May mga bagay na pwedeng ikasira ng araw mo o ikasasama ng loob ng ibang tao at pati na rin ng damdamin mo. Mga bagay na ikaw rin lang ang gumawa para ikasasama ng loob nila o magkaroon ng mga hinanakit dahil sa mga nagawa mo. Isang pagkakamali na pwedeng makakasakit ng damdamin ng kapwa mo o kaya ng minamahal mo.
Mga bagay na hindi mo naisip kung ano ang magiging resulta na kung saan magiging sanhi ng pag-aaway, tampuhan, ng hindi pagkakaunawaan, at iba pa. Mga bagay na pagsisihan mo bandang huli.
Ang pagsisisi ay laging nasa huli talaga. Kaya, kung anuman ang gawin mo kailangan mo muna ng matinding pagsusuri o pagninilay-nilay kung ano ang magiging kahinatnan, kung ito ba'y tama o mali. May mga tao bang masasaktan? O magiging sanhi ba ito ng pag-aaway? ng hindi pagkakaunawaan?
Sapagkat ang mga bagay na magagawa o ginagawa mo ng hindi mo sinusuri o pinag-iisipan ay siyang sanhi ng pagkalungkot o pagkalumbay mo at minamahal mo sa buhay. Hindi mo namamalayan na sila'y nasasaktan dahil sa iyong ginagawa. Ito'y isang malaking pagkakamali na nagagawa mo na pwede mong baguhin o ituwid para hindi na mauulit kung anumang pagkakamaling iyon. At marunong umako sa kasalanang nagawa at marunong humingi ng kapatawaran upang sa ganon magiging maayos ang relasyon o samahan. Ito ang leksyon na natutunan ko ngayong araw.
abah first comment akoh... i think kasusulat moh lang to eh... and hmmm.. parang 'la akong life ah.. naligaw na naman d2.. lol..
ReplyDeletemejo nalito akoh nang konti sa binabasa koh.. kc i'm babysittin' my 7-month niece at d' same time...
pero true kelangan pag-isipan muna mabuti ang bawat action naten or sasabihin naten kc 'un nga nde naten alam nakakasakit na nang iba... like action koh ngaun na dapat nag-aalaga at nde nag-iinternet at nakaksakit nang bata kc umiiyak nah.. lol...
babalik na lang uletz akoh... hanggang sa muli...
GODBLESS! -di
Pagsisisi ang topic... Huhmn.
ReplyDeleteLove life ito. Sa mga uriang ibingay mo, naalala ko tuloy ang The 4 Way Test ng Rotary Club. Gusto ko rin yun, bro.
Kung ano man yung pinagsisisihan mong mga pagkakamali sa buhay mo, sana maayos mo pa.
KUYA, Ginawa mo ba to para sakin?
ReplyDeleteLately kasi napapansin ko sarili ko na ganyan eh...
sakto eahahaha...
wow marco! emo ah. . hindi naman nagkaroon ng pagsisi sa umpisa eh. . kung ano't ano man nagawa natin, panindigan natin. . esp kung naging masaya tayo dun! 4 sure sumaya ka kasi halos wala ka ng inisip na iba eh. . ibig sabihin nadala ka na rin. . lahat may paraan din. . tao ka lng para magkamali. . kung ano man yang nararamdaman mo ngayon. . kaya mo yan papa marco!:D
ReplyDeleteSalamat RJ, Gen, Dhiane at Papel.... sa inyong komentaryo!!
ReplyDeleteGen, u feel the same ba? ganon ang feelings ko ngayon... a bit pagsisis... hehehe
sana maayos... good luck marco!
Sapagkat ang mga bagay na magagawa o ginagawa mo ng hindi mo sinusuri o pinag-iisipan ay siyang sanhi ng pagkalungkot o pagkalumbay mo at minamahal mo sa buhay.-GRABEH! ANG LALIM MO MAGTAGLOG. PWEDE KA NG MAGING SCRIPT SUP NAMIN DITO. HAHAHAH.
ReplyDeletetaena.. andaming satsat.. pwede ka nmang mag-SORRY eh... kaya nga may slaitang soryy eh para magamit sa mga pagkakamaling ginawa...
ReplyDeletejokejokejoke.. nasa tao pa rin yan... mararamdaman mo nman kung tama o mali yung ginagawa mo eh
grabe kong maka-react ang Kosa ah... tsk tsk tsk tsk
ReplyDeletepsstt Josha... buhay ka pa pala? :)
ahhh kaya siguro nde koh gano maintindihan... kc parang tagalog na tagalog... pilipino akoh.. tagalog language koh.. pero mejo nalito akoh...
ReplyDeleteenglish version mo nga marc...
hehe... =)
yeah.. i agree... with all the mistakes taht you did, you can alwyas say sorry but the damage have been done and the marks will foverer ramain...
ReplyDeleteread may post NAIL IN THE FENCE
anung kaguluhan to? hahaha defensive ba masyado? lolz... hahaha comment nga eh anu ba? wala yun
ReplyDeletesome things are learned the hard way..
ReplyDeleteok lang yan! next time alam mo na!
pakipot to, ayaw pa ikwento yung nangyare.. hehe
senti este emo talaga si marco(yun na pala ang term ngayon). parang trademark mo na yan dre ha... peace!
ReplyDeletepakinggan mo pare yung kantang "the man who cant be moved" by the script parang bagay sa iyo...
lalim dre...and those words are so true to life story...nice topic!
ReplyDeletefafa marco murning, haayz, huli na nga ang pagsisisi, pero sa aking pagnilay nilay sa mga nangyari sa nakaraan, wla akong pinagsisisihan, kasi ewan ko if cguro hndi ko yung sinabi hindi magkaroon nang matinding eksena sa buhay kow,wakkakak!meron nman talaga cgurong mga bagay at mga sasabhin na kailangan nilaynilayin at pagisipan bago gawin yun if may time kapang magcip,hhahah, pero if mern pang time cge go go go sago, if wla eh di, ekarera mo na kapatid!hahaha.amf! ngayon lang ako nabuhay, at salamat sa pag bsita sa blog ko fafa marco,dahil dyan may isa kang kiss!muah! yan fafa no malice yan ha,halik yan ni hudas kinopy paste ko lang dito,wakaka...tc lage
ReplyDeletep.s wakak, astig ung word verifction ha, nakisali sakin KINESESS(kinisess chenesess,lol)
hay naku. ako halos muntikan nang mamatay sa depresyon noong iniwan ako nang aking fafa lol. pero ngaun ok na wehehehe!
ReplyDeletetime heals the wound ika nga. malalampasan mo rin yan. magpaka gwapo ka! pucha keri yan! marami pa jan! 6 billion ang tao sa mundo haller! kahit makatira kalang nang 5 billion ok na hahaha! :D kidding. pinasasaya lang kita :D
i like entries like this..
ReplyDeletetrue to life ang bongga! lolz.
yeh think twice before you act..
nice.
but still,lessons are learned once we overcome it..;)