Showing posts with label kuru-kuro. Show all posts
Showing posts with label kuru-kuro. Show all posts

Sunday, April 17, 2011

If you fall, dust it off, you can live your life


Sa buhay natin, madami tayong reklamo, madaming tanong, madaming pangyayari na hindi natin gusto, at dahil dito masasabi nating napaka-unfair ng buhay. Galit tayo sa buhay natin dahil hindi natin gusto ang mga nangyayari sa atin. 'Yong gusto natin ay hindi natin nakukuha, hindi natin makamit kahit anong pilit nating sungkitin ito. Masasabing sadyang malupit sa ating ang tadhana.


Yong iba, dahil sa hindi na nakayanan ang mga pangyayari sa buhay ay siya na mismo ang nagwakas ng buhay niya. Oo! Minsan, panghihinaan na tayo ng loob. Minsan, dahil sa pagod na tayo ay magagawa na nating ang hindi naman tama. 

Pero alam mo ba? O naisip mo ba? Ang mga taong nakikipaglaban sa kanilang sakit? Ang mga taong ito ay gusto pang mabuhay at marami pang gustong gawin sa kanilang buhay. Ang mga taong ito ay may ngiting nakikipaglaban sa kani-kanilang sakit. Ang mga taong ito ay hindi nawawalan ng pag-asa. Ang mga taong ito ay nagpakatatag dahil gusto pa nilang masilayan ang mundo habang tumatanda sila.

Samantalang, tayo ay may pagkakataon pang tuparin o gawin ang mga bagay ng gusto natin. Sabi nga, habang may buhay may pag-asa. Kaya, may pag-asa ka pang tuparin ang mga mithiin mo sa buhay. May pagkakataon ka pang gawin ang mga gusto mong gawin na siyang magpapasaya sa iyo. 

If the mind keeps thinking you’ve had enough
But the heart keeps telling you don’t give up
Who are we to be questioning, wondering what is what, don’t give up
Through it all, just stand up

videokeman mp3
Just Stand Up – Beyonce, Rihanna, Mariah Carey Song Lyrics

You don’t gotta be a prisoner in your mind
If you fall, dust it off, you can live your life


PS. 
Ang kantang ito ay kinanta ng mga batikang mang aawit. Ang kantang ito ay inaalay sa mga taong may sakit. 
Ang post na ito ay bahagi sa Lenten Season. Nawa'y makapag muni-muni kayo ng maigi at magpasalamat sa lahat ng bagay na ipinagkaloob sa inyo ng MAYKAPAL.
This post is also dedicated to the author of this blog. 

Monday, March 14, 2011

Weh, di nga?

Hey, kiddo! Kamusta naman? Medyo busy ng konti kaya ngayon lang nakapag-update. Weh, di nga? Tinatamad ka lang e. Well, okey. Sabihin na nating tinatamad ako. Hahaha! :)

Wala akong masyadong ideya kung ano pag-uusapan natin ngayon pero since nababasa ko ang mga blog post ng iba about love. Kaya, hihirit na lang ang inyong lingkod. Ito po lamang ay opinyon ni Empoy mula sa kanyang malawak kaisipan. Bwahaha! Dapat wala ng intro ang mga post ko kasi minsan..... nawawala ang mga dapat sabihin. Tsk!

galing sa net... nakalimutan ko lang kung anong site. lol!

Sabi ko na nga ba e.... grrr... nawawala ang mga ideyas ko.Sandawait.... nagbalik na pala ang ka-blogbatch kong si........... JM (joshy). Bisitahin niyo naman, kiddos ha! Namimilit kasing i-promote ko raw blog niya. Manlibre ka Joshy kapag nagkita na tayo. Applyan mo na yong sinasabi ko baka maunahan ka pa. Hahaha!

Teka, hahabulin ko muna ang ideyas..... hahahaha!















Okey! Heto na... lahat naman tayo ay may karanasan sa sex ng umibig, magmahal at kung anu pang tawag dyan basta't involve ang puson puso. Masaya. Masarap (uy! anu yan?! LOL). At madalas ay nasasaktan sa bandang huli. May nagpaka-martir. Nagtanga-tangahan. Nagbaliw-baliwan ng dahil sa pag-ibig. Ng dahil sa pag-ibig, sunod sunuran ka na. Naks!

Tama na nga.... ito na talaga!

Move on ka na kung masyado ka na talagang nasasaktan dahil sa kapareha mo. Weh, di nga? Akala mo lang naman na hindi mo kaya na mawala siya. Arte lang yan. Isipin mo nga, nabuhay ka nga noong mga panahon na wala siya e. Hmp! Kaya, itigil na ang kahibangan at MOVE ON! Okey?

Let Go! Pwede mo gawin yan... kung feeling mo na wala talagang pag-asa. O kaya ikaw lang ang nag-effort para sa relasyon o sa magiging relasyon ninyo. At lalo na kung feeling mo na ikaw lang ang nag-invest ng love sa inyong dalawa. At lalo na kung malalaman mong may third party at mas nag-e-effort siya doon kesa sa iyo. Oist! Learn to LET GO! Hindi lang siya ang lalake o babae sa mundo. Marami pa dyan. Mahahanap mo rin ang taong para sa iyo. Lahat tayo ay may kapareha. Pwera na lang kung ikaw mismo ay motivated na maging single forever. Wala na tayong magagawa dyan!

HOLD ON. Pinakamaganda at pinakamasarap sa pakiramdam. Oo naman! Kapag alam mong nag-e-effort siya sa lahat ng bagay o nagsakripisyo para sa iyo. Special ka kumbaga. Wow! Wag mo ng pakawalan! Haha! Kapag ramdam mong mahal na mahal ka niya. Naku po, tanga mo na kung bitawan mo pa! Kaya, alagaan at mahalin mo rin!

Pero kung ayaw mong mag ka LOVE LIFE........... click mo na lang ang CANCEL button.

Okey?!

Friday, September 10, 2010

Sa isang hotel...

Sa isang hotel:

Guard: Sir, magchecheck-m kayo?
Empi: Hindi! mag oobserve lang... adik ka ba? ano bang gagawin dito sa hotel e di mag checheck-in di ba?
Guard: Ay! Sir, pasensya na po... bawal po kayo dito?
Empi (nairita ng konti): Ha? At bakit bawal? customer ako! kailan pinagbabawal ang customer sa hotel na ito?
Guard: Sir, pakibasa na lang po... (sabay turo sa nagkapost sa may pinto)

NO ID. NO SEX!

(Empi natameme)

Noong nakaraang araw, sumakay ako ng tricycle mula sa aking kubo patungo sa aking pinagkukunang-yaman. Haha! Dahil mapagmasid ang malilikot kong mga mata... ayon! nakita ang NO ID. NO SEX! Akalain mo yon... may ganun pala? At dahil na dyan... lumalawak ang aking isipan at nagawang bigyan ng istorya ang nasabing motto. Makakuha na nga ng ID. hahaha!