Saturday, January 12, 2013

PBO | Kawang-gawa


Magandang hapon!

Ito ay pang-apat na kawang-gawa ng inyong lingkod. Una ay noong 2010 sa Bethany Orphanage na pinangungunahan ni Chyng. Pangalawa ay noong 2011 sa Bethany ulit sa pamumuno ng IMS. Pangatlo ay noong 2012 sa The Child Haus sa pamumuno ulit ng IMS.

Ngayong 2013, nagbahagi ng kalahating araw para tumulong magpasaya sa mga bata sa pamumuno ng PBO o Pinoy Bloggers Outreach. Ginanap ito noong ika-8 ng Enero sa taong 2013 at ginanap naman ito sa White Cross Children's Home.


Na-realized ko lang na parang naging panata ko na yata ang sumali sa ganitong events. Ang mag-volunteer sa isang outreach. Minsan kailangan din nating magbahagi ng konting oras para maging masaya sila. 

Dumating kami lugar mga bandang 2pm, ilang minuto lang ang nakalipas ay nag-prepare na ang mga volunteers inayos ang mga gamit, nagdecorate ng konti. Mga ilang minuto din naglabasan na ang mga bata. 

Naglapitan ang mga bata sa mga volunteers. Parang alam na alam nila kung saan sila lalapit. Yong ibang bata, pagkalapit sayo, nagpapakandong na at hawak hawak ang kamay mo.


Iba't ibang ugali ang meron sila, may maingay, may makulit, bibo, at meron ding nasa tabi lang nakaupo. Dalawang bata ang lumapit sa akin, si Pauleen at si CJ. Si Pauleen medyo mahiyain dahil noong sinasali ko sya sa laro. Ayaw niya! Si CJ naman, gusto nyang kasama ako kaya ayon noong naglaro na ng Trip to Jerusalem, karga karga ko sya.

Mabuti na lang hindi mahirap pakainin si CJ. Naubos niya ang spaghetti. Noong inalok ko sa kanya sa fried chicken at kanin. Ayaw na niyang kumain. Masama ang tingin ni CJ sa akin noong sinabi ko, "sa akin na lang?" LOL!

Isa na namang magandang experienced ito. Nakakagaan ng loob kapag napasaya mo ang mga bata. Salamat PBO. Salamat sa mga bumubuo nito, mga sponsors, at volunteers. Sa susunod na project ulit. Kitakits! :)

Dahil ang kahulugan ng PBO ay Pinoy Bloggers Outreach.......ibahin daw sa susunod ang letrang "O" gagawin ng Pinoy Bloggers OUTING. Hahaha!

Happy weekend! Enjoy!

40 comments:

  1. Outing na! hahaha

    Salamat Empi sa pagtulong, next time uli!

    ReplyDelete
  2. till next outreach... wow parang nakasama ako sa actual outreach nyahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha oo nga! Pero at least nakasama ka after... :D

      Delete
  3. Waah. Lalo akong nainggit.

    Kudos sa inyo ser!

    ReplyDelete
  4. Nice work! Every year kawangawa:) that should be every ones motto:) have a nice week end dear:)

    ReplyDelete
  5. sa susunod.. sasama na ko.. hehehe

    ReplyDelete
  6. iba talaga ang pakiramdam pag kasama mo ang mga bata, feeling bata ka rin. kahit na ,magulo at maingay, masaya naman!!!
    congrats sa PBO!!!!

    ReplyDelete
  7. ang ganda ng mga pics...maganda kasi layout ng page mo...lol....uy marami-rami ka na palang napuntahang ganito so talaga palang butihing puso ka....swerte naman ng kung sinong ka-something something mo....


    hehehehe....

    ReplyDelete
  8. galing ni empi!! congrats sa lahat! si lord hindi makakalimot sayo hahaha

    ReplyDelete
  9. nako ang bait bait mo na nga ata hahaha

    pero congrats and ipagpatuloy nyo yang maganda nyong nasimulan :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Parang napipilitan kang sabihin yan ha. LOL!

      Delete
  10. ipagpatuloy mo kua empi :)

    likas na sa iyo talaga ang ganyang gawain.maganda.nakakataba ng puso ano.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iba yatang taba tinutukoy mo....porket pumapayat ka! LOL

      Thanks, jay!

      Delete
  11. nakakatuwa ang makita na ang mga bata ay masasaya. congratulations sa PBO! :)

    ReplyDelete
  12. kasado na ang next event ng PBO.. sana maka-join ako... hindi lang sa after party.. ahehehehhe..

    ReplyDelete
  13. Ang saya nito Empi. Lakas maka-good vibes. salamat sa pag-share. happy new year!!!!

    ReplyDelete
  14. hays want ko din gawin yan hays
    anyways lam ko namang may next time pa baka sakaling dun
    may maitulong na ko

    ReplyDelete
  15. saya no? :) feeling ko ikaw talaga umubos ng spaghetti at hindi si Cj :)


    sana outing na! yoohoo! :)

    ReplyDelete
  16. Wow napakasipag mo naman palang pumunta sa mga ganto kuya empi. Ayos ah.

    Congrats satin! :)) gaganda ng mga piktyurs!

    ReplyDelete
  17. excited na ako for the PBOuting..when na ba yan???? i miss you na guys...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Abangan na lang natin pati ang outing! Haha

      Delete
  18. bait bait oh, two thumbs up empi! ^___________^

    ReplyDelete
  19. this is really cool..

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D