Saturday, November 8, 2008

Ang Kwento ni Rikardo Lasenggo

Hep hep hep… bago ko ipamahagi sa inyo ang aking mga nararamdaman o pighati sa kasalukayan. Malugod kong ibahagi sa inyo ang isang storya na siyang nagpapangiti sa akin ngayong araw na ito. Nitong mga nakaraang araw ay nakalimutan kong ngumiti ng dahil sa kalungkutan na aking nadarama. Pero noong binuksan ko ang company email ko, isang mensahe ang aking natanggap mula sa aking officemate. At ito'y tungkol sa isang taong mahilig lumaklak ng alak.....tawagin natin siyang si Rikardo.

makinig ang lahat........

REINCARNATION NG ISANG LASENGGO...

As always! Madaling araw na naman nakauwi si RIKARDO galing sa inuman atlasing na lasing. Pagdating niya ay tulog na ang kanyang MISIS kaya tumabi na lang siya sa kama at natulog na rin. Kinaumagahan, sa muling pagmulat ng mga mata ni RIKARDO ay nakita niya na ang katabi ay isang lalaki, bigla syang nagulat at bumangon!

RIKARDO: Sino ka! At ano ang ginagawa mo dito sa kuwarto namin?

SAN PEDRO: Huminahon ka RIKARDO. Hindi ito ang kuwarto niyo at ako ay si SAN PEDRO.

RIKARDO: Ha? Kung ganon patay na ako!

SAN PEDRO: Ganon na nga iho.

RIKARDO: HINDI! HINDI ITO PWEDE! Ang dami ko pang hindi nagagawa ang dami ko pang naiwan sa mundo! Maawa ka SAN PEDRO pabalikin mo sa lupa kahit man lang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay!

SAN PEDRO: Teka huminahon ka.Hindi ka na pwedeng bumalik bilang ikaw pero pwede kita i- reincarnate bilang isang inahing manok o bayawak!

RIKARDO: Mmmmm Kung bayawak baka mapatay uli agad ako. Inahing manok lang po SAN PEDRO, pero ilagay nyo po ako dun sa bukid namin para malapit ako sa pamilya ko!

SAN PEDRO: OK pagbibigyan ko ang kagustuhan mo.

At muling nabuhay si RIKARDO bilang isang inahing manok. Nakita niya ang sarili na puno ng balahibo at kasama niya ang ibang mga inahing manok sa bukid nila.�Kinausap siya ng isa pang inahing manok na si SUSY.

RIKARDO: Whew, isa na akong manok ganito pala ang feeling. Teka bakit parang umiinit ang tiyan ko at kumukulo?

SUSY: Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang pakiramdam kapag malapit ka nang mangitlog.Magrelax ka lang at hayaan mo siyang dumaloy.

RIKARDO: Ano? Mangingitlog ako! Oo nga pala inahin nga pala ako kaya normal lang siguro yun.

Kahit medyo kinakabahan si RIKARDO ay sinunod nya si SUSY at nailabas nya ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog ay guminhawa ang pakiramdam ni RIKARDO.

RIKARDO: Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog, napakasarap! Ngayon ko lang naramdaman ito, para akong isang ina na nagsilang ng sanggol napakasarap, ngayon ko lang naramdaman ito. Pero teka bakit parang meron pa?

SUSY: Huwag kang mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok kaya natin mangitlog ng isa hanggang walo, kaya magrelax ka lang at hayaan mo silang lumabas.

RIKARDO: Ganon ba? O sige. Maraming salamat SUSY! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero totoong nakaka-antig ng damdamin.

At muli na naman nangitlog si RIKARDO. Gumaan muli ang pakiramdam niya.Napangiti at nasabi niya sa sarili niya na ito ang pinakamasarap na naramdaman niya sa buong buhay niya kahit na noong namumuhay pa siya bilang isang tao. Halos mapaluha siya sa galak. Naghahanda na sanang ilabas ni RIKARDO ang pangatlo niyang itlog nang biglang may matigas na bagay na pumalo sa ulo nya at may narinig siyang malakas na sigaw.

MISIS: HOOOY PUT............ MO!!! GUMISING KANG DEMONYO
KA! BAKIT KA TUMATAE SA KAMA ?!?

**** oh, ano may napupulot ba kayong aral sa nabasa niyo? :-)

17 comments:

  1. hahaha. . ! akala co naman magbabagong buhay na sya. . hanep! ikaw ba naman ang tumae sa kama. . ampf. .

    ReplyDelete
  2. p.s.

    wag ka na malungkot. . ano kaba? papangit ka at mawawala lahat ng admirers mo! gayahin mo si REKARDO. . relax lang. .

    ReplyDelete
  3. eeew!!!

    moral lesson? wag nang magpakalsing ng sobra sobra hahaha baka mapanaginipan ko pa si San Pedro.. delikado na hahahaha

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ReplyDelete
  4. Aliw.

    Moral lesson ba kamo, HUWAG TUMAE SA KAMA kc uso naman na ang kubeta! LOL

    ReplyDelete
  5. hahahaha... napatawa moh akoh nang sobrah... daz y i luv ur page eh...

    hmmm... hwag ka nang malungkot... aadvice sana akoh? pero 'la akong maisip... bangag kc akoh at d' moment... hehe...

    pero hey smile lang... problema lang yan... meron den akoh nyan.. marami... heheh...

    simple lang ang buhay...

    oh yeah hwag kah ganong mamublema masisira byuti moh... heheh...

    ingatz kah lagi ha...

    GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  6. hahaha.. salamat sa pamamahagi.. entertaining

    ReplyDelete
  7. nga pala nakalimutan kong sabihin, ang ganda ng image... gawa mu ba yan?

    ReplyDelete
  8. pahabol... pansin ko lang this is relevant to my last post... hahaha... isa ba itong warning sa akin pareng marco? lolz

    ReplyDelete
  9. huuuuwaaaat? ganun? makapaglasing nga at mapanaginipan si san pedro... pero ayoko maging inahing manok... pwede nman sigurong ibang ayup di ba... aso o di kaya tuta.. masminamahal..

    ReplyDelete
  10. bilib ako sa inahing manok na yun! tatlong beses nangitlog, sa isang araw?!?! ...sa bagay hindi naman nabanggit.

    Dapat nga hindi magpakalasing, nang hindi 'mangitlog' ng tatlong beses sa kama. o",)

    ReplyDelete
  11. haha, i was figuring the moral story as I was reading your post but in the end it was a heck of a shit (literally,hehehe) nice post

    ReplyDelete
  12. hahaha! natawa naman ako dito :D

    ReplyDelete
  13. Ayoko nang mapanaginipan si San Pedro. *LOLz*

    ReplyDelete
  14. Kosa:

    Oo nga pala no... may na-post ka tungkol sa bisyo at paglalasing... kaya mag-ingat ka baka matulad mo si Rikardo.... lolz

    ReplyDelete
  15. bwahahaha! galing ng ending hehehe

    ReplyDelete
  16. hahahahah....natawa naman ako kay rikardo..hehe

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D