Showing posts with label Volunteer. Show all posts
Showing posts with label Volunteer. Show all posts

Wednesday, April 3, 2013

PBO 2nd outreach: Bahay ni Maria

Kamusta kaibigan? Tara, usap tayo! LOL!

Nangyari na nga ang pinakahinihintay ng lahat ng PBOers. Nagbigay na naman ng saya and this time mga Lola naman ang pasasayahin ng PBOers. 

Ito ay ang pangalawang outreach ng PBO at sa dami ng pinagpipilian na maging beneficiary. Pinagbobotohan ito ng mga officers and volunteers at ang  napiling beneficiary ay walang iba kundi ang Bahay ni Maria, sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City. Ang tahanan na kumakalinga sa mga matatanda na walang pamilya o inaabandona. 

Noong March 30, 2013, ang grupo ay tumungo sa Bahay ni Maria upang maghatid ng saya at magbigay  ng mga regalo para sa mga Lolas at iba pang girls na nakatira sa bahay. Bukod sa PBO ay may nauna pang nagbigay saya sa mga ito noong araw na iyon. Hindi na ako magkokomento tungkol sa naunang nag-outreach, nakaka-badtrip lang sila. :)

After 2hrs, si Sister Evelyn ay nagbigay na ng "Go" signal sa mga PBOers na pwede ng i-distribute ang mga pagkain para sa mga Lola dahil gutom na ang mga ito. 

Nagsimula ang PBO mga around 3 o'clock ng hapon. Nagbigay ng mga regalo for lola's at iba pang pangangailangan nila mula ito sa mga mabubuting sponsor.

Narito ang ilang kaganapan noong March 30, 2013 sa Bahay ni Maria.

Sister Evelyn and ate Rina
Sabi ni Ate Rina. "Kuya, kuya...balik kayo ha...yong marami din kayo"
Nakikinig ng saloobin ni Lola, sabi ni Lola, mabait daw si Ate Rina - siya raw ang naglalaba ng damit ni Lola.  Noong una daw nilang pagkikita ni Ate Rina tinanong daw niya ito kung saan ang mga magulang niya. Si Ate Rina daw ay nakatingin sa bundok at tumutulo ang luha.

Kwento pa ni Lola, mabuti pa raw ang mga hindi niya kamag-anak o ibang mga tao may malasakit sa kanya/kanila pero yong kamag-anak at pamilya niya, wala! Madalas daw siyang nahuhuli ng kaibigan niyang pulis na nakatulala at umiiyak.

Sabi pa niya, yong isang Lola daw doon (yong naka-wheelchair na putol ang mga paa), kapag daw may mga gwapo na lumapit...sasabihin daw na boyfriend daw niya ito. At para sa kanya daw, sa edad nila, wala na raw dapat ganun.

At noong nagpaalam na, sabi ni Lola sa akin, malulungkot na naman ako, wala ng makausap, at maiiyak na naman ako.

Hays! Parang dinurog ang puso ko noong sinabi niya iyon....niyakap ko siya at sinabing wag na siyang malungkot dahil babalik kami para bisitahin sila.
PBOer Arline and Nutty...pinakain si Lola Binay
PBOers

Isa na namang masaya, nakakaantig sa puso, at nakakalungkot ang naranasan ng inyong lingkod. Maraming salamat na naging bahagi ulit ako sa isang mahalaga araw para magbigay saya. Maraming salamat din sa mga bagong mukha na nakasama sa outreach. Nice meeting you all!

Until next outreach... God bless! :)

**photo credit to Zai

Saturday, March 23, 2013

Muling Nagbigay Ngiti

 Hi fans! Ngayon ko lang na-realized na dalawang linggo na rin pala ang nakalipas na hindi updated ang pahinang ito. May nakakamiss ba? Wala naman! Hahaha! Busy kasi ang author nito. Nalulunod sa trabaho. Kulang na lang kakanta kami ng "Hindi ko kayang tanggapin, ang ginagawa mo sa amin!" Sobrang stress! May nakapagsabi na nga na nangongolekta ako ng tigyawat sa mukha. Tsk! Tsk! Dahil sa stress! Toinks! Pero sabi nga namin ng katabi ko, "Ginusto mo yan e!" 

Dahil ayaw ko namang maglabas ng sama ng loob sa post ko ngayon saka ayoko na ng emo post. Kakaumay e! Ang dami ko ng pending na ipopost! Tsk! Tsk! Ok, game! Post na!

Ok!

Muli na namang nagbahagi, nagbigay saya, at ngiti ang ISANG MINUTONG SMILE. Simula noong naitatag ang IMS, ang may-akda ng pahinang ito ay sumuporta at nag-volunteer. Maraming beses na rin akong nakasama sa mga outreach program nito. 

Saturday, March 23, 2013, muli na namang nagbahagi at nagbigay ngiti ang Isang Minutong Smile at ang  beneficiary ngayon ay ang Alay Pag-asa Christian Foundation, Inc. 

Nakaugalian ko na nga talaga siguro ang sumama sa ganitong event. Kakaiba kasi, hindi ka lang masisiyahan sa ginagawa mo kundi nakapagbigay ka pa ng saya para sa iba. Konting oras o isang araw ang nailaan mo pero ito ay mahalaga para sa mga taong nabahagian mo at mag-iwan ito ng magagandang alaala sa kanila.

Narito ang ilang mga larawan...
Si Ate Madz nagbahagi ng kwento para sa mga bata
Tinulungan ni Kuya Empi sina Kyla, Kyle at ang dalawang makulit para gawin ang kanila sand art
itong isang katabi ni Kuya Empi na nakawhite, kinamay na niya ang sand art. TOink! 
Go, Winchie! Kaya mo yan!
 Binabantayan naman ni Ate Bhing ang mga batang ito sa kanilang activities. Behave kids!
Ang ISANG MINUTONG SMILE ay nagpapa-salamat sa lahat ng sponsors at tumulong para maisakatuparan ang event na ito
Volunteers; Ate Jess (nakaupo), Kuya Jeoff, Kapatid ni Ate Lenny, Kuya Ian, Ate Gina, Kuya Empi, Si teacher, Ate Bhing, Ate Lenny, Ate Classmate ni Ate Bhing, at si Ate Madz with the kids
 Tinatanggap ni Ate Madz ang Certificate of Appreciation mula sa pamunuan ng Alay Pag-asa Christian Foundation, Inc.
Thank you, Sir!


***ang mga larawan ay galing kay Sir Pete. Isa lang ang pagmamay-ari ng inyong lingkod

Saturday, January 12, 2013

PBO | Kawang-gawa


Magandang hapon!

Ito ay pang-apat na kawang-gawa ng inyong lingkod. Una ay noong 2010 sa Bethany Orphanage na pinangungunahan ni Chyng. Pangalawa ay noong 2011 sa Bethany ulit sa pamumuno ng IMS. Pangatlo ay noong 2012 sa The Child Haus sa pamumuno ulit ng IMS.

Ngayong 2013, nagbahagi ng kalahating araw para tumulong magpasaya sa mga bata sa pamumuno ng PBO o Pinoy Bloggers Outreach. Ginanap ito noong ika-8 ng Enero sa taong 2013 at ginanap naman ito sa White Cross Children's Home.


Na-realized ko lang na parang naging panata ko na yata ang sumali sa ganitong events. Ang mag-volunteer sa isang outreach. Minsan kailangan din nating magbahagi ng konting oras para maging masaya sila. 

Dumating kami lugar mga bandang 2pm, ilang minuto lang ang nakalipas ay nag-prepare na ang mga volunteers inayos ang mga gamit, nagdecorate ng konti. Mga ilang minuto din naglabasan na ang mga bata. 

Naglapitan ang mga bata sa mga volunteers. Parang alam na alam nila kung saan sila lalapit. Yong ibang bata, pagkalapit sayo, nagpapakandong na at hawak hawak ang kamay mo.


Iba't ibang ugali ang meron sila, may maingay, may makulit, bibo, at meron ding nasa tabi lang nakaupo. Dalawang bata ang lumapit sa akin, si Pauleen at si CJ. Si Pauleen medyo mahiyain dahil noong sinasali ko sya sa laro. Ayaw niya! Si CJ naman, gusto nyang kasama ako kaya ayon noong naglaro na ng Trip to Jerusalem, karga karga ko sya.

Mabuti na lang hindi mahirap pakainin si CJ. Naubos niya ang spaghetti. Noong inalok ko sa kanya sa fried chicken at kanin. Ayaw na niyang kumain. Masama ang tingin ni CJ sa akin noong sinabi ko, "sa akin na lang?" LOL!

Isa na namang magandang experienced ito. Nakakagaan ng loob kapag napasaya mo ang mga bata. Salamat PBO. Salamat sa mga bumubuo nito, mga sponsors, at volunteers. Sa susunod na project ulit. Kitakits! :)

Dahil ang kahulugan ng PBO ay Pinoy Bloggers Outreach.......ibahin daw sa susunod ang letrang "O" gagawin ng Pinoy Bloggers OUTING. Hahaha!

Happy weekend! Enjoy!

Monday, July 30, 2012

Ngiti Lang

Ngiti lang, ngiti lang pag mayroong problema
Ngiti lang, daanin sa ngiti at tawa
Maari ngayon di mo malaman
Ang mga sagot sa mga katanungan
Ngiti lang, maaayos din yan, ngiti lang


Maulang umaga sa inyo! Napaka-productive ng weekend ko. Dahil naging volunteer ako sa isang outreach ng pinangungunahan ni Madz....ang Project SMILE. Ito ay ginanap sa Childhauz, Quezon City.

Sabado, alas sais pa lang ng umaga ay nagpunta na ng SM North dahil doon ang meeting place ng mga volunteers. Na-met ko una si Ate Bhing. Then, si Sir Pete. Ilang oras ang paghihintay ay nakita ko din ang iba pang volunteers sa nasabing outreach program.

Naghihintayan pala kami noong sabado, buti na lang si Ate Bhing tumingin sa may likuran namin at nakita nya ang banner ng Isang Minutong SMILE. Kaya ayon, lumapit kami sa kanila.

Ilang sandali lamang ay dumating si Ate Rose kasama si Darryl (anak niya). Ayon, kumpleto na ang grupo. Kaya, nagpunta na sa lugar kung saan gaganapin ang programa.

Pagdating sa Childhauz, mga ilang sandali lamang ay nagdistribute muna ng breakfast para sa mga bata at sa kani-kanilang guardian. Pagkatapos nilang kumain, inumpisahan agad ang programa sa pamamagitan ng prayers tapos kasunod nito ay mga palaro para mag-enjoy ang mga kids.


Nag-enjoy ang mga bata sa iba't ibang laro kasama ang ilang volunteers. At kasama rin sa mga laro ang mga magulang ng mga bata para pati sila ay mag-enjoy din. 

Pagkatapos ng laro, si Zyra naman ay nagbahagi ng kwento at ng aral sa mga bata.

May activity naman silang ginawa sa pangunguna naman ni Ms. Leny. Ang gagawin nila ay kukulayin ang mga letrang nakasulat sa isang cardboard gamit ang iba't ibang kulay ng sands at saka glue. May ginawa kami ni Ate Bhing, kaso hindi ko na-picturan. Binigay ko kay Danielle ang finished product namin ni Ate Bhing. Maganda siya gawin sa bahay para magbonding kayo ng mga kids mo o kaya pamangkin.

Habang tinatapos nila ang kanilang ginagawa, na mukhang nag-eenjoy sila sa pag lagay ng kulay sa mga letra.  Nagdistribute naman ang ibang volunteers ng lunch para sa kanila. 

At isa sa nagpapahipo sa aking puso, hindi lang siguro sa akin pati sa ibang volunteers, ay yong pagkanta ng mga bata. Grabe! Nakakaiyak ang kanta nila.

Blessed pa rin tayo dahil hindi natin na-experience ang magkaroon ng karamdaman katulad ng mga batang ito. Nakaka-guilty no? Dami nating reklamo sa buhay, bakit ganito, bakit ganyan...blah blah blah. Pero kapag tignan mo ang mga batang ito na nag-eenjoy sa bawat oras ng kanilang buhay. Simpleng bagay ang ibibigay sa kanila ay tuwang tuwa na sila. Hindi nila alintana ang karamdaman na dinadala nila. Ramdam mo at makikita mo sa kanilang mga ngiti ang contentment. Kaya, we are still blessed!

Kagaya nga ng kanta na nasa itaas, ngiti lang kapag may problema. Dahil matatagpuan mo din ang kasagutan nito.

Sa next PROJECT SMILE ulit. Count me in! :) Good job sa nag-organized ng event at sa founder at pati na rin sa mga volunteers. God bless us!


******
Noong linggo naman, tumakbo ako sa Milo Marathon. Pangalawang beses ko pa itong takbo sa Milo. Haha! Ang loser ko lang. Kainis!

5k lang tinakbo ko dahil yong ang pinakamura. Hahaha! At natapos ko naman ito sa loob ng 42minutes (estimated time).

Salamat sa mga running buddies ko! Nagkakasama ulit tayo! :D
Good day! SMILE!


videokeman mp3
Thanks to You – Taylor Collins Song Lyrics

***photos from Ate Bhing and Zyra

Monday, November 28, 2011

Coins of Love

"Share your blessings to the less fortunate people and to the people who needed it. A simple thing is a big thing for them." - Coins of love

Last year, ang kapiranggot na naipon ng inyong lingkod mula sa alkansya ay ibinahagi sa mga bata na ino-organized ng isang kakilalang blogger na si Chyng sa kanyang outreach program. At sumama na rin sa nasabing programa at nasaksihan ang mga ngiti ng mga batang naghahanap ng kalinga't pagmamahal. Sa mga oras na iyon ay ma-realized mong "You are still blessed". 

Mula Enero hanggang sa kasalukayan ay muling nakaipon at muling magbahagi ng biyaya sa mga bata. Ngayong taong ito ay ibabahagi ang konting naipon sa apat na mga bata ng PENS OF HOPE project na ino-organized ni Miss N, isang kakilalang blogger na taon taong namamahagi ng biyaya. Nawa'y mapangiti ko ang apat na batang ito.


Noon, akala ko ang malas ko. Siguro dala na rin sa mga naranasang hindi kaaya-aya sa buhay pero after that naman pala ay may biyayang ibibigay sa iyo mula sa Kanya. Maliit man o malaki ang biyayang ito, magpasalamat pa rin tayo. Minsan kasi hindi natin napapansin ang maliliit na bagay na ipinagkaloob Niya sa atin kaya nababalewala natin ito.

Ma-swerte ang taon kong ito.....saka ko na i-share... Hehehe! O sya, yon lang for now! 

Monday, December 13, 2010

Christmas Party with the Kids


Outreach means;


The act or practice of visiting and providing the services (of a charity or other organization) to people who might not otherwise have access to those services. wikipedia.org



Kahapon, sumama ako sa isang outreach at first time kong sumama sa isang outreach program na inoorganisa ni Chyng. Excited... dahil first time ko ring makakapunta sa isang orphanage. Excited... dahil gusto kong makita ang mga batang nakangiti. Excited... na makitang masaya at tumatawa ang mga bata. Pero di lang pala tawa ang mararanasan ko.... kundi ang kakulitan ng mga batang ito.

Pagpasok sa loob ng tahanan na kung saan doon magaganap ang munting programa. Nakita ko agad ang grupo ng mga batang babae na nakaupo sa sahig. Tumabi ako sa isang batang babae at tinanong kung anong pangalan niya... approachable naman siya at sinabi ang pangalan niya... tinanong ko na rin yong katabi niya. After few minutes, binigay na ang mga tshirt (na suot suot nila, ayon oh...) para sa mga kids.

Then, before the program start.... we are divided into 11 groups, bawat grupo ay may apat na mga bata.

Ang grupo namin, may isang batang lalakeng sobrang kulit... akalain mong... binunutan ako ng ilang beses na balahibo sa arms ko..... ang sakiiittttt kaya! Sobrang kulit na batang yon... siguro sabik lang siya na magkaroon ng big bro.

May isang bata rin na himas himas ang legs ko sabay tanong: "Kuya, bakit ang balbon mo...at siya hindi (referring to my groupmate)? amerikano ka ba?"

Empi: *ngiti lang ang sinagot*

Ito na.... hindi ko na patatagalin.... tingnan niyo na lang ang mga sumusunod ng mga larawan:




The Magician (na parang si mcdo)



Paper dance with the kids

After the performance of Jollibee...magpapatalo ba naman ang mga kids... syempre hindi.....

Go, kids! Sayaw!



Si JM na parang takot sa tao.... nilapitan ko pero parang ayaw... so what I did was, kinuha ang loot bag at tinulungan siya na putulin yong nagkalat ng laruan. :)




The kids with the big SMILE




Kids playing dama


my name tag




the promotor/organizer... CHYNG!



with my co-solo volunteers (photo from keeks fb account)



(photo from marx's fb account)


picture of all volunteers
(photo from chyng's fb account)


It was great experienced! I'm having fun yesterday. Thank you Chyng for letting me join this unforgettable experience. Hope you guys felt the same! God bless!


More photos at Chyng's fb account. :)


Merry Christmas to all!



PS...pasensya na po kung tinakpan ko ang mukha ng mga bata... sumusunod lang sa patakaran. ;) Thanks!



Empi

Friday, December 10, 2010

Ngiti Lang

"Share your blessings to the less fortunate people and to the people who needed it. Simple thing is a big thing for them." - Coins of love




Actually, I am committed for two outreach program this week but unfortunately, I can't join the other outreach dahil weekdays ito, dahil na rin sa isang problema dito sa pinagta-trabahuan ng inyong lingkod. Hindi pwedeng lumiban baka mawalan ng trabaho next year, nanganganib ang kalagayan...! Tsk!
Pero God knows how I much wanted to join the project. Well, allow me to congratulate to ISANG MINUTONG SMILE for the SMILE project.
Good job, guys!
Sana marami pa kayong mapapa-ngiti sa susunod.
Sa ngayon, isantabi ko muna ang sariling problema at hayaang pangitiin ang mga batang nangangailan at naghihintay ng saya at atensyon sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Sa lahat ng mga nag-charity work....Good luck and God bless!

Thursday, December 2, 2010

Coins of Love

Since 2008, nag-iipon ako ng baryang tig-sasampu. Pagdating ng December, binibili ko siya ng damit at ibang bagay ng gusto ko. Last year , I purchased polo shirt. Then, January 2010 start ulit akong mag-ipon ng tig-sasampu. Nakakatulong din minsan sa kin dahil pag nawalan na ako ng pamasahe. Uutang ako sa pinag-iipunan ko tapos babayaran na lang pag sumahod na, madalas hindi ko naibabalik ang perang inutang ko sa savings na yon. Bad! Lolz!


This year, itong naipon ko ay ibibili ko din sana but since na-link ako sa isang outreach program. Plan was changed and I decided to donate this coins sa isang outreach program (din) which is magpapasaya sa mga bata. I am excited to see those face na sa konting barya na naipon ko ay may napapasaya akong tao... I can't wait to see those kids na may ngiti sa kanilang mga labi na mag-celebrate ng Christmas. I can't wait also to join the Christmas Party sa mga batang ito.



Yeah! It's a good feeling pala na kahit konting barya lang ay makakatulong ka sa ibang tao at mapapasaya mo sila. I was thinking to save coins (next year) not just for my own desire but to other people who needs it.

..... and I will call this: COINS of LOVE.

Share your blessings to the less fortunate and to the people who needed it. Simple things is a big thing for them.

God bless everyone!