Wednesday, November 26, 2008

Sapagkat Malayo Ka

Malamig na ang simoy ng hangin pagsapit ng madaling araw, mararamdaman na ang lamig ng hangin na dumadampi sa ating balat. Sa umaga, maririnig natin ang mga kanta na nagpapaantig sa ating mga puso lalo na kapag tayo’y malayo sa ating mga minamahal. Ito lamang ay nangangahulugan na ang kapaskuhan ay papalapit na.

Ngunit, paano nga ba natin ipagdiriwang ang Pasko? Hindi ba’t pagkatapos ng ika-1 ng Nobyembre, ang ibang tahanan ay may kanya-kanya ng sabit na mga malalaking parol na siyang simbolo ng Pasko at itatayo ang mga naglalakihang “Christmas Tree” at mga ilaw na siyang nagbibigay liwanag o buhay sa mga ito. May mga naghahanda na para sa noche Buena. Ang iba nama’y inumpisan ng mamili para pang-regalo sa mga inaanak at sa mga mahal nila sa buhay at syempre hindi mawawala sa atin ang simbang gabi. Ganito natin ipagdiriwang ang Pasko.

Ano nga ba ang kahulugan ng PASKO? Ito ay simbolo at respeto ng kapanganakan ni Jesus. Marami sa atin ang nagsasabi na ang kahulugan ng Pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin, pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa atin. Pero sa Pasko lang ba natin ito gagawin? Hindi ba natin pwedeng gawin ito araw araw?

Sinasabing pasko naman kaya dapat magpatawad, dapat magbigayan, dapat magmahalan, at dapat magkakaisa ang bawat pamilya at gawing masaya ang araw ng Pasko. Pero pagkatapos nito’y ganon pa rin ang mga pag-uugali at ganon pa rin ang treatment ng bawat isa. Nasaan na yong sinasabi nating pagmamahalan, pagbibigayan at iba? Pwede naman natin itong ipagpatuloy kahit hindi Pasko, di ba? Kahit hindi Pasko dapat magmahalan tayo, magkaisa, magbigayan, magtulungan tayo at kahit hindi Pasko gawin nating malinis ang ating puso.

Sa Pasko, madalas natin mararamdaman ang pangungulila sa ating pamilya, kapatid, kaibigan at sa mga taong nagpapasaya sa atin lalo na kapag nasa malayo tayong lugar. Isa na rito ang mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa, ramdam nila ang lungkot sa kanila mga puso sapagkat hindi nila makakapiling ang mga taong malapit sa kanilang mga puso. At yong iba naman kahit sa araw ng Pasko, nagtatrabaho pa rin para sa kanilang pamilya at para maibigay ang kanilang pangangailangan. Sabi nga ng karamihan, hindi daw nila maramdaman ang pasko dahil nasa ibang bansa sila. May mga bansa kasing hindi nagdidiriwang sa ganitong kasiyahan o pagdiriwang.

Para sa mga bata, na-appreciate nila ang pasko lalo na kapag bibigyan mo sila na kahit maliit na aguinaldo tuwang-tuwa na sila. Pero sa mga taong malayo sa kanilang pamilya tiyak pagkalumbay ang kanila nararamdaman sapagkat nasa malayong lugar sila upang makipagsapalaran dahil sa hirap ng buhay dito sa ating bansa.

Para sa ating lahat, Maligayang Pasko at nawa’y patnubayan tayo ng ating Panginoon.

24 comments:

  1. silent night hholy night...tenchu tenchu ang bbaets nynyow tenchu,wahahah, penge pow kaht barya,lol.. fafa M masaya na ang paskow ko, kahit hndi pipilitin kow, kasi it has nothing to do with me naman eh, it has something to do with the beerdie of Jesus, sow kahit malugnkotness pasayahiness nalang at e celrbate ang beerdie nya, kaya tatagay nalang akow ,..TAGAY para s beerdie boy!wakakka,,nyahahha.. connect nalang yung comment kow, kasi kahit akow di ko maintindhan pinagsusulat ko,lol..MERRY CHRSTMAS!!

    ReplyDelete
  2. merry christmas marco!

    ReplyDelete
  3. [Natawa naman ako dun sa unang comment ni Amorgatory, sorry po.]

    Aba, sa simula nitong post, ni-LECTUREan ako. hahaha! Pero mabait naman akong tao. Kaya hindi naman ako masyadong apektado nung mga salitang yon.

    Ako ay isa sa mga taong magtatrabaho sa araw ng Pasko at bagong Taon, harvest time namin yun, kaya inihahanda ko na ang sarili ko. Ang pagiging malayo sa pamilya, medyo sanay na ako, yr 2001 pa malayo sa amin. Usually sa Pasko mahal airfare kaya hindi ako umuuwi, tawag nalang, napakahabang tawag! Pag di na peak season, saka na ako uuwi, dala ang aking mga aginaldo para sa aking mga minamahal.

    Speaking of regalo, ang mga bata ay masaya nga tuwing Pasko. Lalo na kapag si Santa Claus ang magbibigay ng regalo sa kanila, naku, isa ako sa mga natuwa kay Santa Claus dati. Hahaha!

    Tama ka MarcoPaolo, ang kapanganakan ni Jesus Christ ang sini-celebrate natin tuwing Pasko!

    ReplyDelete
  4. waaaahhhh naunahan ako...

    di pa ko nakakabased dito.

    oo pwede namang ipahayag na araw araw pasko..pero karamihan isang malaking SECRET yun..paanu nman kase kung araw arawin ka din nilang kantahan sabay sabing namamasko po! eh di lugi ka sa negosyo ng buhay dyan..

    ReplyDelete
  5. taena... doc aga.. sabay tayo..lols tingnan mo yung oras..lols

    akala ko ba bisi ka?

    MP...lols meri xmas ninong..
    pamasko ko?

    ReplyDelete
  6. TO:

    AMOR:
    Dahil nauna ka… isang hugs for YOU! Hahahaha

    JOSHMARIE:
    Meri…..GALO ka na ba? Hehehehe

    Meri xmas din Josh!

    RJ:
    Doc, Meri Xmas… Hehehe ako rin doc nasanay ng malayo sa pamilya pero minsan nalulungkot pa rin… waaahhh!!!!

    KOSA:
    Sinong MP yan Kakosa? Hahaha

    At anong secret yan ha? Di mo ba alam nakakamatay yan… hahahahaha

    Tooottttt!!! Common sense parekoy… di regalo ang tinutukoy natin dito dahil wala akong pambili…. Hahahaha PEACE!!!!

    ReplyDelete
  7. haizzzzzzz... ayaw ko ng ganitong usapan... nalulungkot ako.. wahuhuhuhu!! emo na naman... hanu ba yan... malamig ang pasko...

    ReplyDelete
  8. wehehehe! sushal:D oo malapit na ang pasko at ang 13th month! :D

    ReplyDelete
  9. naku marco! pinasasakit mo naman ang dibdib ng mga ofw. kaw talaga! ang pagmamahalan ginagawa gabigabi este araw araw. . hindi naman kasi natin maiiwasan na hindi magkagulo sa pamilya o magkaroon ng tampuhan. . syempre dahil walang forever dito sa mundo, nag bigay ng araw para matapos lahat ng gulo. ayan! pasko! meri XMAs. . naintindihan mo ba? parang naguluhan aco sa comment coe. . haha

    ReplyDelete
  10. True. Christmas is simply Christ.

    In our family, it is offensive na gamitin ang "X"MAS word. Well, there is Christmas because of Christ kaya wag naten i-replace ng X!

    ReplyDelete
  11. taena... lol MARCOPAOPLO pare.. malulugi ang mga ninong at ninang kapag ginawang araw araw ay pasko..lols

    eh araw-arawin ka ba nmang katukin ng mga inaanak mo sa binyag para hingian ng pamasko eh di talagang malulugi ka nun..lols kaya kahit feel na feel mo na araw araw eh xmas.. sinisikreto mo nalang lols...

    peace on earth

    ReplyDelete
  12. drama chong!

    Ninong regalo ng inaanak mo ha?

    ehehehe....

    ReplyDelete
  13. TO:

    MS. DONNA:
    ayaw mo ng ganitong usapan... hehehe sorry ka na lang dahil nabasa mo na e... hahahah PEACE!!! malamig ba ang pasko mo?

    JULES:
    Oo... Pamasko namin Jules... hahaha

    PAPERDOLL:
    hahaha pinasasakit ko ang dibdib nila papel....? tanong mo kaya kay RJ kung sumakit dibdib niya... hahaha

    CHYNG:
    MERRY CHRISTMAS sayo Chyng!

    KOSA:
    tooottttt..... common sense nga sabi e... hahahaha

    GENYZE:
    Nakahanda na po... ay di pa pala... idedeliver pa lang pala... hahahaha

    ReplyDelete
  14. wala akong common sense.. saan ba nakakabili nyan at makabli nga..

    hahaha
    talagang ganun pa ahh pareko..
    ahhh oo nman... ayaw ko kaseng maramdaman na pasko na..
    para kaseng kinurot ng post mo yung puso ko.. kaya iniisip ko nalang hndi pa pasko. pero tulad nga ng sabi nila, di na mapipigilan...

    hindi ito ang unang pasko na wala ako sa piling ng taong mga mahal ko..akala ko nasanay na ko..pero hindi pa pala..

    ReplyDelete
  15. Hahaha! Si Paperdoll talaga...

    Manika, hindi naman sumasakit ang puso (o puson) ko sa post na ito tungkol sa Pasko. Siguro sa iba... Bukod sa sanay na akong wala sa amin tuwing Pasko, may mas pampasakit-dibdib at -ulo pa kasi akong inaasikaso. Kung ano man yun, abangan nalang sa Chook-minder's Quill.

    Pero maganda ang punto ng entry na ito ni Marco.

    ReplyDelete
  16. marco:

    nagyeyelo sa lamig... hahahaha

    ReplyDelete
  17. Dre, kakahiya man...pero "hugs" kahit malayo ka malapit k lng sa puso at blogs namin! kaya mag comments ka ok?!...lol

    ReplyDelete
  18. TO:
    KOSA:
    Sa Mercury Drug Kakosa, meron doon.. ibibili na lang kita.. hahaha

    Oh sya, wala ng pasko. wala na!!! lolz

    RJ:
    Doc, aabangan ko yang pampasakit-dibdib na yan ha... hehehe

    MS. DONNA:
    Bili ka heater Ms. Donna... PEACE!!!

    DARKHORSE:
    Aba!!!sige... group hug guys... hahahaha

    ReplyDelete
  19. marco:

    hindi lang heater.. may pugon na ako sa kwarto ko..

    ReplyDelete
  20. maligayang pasko!!!! yan muna epal koh sau ngaun k.... na-miss kitah! naks naman! regalo koh?...lolz... =)

    ReplyDelete
  21. sendali.. tampo akoh ahh... 'lang reply saken d2 ahh...hmmnnnzzz.... eniweiz... hayz! yeah almost christmas nah nga... d2 official christmas celebration nah right after thanksgiving... yeah why don't we celebrate christmas everyday nga noh?... magmahalan at magbigay nang tawad palagi... 'un lang muna hirit koh for now... can't stay dat long online kc eh...tsk!...eniweiz... maligayang pasko sau!... take good care of urself... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  22. DHIANZ:
    Wag ka ng kurips... bumili ka na ng bagong taptap.... hahahaha

    Merry Christmas!!!

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D