Bakit ka lilisan?
Walang iwanan sa bayan ni Juan, ito ang madalas sinasabi ng mga kababayan nating Pinoy. Pero ngayon, bakit halos lahat ng ating mga kababayan ay nag-alisan na sa bayan kinalakihan? Isang pagbabago ang nangyayari sa ating mga kababayan pakiwari ko’y dahil sa pagbabago ng pagpapatakbo ng sistema ng ating bansa. Sistemang hindi makatarungan ayon sa ating mga kababayan. Tulad na lang ng pagtaas ng bilihin sa market. Pagtaas ng singil ng kuryente, pagtaas ng presyo ng gasoline at kung anu ano pa… buti na lang ngayon medyo bumaba ng konti ang mga pamilihin at iba pa. Pero ganon pa rin… minsan tumaas at minsan naman nagrorollback. Nakakaloko ang mga negosyante… grabe!
Suliranin na hindi magawan ng paraan ng mga kinauukulan. Ano nga ba ang dapat gawin? Paanong hindi iiwan ang bayan kung ang sistema ay hindi kaayaaya sa mata ng mga mamamayan? Tulad ngayon, malayo pa ang eleksyon pero ang iba nating mga nasa itaas tila abala na sa pagpapabango para mapansin ng sambayanang Pilipino. Kung anu ano nang paraan ang ginagawa nila para lamang mapansin. At ang iba’y tila pinag-uusapan na kung sino ang tatakbo bilang bagong manglilikod. Haaayyy… ganito na lang ba palagi!
Wala namang gustong iiwan ang bayan na kung saan dito tayo lumaki at namulat pero sa sistema ng pagpapatakbo nito. Maraming dahilan kung bakit lilisanin ang bayan kinagisnan. Isakripisyo ang lahat ng maiiwan.
Talagang ang ibang kababayan natin ay nagpupursige na makaalis sa sariling bayan upang maiahon sa hirap ang kani-kanilang pamilya. Para sa kanila, ito lamang ang paraan upang matustusan ang pamilya na naiiwan dahil kung hindi pare-parehong maghihirap at walang makakain ang bawat isa.
Pero sa panahon ngayon, paano na ang mga pangarap ng ating mga kababayan kung halos buong mundo ang hinaharap ang tinawag nating pandaigdigan krisis ekonomiya?
Matupad pa kaya nila ang mga minimithi nilang pag-unlad kung halos lahat ng mga kompanya ay nagsasara at nagbabawas ng mga manggagawa. At ang iba pa nating kababayan na nasa ibang bansa ay pinapauwi na dahil nagbabawas na nang mga tauhan ang kompanyang pinagtatrabuhuan nila. Paano na ang umaasa sa kanila?
Alam naman natin na mahirap mawalay sa ating mga minamahal sa buhay pero kailangang magsakripisyo alang-alang sa kinabukasan ng lahat. Pero dahil sa krisis ekonomiya, paano na ang mga pangarap? Makakaahon pa ba? Makakaraos pa ba?

Serious mode on…
ReplyDeleteI still love this country and I still find this place beautiful ---- but if leaving this country means survival, why not?
I believe that there’s no such thing as ‘bulok na sistema’ sa pamahalaan. The people who actually administrate it ang bulok…
Not so serious mode on! hehe
ReplyDeleteWELGA! WELGA! WELGA! - LOLZ!
Haaay naku. Sa akin lang lahat ang may problema. Mga nakaupo man o yung mga bumuboto.
Isang lang solusyon dyan.
Totoong pagmamahal sa Bayan.
Ang tanong para sa lahat:
PERA o BAYAN? yun yon eh. =)
the answer is simple...
ReplyDeletepera. hehehe...
kung sumusweldo ako dito siguro ng 100K a mmonth pataas, hindi na rin ako magbabalak.. :)
ang hirap na ng buhay...dami pang tiwaling pulitiko. ang buhay nga naman...
ReplyDeletenagbabalak kanabang makaalis ng bansa? :-)
TO:
ReplyDeleteBONG:
Musta parekoy... salamat sa pagdaan at pagbigay ng opinyon.
ORACLE:
hmm... ano ba ang tamang sagot sa tanong parekoy? lolz
CHRISTIAN:
Tama Parekoy! Kung matataas lang ang sahod natin... wala nang magbabalak umalis.. hehehe... ang tanong: kelan kaya tataas ang sahod? hehehehe
ONATS:
Nagbabalak? naku parekoy, sino ba ang hindi nagbabalak umalis... isakripisyo ang lahat para makaahon... :)
ewan ko ha... pero ako wala ako balak umalis ng bansa.. kahit di ako kumikita ng 6 figures... siguro kasi andito lahat ng mahal ko...
ReplyDeleteTO:
ReplyDeleteGILLBOARD:
May nagsasabi nga... yong ibang tao daw sa ibang bansa sila siniswerte at ang iba naman dito ang kanilang swerte... hmmm malamang maswerte ka rito! :)
haiz. nafefeel ko na din ang hirap ng buhay ngayon.. grabe. kaloka.
ReplyDeletehmm.. yea, sabi ko nga dun sa post ko na "over chicken and salt cod" nung january, sa palagay ko di naman yung mga batas or system ang problema, ang problema e yung mga implementors, siguro kung mas napapatupad nila ng maayos yun e mas maunlad sana ang pinas.. disiplina lang naman ang kulang sa mga filipino e.. pero still ang hirap gawin, lalo na't naging innate na ata sa ibang pulitiko ang pagiging corrupt.haiz.
sa going over the fence naman for greener pasture, di naman siguro nangangahulugan na pag lumabas ka ng bansa e di mo na mahal ang pinas. i love phil a lot pero may plans talaga ako na lumabas dito para sa better opportunities pero xiempre gusto ko na dito magtanda.. kea sa tingin ko yung mga nag-oofws, di naman sila forever andun nalang.. babalik at babalik pa rin sila sa pinas..
haiz. sige tama na nga yan.. kung anu-ano naman dinadaldal ko.. ahehe.. nastress kasi ako sa lakad ko ngayon.. ahehe. haiz uli.
pareng maRco
ReplyDeleteaba parang editoryal lang ah...
pero seryoso;
talagang nakakasuka yung iba't-ibang mukha ng mga Politikong may motibo sa papalapit na eleksyon...
hay naku, sana lang mas matalino na tayo ngayon at wag tayong magpasilaw sa mga bonggang ads na yan na wala naman palang gagawin kapag nasa pwesto na...
hay, there're getting to my nerves na...
hehe...\
pasenxa pareng marco,
mukhang napaepal ng sobRa...
ingaTz!
Whew! Hindi kasya rito sa comment box ang aking puna kung isusulat ko lahat.
ReplyDeleteGanito nalang: Sa dami ng mga katanungang iyong isinulat dito sa post mo Mark, sana'y masagot, at sana'y makuha lahat ng mga mambabasa ang iyong nais iparating!
IMHO, ok lang saken na magpunta yung iba sa ibang bansa to earn money. Pero for me, no-no. Mas madame akong maiiwan kesa sa kikitain dun! Iba pa din when you're home.
ReplyDeleteAt isa pa, recession ngayon. Goodluck naman ang trabaho abroad.
para sa akin,, mas okey na maghirap ka dito sa abroad sa pagtratrabaho at least natutulongan mo pamilya mo kaysa naman magpakahirap ka jan sa pinas sa pagtratrabaho at ang kinikita mo ay hindi nman sapat para buhayin ang pamilya mo... lakasan lang ng loob ang pag-aabroad..
ReplyDeletekialan kaya aasenso ang bansa natin?
kung sakali man na aalis ako sa pilipinas...hindi iyon sa pera...kundi dahil a pag-ibig... :)
ReplyDeletewalang sasarap at gaganda pa sa lugar na pinag lakihan ng isang tao...pero sa katulad kung ordinaryong tao kailangan lumisan pra lng magkaroon ng desenteng buhay...pero kung mayaman lng ako ba't pa aalis sa pinas dba? sarap jan no...tc n great posting!
ReplyDeleteahmmm kung ako tatanungin, i wud rather leave my country rather than living here na "isang kahig isang tuka" ang buhay... leaving our own country does not mean we don't love it anymore, pero kung yun ang makakabuti sa ating pamilya at sa ating sarili y not.
ReplyDeletenice post... mabuti nlag napadaan ako... hehehe.GBU
TO:
ReplyDeleteJHOSEL:
Grabe nga ang hirap ng buhay ngayon… whew!
Tama ka nasa leader yan kung paano niya dadalhin ang pagiging leader niya… pero yon nga madalas… nasisilaw sila sa PERA… kaya ang mga platapormang nagawa… nabalewala na lang!
Aalis lang naman ng bansa para makaahon… at syempre hindi naman ibig sabihin na doon ka na talaga… alam ko babalik at babalik ka rin kung saan ikaw ay lumaki.
MAVS:
Parekoy, magiging wais na sa pagboto sa susunod na eleksyon… wag padadala sa mga bonggang ads…. Hehehe… at lalo na sa mga matatamis na salita! Naku po… hanggang salita lang ang iba…
RJ:
Daming tanong Doc… sana mahanapan ng sagot.
CHYNG:
Yup… kaya nga paano na ang mga nangangarap na makapag-abroad?
POGI:
Tanong mo kay PGMA? Hehehehe…. Haaayyy ang tanong parekoy… aasenso pa kaya? Yon yon e… Hehehe
DARKHORSE:
True… kung mayaman lang tayo… bakit pa tayo aalis para magtrabaho sa ibang bansa… thanks parekoy sa pag daan…
EXTRA:
Tama ka… isang kahig isang tuka lang talaga.. grabe! Nafeel ko yan.. as in!
hahaha...
ReplyDeletemahirap man silang lahatin,
pero meron nga bang naiiba sa kanila?
hay naku, mga politiko talaga...
napadaan lang ulit dito parenG mArco...
TO:
ReplyDeleteMAVS:
Para sakin, pareho pareho lang yata sila Parekoy... hehehe makapangyarihan ang PERA... nakakasilaw... heheheh
merong mga taong gaya ko ang ayaw umalis pero kinailangan para mabuhay.... pero heto nga ako ngaun at pabalik na rin ulit para maayos ang buhay... pero, ngayon pa alng, nag-iisip an ako ulit na umalis ulit.. hindi pa man ako nakakabalik... bakit? tulad ng naunang sinabi ko, kailangan para mabuhay...
ReplyDeletegustuhin man ng isang taong manatili sa kinagisnan nyang lugar, kung mamatay naman sya ng dilat dito, gugustuhin nya pa rin bang manatili dito?
lalo na at hindi lamang sya ang magsusuffer dito?
ok lang naman na umalis ng bansa for greener pastures at brighter opportunities..kahit naman saang lupalop tayo ay pwede namang magpakita ng malasakit sa bayan ni juan..di nga ba ang mga nagpapabango ng pilipinas ay mga taong nasa ibang kuta..
ReplyDeletebuti pa nga sila eh, hindi naman nila kailan man nakakalimutan ang lupang sinilangan dahil kahit kailan ay hindi nila maiaalis sa kanilang pagkatao iyon..
napadaan lang po. for me, love of the country is inside our heart. narito ka man o wala, kung mahal mo ang bansa, mahal mo ito. walang makapagbabago dun.
ReplyDeleteStaying in the Philippines but doing nothing is not an expression of love. In order to express love of our country, we should first learn how to love ourselves and those in our little community. If the only way to make our "feelings" concrete is earn big bucks abroad, well it is better than staying here.
There is hope for the Philippines. We only have to make our own contribution for it to move forward and upward, in our own little ways.
Did I make sense? hehe.
TO:
ReplyDeleteYanah:
Follow ur heart na lang... at maging handa sa laban... if need to sacrifice for the sake of our family, y not di ba? kesa naman magutom lahat...
VAN VAN:
Yup... basta maganda ang opportunity... grab it... minsan lang darating ang opportunity kaya pag nandyan na lubos lubusin na...
ELYSPLANET:
Thanks sa pagbisita... at nice opinion dre... balik ka ulit :)