Showing posts with label Pasko. Show all posts
Showing posts with label Pasko. Show all posts

Monday, December 20, 2010

Maligayang Pasko

Dito'y mayro'ng caroling at may simbang gabi
At naglalakihan pa ang christmas tree, ang christmas tree
Kakaiba nga naman talaga ang Pasko dito sa ating bansa
Makikita mo ang naglalakihang Parol at Christmas Tree sa loob at labas ng mga Mall.

Giant Christmas Tree, Ocean Park

Giant Christmas Tree, Quirino Grandstand


Giant Christmas Tree, Manila Cathedral



Giant Christmas Tree, Robinson Ermita

Giant Christmas Tree, MOA
At syempre hindi mawawala ang mga regalo.... kaya, SALAMAT ng marami sa mga nag-iwan ng regalo sa work station ko. Pwede pa kayong humabol... Hahaha!

Maligayang Pasko sa lahat!!!


Friday, December 18, 2009

Visiting Here

Bumisita lang at sumilip sa kakaibang mundo at mag-alay ng isang tula para sa ating lahat. :)

Christmas is filled with joys and laughters,
Christmas is filled with love,
It is also to recall all our good memories
With someone we love dearly.
We often think at Christmas time
Of people we do really keep in our hearts.
We realize how blessed we are
to have our family around us.

This poem also posted at: Click Here

Marco Paolo

Thursday, December 10, 2009

Huling Mensahe

Para sa inyong lahat,

Kamusta naman po kayo? Nawa'y nasa mabuting kalagayan kayo at nasa maayos na pamumuhay. Magsasara na naman ang taong 2009 at bubuksan ang panibagong hamon para sa ating lahat. Sa ating paglalakbay dito sa mundo ako'y nananalangin na maging maayos at malabanan natin ang kung anumang hamon ang ibibigay Niya para sa atin. Ang hamong iyon ang siyang magbibigay ng tagumpay para sa atin lahat. At ang hamong iyon ang siya magpapatibay sa ating pagkatao.

Sa darating na kapaskuhan, ako rin po ay nananalangin na maging Maligaya ang Pasko para sa bawat isa sa atin, hindi lang para sa ating mga sarili pati na rin para sa buong Pilipinas at para sa buong mundo.

Sana, sa bagong taon na ating haharapin ay mas lalo tayong maging matatag sa mga unos at suliranin na darating sa ating buhay. At para sa ating bansa, sana ay umunlad ng konti at magkaroon ang bawat isa ng kabuhayan o source of income. Sana wala nang krimen o anumang sakuna para sa sambayanang Pilipino.

Ako rin po ay lubos na nagpapasalamat na naging bahagi (blogsphere) sa mundo ito. Nagbahagi ng konting kaalaman o opinyon na meron ang utak ko. Naging parte ng isang organisasyon dito sa mundo ito.

Ako rin po ay humihingi ng paumanhin sa hindi pagdalo bilang volunteer ng PEBA, for personal reason kung bakit hindi po ako makapagbigay serbisyo para sa PEBA. Pero gusto ko lang po malaman ninyo na masaya ako ng naging membro ng organisasyong ito. Nawa'y pagpalain po kayo ng MayKapal lalong lalo na ang founder ng PEBA, Presidente, staff at ang membro nito. Hindi ko man kayo personal na nakilala pero para sa inyo.... Maraming Salamat!

Maraming salamat din po sa mga bloggers na nakilala ko dito. Maraming Salamat!

Magsasara na po ang AJOMSL o A Journal of My Simple Life para sa taong ito. Susubukang bumalik sa susunod na taon upang magbahagi ng konting kaalaman, kwento, opinyon, tula at iba pa.

Merry Christmas and Happy New Year to all of us!

Gumagalang,

Marco Paolo

Thursday, December 11, 2008

What Christmas Means To You?

What Christmas Means to me
by Curtis W. Woods©

C - Is for the Children from one to 93. They are the reason that Christmas is to be.
H - Is for the Happiness Christmas brings to me. Happy in the thought that Jesus died for me.
R - Is for the ringing of bells on Christmas Eve. Ringing for peace on earth for all of thee and me.
I - Is for the inner peace that Jesus brings to me. Peace within for all of us even you and me.
S - Is for the stars so bright on Christmas Eve. Shining in the Heavens to light the way for thee.
T - Is for the tree shiny and bright. Twinkling in the morning as Gods love light.
M - Is for the Mistletoe which shows my love for thee. To match the love that God has for all of thee and me.
A - Is for the Angel atop my Christmas treeLooking down from above to watch over me.
S - Is for the Savior that God sent to beThe Love that makes it all is What Christmas Means To Me.





***

Christmas means spending time with those you love and who love you. Laughing and spending time with your family and friends but the most important of all is celebrating the birth of our Savior. It's about enjoying the time you have on this Earth. And it's about forgetting those bad feelings you might have about someone and forgive what he or she has done to you. It is also for sharing the blessings to one another and thankful for everything, and giving not receiving. This is what Christmas means to me… How about you? What Christmas means to you?

***
Pasko Na Sinta Ko
By: Mark "Marco Paolo" Paulines

Sa Darating na kapaskuhan
Ako’y nananalangin
Na ikaw ay makapiling.
Na ikaw ay makasama sa araw ng Pasko.
Ako’y nangungulila
Sapagkat malayo ka
Sa aking piling.
Sana’y bigyan ng
pagkakataon na magkasama.
Ako’y maghihintay sayo
At umaasa na
Ikaw ay makasama.
Sana’y ikaw ay makapiling
Upang pagsaluhan natin
Ang himig at ang lamig ng Kapaskuhan.
Maligayang Pasko po sa ating lahat!!!

Tuesday, December 2, 2008

Solo Flight

Noong sabado, bago ako umuwi ng bahay galing sa trabaho (masipag nga raw ako e.... aw!) dahil hindi naman natuloy ang lakad namin magkaibigan. Nagsimba na lang muna ako't nagdasal doon sa simbahan. Sapagkat maaga pa naman kaya naisipan kong mag-drop by muna MOA at magpapakapagod sa pagiikot doon. Namiss ko tuloy ang kasama ko sa t'wing ako'y gagala o mag-malltour <---ika nga ng pinsan ko). Namiss ko na ang kasundo ko sa mga ganitong galaan. Namiss ko na si Mitch (busy na kasi siya sa mga commitments niya sa buhay...kaya ako na lang mag-isa walang makakasama...hehehe)

Sa aking pag-iikot doon, talaga masasabi kong "Di na talaga mapigilan ang PASKO!" marami ng mga nagniningningan na mga ilaw sa loob at labas ng mall. Mga kanta sa Pasko ang pinatutugtog.


At ito ang mga kuha kong larawan noong ako'y nagiikot....


"Open your presents at Christmas time but be thankful year round for the gifts you receive." ~~Lorinda Ruth Lowen



"It is Christmas in the heart that puts Christmas in the air." ~~ W.T. Ellis

Wednesday, November 26, 2008

Sapagkat Malayo Ka

Malamig na ang simoy ng hangin pagsapit ng madaling araw, mararamdaman na ang lamig ng hangin na dumadampi sa ating balat. Sa umaga, maririnig natin ang mga kanta na nagpapaantig sa ating mga puso lalo na kapag tayo’y malayo sa ating mga minamahal. Ito lamang ay nangangahulugan na ang kapaskuhan ay papalapit na.

Ngunit, paano nga ba natin ipagdiriwang ang Pasko? Hindi ba’t pagkatapos ng ika-1 ng Nobyembre, ang ibang tahanan ay may kanya-kanya ng sabit na mga malalaking parol na siyang simbolo ng Pasko at itatayo ang mga naglalakihang “Christmas Tree” at mga ilaw na siyang nagbibigay liwanag o buhay sa mga ito. May mga naghahanda na para sa noche Buena. Ang iba nama’y inumpisan ng mamili para pang-regalo sa mga inaanak at sa mga mahal nila sa buhay at syempre hindi mawawala sa atin ang simbang gabi. Ganito natin ipagdiriwang ang Pasko.

Ano nga ba ang kahulugan ng PASKO? Ito ay simbolo at respeto ng kapanganakan ni Jesus. Marami sa atin ang nagsasabi na ang kahulugan ng Pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin, pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa atin. Pero sa Pasko lang ba natin ito gagawin? Hindi ba natin pwedeng gawin ito araw araw?

Sinasabing pasko naman kaya dapat magpatawad, dapat magbigayan, dapat magmahalan, at dapat magkakaisa ang bawat pamilya at gawing masaya ang araw ng Pasko. Pero pagkatapos nito’y ganon pa rin ang mga pag-uugali at ganon pa rin ang treatment ng bawat isa. Nasaan na yong sinasabi nating pagmamahalan, pagbibigayan at iba? Pwede naman natin itong ipagpatuloy kahit hindi Pasko, di ba? Kahit hindi Pasko dapat magmahalan tayo, magkaisa, magbigayan, magtulungan tayo at kahit hindi Pasko gawin nating malinis ang ating puso.

Sa Pasko, madalas natin mararamdaman ang pangungulila sa ating pamilya, kapatid, kaibigan at sa mga taong nagpapasaya sa atin lalo na kapag nasa malayo tayong lugar. Isa na rito ang mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa, ramdam nila ang lungkot sa kanila mga puso sapagkat hindi nila makakapiling ang mga taong malapit sa kanilang mga puso. At yong iba naman kahit sa araw ng Pasko, nagtatrabaho pa rin para sa kanilang pamilya at para maibigay ang kanilang pangangailangan. Sabi nga ng karamihan, hindi daw nila maramdaman ang pasko dahil nasa ibang bansa sila. May mga bansa kasing hindi nagdidiriwang sa ganitong kasiyahan o pagdiriwang.

Para sa mga bata, na-appreciate nila ang pasko lalo na kapag bibigyan mo sila na kahit maliit na aguinaldo tuwang-tuwa na sila. Pero sa mga taong malayo sa kanilang pamilya tiyak pagkalumbay ang kanila nararamdaman sapagkat nasa malayong lugar sila upang makipagsapalaran dahil sa hirap ng buhay dito sa ating bansa.

Para sa ating lahat, Maligayang Pasko at nawa’y patnubayan tayo ng ating Panginoon.