Saturday, March 23, 2013

Muling Nagbigay Ngiti

 Hi fans! Ngayon ko lang na-realized na dalawang linggo na rin pala ang nakalipas na hindi updated ang pahinang ito. May nakakamiss ba? Wala naman! Hahaha! Busy kasi ang author nito. Nalulunod sa trabaho. Kulang na lang kakanta kami ng "Hindi ko kayang tanggapin, ang ginagawa mo sa amin!" Sobrang stress! May nakapagsabi na nga na nangongolekta ako ng tigyawat sa mukha. Tsk! Tsk! Dahil sa stress! Toinks! Pero sabi nga namin ng katabi ko, "Ginusto mo yan e!" 

Dahil ayaw ko namang maglabas ng sama ng loob sa post ko ngayon saka ayoko na ng emo post. Kakaumay e! Ang dami ko ng pending na ipopost! Tsk! Tsk! Ok, game! Post na!

Ok!

Muli na namang nagbahagi, nagbigay saya, at ngiti ang ISANG MINUTONG SMILE. Simula noong naitatag ang IMS, ang may-akda ng pahinang ito ay sumuporta at nag-volunteer. Maraming beses na rin akong nakasama sa mga outreach program nito. 

Saturday, March 23, 2013, muli na namang nagbahagi at nagbigay ngiti ang Isang Minutong Smile at ang  beneficiary ngayon ay ang Alay Pag-asa Christian Foundation, Inc. 

Nakaugalian ko na nga talaga siguro ang sumama sa ganitong event. Kakaiba kasi, hindi ka lang masisiyahan sa ginagawa mo kundi nakapagbigay ka pa ng saya para sa iba. Konting oras o isang araw ang nailaan mo pero ito ay mahalaga para sa mga taong nabahagian mo at mag-iwan ito ng magagandang alaala sa kanila.

Narito ang ilang mga larawan...
Si Ate Madz nagbahagi ng kwento para sa mga bata
Tinulungan ni Kuya Empi sina Kyla, Kyle at ang dalawang makulit para gawin ang kanila sand art
itong isang katabi ni Kuya Empi na nakawhite, kinamay na niya ang sand art. TOink! 
Go, Winchie! Kaya mo yan!
 Binabantayan naman ni Ate Bhing ang mga batang ito sa kanilang activities. Behave kids!
Ang ISANG MINUTONG SMILE ay nagpapa-salamat sa lahat ng sponsors at tumulong para maisakatuparan ang event na ito
Volunteers; Ate Jess (nakaupo), Kuya Jeoff, Kapatid ni Ate Lenny, Kuya Ian, Ate Gina, Kuya Empi, Si teacher, Ate Bhing, Ate Lenny, Ate Classmate ni Ate Bhing, at si Ate Madz with the kids
 Tinatanggap ni Ate Madz ang Certificate of Appreciation mula sa pamunuan ng Alay Pag-asa Christian Foundation, Inc.
Thank you, Sir!


***ang mga larawan ay galing kay Sir Pete. Isa lang ang pagmamay-ari ng inyong lingkod

51 comments:

  1. ser empi, maiba lang. gusto ko yung shirt mo! san mo binili?

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa ukay ko lang nakita yan sir. Giodano ang tatak. :)

      Delete
    2. Si goofy ba yun? :) Gusto ko din! :D

      Delete
    3. Bili na kayong dalawa! Haha

      Delete
  2. galeeng!keep going para sa IMS...kampay!

    ReplyDelete
  3. Parang kilala ko kung sino nagsabi ng bago mong hobby :D

    - Wow ang cute naman ng program na yan parang gusto ko din sumama minsan... In a way may part sa akin na gusto ko makipag kulitan sa bata pero pag sobrang kulit sa akin nag wa-walk-out na ako ahahaha.

    Pero seriously minsan gusto ko sumama :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo yan, rix! LOL

      Sama ka next outreach ng IMS! :D

      Delete
    2. sure minsan sabihan mo ako pag libre ako sa araw ng outreach nila sama ako :D

      Delete
    3. Kapag mayaman na ko, lahat ng mga ganto sasamahan ko, pag kasing yaman na ko ni kuya Emps!

      Delete
  4. grats sa matagumpay na isang minutong smile at congrats sa inyong mga volunteers! :D

    ReplyDelete
  5. hehe kaw na si mr. charitable! nice ang cucute ng mga bata!
    hehe ako first ko pa lng na outreach ung sa bahay ni maria at naeexcite na ko

    ReplyDelete
  6. wow nmn for sure hindi lng isang minutong smile ang na experience nila bravo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tumpak, Kulapitot! See u :D

      Delete
    2. Tama kuya kulapitot. Mga 2 minutes, ganyan. Joke! siguradong timeless ang kasiyahan ng mga bagets!!! :)

      Delete
  7. saya nito empee. sana pwede akong makasama sa inyo kapag meron pang pagkakataon ehehe

    ReplyDelete
  8. nakaka proud naman to... galing galing... saludo ako sa mga taong kagaya nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sama ka din minsan Genskie! :)) para mameet ka namin! ^_^

      Delete
    2. Oo nga! Sama ka na Genskie!

      Delete
  9. Congrats eMPi! at sa lahat ng bumubuo at volunteers ng IMS - God bless you all...

    Yaan mo na yang tagyawa = bagay naman yata say and at least sigurado kang hindi ka nagmula sa unggoy LOL.

    Pareho tayo dami pending posts at pilit umiiwas sa pagka-emo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Congrats din sainyo! :))

      Miss balut, diba sabi mo sucker kayo ng mga emo posts? :)))))

      Delete
    2. Hahaha! Ms. B, wag na mag emo! hehehe

      @Paopao: hahaha

      Delete
  10. congrats good boys and girls!! ^_______^

    ReplyDelete
  11. hand salute sir d2 sa project smile.
    nkkatuwang pagmasdan un ngiti ng mga bata.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, nakakatuwa at nakakawala ng stress! :D

      Delete
  12. wow! mahilig ka pala talaga sa outreach empi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobra! Lahat na ata sinamahan nyan! Ganyan ka bait si kuya EMps! :)

      Delete
    2. Medyo Phioxee! :D

      @Paopao: Oo naman! haha

      Delete
  13. Sana next time may art activities na rin tayo no kuya Emps? #PBO

    Congrats sa bumubuo ng IMS:) Sana makajoin ako next time!

    ReplyDelete
  14. Ikaw na matulungin. Isama mo kaya minsan boss mo? So he'll see how much lucky is him to have you as assistant... lol..juk

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D