Monday, November 10, 2008

Simbahan: Bagong Tambayan?

Nitong mga nagdaan araw, ako’y puno ng dalamhati o pighati sa kaibutaran ng aking puso. Sa aking pakiwari ay tila hindi na yata matatapos ang mga suliranin na dumating sa buhay ko. May mga suliranin na pakiramdam ko’y hindi ko na malulunasan. Mga suliranin na siyang sanhi ng kalungkutan at pagkabigo. Na minsan ay nakalimutan ng ngumiti.

Oo, alam kong lahat ng problema ay may sulosyon. Pero minsan naiisip ko na parang wala ng katapusan ang problema sa ating buhay o kaya wala na bang sulosyon ang mga ito. Pero mali pala… Oo mali ako sa aking mga kuru-kuro!

Dahil sa sobrang lungkot ko naisip kong tumungga ng isa… dalawa…tatlo… o apat na kahon na serbesa para kahit sa isang saglit man lang ay mawala ang aking nararamdaman at para maging manhid man lang pansamantala. Pero iniisip ko rin ang idudulot nito kinabukasan (HANGOVER? Waaahhhh ayokooo nyan….). At syempre noong nabasa ko ang KWENTO NI RIKARDO (previous post). Bigla akong natakot baka matulad ako ni Rikardo… Hahaha!
Sa takot ko, naisip ko na lang na tumambay o magpunta sa isang lugar na pwede akong mag-isip at magninilay-nilay. Baka inisip niyo na sa bundok ako nagpunta…Hindi! Nagpunta ako sa simbahan pagkatapos ng aking trabaho at bago ako umuwi ng bahay. At doon kinausap Siya ng buong puso. Nagkwento sa mga nangyayari. Humiling na sana’y maayos na ang lahat. Humingi rin ng kapatawaran sa mga kamaliang nagawa. Habang ako’y nakikipag-usap sa kanya. Unti-unti kong naramdaman ang kaluwagan sa aking puso. Na para bang nawala lahat ang naramdaman kong pighati. Na parang binigyan Niya ako ng pag-asa na maayos din ang lahat. Ilang minuto din akong nakaupo at nakaharap sa altar habang kinausap ko Siya ng masinsinan. Bago ko tinapos ang pag-uusap naming dalawa, ako’y nagpapasalamat sa Kanyang kabutihan at ako’y nagpaalam na rin at umuwi na aking tinutuluyan.

Kinabukasan, kahit medyo hindi pa rin ako mapakali sa aking
nararamdaman. Pero alam ko andyan lang Siya handang tumulong sa mga taong nangangailangan. Nakalipas ang ilang oras……..naging maayos din ang mga bagay bagay na siyang nagdudulot ng kalungkutan ko. At doon ko napagtanto na “God is really good.”

Lahat ng suliranin na dumating sa ating buhay ay pagsubok lamang at ito’y may sulosyon. Basta h’wag tayo makalimot sa Kanya. At napagtanto ko rin na kahit minsan ay nakalimot tayo sa Kanya pero handa pa rin Siyang makinig at magbigay ng tulong sa atin. Noong naisip ko yon, nakaramdam ako ng guilty sa katawan sapagkat minsan ay nakalimutan ko Siya. Kaya, humingi rin ako ng kapatawaran.

Natutunan ko na hindi lahat ng suliranin sa ating buhay ay kayang sulosyunan sa pamamagitan ng pag-inom ng alak at kung anu pa man. Hindi ito ang paraan para lutasin kung anuman ang mga suliranin sa ating buhay. SIMBAHAN ang pinakamagandang puntahan sa tuwing may problema, may mga hinanakit, may mga kalungkutan at pagkabigo sambitin lang ang Kanya pangalan at magdasal ng mataimtim. Sigurado ako tanggal ang lahat ng iyan.

Thank you God for everything!

31 comments:

  1. nakakahiya man aminin, pero pumupunta lang ako sa simbahan kapag me problema.

    kaya siguro binibigyan ako lagi ni Lord ng problema. miss nya lang siguro ako...

    ReplyDelete
  2. salamat sa pagbisita sa blog ko...

    ReplyDelete
  3. Nakakagaan ng dibdib ang iyong realization. Nakakahawa!

    ReplyDelete
  4. buti at hindi mo ginaya si Ricardo.

    We encounter problems to remind us the HE exist, minsan kasi sa sobrang busy natin nakakalimot tayo.

    Malalampasan mo din yan.

    ReplyDelete
  5. hey i luv diz post... yeah God is great...

    yeah ganyan den akoh minsan... 'ung feeling koh nde koh na kaya ang mga problema... pumunta akoh sa church kahit 'la misa juz to talk 2 Him... alam koh naman na andyan lang sya kahit saan kah puwede syang kausapin... pero mas maganda sa church... tahimik... parang kayong dalawa lang na nag-uusap nang masinsinan...

    there was one time... talagang feeling koh guguho na mundo koh... talagang iyak lang akoh don sa church... honestly pati sipon koh tulo pa atah... pero after non ang sarap sarap nang pakiramdan....

    watz so amazing den kahit nakakalimot tayo sa kanya... He keeps reminding us na andyan sya... and He loves us unconditionally... and never nyah tayong iniiwan...

    willing syang i-carry burdens naten... actually He wants us to give our problems and burdens to Him... pero minsan sinosolo naten... hirap na hirap na tayo nde pa ren naten nilelet-go sa kanyah...

    graveh touched akoh sa post moh...

    i luv Him so much too... dme dmeng probs... pero sya ang dahilan bakit anditoh pa akoh at humihinga...

    He is an awesome God...

    ingatz kah marc!... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  6. yeah pareko.. galing.. nakakahawa ka nga... bilangin mo yung biyaya na dumarating sayo... hindi yung problema.. ganayan nman talaga ang tao eh.. walang hanggang ang gusto... hindi nakukuntento.. ako din ganyan... nakukulitan na nga yata sa akin si bestfren eh... ako minsan minsan lang ako magpunta sa simbahan pero hndi ako nakakalimot magpasalamat sa kanya

    ReplyDelete
  7. bihira aco magsimba. . pero madalas co syang kausapin. . sa totoo lang kasi hindi co pa napapatunayan ang powers ng simbahan. . kaya mas gusto co sa isip at dito sa puso co na lang sya kausapin. .

    may mga ganyan talagang feelings. ung akala mo walang solusyon. pero isang bagay lang ang alam cong wala pang solusyon. . AIDS. .

    ito lang naman ang daoat mong isipin. marami ang mas naghihirap at nagdadalamhati. maswerte ka pa na yan lang ang nararamdaman mo.

    isipin mong nasa isang madilim kang lugar at biglang may bumaril sa tuhod mo. sinipasipa ka at pinagsusuntok at pinagsasaksak. halos durugin ang mukha mo. . masakit diba? mas masakit siguro kesa sa nararamdaman mo ngayon? hindi ba at mas mapalad ka? haaaay. .

    hindi co nararamdaman o hindi co alam kung ano yang gumugulo sayo ngayon. pero tibayan mo loob mo. . ok?

    ReplyDelete
  8. wow... advicer ka na ngayon Papel ha.. talented ka! iba ka!

    :)

    ReplyDelete
  9. ang lalim ng tagalog...

    i am happy for you atleast you found your life essence...

    ReplyDelete
  10. tama ka jan bro! walang ibang makakatanggal ng lahat ng alalahanin natin kundi si Papa God lang. God is really good kasi kahit na bad girl ako minsan (MINSAN?? hehe) He granted my wishes.

    ReplyDelete
  11. buti na talaga at dumadami ang mga positibong blogs na nakikita ko. yung iba kasi puro problema at kalungkutan. normal naman lahat ng tao ay may problema, kasi patay lang ang wala. ang problema lang ay masyado na silang tumatagal sa mga problema nila nang walang ginagawang solusyon!

    kaya kudos sa mga positibong bloggers tulad mo!

    ReplyDelete
  12. same sentiments with THE DONG. i prefer feel good blogs. tama ang na ang dramahan. mas naka-concentrate sa maliit na problema, and not looking at the much more blessings. well, hobby lang ng iba ang mag-inarte! haha


    nice post. (--,)

    ReplyDelete
  13. Amen!

    Sana lahat ganyan!

    ReplyDelete
  14. Salamat din po sa pagbisita.
    Sana nagtanong ka na...
    Hehehe

    ReplyDelete
  15. ang emote ni kuya marcopaolo this past few days...

    ReplyDelete
  16. god is really good tlaga marc. tambayan ko rin ang simbahan kapag sobrang depressed ako. tapos sa gabi pupunta ako ng bar MAG-ISA. haha. :)

    ReplyDelete
  17. God is good! all the time :)

    ReplyDelete
  18. lol @ josh... sori ha sundan daw bah kita hanggang comment box ni marc...

    hi marc! =)

    btw hanga akoh sau kc may relationship kah kay God... hwag na hwag kang bibitiw sa kanyah ha... keep up ur Faith... ingatz kah...

    GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  19. Oo naman...Andito siya palagi... Guilty nga ako minsan... alam mo na... hehehe

    ReplyDelete
  20. promise... =) iiwan koh ang blogspot na toh kahit gano akoh ka-addik para sa kanyah...pero hwag ko naman sana lisanin toh... i'm havin' fun here... kaka-relax for me at marami akong natutunan sa inyoh... ginawa bang chat tong comment box moh... lol... btw hwag mag-guilty... tao lang... nagkakamali tayoh palagi.. d' amazing part is He loves us unconditionally kahit pa anong katopakanz naten... naks! =) ingatz kah marc... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  21. I used to do this. I also go to church to talk to Him.

    Good to know eveyrthing is okay now. :)

    ReplyDelete
  22. ako rin madals din ako sa simbahan ngayon, nagmumuni-muni...kung san ba talaga ako tutungo...

    hanggang kinabukasan, nakakagulat biglang may bubukas na pinto. :-) parang kasagutan sa mga agam-agam ko, parang sinasabi ni Lord na dito kana pumasok at iwan mo na yan hehe

    nakakatuwa lang...parehas pala tayo,masaya naman ako at maayos na ang lahat. :-)

    ReplyDelete
  23. fafa marco, haay ung smbahan talga kakaiba, prang may kakaiba na enerhiya na if pnta ka dun nawawala talga yung bigat sa pusow, un nga lang prang hndi nko nakakpnta dun lately, kainis, baka galit na si PaPa God sakin,ahuhuhu

    ReplyDelete
  24. AYOS yan dood,sana mas maramee pang tulad mo,ko,at lahat ng nagcoment d2...na miss ko tuloy simbahan...wew!!..


    napadaan galing kai Bb. josh

    ReplyDelete
  25. wanderingcommuter:
    Salamat! :)

    Josh:
    Bumabawi ka rin pala right after the depression... hehehe

    Dhianz:
    Oo nga... ginawa mo ng chatbox ang comment box. hehehe PEACE!

    joaqui_miguel:
    Oy! ikaw din pala... hehehe

    Amor:
    Di naman siya magagalit kung di mo totally siya makakalimutan...

    Onats:
    hmm... di pala ako nag-iisa... hehehe... Salamat Onats!

    Pajay:
    Salamat sa comment at pagbisita mo... ;)

    ReplyDelete
  26. nahahawa ako sa kaka emote mo.. hahahahaha....

    ReplyDelete
  27. oo kaya
    dati puro kalokohan posts ko eh
    ngayon nag eemote na din =))

    ReplyDelete
  28. hi napadaan lng...

    hindi man gnun kadali ang pghilom
    ng sugat pero darating at darating ang araw ng paghilom nito...at sa paghilom nito hindi man mawala ang peklat pero ang dating sakit na nararamdaman mo maaring wala na.
    just keep on praying to HIM malalagpasan mo rin yan.

    ReplyDelete
  29. Salamat Ikay!!!

    at Salamat din Anonymous girl!!!

    :)

    ReplyDelete
  30. nabasa koh na 'tong post nah to at nakapag-reply na ren before pero binasa koh lang uletz... mejo naiyak akoh... graveh... haaayyy... yeah sometimes parang walang katapusang problema pero kala lang naten 'un... tapos buhat buhat na palah ni God ang mga problema pero pilit lang tayo kumakapit pa don... eniweiz i always say pag may mga probz... bahala na si God... nde nya naman akoh pababayaan eh and syempre lahat tayo...sige... hanggang sa muli... GODBLESS! -di

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D