Monday, February 23, 2009

Mahina pa rin pero pagaling na...

Linggo, ika-apat na araw ng aking pagpapahinga subalit hindi pa rin lubusang malakas. Hindi ko alam kung anung klaseng virus ang sumanib sa aking mala-maskuladong katawan (hahaha... natawa ako!). Ngunit sadyang malupit ang virus na kumapit sa katawan ko na hanggang ngayon ay dinadaing ko pa rin. Kung anu anong gamot na lang ang sinalpak sa bunganga ko para lang mapuksa ang virus na to pero sadyang malakas ang kapangyarihan ng lintik ng virus na ito. Kelan ba kita matatalo?

Sa ganitong pagkakataon, may mga namimiss ako... na-miss ko ang pag-aaruga ng aking butihing ina na siya lamang ang nag-aalaga sa t'wing ako'y magkakasakit. Napakahirap talaga! Pipilitin mo na lang bumangon at wag isipin na ika'y mahina kasi wala ka man lang masandalan o mapaglambingan sa mga ganitong pagkakataon. haaayyy! Ayoko nang pahabain pa ito baka mag-eemote na naman....

Sana'y gumaling na ako.... miss you all!


-Marco Paolo-

37 comments:

  1. lintik na VIRUS yan umalis ka na sa katawan ni marco tantanan mo na siya.lolz

    ReplyDelete
  2. VIRUS BA TLGA YAN HA???HAHAHHA,SUS!LOLNESS..

    ReplyDelete
  3. Nagkasakit ka pala, bro?! Talagang ilang ulit nabanggit ang salitang 'virus' ah.

    Magtanong ka nalang sa mga manggagamot kung paano mapalakas ang resistensiya mo para matalo mo ang mikrobyong 'yan.

    Get well soon. Sa tingin ko bukod sa pag-aalaga ng iyong ina, miss mo rin ang pagba-blog at ang mga blogs ng mga kaibigan mo rito.

    ReplyDelete
  4. Tinablan ng virus si MArco. Hehehe.

    Salamat at pagaling na. Ang kailangan lang ay magpalakas.

    Get well soon, parekoy!

    ReplyDelete
  5. hey get well soon.... take good care of urself... sayang nga noh 'la mom moh para maalagaan kah... sabi koh sau mag-hire kah nang iba eh.... or ask for volunteer na mag-aalaga sau... pa-sign up...lolz... ingatz kah parekoy... Godbless!

    ReplyDelete
  6. pagaling ka...

    namimiss ko na ang mga tula mo...
    hehehehe!

    ReplyDelete
  7. kaya pala ilang araw ka ng nawala akala ko busy ka lang..

    nways, dahil yan siguro sa pagpapalit ng panahon..
    dito umiinit na rin ang klima dito..

    ingat-ingats marco...pagaling ka..

    ReplyDelete
  8. pagaling ka parekoy!
    sana sana... gumaling ka na..
    ayus na ayus lang yan..

    isipin mo nalang masamang damo.. mahirap madali..lols joke joke
    kitakits parekoy!

    ReplyDelete
  9. pagaling ka pre, marami naghihintay sayo

    ReplyDelete
  10. ..kaya pala ilang araw ka rin nawala parekoy, get well soon! Inuman mo ng AntiVirus para mawala ang virus diyan..lolz! (korni) pagaling agad parekoy! Hintayin namin pagbabalik mo..godbless!

    ReplyDelete
  11. may sakit ka pala Marco! nawala rin ako pero wala akong sakit! ganyan talaga pag biglang nag iiba weather! ang init na ngayon grabe!

    Get well soon!

    ReplyDelete
  12. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  13. aw. nasobrahan ka ata sa almond chocolates. lol.

    pagaling ka po kuya. take your meds and rest well. kaya pala wala ka these past few days.

    get well soon. :)

    ReplyDelete
  14. pagaling ka parekoy....ako din may sakit dahil sa panahon ngayon...ako lang din nag-aalaga sa sarli ko kasi nasa malayo ako..

    ReplyDelete
  15. pagaling ka parekoy..

    dasalan mo na lang ang Virus na yan...

    ReplyDelete
  16. Palakas ka MArco. Kaya pala di kita masyadong nakikita ah.. Matatalo mo rin yan. Enough rest and more fluids lang.. Advice ko wag kamunamasyadong mag babad sa PC hanggat di ka pa magaling..

    Ingatz lagi. Get well, now!

    See you around.

    ReplyDelete
  17. inom lang ng maraming tubig... pagaling ka.

    ReplyDelete
  18. bakit ka tinamaan ng virus!? diba laging sinasabi ni john loyd na ingaT! anong pinag gagawa mo?! flu na yan! ito mag bioflu ka! galit aco! hahaha. . kita mo?! puro!!!!!!!!!!!!!!!

    get well soon!!! nangGigigil aco sa keyboard!!! hahaha. . miSsyoutoo! pakiss:*!

    ReplyDelete
  19. damihan lng daw ang tubig...solve na yan... :)

    ReplyDelete
  20. get well soon marc... miss ka na nang lahat...nd ahmisu bro =)....pagaling kah kaagad... *hugz* Godbless! -di

    ReplyDelete
  21. bat ang gaganda nang sinabi nila fafa mski bat sakin parang napakabalahura kow,hahahah, lolness get well soon

    @manika neng!!s john loyd ksi eh hahah, pa ads ads pa tapos tuseran pala ung tinira hahah,lolness neng di halatang galit ka.hahahha..

    ReplyDelete
  22. Tsk! Weh! Kaya pala....

    Uso talaga sakit ngayon....
    Kaya dapat alagaan ang sarili...
    Huwag abusuhin ang katawan...
    Nag tatampo din kasi yan.

    Clear your mind.
    Vitamin C.
    Lots of water.
    Enough sleep.
    and more Love.

    Pagaling ka!

    ReplyDelete
  23. pagaling ka parekoy!

    sa mga sandaling ito nananakit ang aking mga kasu-kasuan...kaninang umaga naka dalawa na akong alaxan IF-AR pero dahil pagdating dito sa opisina eh malamig, lalong sumama pakiramdam ko.

    di ko alam kung makakapasok ako mamaya...

    ReplyDelete
  24. ano na kuya?
    may sakit parin???

    tsk. di ka kasi uminom ng lots of water noh pagkatapos mong papakin ang unlimited almond chocolates tapos kinagat ka pa ng madaming langgam.. hehe. lol.

    pagaling kuya. alala na si sis dhi oh. ahehe. minsan kelangan mo ding labanan ang sakit para gumaling kagad. tubig madaming tubig. yung meds mo inumin on time ha. at pahinga. wehee. o siya. get well soon! hugs! :D

    ReplyDelete
  25. TO ALL:

    Di ko muna isa isahin ang pagsagot ng mga comments niyo... mejo mahina pa ang utak ko... at taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat... thank you po!

    Mwaaaahhhhuuuugggsss!!!!

    ReplyDelete
  26. wag kng mag-alala...malayo sa bituka yan. hehe

    pagaling ka

    ReplyDelete
  27. ano bang virus yan dumapo sayo?di naman serious?hehe baka sipon lang yan ha!

    my first time to your blog by the way!

    ReplyDelete
  28. pagaling nah kc... graveh... ingatz... Godbless!

    ReplyDelete
  29. SANA NGA SA NGYN MAGALING KANA---MATAGAL DIN NA DIME nakadalaw dito e me sakit kapala.

    pareho tayo pag di maganda pakiramdam----mas gusto ko na inaalagaan ako to the max ng aking ina-----in short. pa-importante talaga ako pag ako me sakit.keke

    ReplyDelete
  30. sanah magaling kah nah... paramdam kah... we miss yah... *hugz*.. Godbless!

    ReplyDelete
  31. WAG KAYUNG MANIWALA!
    NAGLOLOKO LANG YAN :)

    WAHAHAHA!

    MISS YOU NA!LA AKO LOAD..CENXA!

    ReplyDelete
  32. TO:

    GENYZE:
    Huy! Tigilan mo ko... may sakit na nga ako e... ayaw pa nitong maniwala.. huhuhuhu... Sige pag namatay ako.... ikaw una kong dadalawin... tignan natin kung ayaw mo pa ring maniwala!!! hmpt!

    ReplyDelete
  33. anong virus? hindi naman ebola? get well soon. napadaan lang.

    ReplyDelete
  34. uy, marco..ewAN ko kung magaling ka na pero pagaling ka pa rin.. ako din nagkasakit two weeks ago.
    pagaling pagaling!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D