Wednesday, July 11, 2012
Blank Page
Sunday, April 17, 2011
If you fall, dust it off, you can live your life

Sa buhay natin, madami tayong reklamo, madaming tanong, madaming pangyayari na hindi natin gusto, at dahil dito masasabi nating napaka-unfair ng buhay. Galit tayo sa buhay natin dahil hindi natin gusto ang mga nangyayari sa atin. 'Yong gusto natin ay hindi natin nakukuha, hindi natin makamit kahit anong pilit nating sungkitin ito. Masasabing sadyang malupit sa ating ang tadhana.

If you fall, dust it off, you can live your life
Monday, March 14, 2011
Weh, di nga?
Sabi ko na nga ba e.... grrr... nawawala ang mga ideyas ko.Sandawait.... nagbalik na pala ang ka-blogbatch kong si........... JM (joshy). Bisitahin niyo naman, kiddos ha! Namimilit kasing i-promote ko raw blog niya. Manlibre ka Joshy kapag nagkita na tayo. Applyan mo na yong sinasabi ko baka maunahan ka pa. Hahaha!
Teka, hahabulin ko muna ang ideyas..... hahahaha!
Okey! Heto na... lahat naman tayo ay may karanasan
Tama na nga.... ito na talaga!
Move on ka na kung masyado ka na talagang nasasaktan dahil sa kapareha mo. Weh, di nga? Akala mo lang naman na hindi mo kaya na mawala siya. Arte lang yan. Isipin mo nga, nabuhay ka nga noong mga panahon na wala siya e. Hmp! Kaya, itigil na ang kahibangan at MOVE ON! Okey?
Let Go! Pwede mo gawin yan... kung feeling mo na wala talagang pag-asa. O kaya ikaw lang ang nag-effort para sa relasyon o sa magiging relasyon ninyo. At lalo na kung feeling mo na ikaw lang ang nag-invest ng love sa inyong dalawa. At lalo na kung malalaman mong may third party at mas nag-e-effort siya doon kesa sa iyo. Oist! Learn to LET GO! Hindi lang siya ang lalake o babae sa mundo. Marami pa dyan. Mahahanap mo rin ang taong para sa iyo. Lahat tayo ay may kapareha. Pwera na lang kung ikaw mismo ay motivated na maging single forever. Wala na tayong magagawa dyan!
HOLD ON. Pinakamaganda at pinakamasarap sa pakiramdam. Oo naman! Kapag alam mong nag-e-effort siya sa lahat ng bagay o nagsakripisyo para sa iyo. Special ka kumbaga. Wow! Wag mo ng pakawalan! Haha! Kapag ramdam mong mahal na mahal ka niya. Naku po, tanga mo na kung bitawan mo pa! Kaya, alagaan at mahalin mo rin!
Pero kung ayaw mong mag ka LOVE LIFE........... click mo na lang ang CANCEL button.
Okey?!
Saturday, January 29, 2011
Nag-iimbak

Monday, November 22, 2010
7 years and counting...
Ngayon, masasabi kong KAYANG KAYA ko! Mas nagiging independent ako ngayon. Mas matatag. Maraming akong natutunan. Naging matured. Oo, mahirap din palang mag-isa pero sus... kayang kaya yan! Positibong pananaw lang ang kailangan para di ka hihilain ng pagiging negatibo. H'wag hayaang talunin kang ng negatibo. Laban kung laban!
Hindi man ako successful sa karera ko ngayon... pero successful naman ako in some ways. May mga bagay na AYAW pa NIYANG ibigay sa akin, mga bagay na GUSTO ko pero hindi pa dumarating....may mga bagay din gusto kong gawin pero di ko pa nagagawa... pero alam ko........darating din yon. Ibibigay MO rin yon, di ba?!
Happy Anniversary sa akin at sa kubo ko. :)
Friday, December 4, 2009
update lang...
- May mga pagkakataon talaga na hindi mo maiiwasan na mangyayari sa buhay mo. Akala mo maayos na ang lahat pero meron pa palang isang bagay na pwedeng mangyari na hindi mo talaga ini-expect. HINDI INAASAHAN. - minsan masaya at minsan naman malungkot, yon ang mga mararamdaman mo sa isang bagay o pangyayari na hindi mo inaasahan. Hays!
- Ito ngayon ang hindi ko inaasahan na mangyari, maaaring magpasko ako na wala nang trabaho. Hays! Sana nga lang mali ang mga predictions at vibes ko at ng kasama ko... pero mangyayari yata yon dahil napapabalita na e pero sana magiging SAVE ako! Nakakalungkot lang isipin dahil kung kelan living with my own na ako saka pa ito mangyari. Sana na nga mali... Tsk! Tsk! Tsk!
- Hindi lang yata mainit ang pasko ko kundi malamig, malungkot at jobless! I'm worried. Sigh!
Tuesday, November 24, 2009
quickie
Friday, November 13, 2009
Ano kasi e...
- Madalas nating sinasabi na “sana ganon din ako tulad niya…” (Referring to the ideal person), o kaya naman sana magaling din ako tulad ni Kuya/ate/tito…. Minsan kasi parang sinusukat natin ang kakayahan ng iba compare sa kakayahan natin. Kaya minsan parang frustration sa atin na hindi natin nakuha ‘yong gusto natin para sa sarili.
- Ito pa, dapat pala hindi tayo masyadong umasa sa isang bagay dahil minsan nakakasama ng loob o nasasaktan tayo kapag ang bagay na iyon ay hindi para sa atin.
- Sa relasyon naman, h’wag sukatin ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iyo kasi we have different ways of showing our love sa taong mamahalin natin. (nakalimutan ko na kung ano ang sasabihin ko…. Hehehe!)
‘Yan na lang muna nawala ang mga idea ko e… malamig kasi kaya parang na-frozen ang idea ko… Hehehe!
----------------------------------------------------------------------------------------------
It’s wonderful when the people believe in their leader; it’s more wonderful when the leader believes in the people.
John Maxwell
----------------------------------------------------------------------------------------------
Wednesday, October 28, 2009
Oy! kaw ha...
Related ito sa nakaraan kong post (yong nasa ibaba). Aaminin ko, kahit ako man, ay ang physical appearance ang unang tinitingnan sa isang tao bago ang ugali. Dahil nga syempre parang ang sarap kapag may kasama kang maganda o kaayaaya ang panlabas na anyo. Hehehe!
Pero, mali pala talaga iyon… sabi nga nila, tanggapin natin kung anong meron ang isang tao at kung ano siya. Katulad na lang sa pangungusap na nababasa natin sa itaas. Dapat hindi ang panlabas na anyo ang tinitignan natin kundi ang kagandahang ng kanyang pag-uugali kasi doon makikita ang kagandahang ng isang tao.
Sabi nga sa nabasa kong libro ni Doug Herman; Pretty isn’t always beautiful but beauty is always pretty. Ang lalim ng kahulugan kahit ako nahihirapang intindihin. Kayo na lang ang umiintindi. Hehehe!
Wednesday, October 21, 2009
Opps!
Madalas ang tinitingnan sa isang tao ay ang panlabas na anyo. Madalas ang unang tinitingnan sa isang tao ay ang ganda ng panlabas. Ngunit minsan ang panlabas na anyo ng isang tao ay mapaglinlang. Sa anyo niyang mala-anghel na mukha ay may nakatagong hindi kagandahang-asal at minsan pangit ang pag-uugali. At doon mo ito malalaman kapag kasama mo na siya o kung makilala mo na siya nang lubusan.
Pero may nagsasabihing, ang pag-uugali ay pwedeng baguhin hindi tulad nang sa panlabas na anyo. Tama yon, maaaring mabago ang pag-uugali. Pero paano kung likas na talagang masama ang pag-uugali niya?
Opinyon lang po… :)
Kung ikaw, sino ang mas pipiliin mo ayon sa sinasabi sa unang pangungusap?
Wednesday, October 14, 2009
Random Thoughts
We never expect that we sometimes fall
We may insist ourselves to keep them away in our mind
We may suppress what we really feel for them
But still we silently love them.
Though, sometimes also we maybe get hurt
Of loving this or that person
Still we cannot lie ourselves.
But to continue what we have inside our heart.
Most of the time we may take the risk
In loving this person
Because we follow the beat of our hearts
Sometimes we really get hurt of loving someone.
We get hurt because we feel the love…and that’s normal!
A lot of trouble and problem we may encounter
But as long as there’s collaboration between two people involve
Just fight for the love.
Be brave.
Don’t afraid.
Trust each other.
And have faith.
After that, relationship will be successful one!
Friday, September 11, 2009
Numerous Q (plus Panalangin para kay Maricris)

Paano kung ang mahal mo ay pinagtutulakan ka sa ibang tao? Anong mararamdaman mo? I-sakripisyo mo ba ang nararamdaman mo para tuluyang i-let go ang taong mahal mo? Paano kung siya ang HAPPINESS mo? At paano kung hindi ikaw ang HAPPINESS niya? Mahirap diba?
Bakit ganon? Paano kung…? Bakit ako pa?! Bakit sa akin lahat?!
Mga tanong na tayo lamang ang may kakayahang sumagot… mga tanong na minsan ay ang pangyayari ang siyang magpa-realize sa atin… may mga pagsubok lang talaga sa ating buhay ng parang gusto na natin i-give up dahil sa pagod na tayo.
Kasama na sa ating buhay ang mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Mga problemang darating na hindi natin ginusto o minimithi. Sino nga ba ang may gusto ng problema? Hindi ba wala sa ating ang may gusto nyan? Pero… iyan ay kasama sa ating paglalakbay o yong tinatawag nating JOURNEY OF LIFE.
Minsan pa nga ay tinatanong na natin Siya dahil sa mga pagsubok na binibigay niya sa atin. Minsan kasi naikukumpara natin ang sarili sa ibang taong nakakapit kay SWERTE. Bakit nga ba ganon? Hindi ko rin kayang sagutin ang tanong na yan.
Dahil Siya lang ang nakakaalam ng lahat! Manalangin na lamang at humingi na gabay sa Kanya...
"Walk so close to God that you leave no room for the devil. - Larry Bird"
Saturday, September 5, 2009
Just a thought
People in our life maybe just come and go; some of them leave memorable moments in our life that we may never forget.
Some may hurt us but we learned.
Some may teach us a good lesson.
Some will accept you as who you are and what you are.
Some will love you in their own way. They might not showy of loving but be assure that you are in their hearts no matter happen.
Some may not understand us but still they are in your side, always!
Some will make us happy.
Some will make us smile in their simple jokes.
Some will make us laugh.
But above all, let us be grateful to people who make us happy; they are the charming gardeners who make our souls blossom.
Thursday, August 27, 2009
Are you IN?

Hindi naman sa nanlalait ako dahil ako rin naman ay hindi magaling pagdating sa fashion. Basta kung saan ako comfortable sa isusuot kong damit, yon ang susuotin ko!
Dapat ang unang isipin natin bago bumili ng mga damit ay kung babagay ba sa atin. Hindi yong basta basta na lang bibilhin at isusuot. Dahil maaaring maging katawa-tawa tayo sa mata ng ibang tao.
Pero, syempre wala tayong magagawa kung talagang yon ang gusto at isusuot ng iba!
Tuesday, August 25, 2009
Gaano kahalaga....
Minsan may mga bagay tayong gusto balikan pero hindi na ito pwedeng balikan. Nakakapanghinayang man sapagkat hindi natin nagawa ang mga bagay na magpapasaya sa atin. Pero sabi nga, hindi na nating maibabalik ang mga nakaraan at ito’y mananatiling alaala na lamang.
Sa ngayon, kailangan lamang ay bigyan halaga ang bawat araw ng ating buhay… bigyang halaga ang mga bawat tao na kumakatok sa ating pintuan at tanggapin ang taong gustong magbahagi ng magagandang alaala sa buhay natin. Ito’y pahahalagahan upang hindi natin pagsisihan o panghihinayangan pagdating ng araw.
At i-appreciate ang bawat nagawa ng mga tao na siyang sanhi ng pag ngiti natin. Sabihin kung anuman ang ating nararamdaman sa kanya o kung gaano nating siya o sila kahalaga sa atin.
Friday, August 21, 2009
Possible/Impossible
Tayo lamang ang nagsasabing imposibleng mangyari ang isang bagay sapagkat nakatatak sa utak natin na ito ay hindi mangyayari o malabong mangyari.
Nauunahan kasi tayo ng takot o kaya panghihina para makuha ang isang bagay na gusto natin. Subalit kung tayo lamang ay magiging positibo maaaring ang lahat ay posibleng mangyari. At kailangan lamang ang determinasyon para makamit natin ito.
--------------------------------------------------------------------------------
With men it is impossible; but God all things are possible – Matthew 19:26
--------------------------------------------------------------------------------
Para kay Lord lahat ay posibleng mangyari! Magtiwala lamang at sabayan ng pagkilos upang ang minimithi ay makamit.
Tuesday, August 18, 2009
Samo't saring pananaw
Knowing the right decision is usually easy.
Making the right decision is hard.
- John C. Maxwell
Napakadaling magbigay ng payo sa ibang tao pero pagdating sa sarili natin parang ang hirap i-apply. Napakadaling magdesisyon para sa iba pero desisyon natin ay tila ang hirap gawin.
Parang pangarap lang din ‘yan, masarap mangarap pero kung ang hirap tuparin. Dadaan ka muna sa butas ng karayom para makuha mo ang isang bagay na iyong minimithi.
Nakakapagod minsan mangarap kung lagi kang nababalutan ng mga negatibong pananaw. Tila ang hirap tuparin ang isang bagay kung sa isip mo ay hindi mo kaya.
'Yan na lang muna. Magandang tanghali kablogs!
Tuesday, May 19, 2009
Anong reaksyon mo?
Very touching story…
Si Darwin ay isang 6 years old na batang bunga ng rape. Dahil dito lagi siyang sinasaktan ng Nanay niya physically and emotionally.
Isang araw naisip ng Nanay niya na ito na siguro ang araw para mahalin naman niya ang kanyang anak. Pagpasok niya sa kwarto ni Darwin nakita niya na nakabigti ito at nag-iwan ng isang note:
“Mama, dib a sabi mo ikaw na ang magiging pinakamasayang tao sa mundo kapag namatay ako. Kaya ito po regalo ko sayo ngayong birthday mo. Happy Birthday Mama… I love you.”
Ito lang ang masasabi ko, napakasama niyang ina bakit niya dinadamay sa galit ang anak niya na walang kasalanan sa nangyari sa buhay niya.
Ikaw, ano ang reaksyon mo?
Thursday, April 23, 2009
Paano Kung...?
Suportahan natin ang lahat ng mga blogero't blogera na kalahok sa PEBA o Pinoy Expats Blog Award.

Pero minsan naguguluhan tayo sa mga plano natin kung paano natin ito sisimulan at kung alin ang uunahin natin. Ito ay minsan na nagpapalito sa ating isipan. At may mga pangarap tayo na hindi natin naabot na siyang nagpapabigo sa atin. Mga pangarap na siyang magpapasaya sa atin ayon sa ating isipan pero pakiramdam natin ay pinagkait sa atin ng tadhana.
Paano kung ikaw ay hindi na masaya sa iyong ginagawa o kaya sa trabaho? Ano kaya ang gagawin mo? Mananatili ka ba dito dahil wala kang choice? o Hahanapin mo ang bagay na magpapasaya sayo?
Ayon sa previous entry ko : "Don't try to accomplish everything at once...life can be difficult enough...Without adding frustration to the listDo travel one step at a time...and reach for one goal at a time.That's the way to find out what real accomplishment is."
Sa aking pagkakaintindi, hindi natin kailangan gawin ang lahat ng bagay na gusto natin sa isang araw lamang. Sapagkat sa pagmamadali natin maaaring tayo ay magkamali sa mga desisyon na ating gagawin. Kumbaga, dahan dahanin natin ito... may oras pa naman para sa ibang pangarap at ibang plano. Hindi kailangan na pagsabay-sabayin ang mga ito dahil sa aking palagay ito ang nagpapalito sa atin at nagbibigay frustration sa ating buhay.
Minsan naman natatakot na tayong subukan ang ibang bagay na gusto natin dahil natatakot tayong mabigo. Totoo di ba? Pero sabi nga nila, hindi ka magiging matatag o magtagumpay kung hindi mo pagdadaanan ang pagkabigo at ang paghihirap. Hirap muna bago sarap... yon yon eh!
Saturday, March 21, 2009
Marco: Opinyon!

Walang iwanan sa bayan ni Juan, ito ang madalas sinasabi ng mga kababayan nating Pinoy. Pero ngayon, bakit halos lahat ng ating mga kababayan ay nag-alisan na sa bayan kinalakihan? Isang pagbabago ang nangyayari sa ating mga kababayan pakiwari ko’y dahil sa pagbabago ng pagpapatakbo ng sistema ng ating bansa. Sistemang hindi makatarungan ayon sa ating mga kababayan. Tulad na lang ng pagtaas ng bilihin sa market. Pagtaas ng singil ng kuryente, pagtaas ng presyo ng gasoline at kung anu ano pa… buti na lang ngayon medyo bumaba ng konti ang mga pamilihin at iba pa. Pero ganon pa rin… minsan tumaas at minsan naman nagrorollback. Nakakaloko ang mga negosyante… grabe!
Suliranin na hindi magawan ng paraan ng mga kinauukulan. Ano nga ba ang dapat gawin? Paanong hindi iiwan ang bayan kung ang sistema ay hindi kaayaaya sa mata ng mga mamamayan? Tulad ngayon, malayo pa ang eleksyon pero ang iba nating mga nasa itaas tila abala na sa pagpapabango para mapansin ng sambayanang Pilipino. Kung anu ano nang paraan ang ginagawa nila para lamang mapansin. At ang iba’y tila pinag-uusapan na kung sino ang tatakbo bilang bagong manglilikod. Haaayyy… ganito na lang ba palagi!
Wala namang gustong iiwan ang bayan na kung saan dito tayo lumaki at namulat pero sa sistema ng pagpapatakbo nito. Maraming dahilan kung bakit lilisanin ang bayan kinagisnan. Isakripisyo ang lahat ng maiiwan.
Talagang ang ibang kababayan natin ay nagpupursige na makaalis sa sariling bayan upang maiahon sa hirap ang kani-kanilang pamilya. Para sa kanila, ito lamang ang paraan upang matustusan ang pamilya na naiiwan dahil kung hindi pare-parehong maghihirap at walang makakain ang bawat isa.
Pero sa panahon ngayon, paano na ang mga pangarap ng ating mga kababayan kung halos buong mundo ang hinaharap ang tinawag nating pandaigdigan krisis ekonomiya?
Matupad pa kaya nila ang mga minimithi nilang pag-unlad kung halos lahat ng mga kompanya ay nagsasara at nagbabawas ng mga manggagawa. At ang iba pa nating kababayan na nasa ibang bansa ay pinapauwi na dahil nagbabawas na nang mga tauhan ang kompanyang pinagtatrabuhuan nila. Paano na ang umaasa sa kanila?
Alam naman natin na mahirap mawalay sa ating mga minamahal sa buhay pero kailangang magsakripisyo alang-alang sa kinabukasan ng lahat. Pero dahil sa krisis ekonomiya, paano na ang mga pangarap? Makakaahon pa ba? Makakaraos pa ba?