Showing posts with label gifts. Show all posts
Showing posts with label gifts. Show all posts

Saturday, December 22, 2012

Get together

Ang Pasko ay panahon ng pagtitipon ng mga kaibigan, kamag-anak, kasalukuyang ka-trabaho at dating mga naging ka-trabaho. Sa araw na ito ay kahit may kanya kanyang buhay na ang bawat isa ay nagawa pa rin punan ang isang araw o kalahating araw para lamang magkakasama-sama ang mga taong naging parte na ng ating buhay.

OFFICEMATES
Iba't ibang departamento ngunit nagkakasundong lumabas at mag-exchange gifts. Naging kaibigan na rin kahit papaano. 

Iba't ibang suggestion kung saan kakain. Kung dinner ba, o lunch. Kung inuman ba o kainan na lang. Pero nauwi ito sa Christmas lunch out. 


Pagkabalik sa office namin. Nag-exchange gifts naman kami. Ang saya lang kasi iba't ibang wishlist at kakaibang codename ang mga ginamit kaya hulaan kung sino ang nabutan ni kuwan, ni kuwan at ni kuwan...

EX-OFFICEMATES
Maagang umuwi dahil nakipagkita pa ako sa isang kababayan ko sa Glorietta at nag shopping na rin ng kaunti. Kumain. Nagkape. Kumain ulit.

Kinagabihan naman, dumerecho naman ako sa mga dating kong kaopisana para mag get-together kami sa isang hotel na pina-reserved namin.

Late pa ako nakarating. Tsk! Buti na lang di pa sila nag umpisa pero tapos na silang kumain noong dumating ako. Syempre, busog na busog na rin kaya kahit gusto ko ang pizza. Hindi ko na pinansin baka magka-dyspepsia na ako. Lol!

I met them sa may ministop sa baba ng GoHotel. At doon bumili kami ng maiinom. Noong nasa cashier na kami sabi ng guard "bawal mag-inuman sa hotel" at buti na lang naipuslit pa rin namin ang mga inumin. Ang ginawa namin tinanggal ko ang laman ng backpack ko then, binalot ang inumin sa isang plastik bag at recycle bag. At pumasok sa hotel......ayon naaaaaa!!!! Tagay na!!! LOL!

Pero ang ginawa namin ay kung sino yong pinakamababang nakabunot sa baraha ay siya ang iinum ng alak. Malas ko lang dahil lagi kong nabubunot ay ang pinakamababa. Asar!!!! LOL

GIFTS
Thank you sa mga nagbigay ng gifts para sa akin. Sa mga boss ko. Sa nakabunot sa akin, thank you sa bonnet at tumbler. Syempre, niregaluhan ko din sarili ko. Sa lahat....THANK YOU!

Monday, November 28, 2011

Coins of Love

"Share your blessings to the less fortunate people and to the people who needed it. A simple thing is a big thing for them." - Coins of love

Last year, ang kapiranggot na naipon ng inyong lingkod mula sa alkansya ay ibinahagi sa mga bata na ino-organized ng isang kakilalang blogger na si Chyng sa kanyang outreach program. At sumama na rin sa nasabing programa at nasaksihan ang mga ngiti ng mga batang naghahanap ng kalinga't pagmamahal. Sa mga oras na iyon ay ma-realized mong "You are still blessed". 

Mula Enero hanggang sa kasalukayan ay muling nakaipon at muling magbahagi ng biyaya sa mga bata. Ngayong taong ito ay ibabahagi ang konting naipon sa apat na mga bata ng PENS OF HOPE project na ino-organized ni Miss N, isang kakilalang blogger na taon taong namamahagi ng biyaya. Nawa'y mapangiti ko ang apat na batang ito.


Noon, akala ko ang malas ko. Siguro dala na rin sa mga naranasang hindi kaaya-aya sa buhay pero after that naman pala ay may biyayang ibibigay sa iyo mula sa Kanya. Maliit man o malaki ang biyayang ito, magpasalamat pa rin tayo. Minsan kasi hindi natin napapansin ang maliliit na bagay na ipinagkaloob Niya sa atin kaya nababalewala natin ito.

Ma-swerte ang taon kong ito.....saka ko na i-share... Hehehe! O sya, yon lang for now! 

Thursday, February 10, 2011

Bday Messages, Love Notes, Gift

Hi there! Ang hirap palang gumawa ng kwento na ipopost mo sa blog. Tsk! Pero dahil naumpisahan ko na ang kwentong Vicky. Itutuloy o itodo ko na. Haha! Salamat pala sa mga sumubaybay ng kwentong iyon. Pasensya na rin dahil medyo bitin ang mga kwento. Hehe! Salamat din dahil nagustuhan niyo. Na-inspire ako! *kindat*


Pero promise susubukan ko ulit gawan ng karugtong ang kwentong inumpisahan ng inyong lingkod. Pero bago ang lahat ay nag-celebrate pala ako ng kaarawan ko. Hehe!


Ang totoo walang celebration ang naganap. May nanlibre lang sakin na manood ng movie at syempre nilibre ko rin ng dinner. Nagtitipid dahil may pupuntahan ang inyong lingkod sa katapusan ng buwan. *excited*


Nauuso sa mga bloggero't bloggera ang humingi ng picture greetings kapag kaarawan nila. Naisip ko at gusto kong maiba. Kaya, ang hiningi ko sa mga kablogs ay birthday messages sa halip na picture greeting. Pero take note....gusto ko sulat kamay at kung pwede lang ipadala sa address ko. haha! Demanding masyado! Pero sana may dumating na. Hinihintay ko talaga yon! Haha!


Pero teka lang, dahil sa pakulo kong 'to nauuso na sa KaBlogs ang valentine's messages or love notes sa pamumuno ni CM. Dahil pinauso niya ito... nagkalat ang mga love notes sa Kablogs. Try mo i-like sa fan page ng Kablogs o kaya kung membro ka ng Kablogs group. Makikita mo doon ang sinasabi ko.


Salamat pala sa mga bumati sa akin noong kaarawan Ko at sa Vday messages... :)


Galing kay Yanah:Galing kay Unni:


Galing kay Ate Rose:
Galing kay Jee:
Galing kay Amor (na unang nag post ng love notes sa KaBlogs):

Galing kay M. P. na hindi ko iniexpect na magbigay:

Galing kina Joy, Jun, Rey, Reggie, Louie and Clarisse (officemates):

Ang dambuhalang Birthday Card with balloon from Yanah:

Thank you sa libro : )

Galing kay Ms. N:
Galing kay Ate Bhing:
Ito ang pinakagusto kong regalo.... yehey! May raketa na ako. Thank you!

At kay MamaBea ng Campus Radio Lucena for greeting me live noong araw na iyon. hehe! Thanks, Mama Bea!

Maraming Salamat sa inyo. At sa lahat ng nag post sa FB wall ko para bumati... Maraming thank you!

Tuesday, December 28, 2010

Bag Organizer

Oist! Kamusta ang Pasko niyo? Sigurado akong nadagdagan ang timbang niyo o kaya siguradong lumalaki ang bilbil niyo. Hahaha! Okey lang yan, next year na lang tayo mag diet. Kaya, kain lang ng kain. Hehehe!

Sigurado sangkatutak ang natanggap mong regalo o kaya naman gabundok na regalo ang pinamimigay mo sa mga inaanak mo't pamilya.

Sigurado naimpatso ka sa daming pagkaing nilamon mo (lamon talaga? lol).

Siguradong to the left, to the right ang mga parties na pinuntahan mo. Whew! Hectic ba? lol!

At siguradong sigurado ako....wala ka nang pera ngayon. Tama? Lol.

Okey.... Kung wala ka ng pera... Apir tayo dyan! Lol!

Maiba nga tayo, kayo ba ay nagpasalamat na? Kayo ba ay nakipagbati na sa mga taong nakasamaan ng loob? At nakatampuhan?

Aba! Wag pairalin ang pride at makipag bati na!

Sa dami ng blessings na natanggap ko nitong taon na ito. Nais ko lang magpasalamat sa ating Mahal na Panginoon sa walang sawang pagbibigay ng biyaya at pagbibigay ng malusog na pangangatawan. At paumanhin na rin dahil ang dami dami kong reklamo Sayo. Peace tayo, di ba? Hehehe!

Nais ko rin magpasalamat sa mga taong dumating sa buhay ko at sa mga lumisan at umalis... hmmm paki ko? hahaha... joke lang... ingat na lang kayo! :D

Sa mga nakilala ko, maraming salamat!

Sa mga na-meet ko at naka-jamming... thank you!

Sa kakulitan ko sa chat, espesyali kay ate bhing... salamat! (ang cap ko, don't forget! Lol)

Sa nasupladuhan ko sa chat.... thank you sa suporta. hahaha! Peace, Dee!

Kay Ate Reana, thank you po... dahil sayo may nakikilala akong ibang alien.... este ibang tao pala. :D

Kay Mami Ritz at Mami Gen, salamat sa pag na night market natin. Sige, isama ko na sina Miszha, Szofia at Ants!

Kay Jin, Jey, Jepech, and XT... salamat! :D

Thank you Kuya Doc for fixing my teeth and for the gift as well. :)

Thank you also Pats! :)

Sa mga dumalaw at sa mga nagkomento at nagbasa at nakigulo sa pahina ni Empi. MARAMING SALAMAT!

Salamat sa mga nagbigay ng gift:

Books


Thank you, Clarisse, Ate Reana, and Pats.



Cellphone Holder

Thank to Primetech sa cellphone holder

Electric Massager

Thank you, scheelite!


T-shirt

Thank you, Jay!

The Gift


Thank you Rey, Mitch, Mami Nyze and Mami Ritz


NeonnaskieGift ko sa sarili ko


Bakit bag organizer ang titulo ko? kasi po noong nag christmas party kami ng officemates ko... ang wishlist ng nabunot ko ay: Bag organizer, load, at cash. E ang bobo ko kung ano yong bag organizer... hehehe kaya doon na ako sa effortless na wishlist niya... LOAD! hehehe

Monday, December 20, 2010

Maligayang Pasko

Dito'y mayro'ng caroling at may simbang gabi
At naglalakihan pa ang christmas tree, ang christmas tree
Kakaiba nga naman talaga ang Pasko dito sa ating bansa
Makikita mo ang naglalakihang Parol at Christmas Tree sa loob at labas ng mga Mall.

Giant Christmas Tree, Ocean Park

Giant Christmas Tree, Quirino Grandstand


Giant Christmas Tree, Manila Cathedral



Giant Christmas Tree, Robinson Ermita

Giant Christmas Tree, MOA
At syempre hindi mawawala ang mga regalo.... kaya, SALAMAT ng marami sa mga nag-iwan ng regalo sa work station ko. Pwede pa kayong humabol... Hahaha!

Maligayang Pasko sa lahat!!!


Tuesday, December 23, 2008

Marco: EB?

Friday, December 19, 2008

After chatting with Genyze, I met her at Robinson Galleria (Friday Night) and give her advance Christmas gift for Miszha (her baby) and some products from our company. And treated her for dinner.
Picture was taken at the bus when we’re on our way to home.




Saturday, December 20, 2008

I’ve been in Dental Clinic for check up. Doc Joey (I used to call him as Kuya Doc) fixes my brackets and do have cleaning too. And we do have advance exchanging gifts right after the cleaning.

<--- Gift from Kuya DOc and Key Chain "dagdag" collection.




Sunday, December 21, 2008

I went to Laguna to meet with my cousin and her husband. We went to Robinsons Sta. Rosa and took lunch at Pizza Hut and of course, my treat!
And give some products from company and some stuff.


Merry Christmas and a Happy New Year to all of us!!!