Saturday, January 29, 2011

Nag-iimbak


Ayokong gumawa ng intro... dahil wala akong maisip na iintro. Haha! Sabihin ko na lang derecho kung anu ang nasa isip o sa utak ko ngayon. Baka kasi maglakwatsa na naman matagalan pa bago bumalik. Sino? Si utak MPoy ang tinutukoy ko. Nitong nagdaang araw parang tila wala yata akong gana mag post. Haha! Dahil wala na ring maisip na ipost,sus, di rin, tinatamad lang! Yon lang yon... nagdahilan pa e.

Nakakainggit 'yong ibang blogger na gumagawa ng series. Kayo na ang Fiction Writer! Naiinggit ako, inggitero mode na naman ako. Haha! Gusto ko ring gumawa ng ganun. Pero pag gumawa naman ako, parang nakokornihan ako sa sinusulat ko. Hahaha! Kaya, sulat + delete madalas ang ginagawa ko na ang resulta ay................. WALA ni isang natapos. Pero try ko ulit. :)

Andito lang pala ako sa kubo ngayon, hahaha! May text nga sakin kung nasa opisina raw ba ako. Sabi ko, nasa kubo lang ako. HIMALA daw at hindi ako pumasok. Nagreply siya, at napahagalpak ako ng tawa sa banat niya.

Totoo ba... kapag sa unang araw ng taon ay tinatamad ka... tatamarin ka na buong taon? Naku, wag naman sana kasi buong ENERO na akong nakaramdam ng sakit na ito. Anong sakit? KATAM diseases. Hahaha! Kayo na ang masipag!

Ang daming pumapasok sa utak MPoy ngayon ah... pero saka na lang ishare yong iba. Kasi gusto ko, sa next post ko na lang ishare.

Malapit na akong kumuta sa EB... kaladkarin talaga oo! Tsk! Hahaha. Pero enjoy naman pala ang EB... Di ba? May mga ma-meet kang iba't ibang tao (syempre alangan naman iba't ibang hayup, parang tanga lang ng pangungusap ko. tsk!), iba't ibag karakter, iba't ibang anyo (yoko sabihin ang exact word hehehe), ugali. May maingay, may tahimik at may tama lang. Lol!

Pero alam mo ba (parang trivia lang sa MRT ah), di bago sa akin ang unang impression ng mga una kong nakilala kahit noon man ay ganun din ang impression nila kay MPoy. SUPLADO. Oo, suplado si MPoy. Masungit. Tahimik. Mayabang ang dating, sabi ng iba. Kaya malamang, maiilang ka sa akin. Pero naku, wag kang maiilang. Hehehe! Kung uunahan mo kong kulitin, makipagkulitan din ako. Kung balahurain mo ko, balahurain din kita. Kung kakausapin mo ko, kakausapin din kita.

One time kasi noong may pinansin ako, e hindi ako pinansin... na-disappoint ako. Kaya, ayon.... simula noon di na ako mamamansin. Kung di mo ko papansinin, siguradong hindi rin kita papansinin. Kung papansinin mo ko, SMILE at papansinin din kita. *kindat*



Tama na yan muna.... mag meryienda muna tayo...Kain!!!

mga naimbak :D

37 comments:

  1. parang tanga lang!
    hahahahahahahahahahahahahahaha

    iba't-ibang anyo? anung anyo? tae lang. hahaha

    susulatan kita.. donchaworry! lol
    \gano kahaba gusto mo? (na sulat ha hahaha)

    ReplyDelete
  2. hinahanap ko ung nag iimbak, putek!nasa dulo pala at walang konek sa napakahaba mong sinabi lolzz

    ikaw na! ikaw na ang kaladkarin! :D

    ReplyDelete
  3. EEEE! ikaw na talaga ang may potato fries! *roll eyes*

    kakainis kau sa EB EB na yan! tseh! hmp! pictures!


    rainbow box

    ReplyDelete
  4. base!

    natawa ako suplado thing.

    bwahaha! tamads k nmn tlga :)

    ReplyDelete
  5. suplado ang dating heheheh.. at may cudbarry.. yepeee.. tsalap...

    ReplyDelete
  6. anu nga ba ang koneksyon ng title sa post mo...hahahaha yung litrato lang pala...hehehehe aparng adik lang tol!

    ReplyDelete
  7. suplado ! hehehehe. tahimik ka nga nung una eh

    ReplyDelete
  8. haha.. natawa naman ako.. sakto.. di ko talaga alam tumawa kaninang kanina lang dahil sa exam na alam kong babagsak ako..buti napadaan ako dito at natawa dahil sa post na to.. akin na lang yung cadburry..:)

    ReplyDelete
  9. usually naman pedeng magbago ang first impression eh. :D

    lahat naman ata may ganyang factor na kailangang may kumausap muna bago makipag-usap pabalik.

    ReplyDelete
  10. @ YANAH: Oo nga e... parang ikaw lang. haha!

    mga 5 pages. kaya mo? lols

    @ CM: oo na! ako na. ako na. hahaha!

    @ ROSE: Ate pretty, bkit wala ka sa mga EB EB na yan? Hahaha... Ikaw na ang maiinggit. Haha!

    ReplyDelete
  11. @ BHING: Sorry, hindi ikaw ang base. Hahaha! bilis bilisan mo kasi sa susunod. Hahaha!

    @ ISTAMBAY: tsalap. bili ka. hehehe!

    @ MOKS: Par, hindi lang parang adik. sabihin mo ng adik. hehehe!

    ReplyDelete
  12. @ ARVIN: oo na. hehehe

    @ renz: hehehe... yoko nga mamigay no. joke!

    ReplyDelete
  13. @ SENDO: Weh? Di nga? Hehehe!

    @ KHANTO: sabagay, pwede talagang magbago yon. :)

    ReplyDelete
  14. karapat dapat ka talgang manalo sa lafangga king of the year,,hahahahha

    ReplyDelete
  15. ang ligalig mo haha...enge n lng nyang naimbak mo hehehe...

    ReplyDelete
  16. ikaw na ikaw na ang… ano nga ulit yun, nalimutan ko, mamaya na lang ulit nyahahaha…

    ReplyDelete
  17. kaya pala lumalapad ka empi, marami kang nakaimbak... mamigay ka naman! siguro mga dala nila yan pag nag-EEB kayo...hahah, joke!

    ingat!

    ReplyDelete
  18. sarap naman niyan oishi.parang ako lang sa pagsusulat kaya kung ano ang maisip go.kahit ang gulo. at least alam ko. ang mahalaga meron akong mga bagong kilala sa mundong ito na one click apart lang.

    ReplyDelete
  19. sulat lang ng sulat.
    aabangan ko yan!

    oo!
    kayo na ang sikat!
    kayo na ang madaming nameet ng ibang mga blogger!
    kayo na ang...(anu pa ba?)
    hehehe

    ReplyDelete
  20. ano pa ang essence ng pagiging lamon king kung konti lang ang naimbak hihihihi...

    nice to meet you empi!!!! isa ako sa mga nagsabing suplado ka.. pero tama si yanah lakas din ang topak mo hehehehe...

    god bless empi!

    ReplyDelete
  21. imbak imbak para kang basurerow lols

    ReplyDelete
  22. @kosa musta na parekoy lols ngangamusta lang at ditow pko nakichika sa page ni marcong suplado!! lols

    ReplyDelete
  23. Naku, pareho tayo parekoy.

    Ako naman hindi nagsasalita at hindi rin namamansin. Kaya akala nila napakatahimik kong tao. Iniiwasan ko lang namang madedma. Naransan ko na rin yang nag-greet ako tapos parang wala lang silang narinig.

    Nakakanis lang kapag ganun.

    ReplyDelete
  24. bakit walang toblerone, dba peborit mo un

    ReplyDelete
  25. Naiinggit ako sa EB.. lol... pero wala sawsaw lang... baka makisawsaw lang ako pag umattend ako.. hahha... ang random nito.. hindi ko alam bakit nauwi sa meryenda usapan.. heheh dame na nga gumagawa ng fiction kahit ako naiinggit.. hmmm

    ReplyDelete
  26. @ JAY: Oo na, ako na! :D

    @ CHEENEE: hehehe... nahiya naman ako. :)

    @ JAG: Haha. sige!

    ReplyDelete
  27. @ KIKO: nakalimutan ko... hehehe

    @ RHYCKZ: lumalapad talaga. bwahaha. grabe ka. haha

    @ DIAMOND R: Oo nga kuya... apir! Hhehehe

    ReplyDelete
  28. @ KOSA: Parekoy, musta? :) Tagal mong nawala ah. :D

    @ POLDO: Oo na. ako na ang lamon king. hehe... ako na rin ang suplado. nice meeting u too. :D

    ReplyDelete
  29. @ AMOR: Yon oh...umaatake na naman ang pang uukray mo. lol

    @ ISMHAEL: Oo nga e. Nakaka-disappoint din. :)

    @ JIN: Ubos na kasi... hehehe

    @ KAMILA: Gawa ka rin ng fiction. hehe

    ReplyDelete
  30. sulat lang ng sulat. magkakaroon din ng form yan.

    *smile* o ayan papansinin mo siguro ako pag nagkataon haha!

    ReplyDelete
  31. @ SEAN: Hahaha... salamat sa pagbisita. SMILE. :)

    ReplyDelete
  32. Naku. pahingi naman ng naimbak mo. haha

    Tama nga naman. Smile lang pag pinansin. Ako nga minsan eh may pinansin ako, tapos nag-smile ako pero dinedma ako. Kung kaya't ang ginawa ko ay napatingin nalang ako sa cellphone, kunwa'y natatawa sa text na natanggap kahit wala naman. haha

    ReplyDelete
  33. @ KRIS: Hahaha. nangyari din sakin yan. napahiya ako noon.

    ReplyDelete
  34. Huwag ka kasing magsasama kay Yanah, kokota ka agad sa EB. Kahit naman ilang beses na kitang nakita, sasabihin ko pa ding SUPLADO ka. OO, CAPS LOCK TALAGA ANG SUPLADO. =)

    ReplyDelete
  35. @ SALBE: Okey, thank you! Hahaha! Di ka naman galit nyan? :D

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D