Showing posts with label photos. Show all posts
Showing posts with label photos. Show all posts

Monday, February 20, 2012

pumu-photowalk

Ngayon ko lang nabatid na pwede ko palang maging stress-reliever ang kumuha ng mga larawan. Sa dami ba naman ng iniisip. Good day, folks! :)

Life is always moving on...

Don't look back the past....

Life is not easy to handle...

But you can deal with it...

because this is what life really is..
but generally, LIFE IS BEAUTIFUL! :)

Camera: Olympus FE-340

Saturday, February 18, 2012

Kunwari Fotoblogger Me

Hey, folks! Magmuni-muni lang muna sa mga nakaraan. Bigat bigat sa kalooban kaya kailangan munang makahinga.*buntong-hininga*







Happy weekend!

Monday, November 21, 2011

Sang Libo't, Sang Tinig ng Pasko

Isang karangalan ang makapanood ng isang konsyerto ni Maestrong Ryan Cayabyab o mas kilalang Mr. C. Excited ako noong nalaman kong nanalo ako ng ticket (Lower Box) para sa concert na tinatawag na "Maestro Ryan Cayabyab at Sang Libo't Sang Tinig ng Pasko. Hosted by Miss Universe - Philippines 2010 & 2011; Venus Raj and Shamcey Supsup.

First time kong makapanood ng ganitong event kaya hindi ko ito pinalagpas..... Yay! Ito na ang mga larawan na galing sa fan page ng The Araneta Center. Wala akong masyadong kuha kasi halos nasa gilid ako ng stage kaya puro likod ang kuha. Hehe!









Mrs. Lea Salonga led an impressive cast of performers and strong voice award-winning choirs in the country in a special Christmas, which filled the most traditional Filipino Christmas carols. Viewers experienced the joy of Christmas and the spirit of traditional classics song such as Kampana ng Simbahan, Himig Pasko ,Heto Na Naman ang Pasko, Noche Buena, Kumukuti-kutitap and many others.
Lea Salonga

KC Concepcion

Marcelito Pomoy

Angeline Quinto

Jed Madela

Ariel Rivera

Piolo Pascual
 Salamat "The Araneta Center" sa napakagandang experience na ito! Sobrang enjoy!

Tuesday, August 30, 2011

Textmate

Noong high school pa lamang ako ay naalala ko ang mga ganitong eksena. Vandal dito, vandal doon. Sa mga armchair ng room ng paaralan ay madami ring vandal; mga motto sa buhay, mga love qoutes, mga kudigo at kung anu ano pa.  

Isang araw, ang nasakyan kong bus ay nakapa-messy. Ew! Yuck! Parang feeling ko may surot doon. Ew talaga! Ang daming vandal sa mga upuan. Tulad nito...nasa ibaba...naghahanap ng TEXTMATE. At defensive pa masyado oh, "girl" daw po sya. Hmm...Lol!

.
Ito naman dalawang pictures sa ibaba ay nakita ko doon sa isang park sa QC. At tama naman siya di ba? Kung mahal mo ang isang tao, ibigay mo ang katawan mo. Bwahaha!


At ang isang ito ay bitter bitteran ang drama... siguro kakahiwalay lang ng boyfriend niya. LoL!

Saturday, June 18, 2011

Sobrang Late Na!

Oo! Sobrang late na ito. Hehe! Ngayon lang nagkaroon ng oras para i-post 'to. Pasensya naman! Bagong magpasukan ay nagpunta kuno me sa EK. Pero syempre libre lang ito kaya sumama ako. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlong beses ko na ang pagpunta sa Enchanted Kingdom. 

Una, grumadwet (natawa ako sa spelling. lol) ako noong high school kasama ang family. 

Pangalawa, two years ago lang... libre lang din yon... summer outing ng pinsan ko sa company nila kaya nahatak ako . Pero ang panget kasi di ko naikot, kasi naman... kung pupunta sa mga ganitong lugar... una sa lahat BAWAL magdala ng bata na hindi pa ma-appreciate ang mga ganitong lugar. Kaya ayon, umuwi ng wala sa oras kasi nagwawala ang bata. Umiiyak. Ang ingay! Nakakairita! 

At nitong huli naman, company outing. Kaya ayon, medyo naikot ko ang buong lugar. 

Kaya heto po ang mga evidences! Lol!

Unahin muna natin ang mga souvenir items...
mga wizzards kaya humanda ka sa spell nila

ang cute nila noh? hehe
Victoria Park
Grand Carousel
dito nagpeperform ang mga dancers... etc etc
Midway Boardwalk
Ekstreme Tower Ride
nakakasukang ride ito... bwahaha
Jungle Outpost
hindi ko ito kuha...hehe ito ay galing sa website ng EK
-dapat pwede nakahubad na lang kapag sumakay nito para di mabasa ang damit. lol!
Spaceport
Space Shuttle
wag kang maglakas ng loob na sumakay nito kung ikaw ay may sakit sa nguso este sa puso pero kung gusto mo magpakamats... pwede na rin! joke lang!
Brooklyn Place
Rialto
Naalala ko si Nanay ko nito, noong nanood kami nito 8 years ago... bulong niya sakin, bakit gumagalaw  ang upuan natin. joke joke ba ito empi? Natawa na lang ako. 
Portabello
hindi ko alam kung ano meron sa loob... sarado e. Lol!
Flying Fiesta
buong akala ko ito ay octopus, hindi pala... haha. ang tanga ko!
'yon lang po.... happy weekend! :)

Thursday, May 19, 2011

Walang Magawa, Bored!

Hindi ako magaling sa photograpiya. Hindi ako mahusay gumawa ng konsepto para sa isang photograpiya. Kailangan daw kasi na may concept sa pag kuha mo ng mga larawaran. Isang kakilala ko ang nagbigay ng link para pag-aralan kung anu ano ang dapat gawin o mga style para sa photography. Ayoko na elaborate dito dahil hindi ko pa actually nababasa ang kabuuan nito. May mga rules of photo composition like; rule of thirds, golden section rule, at diagonal rule. 

Kung ikaw ay isang photographer, malamang sa alamang alam mo ang dinadaldal ko dito. Hehehe! Ano ba ang punto ko sa mga sinasabi ko dito? WALA! Dahil wala akong karapatang humusga sa mga photos na kuha ng iba. At wala akong karapatan para laitin ang obra nila. Kasi hindi ako magaling at hindi ako photographer, pumo-photography lang...kumbaga, tamang picture picture lang ang alam ko. Bwahaha!

Hindi ako magaling kumuha ng larawan. Pangalawang beses ko na sinabi ito... hehehe! Naghalungkat ako sa isang folder ko na puro kuha ng kung anu ano. Walang masama kung i-share ko ito dito sa pahina ko. Angal ka? E pahina ko ito. Hindi ako nang-aaway. Promise! Bwahaha!

Ang totoo nyan, wala akong camera. Bwahaha! Nanghihiram lang ako kung gusto kong mag photo-photography-han

Gusto ko lang husgahan niyo ang mga kuha ko, ukrayin o laitin. Wapakels ako! Sabi nga nila, hindi ka gagaling sa isang bagay kung wala kang kritiko. Showbiz? Bwahaha!

Game! Laitin niyo na! 

1. Ang larawan na ito ay kuha pa rin noong umakyat ako ng Sagada. Hindi halatang namiss ko na ang climate doon. Lol!

2. Itong larawan na ito ay hindi ko na matukoy kung sa Baguio o sa Sagada. Basta ang alam ko, Pine Tree ito! Bwahaha!


3. Sigurado akong sa Botanical Garden ko ito nakunan. Ang likot ng dragonfly na ito.


4. Sa Sagada ko nakuhanan ito. Kung hindi ako nagkakamali sa harapan ng weaving......


5. Ang dalawang magkasunod na larawan ay sa Botanical Garden. 



Ano na? May masasabi ka? H'wag kang mahiya.... this post is open para sa mga kritiko. :)

Ang larawang nasa itaas na posted sa redgage.

Saturday, April 30, 2011

Run For Hope

RUN FOR HOPE. 
Ito ay fun run para sa mga cancer survivors. Ginanap noong April 30, 2011. 5:30 ng umaga sa WILD LIFE, Quezon City.

Starting Line
Hindi nasunod ang oras na magsimula sa 5:30 ng umaga. Nag-umpisa ang fun run ng 6:00AM pero bago tumakbo ang lahat. Kailangan syempreng mag-warm up.

Runners
Finishing Line
Pagkatapos ng fun run, may konting programa at awarding ng mga nanalo. Oh, andoon pala si Brother Villanueva. Nag-lead ng prayer at konting lecture.
Runners 
Maraming sponsors ang fun run na ito. Karamihan Pharmaceutical Company.
Pocari Sweat pamatid uhaw
Of course! May mga freebies na pinamimigay sa lahat ng runners. At halos multi-vitamins ang kanilang pinamamahagi sa lahat ng Runners.
Freebies
At sa wakas, bago tuluyang humiwalay ang talampakan ng sapatos ko ay pinatapos muna ako sa pagtakbo. Haha! Kahiya! Bumigay na ang tatlong taon na pantakbo kong sapatos. 

Pero sa kabila ng lahat, maayos naman ang aking pagtakbo. Nag-enjoy! Nakapag-papawis! Sa ulitin! :)