Salamat sa Zero fare! Hehehe! Nakasama sa byahe sa unang pagkakataon sina Zai, Joanne, Arline at ang tinaguriang Kamahalan…si Kambal Archie. Bakit kambal? Magka-birthday kasi kami hindi lang buwan kundi sa araw din. Ang taon lang ang pinagkaiba. Nauna lang akong nailuwal ni Nanay. Lol!

Day 1: Byahiloooooo!
Manila to Butuan City via Cebpac: Nakalapag ang eroplanong sinakyan namin around 9am at habang hinihintay na ma-released ang check in baggage ay nagpicture picture muna sa loob ng airport.

Butuan City to Surigao City (200): Sumakay ng van patungong Surigao City. Nasa 3hrs ang byahe nito kaya todo dasal na umabot kami sa RoRo papuntang Dapa. Nakarating ng Surigao City mga past 12pm, hinatid kami sa pier. When Manong driver asked sa isang guard kung may byahe pa going to Dapa. Unfortunately [insert sad face], nakaalis na raw ang RoRo. On time talaga ang alis no? Husay!

Mabuti na lang at may alam pa tong si Manong na posibleng byahe makarating lang sa Dapa. Hinatid niya kami sa pinakadulo ng pier at napaka-swerte namin dahil ang byaheng Santa Monica ay hindi pa nakakalayo that time. Kaya, dali-dali kaming bumaba sa van sumakay sa maliit na bangka para ihatid kami sa malaking bangka na byaheng Santa Monica.

Surigao City to Santa Monica (250): 3hrs din ang byahe namin. Nakapwesto kami sa itaas ng bangka na parang VIP ang dating. Wooot! Lol! Wala pa kaming breakfast kaya tinira ang mga baong bisquits nila Zai, Joanne, at Arline. Ang problema, walang TUBIG!!! LOL! Mga 4pm dumating sa Santa Monica, from there sumakay kami ng habal2x at nagpahatid kami sa Gen. Luna.

Santa Monita to Gen. Luna (233.33): 2hrs ang byahe…waaahhh. Sakit na puwet namin kakaupo. Nabugbog lalo noong nasa habal2x na kami dahil lubak-lubak ang daan. Napapa-Aaahhh na si Arline at napapa-ouch na kami! Hahaha! Halos mag 6pm na kami nakarating sa Gen. Luna at nakapag-checkin na rin sa Jade Star Resort. Cancelled ang IT sa unang araw. Sobrang pagod. Bugbog sa byahe.Pinaghanda kami ni Ate Anita ng Chicken Bbq. Pagkatapos kumain, naglinis ng katawan at Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

Kaya, byahiloooooo ang Day 1 dahil wala kaming ginawa kundi magbyahe lang ng buong araw. 
Salamat sa sorpresa....may kwento sa likod ng yellow balloon. Hahahaha!

Day 2: Exploring Sohoton | Island Hopping | Surfing
4am: Wake-up Call namin para ang hindi nagawa sa Day 1 ay gagawin namin sa Day 2. Medyo nadismaya ng konti dahil umuulan noong umaga pero sige lang tuloy pa rin ang byahe. Pero bago ang lahat, sinorpresa kami nila Zai, Joanne at Arline. Kaya pala, naririnig ko sina Zai at Joanne nagbubulungan mga bandang alas dos ng umaga. May ginagawa pala sila. Hahaha! Paggising namin ni Kambal ay bumulaga sa amin ang cake at mga balloons. LOL!

Exploring Sohoton Cave: Mahangin. Maulan. Maalon. Malamig. Ito ang eksena noong papunta kami ng Sohoton. Mga 2hrs din ang byahe namin. Byahilo na naman. Pero hindi alintana ang mga yan dahil sobrang enjoy naman. After 1hr, tulog kami. After 30mins, gising ulit.At nagpakitang gilas si Arline sa kanyang talent. Kung ano man yon? Sa amin na lang. Hahaha! Then, after another 30mins. Nasisilayan na ang bukana ng Sohoton. Medyo tumila na rin ang ulan. Biglang nawala ang pagod noong nakarating na sa Sohoton. Nagregister. Nagbayad sa cashier para sa tour.

Meet and touch with stingless jellyfish. I asked our tour guide kung pwede bumaba ng bangka but he just replied “Waya ko kabayo sir. Kuman ra sab ko nakapag-tour kay nawaya man ko diri mga tuyo ka buyan.” In -tagalog, “Hindi ko po alam, sir! Ngayon lang ulit ako nakapag-tour dahil nawala ako ng tatlong buwan dito.” So, gustuhin ko mang lumasong sa tubig kasama ang mga jellyfish hindi ko na lang ginawa dahil baka masita pa ako.

After the meet and touch with jellyfish, punta naman kami sa Hagukan Cave, Magkukuob Cave, at Tiktikan lake. Doon sa part na papasok sa Magkukuob Cave tapos para di ka na babalik sa loob you need to jump para makababa at makalabas ng cave. Yari! Sabi ko nga, nagmamountain hike ako pero takot ako sa heights. Hahaha! Nakailang attempt akong tumalon pero parang may pumipigil. Hahaha! Naunang tumalon si Archie. Kasunod si Zai. Pinilit ko tumalon talaga. Sakit sa balat ang impact ng tubig sa katawan. Haha!Ang saya lang! Si Joanne, tinulak ni manong para makatalon. LOL! Buti si Arline hindi tinulak.

Then, lunch….






Island Hopping: From Sohoton Cave, tinahak naming ang Naked Island – tinatawag siyang Naked Island dahil walang punong nakabalot sa kanya. As in, buhangin lang siya. At pwede mo siya ikutin in just 20mins siguro. At doon, nag-umpisa ng magpose at model-modelan. May mga foreigner din kaming nakikita doon. 



After ng shooting,tumawid naman kami sa kabilang isla na kung tawagin ay Dacu Island – tinatawag naman siya “Dacu” dahil medyo malaking isla sya compared sa Naked Island. Hindi pa ako nakakarating sa Boracay pero pakiramdam ko ay mas ok ang ambiance dito. Mala-white sand at emerald color ang tubig. Napakagandang island ito!



Next stop, Guyam Island na super cute island. Hahaha! Oo, cute kasi maliit na island siya na halos kasing laki lang yata ng Naked Island pero…..may mga puno ang Guyam Island. Super na-cute-tan talaga ako sa Guyam Island.

Sa tatlong island na napuntahan naming, may bawat pose ang isa sa amin. Hahaha! May post kami na solo, dalawahan, tatluhan, at group. Feeling bench model lang. LOL! After Island Hopping, dali-dali naman kaming bumalik sa Jade Star Resort at nagmamadaling magchange attire para makahabol naman sa Surfing. Worthless naman kung hindi kami makapag-surf. 

See? Pang-cover lang ang dating. LOL!

At Cloud 9, nag-hire kami ng magtuturo para turuan kami ng basic sa pagsusurf. Madali lang sya kung sa lupa gagawin. Hahaha! Pero sa actual, ang hirap! In just 10minutes, sabak na kami sa actual na pagsusurf. Woottt! Excited! Sa unang dalawang attempt ko, bagsak! Taob! Hulog! Out of balance! Grrrrrrr…Pangatlo, ayos! Nakatayo din ako. Sabi ng nagtuturo sakin, ayan, magaling ka na! Basta sundin mo lang ang mga gagawin. Madali kang matuto! Hanggang sa tuloy-tuloy na. Sabi pa niya, tara! Doon tayo sa malalaking alon, try mo! Ok lang din ako. Sarap ng feeling! Astig! Hahaha! Noong, tumagal sabi niya, hindi na kita itutulak ha. Pagsinabi kong paddle. Magpaddle ka ng malakas at mabilis tapos tayo ka. Game? I replied, GAME! Ang saya lang ng nagturo sakin dahil nagcheers pa sakin. Hahaha!

Isang oras din kaming nagsusurf, hanggang sa hindi na kaya ng braso ko ang pagpaddle. Nanghina na! Kaya tumigil na at nagpapicture. Wala kaming picture sa actual na pagsurf namin kasi wala naman naiiwan. Lahat kami nasa dagat. Pero lahat kami nakakatayo sa pagsurf at sobrang nag-enjoy! Hindi ka titigilan ng magtuturo sayo hangga’t hindi ka makakatayo sa surf board.

We had dinner at Ronaldo’s RestoBar. Then, went home and zzzzzzzzzzzzz…


Day 3: Meet & Greet
Woke up early around 3:30am, packed up agad para makahabol sa first trip pabalik ng Surigao City. 2-3hrs din ulit ang byahe. Ramdam ang kapaguran kaya tulog kami habang nasa byahe maliban na lang kay Joanne.
8:30am arrived at Surigao City and we dropped by at San Nicholas Church and prayed. Then, we went to Gaisano Mall to meet Nanay and Pamangkin….and Lala and Baste.

We had breakfast at Jollibee. Hahaha! Di nagsawa sa Jollibee until Joanne realized na may magandang resto sa harap ng Jollibee ang Mooon Café Mexican style ang resto. I already tried their pizza noong umuwi ako 2years ago. Tapos, pictorial with Lala na galing pang CDO at Butuan.

Pictorial ulit sa Terminal bago umalis papuntang Butuan. Ang daldal ni Lala. Hahaha! Habang nasa byahe. Daming kwento at tanong, etc etc etc…at hindi mawawala sa kanya ang sumakabilang-buhay. Hahahaha! Natotomboy daw siya kay Zai at tingin niya kay Zai ay picture lang. Hahaha!

Hinatid pa kami ni Lala sa Bancasi Airport. Kwentuhan. Lokohan. Tawanan. Picturan.

Nice meeting you, Lala and Baste! See you sa CDO at Camiguin (na lagi nya pinopromote) trip. Hahahaha!

This is my first birthday trip. Dati kasi, malling lang then gala lang sa Manila. 
Ayon lang muna. Good night! :)

Saturday, October 8, 2011

E ano ngayon kung magbakasyon ka?!

...yan ang banat ng isa kong kakilala noong sinabi kong magbakasyon ako. Sabagay, paki nga naman nya kung magbakasyon ako. O di kaya bitterans lang siya kasi di makapagbakasyon. Lol! Matagal ko na itong pinaghandaan 'to, nakatsamba't may 0 fare ang CebPac kaya nakatipid ako. Yon nga lang, maikling bakasyon lang ito. Yong tipong madaliang lakad lang. Pero okey lang, at least nakapagbakasyon.

Teka, saan nga ba nagpunta ang "kol me empi"? Hmmm... walong taon akong nawalay sa aking inang bayan (gumaganun? Lol). Since 2003 unang uwi ko palang mga 2008 yata, tapos nitong September 29, 2011 lang ulit nakabalik doon. Akalain mo yon... daig pa ang nasa ibang bansa. Lol!
habagat kasi kaya maalon ang dagat
at kulay brown pa

September 29, 2011: Original flight - Manila to Surigao - 7:15AM. Sa kasamaang palad, na-kansela ang flight ng inyong lingkod. At nilipat ang flight ko sa Butuan, kaya Manila to Butuan ang drama ko. 
abot ko na ang langit... Lol!
Nakakainis lang kasi sinadya ko pa naman na mag Mla - Sur para mas malapit ako. Pero e sa wala akong magagawa kaya... inhale exhale na lang. Pero, binigyan ako ng free flight ng CebPac kaya okey na rin. 
Surigao

pagkagising sa umaga gumala agad sa beach
sa likod lang naman ng bahay yan. hehe!

Nakarating ng Butuan mga bandang 11:45AM, mga 2 hours ride pa bago makarating ng Surigao City. From there, sakay ulit ng jeep about 1hr and 45 minutes ang byahe. Nakakapagod!

madaming kahoy at kung anu ano pa
kapag habagat sa lugar namin

Minalas na naman ako, ang sinakyan kong jeep ay hindi dumirecho sa mismong lugar ko. Mga dalawang barangay pa bago ako makarating sa amin. Tsk! Tsk! Tsk! Sakay na naman ng habal habal papunta na talaga sa amin.

naalala ko noong bata pa ako,
naglalaro din kami sa maalong dagat

Mga 30 minutes nakarating din sa bahay. Alam na nila ang pagdating ko. Di ko na sinurpresa ang aking mga tauhan doon baka magulat na naman tulad noong una kong uwi. Hehe! Pagdating ko sa bahay, derecho na kay Ina, Ama, at Lola. At si Lola, hindi na ako kilala..."Nay! Nay!" "Kinsa ka?" (Sino ka?). Dala ng katandaan ni Lola kaya hindi na ako kilala. Pero nakilala din ako. Hehe!

iba't ibang kulay ng bato

hindi ko alam kung ano ito,
parang kamag-anak yata ng mga shell

Stop! Humaba na ang kwento... hanggang dito na lamang. :) Itong tatlong huling larawan ang mga antigong gamit sa bahay.
Black & White TV

De Gas na Refrigerator

Wall Clock
na kasing edad ko na rin, tumutunog yan
Hindi ko alam kung bakit ayaw pang itapos ang De gas na ref namin. Ang luma luma na e at sobrang sira na. Ayaw pa itapon.

***Habal habal - motorcycle

Wednesday, June 8, 2011

Pangako Babalik Ako


Sunset @ Masgad, Surigao Del Norte

Noon, lagi kitang nasisilayan.
T'wing hapon lagi mo akong inaakit,
Feeling mo kasi ang ganda mo,
Pero hindi kita pinapansin.
Walang appreciation kapag nakikita kita.
Pero simula noong nawalay ako sa iyo.
Unti unti kong hinahanap ang liwanag mo.
Oo na, nasisilayan kita dito,
At ngayon ko lang napagtanto,
Ang ganda mo pala!
Sigurado akong babalikan kita,
Konting tiis lang,
Malapit na tayo magkasama,
Makapaglarong muli...
Tatambay ulit ako sayo,
Kahit pa abutan ako ng gabi,
Okey lang.....

Pangako, babalik ako! :)

Thursday, March 12, 2009

What I've Missed?

When I looked at the picture of my grandmother's house I am eager to visit there again. It's just I feel that I missed the place and the surroundings. I missed the old house. I missed scrubbing the floor. I missed my bedroom; where I used it as my hang out.


I missed the beach. I missed the fresh buko juice. I missed also my parents and my grandmother. I am with my grandmother when I was 8 years old until I finished my college. I miss you, Lola!


Ponta Beach; Malimono Surigao Del Norte


I really want to visit there again. I just want to relax and feel the fresh air coming from the ocean. I want to go to mountain; where I can plant trees and more... I missed also the seashore; where I can witness the sunset. And in the morning, I can feel the sun shine while I'm in my bed.

When I can visit there again? I don't know... I really don't know...


***


I was tagged by Jhosel and I promise her to do it. So, here's my version:



Instructions:

1. Write down who tagged you.

2. Answer these:

- your name / username / pseudo
- right-handed or left-handed?
- your favorite letters to write?
- your least favorite letters to write?
- Write “The quick brown fox jumps over the lazy dog.”

3. Tag five persons.

Friday, October 31, 2008

Bonok-bonok Maradjaw Karadjaw 2008

Surigao City celebrated Bonok-bonok Maradjaw Karadjaw Festival 2008 (September 09, 2008)





Tilaw sa Pagkaong Surigao (Tikman ang pagkain ng Surigao)

Kinilaw Contest, Surigaonon Cuisine



More pictures here...