Friday, November 28, 2008

POEM

Hear my Heart

Here I am in the dark room
Just me and myself
No one could help me
For what I’m feeling now
Talking to myself and figure out what happen
The feeling that I could not resist
Why all the hurt I feel inside?
I’m trying so hard to make things good
To make things clear
Hear my heart
Crying in the dark room
Feeling so bad
It’s so much hurt inside
Begging you to stay with me
Begging you for more moments with you
I love you with all my heart
So please, please stay with me….

Wednesday, November 26, 2008

Sapagkat Malayo Ka

Malamig na ang simoy ng hangin pagsapit ng madaling araw, mararamdaman na ang lamig ng hangin na dumadampi sa ating balat. Sa umaga, maririnig natin ang mga kanta na nagpapaantig sa ating mga puso lalo na kapag tayo’y malayo sa ating mga minamahal. Ito lamang ay nangangahulugan na ang kapaskuhan ay papalapit na.

Ngunit, paano nga ba natin ipagdiriwang ang Pasko? Hindi ba’t pagkatapos ng ika-1 ng Nobyembre, ang ibang tahanan ay may kanya-kanya ng sabit na mga malalaking parol na siyang simbolo ng Pasko at itatayo ang mga naglalakihang “Christmas Tree” at mga ilaw na siyang nagbibigay liwanag o buhay sa mga ito. May mga naghahanda na para sa noche Buena. Ang iba nama’y inumpisan ng mamili para pang-regalo sa mga inaanak at sa mga mahal nila sa buhay at syempre hindi mawawala sa atin ang simbang gabi. Ganito natin ipagdiriwang ang Pasko.

Ano nga ba ang kahulugan ng PASKO? Ito ay simbolo at respeto ng kapanganakan ni Jesus. Marami sa atin ang nagsasabi na ang kahulugan ng Pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin, pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa atin. Pero sa Pasko lang ba natin ito gagawin? Hindi ba natin pwedeng gawin ito araw araw?

Sinasabing pasko naman kaya dapat magpatawad, dapat magbigayan, dapat magmahalan, at dapat magkakaisa ang bawat pamilya at gawing masaya ang araw ng Pasko. Pero pagkatapos nito’y ganon pa rin ang mga pag-uugali at ganon pa rin ang treatment ng bawat isa. Nasaan na yong sinasabi nating pagmamahalan, pagbibigayan at iba? Pwede naman natin itong ipagpatuloy kahit hindi Pasko, di ba? Kahit hindi Pasko dapat magmahalan tayo, magkaisa, magbigayan, magtulungan tayo at kahit hindi Pasko gawin nating malinis ang ating puso.

Sa Pasko, madalas natin mararamdaman ang pangungulila sa ating pamilya, kapatid, kaibigan at sa mga taong nagpapasaya sa atin lalo na kapag nasa malayo tayong lugar. Isa na rito ang mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa, ramdam nila ang lungkot sa kanila mga puso sapagkat hindi nila makakapiling ang mga taong malapit sa kanilang mga puso. At yong iba naman kahit sa araw ng Pasko, nagtatrabaho pa rin para sa kanilang pamilya at para maibigay ang kanilang pangangailangan. Sabi nga ng karamihan, hindi daw nila maramdaman ang pasko dahil nasa ibang bansa sila. May mga bansa kasing hindi nagdidiriwang sa ganitong kasiyahan o pagdiriwang.

Para sa mga bata, na-appreciate nila ang pasko lalo na kapag bibigyan mo sila na kahit maliit na aguinaldo tuwang-tuwa na sila. Pero sa mga taong malayo sa kanilang pamilya tiyak pagkalumbay ang kanila nararamdaman sapagkat nasa malayong lugar sila upang makipagsapalaran dahil sa hirap ng buhay dito sa ating bansa.

Para sa ating lahat, Maligayang Pasko at nawa’y patnubayan tayo ng ating Panginoon.

Tuesday, November 25, 2008

Photography

Wala lang akong magawa kaya ito kung anu ano na lang ang pini-picturan...sobrang badtrip lang ako dahil na misplace ko ang kakambal ko (cellphone!). Oo, kakambal ko na sa buhay ang phone ko. hahaha... Kapag nawala yon parang nanghihina ang mundong ginagalawan ko. Walang contact sa family ko, kaibigan at kung sinu sino pa... Ahmm pero pwede na rin siguro para di ako madisturbo ni Boss, patay ako nito... hahaha...di pwede!!! di talaga ako mapakali... toottttt!!!! Nasan ka na aking mahal (cellphone!)?



Saturday, November 22, 2008

YOU

Your Smile
One of the reasons
Why I’m falling for you?
It is because of your sweet smile
Smile that really attract me,
Smile that serves as my inspiration,
And smile that comes from the one I loved.
YOU
You are my inspiration
You are my thoughts
You are my life.
Only you can replace my worry hearts
Only you can replace my doubtful minds.
You are my only one.
***Sinulat ko tong tulang ito noong ako'y nasa High School pa lamang at hindi ko inaakala na naitago ko pala ito. Nakasulat siya sa isang papel at naipit sa aking mga papeles... kaya ito gusto ko lang i-share. ;)

Thursday, November 20, 2008

So Blessed...



We have to enjoy the gift of life and learn to be contented with what we have while working towards what we want. A problem is part of life and is a test. We should be strong and learn how we can answer it or solve it.

“Life is a series of pulls back and forth. You want to do one thing, but you are bound to do something else. Something hurts you, yet you know it shouldn’t. You take certain things for granted, even when you know you should never take anything for granted”. – Morrie Schwartz

Tuesday, November 18, 2008

They will just Come and Go

A lot of people will come into your life unexpectedly. Some may have a mission to ruin your life. Some may bring you happiness and unforgettable memories and these people are what we call Friends. A friend is a person whom you know well and regards with affection and trust. A friend is someone who listens, someone who tells you the truth about you and someone who appreciates you.

We have good friends and bad friends; some may turn you into a better person and some may influence you into doing bad things, thus make your life miserable. Others might hurt you and rip your heart into pieces and make you cry while others might do well and make your life worth living. Worthwhile true friends are always there in good and bad times. These are the ones whom you can really rely on to celebrate a special moment with you.

Friendship is a kind of relationship that involves mutual knowledge, affection and respect for each other. Their tastes are usually similar and they share activities that they both enjoy.

There are lots of people around who you think are friends but the truth they are NOT! They will just come and go into your life and make you laugh and cry after they’re all gone. For me, the importance in friendship is LOVE and TRUST; love each other for who they are. It doesn’t matter what a person looks like or what kind of clothes or style they wear, but it’s what on the inside that really counts. You have to trust the people you loved.

Lastly, the most important in friendship is listening to each other’s point of view and listening what they feel inside, and understanding what they say. By then, they’ll appreciate having someone who truly cares about what they feel.

Wednesday, November 12, 2008

Hindi Bawal ang Tumawa

Tama muna ang emo post... baka magsawa ang mga readers natin... kaya naisip kong ibahagi sa inyo ang kwento (ulit) ng paghihiganti...pero sa tingin ko hindi lahat ng paghihiganti ay nakakabuti... kaya laging tandaan, masama din ang pahihiganti.

Isang gabi, naglalakad ang isang lalaki sa may tulay nang may makita siyang babaeng nasa taas ng gilid nito at magtatangkang magpatiwakal.

"Huwag," sigaw ng lalaki. At sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang babae at siya'y bumaba.

Lalaki: Ano bang problema mo't naisipan mong gawin yan.


Babae: Kasi, iniwan ako ng boypren ko't sumama sa ibang babae.

Lalaki: Miss, ganyan din ang problema ko pero di ko inisip na magpakamatay.

Babae: So, anong gagawin natin?

Nag-isip sandali ang lalaki at sinabi...

Lalaki: Kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.

Babae: Paanong paghihiganti?

Lalaki: Alam mo na ang ibig kong sabihin... (sabay kindat sa babae na nakuha naman ni babae ang ipinahiwatig na yon).

Maya maya'y nasa isang kuwarto na sila ng motel at nangyari na nga ang di dapat mangyari. Nang makaraos si lalaki, nagsindi siya ng yosi.

Nang halos filter na lang ay biglang nagsabi si babae ng "Maghiganti uli tayo".

Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya ang request ni babae.

Nang makaraos uli, nagsindi uli si lalaki ng yosi. Nasa kalahati pa lang ang yosi.

Babae: Maghiganti uli tayo.

Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hilig, muling pinagbigyan niya si babae.

Muling nakaraos ang dalawa. Nagsindi uli si lalaki ng yosi.! Unang hitit pa lang niya ay

Babae: Ganti uli tayo.

Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng babae.

Pagkatapos kumuha siya ng yosi. Sisindihan pa lang nang biglang...

Babae: Ganti uli tayo.
Lalaki: 'TANGNA NAMAN! PATAWARIN NA NATIN SILA!!!!

Monday, November 10, 2008

Simbahan: Bagong Tambayan?

Nitong mga nagdaan araw, ako’y puno ng dalamhati o pighati sa kaibutaran ng aking puso. Sa aking pakiwari ay tila hindi na yata matatapos ang mga suliranin na dumating sa buhay ko. May mga suliranin na pakiramdam ko’y hindi ko na malulunasan. Mga suliranin na siyang sanhi ng kalungkutan at pagkabigo. Na minsan ay nakalimutan ng ngumiti.

Oo, alam kong lahat ng problema ay may sulosyon. Pero minsan naiisip ko na parang wala ng katapusan ang problema sa ating buhay o kaya wala na bang sulosyon ang mga ito. Pero mali pala… Oo mali ako sa aking mga kuru-kuro!

Dahil sa sobrang lungkot ko naisip kong tumungga ng isa… dalawa…tatlo… o apat na kahon na serbesa para kahit sa isang saglit man lang ay mawala ang aking nararamdaman at para maging manhid man lang pansamantala. Pero iniisip ko rin ang idudulot nito kinabukasan (HANGOVER? Waaahhhh ayokooo nyan….). At syempre noong nabasa ko ang KWENTO NI RIKARDO (previous post). Bigla akong natakot baka matulad ako ni Rikardo… Hahaha!
Sa takot ko, naisip ko na lang na tumambay o magpunta sa isang lugar na pwede akong mag-isip at magninilay-nilay. Baka inisip niyo na sa bundok ako nagpunta…Hindi! Nagpunta ako sa simbahan pagkatapos ng aking trabaho at bago ako umuwi ng bahay. At doon kinausap Siya ng buong puso. Nagkwento sa mga nangyayari. Humiling na sana’y maayos na ang lahat. Humingi rin ng kapatawaran sa mga kamaliang nagawa. Habang ako’y nakikipag-usap sa kanya. Unti-unti kong naramdaman ang kaluwagan sa aking puso. Na para bang nawala lahat ang naramdaman kong pighati. Na parang binigyan Niya ako ng pag-asa na maayos din ang lahat. Ilang minuto din akong nakaupo at nakaharap sa altar habang kinausap ko Siya ng masinsinan. Bago ko tinapos ang pag-uusap naming dalawa, ako’y nagpapasalamat sa Kanyang kabutihan at ako’y nagpaalam na rin at umuwi na aking tinutuluyan.

Kinabukasan, kahit medyo hindi pa rin ako mapakali sa aking
nararamdaman. Pero alam ko andyan lang Siya handang tumulong sa mga taong nangangailangan. Nakalipas ang ilang oras……..naging maayos din ang mga bagay bagay na siyang nagdudulot ng kalungkutan ko. At doon ko napagtanto na “God is really good.”

Lahat ng suliranin na dumating sa ating buhay ay pagsubok lamang at ito’y may sulosyon. Basta h’wag tayo makalimot sa Kanya. At napagtanto ko rin na kahit minsan ay nakalimot tayo sa Kanya pero handa pa rin Siyang makinig at magbigay ng tulong sa atin. Noong naisip ko yon, nakaramdam ako ng guilty sa katawan sapagkat minsan ay nakalimutan ko Siya. Kaya, humingi rin ako ng kapatawaran.

Natutunan ko na hindi lahat ng suliranin sa ating buhay ay kayang sulosyunan sa pamamagitan ng pag-inom ng alak at kung anu pa man. Hindi ito ang paraan para lutasin kung anuman ang mga suliranin sa ating buhay. SIMBAHAN ang pinakamagandang puntahan sa tuwing may problema, may mga hinanakit, may mga kalungkutan at pagkabigo sambitin lang ang Kanya pangalan at magdasal ng mataimtim. Sigurado ako tanggal ang lahat ng iyan.

Thank you God for everything!

Saturday, November 8, 2008

Ang Kwento ni Rikardo Lasenggo

Hep hep hep… bago ko ipamahagi sa inyo ang aking mga nararamdaman o pighati sa kasalukayan. Malugod kong ibahagi sa inyo ang isang storya na siyang nagpapangiti sa akin ngayong araw na ito. Nitong mga nakaraang araw ay nakalimutan kong ngumiti ng dahil sa kalungkutan na aking nadarama. Pero noong binuksan ko ang company email ko, isang mensahe ang aking natanggap mula sa aking officemate. At ito'y tungkol sa isang taong mahilig lumaklak ng alak.....tawagin natin siyang si Rikardo.

makinig ang lahat........

REINCARNATION NG ISANG LASENGGO...

As always! Madaling araw na naman nakauwi si RIKARDO galing sa inuman atlasing na lasing. Pagdating niya ay tulog na ang kanyang MISIS kaya tumabi na lang siya sa kama at natulog na rin. Kinaumagahan, sa muling pagmulat ng mga mata ni RIKARDO ay nakita niya na ang katabi ay isang lalaki, bigla syang nagulat at bumangon!

RIKARDO: Sino ka! At ano ang ginagawa mo dito sa kuwarto namin?

SAN PEDRO: Huminahon ka RIKARDO. Hindi ito ang kuwarto niyo at ako ay si SAN PEDRO.

RIKARDO: Ha? Kung ganon patay na ako!

SAN PEDRO: Ganon na nga iho.

RIKARDO: HINDI! HINDI ITO PWEDE! Ang dami ko pang hindi nagagawa ang dami ko pang naiwan sa mundo! Maawa ka SAN PEDRO pabalikin mo sa lupa kahit man lang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay!

SAN PEDRO: Teka huminahon ka.Hindi ka na pwedeng bumalik bilang ikaw pero pwede kita i- reincarnate bilang isang inahing manok o bayawak!

RIKARDO: Mmmmm Kung bayawak baka mapatay uli agad ako. Inahing manok lang po SAN PEDRO, pero ilagay nyo po ako dun sa bukid namin para malapit ako sa pamilya ko!

SAN PEDRO: OK pagbibigyan ko ang kagustuhan mo.

At muling nabuhay si RIKARDO bilang isang inahing manok. Nakita niya ang sarili na puno ng balahibo at kasama niya ang ibang mga inahing manok sa bukid nila.�Kinausap siya ng isa pang inahing manok na si SUSY.

RIKARDO: Whew, isa na akong manok ganito pala ang feeling. Teka bakit parang umiinit ang tiyan ko at kumukulo?

SUSY: Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang pakiramdam kapag malapit ka nang mangitlog.Magrelax ka lang at hayaan mo siyang dumaloy.

RIKARDO: Ano? Mangingitlog ako! Oo nga pala inahin nga pala ako kaya normal lang siguro yun.

Kahit medyo kinakabahan si RIKARDO ay sinunod nya si SUSY at nailabas nya ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog ay guminhawa ang pakiramdam ni RIKARDO.

RIKARDO: Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog, napakasarap! Ngayon ko lang naramdaman ito, para akong isang ina na nagsilang ng sanggol napakasarap, ngayon ko lang naramdaman ito. Pero teka bakit parang meron pa?

SUSY: Huwag kang mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok kaya natin mangitlog ng isa hanggang walo, kaya magrelax ka lang at hayaan mo silang lumabas.

RIKARDO: Ganon ba? O sige. Maraming salamat SUSY! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero totoong nakaka-antig ng damdamin.

At muli na naman nangitlog si RIKARDO. Gumaan muli ang pakiramdam niya.Napangiti at nasabi niya sa sarili niya na ito ang pinakamasarap na naramdaman niya sa buong buhay niya kahit na noong namumuhay pa siya bilang isang tao. Halos mapaluha siya sa galak. Naghahanda na sanang ilabas ni RIKARDO ang pangatlo niyang itlog nang biglang may matigas na bagay na pumalo sa ulo nya at may narinig siyang malakas na sigaw.

MISIS: HOOOY PUT............ MO!!! GUMISING KANG DEMONYO
KA! BAKIT KA TUMATAE SA KAMA ?!?

**** oh, ano may napupulot ba kayong aral sa nabasa niyo? :-)

Thursday, November 6, 2008

Leksyon

May mga bagay na pwedeng ikasira ng araw mo o ikasasama ng loob ng ibang tao at pati na rin ng damdamin mo. Mga bagay na ikaw rin lang ang gumawa para ikasasama ng loob nila o magkaroon ng mga hinanakit dahil sa mga nagawa mo. Isang pagkakamali na pwedeng makakasakit ng damdamin ng kapwa mo o kaya ng minamahal mo.

Mga bagay na hindi mo naisip kung ano ang magiging resulta na kung saan magiging sanhi ng pag-aaway, tampuhan, ng hindi pagkakaunawaan, at iba pa. Mga bagay na pagsisihan mo bandang huli.

Ang pagsisisi ay laging nasa huli talaga. Kaya, kung anuman ang gawin mo kailangan mo muna ng matinding pagsusuri o pagninilay-nilay kung ano ang magiging kahinatnan, kung ito ba'y tama o mali. May mga tao bang masasaktan? O magiging sanhi ba ito ng pag-aaway? ng hindi pagkakaunawaan?

Sapagkat ang mga bagay na magagawa o ginagawa mo ng hindi mo sinusuri o pinag-iisipan ay siyang sanhi ng pagkalungkot o pagkalumbay mo at minamahal mo sa buhay. Hindi mo namamalayan na sila'y nasasaktan dahil sa iyong ginagawa. Ito'y isang malaking pagkakamali na nagagawa mo na pwede mong baguhin o ituwid para hindi na mauulit kung anumang pagkakamaling iyon. At marunong umako sa kasalanang nagawa at marunong humingi ng kapatawaran upang sa ganon magiging maayos ang relasyon o samahan. Ito ang leksyon na natutunan ko ngayong araw.

Tuesday, November 4, 2008

You are Not Mine Anymore

Sa halip na sa sementeryo ako magpunta, ako’y nagtungo sa isang lugar na malayo sa City, malayo sa maraming tao, walang gulo at walang ingay. Ang tanging maririnig ko lamang ay anghuni ng mga ibon at kung anu ano pang tunog mula sa mga hayop o insekto ang maririnig. Nakapalibutan ako ng mga punong kahoy na kung saan malalanghap mo ang sariwang hangin, hindi tulad sa City na puro usok na lang ang malalanghap mo araw araw.

Payak ang pamumuhay sa lugar na pinuntahan ko. Ang pagsasaka ang kauna-unahang hanapbuhay at ang tinitirhan ay napalibutan ng mga punong kahoy, halaman at tubuhan o sugarcane. At ito’y malapit lang din sa river o sapa na pwede mong gawing paliguan.

Masarap manirahan dito lalo na kung ang kasama mo ay ang pinakamamahal mo. Napakatahimik ang lugar, walang makikialam sa bawat galaw at sa bawat kinikilos mo. Kahit pa maghubad ka walang maninilip sayo. Tanging mga hayop lamang ang makakasaksi sa mga ginagawa mo.

Ako’y napadpad sa lugar na ito sapagkat gusto ko lang mapag-isa at makapag-isip at maka-iwas sa gulo at siguro dala na rin ng stress at pressured sa trabaho. Mabuti na lang at niyaya ako ng pinsan ko na magpunta dito. Kaya may oras ako para makapag-relax at makapag-isip.

Lahat tayo ay may kanya kanyang storya ng buhay at mga karanasan na hindi malilimutan kaya nga may mga taong tinatawag na “emo” at marahil isa ako sa mga taong yon. May mga dahilan kung bakit gusto natin lumayo sa napakagulong City para makapag-isa at makapag-isip sapagkat may bagay na bumabagabag sa ating isipan. Yong tipong gusto nating mag-isa, walang kausap, walang didisturbo at walang mangungulit. As in, mag-isa ka lang!

May mga bagay na akala natin ay hindi mangyayari; may mga karanasan na hindi natin malilimutan kahit sasabihin nating nakaraan na iyon. Oo nga, nakaraan na pero syempre ang peklat ay magsisilbing alaala sa nakaraan mo. Pero syempre hindi lahat ng panahon ay itatali mo ang sarili sa nakaraan mo. Kailangan din nating harapin ang kasalukuyan at iwan ang nakaraan. May mga taong darating sa buhay natin unexpectedly; yong taong yon ang magsisilbing inspirasyon para harapin ang bukas.

“ Minsan ako’y nag-iisa walang makasama
Hindi ko malaman ko saan ako tutungo
Naghahanap, nag-iisip kung saan ko ibabaling
At tuwing ako’y nalulumbay
Nais kong ika’y makasama at kapiling ka
Nais kong lumuha
Sapagkat ika’y wala sa tabi ko
Kailangang tanggapin na ika’y hind na magiging akin…”



…looking back

Three years ago, my ex-girlfriend left me without any reason o saying “Goodbye!” So, here in my heart still hoping that one day she will coming back dahil gusto kong bigyan ng closure kung anuman ang namagitan sa aming dalawa. Though I know malabo mangyari yon sapagkat hindi ko alam kung saan siya napadpad ngayon (isang malaking…SIGH!!!). I hate my feelings when I remember the moments that we’ve shared. But I realized ayokong mabuhay sa nakaraan ko. I need to move on or else ako rin ang mahihirapan... I need to forget the past that I did now and I won’t let my past ruined my present. Letting go is best way.

And I thanks God for giving me strength to do that. I am happy for what I’ve had now. Ang kalungkutan ay napawi na sa aking puso sapagkat alam ko na may nagmamahal sa akin, mahal ako kung ano at kung anong meron ako. May nagpapasaya at nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Kaya masasabi kong salamat na marami!
(Note: This is a clarification from my previous post..... )