Showing posts with label Travel. Show all posts
Showing posts with label Travel. Show all posts

Thursday, July 25, 2013

River Rafting

Hello guys! What's up? Pasensya na kayo hindi ako nakakabisita sa inyong mga tahanan medyo busy ang inyong lingkod. Hindi ako makakapangako pero I will try to visit your sites. How's life going on guys? I hope medyo ma-adventure ang inyong buhay, wag puro nega at ka-emohan. Enjoy life guys. :)

Nitong nakaraang weekend ay sumabak na naman sa adventure ang inyong lingkod kasama ang Elite Team. Ang destinasyon? Magdalena, Laguna. What Magdalena, Laguna has to offer? Hmmm. Sino ba ang hindi mag-aakala na pwede mo ng magawa ang inaasam-asam mong white river rafting. Hindi mo na kailangan dumayo pa sa CDO para gawin ito. It's just 3 hrs drive from the Metro ay magagawa mo na ang inaasam-asam mo.


Pero bago namin ginawa ang adventure ay inikot muna namin ang lugar. Then, mga ilang minutong paghihintay tinahak na ng grupo ang lugar kung saan kami ay mag river rafting. Pero bago namin ginawa iyon ay kumain muna kami ng lunch at naghintay ng mga ilang minuto para sa turn namin.

Then, nakita na namin ang dalawang grupo mula sa kanilang adventure and that's the time na kami naman ang sasabak. Excited na kaming lahat dahil halos 3 weeks din namin itong pinagplanuhan.

Hindi naman sobrang wild ang river. Tamang-tama lang para sa aming mga first timer at sobrang nakaka-enjoy at gusto naming ulitin ito. At kung may pagkakataon, ready na kami sa CDO white river rafting.

Thanks Elite Team! See you soon....


Friday, June 7, 2013

Huling Hirit sa Tag-init

Buon Giorno! How are you my friends?

Pagkatapos ng Albay Escapade ko, the following week naman ay ang huling hirit ng grupo sa tag-init. Destination? Majayjay Falls, Majayjay, Laguna. Lulan ng bus patungong Sta. Cruz, Laguna ang grupo para takasan ang napakagulong lugar at mag overnight sa ilalim ng mga punong kahoy na ang tanging tulugan ay ang tent lamang. Excited dahil first time matulog sa tent at mag overnight sa mala-paraisong lugar na akala mo ay kasapi sa mga taong nandoon na hindi mo nakikita.

Pero bago marating ang lugar na ito, isang baldeng tiyaga at isang sakong patience ang pag-iipunan niyo dahil mahaba ang byahe at nakakapagod dahil apat na sakay bago mo matapakan ang lupa sa lugar na ito.

“Everything you can imagine is real.” 
― Pablo Picasso
Sakit sa pwet, nakakahilo at nakakainip pero konting tiyaga my friend dahil pagdating mo sa lugar mapapawi ang lahat ng iyong nararamdaman dahil malalanghap mo ang preskong hangin. Ang amoy ng probinsya. Ang amoy ng mga puno. 

Pagkadating sa lugar, nagpa-rehistro sa Brgy. Hall, at nag-rent ng tent (good for 5 person). Mga 20 minutes lakad mula sa Brgy. Hall bago mo marating ang Majayjay Falls. Madaming tao noong dumating ang grupo. Ang iba ay pauwi na at ang iba naman ay kakarating lang. 
Agad inassemble ni Manong ang aming munting titirhan sa lugar na iyon. Habang, kami naman ay hinahanda ang baong pagkain dahil sobrang late na kami nakarating. Pagkatapos naitayo ni Manong ang aming tent syempre with the help our group. Hehehe! Late lunch naaaaaaaaa!!!!! 

Mga bandang alas tres, umulan, medyo nararamdaman na namin ang lamig at mas lalong lumamig dahil nasa ilalim kami ng mga puno at malapit sa falls. Sarap pakinggan ang agos ng tubig mula sa Falls.

Alas kwatro ng hapon, tumungo ang grupo sa Falls at doon nagtatampisaw na parang mga bata. Sobrang lamig na tubig, I am sure....uurong ang betlog mo! Sobrang lamig talaga, yong parang may yelo at mas lalo pang lumamig dahil nga umulan noong mga oras na iyon.
Pero, hindi alintana ang lamig at patuloy na nilublob ang mainit init na katawan sa tubig. Hahaha! Nakakangatog! Pero ang sarap ng feeling. Madami pa ring naliligo sa mga oras na iyon hanggang sa sumapit na ang dilim. 

Bumalik ng tent para magbihis at mag-dinner. Pagkatapos, ang grupo ay nagsama-sama sa iisang tent. Kwentuhan. Lokohan. Tawanan. Saya!

Marami ding nag-o-overnight noong araw na iyon. Rinig na rinig ang mga boses nila na nag-iinuman sa baba. Tawanan, sigawan, ang saya nila! At may mga tanod ding nagroroving para sa kaligtasan ng mga turista. At ayon sa aking kasama, may nanakawan daw doon. 
Ang dami mong maririnig na mga nagkakantahang kulisap, palaka, ibon, at ibang iba uri ng mga insekto. Nakakita ako ng alitaptap sa labas mula sa maliit na bintana ng tent namin..ang cute nilang tingnan!

Hindi ako nakatulog noong gabi, namamahay yata ako. Hahaha! 
Umuulan pa rin noong madaling araw pero tumila siya noong umaga na at unti-unti ng nagpakita ang haring araw. Binalikan ng grupo ang Falls habang maaga pa dahil akala namin wala pang naliligo para makapag-picture ng walang sagabal pero pagdating namin doon. ABAAAAA!!!! May naliligo na! Hahaha!

Picture, picture na lang kahit may mga tao na. Bumalik sa tent ang nag-breakfast then, balik ulit sa falls para mag-swimming bago babalik sa Manila.

Bago mag-lunch time....nakabalik na ng Sta. Cruz ang grupo.

Komento ko lang sa Majayjay Falls.....madumi ang paligid, hindi siya naaalagaan ng mga locals ang lugar...yong mga basura ng mga turista, naiiwan lang doon. May mga paliguan at palikuran na hindi na nagagamit. Sayang lang! Sana ma-maintain nila ng maganda ang lugar.

That's it for now. Happy weekend!

Tuesday, May 28, 2013

Tara na't Byahe Tayo sa Albay

Isa ang Albay sa mga lugar na gusto kong puntahan dahil gusto kong makita ang Mayon Volcano. Hindi ko sukat akalain na makikita ko ito in person. Akala ko hanggang sa post card/picture ko lang sya masisilayan. Salamat sa pagiging bloggero ko dahil isa ito sa mga nagpapatupad ng aking mga pangarap. :) At syempre salamat din sa mga taong nakakasalamuha at nakilala ko na naging kaibigan ko na rin.

Nagkaroong ng pagkakataon na bisitahin ang Albay pagkatapos ng eleksyon. Swerte ko na rin dahil umuwi si blogger friend Jun sa Albay. Kaya, I decided to go Albay kahit solo lang sa byahe. Masaya kapag solo! Wala kang ibang iniisip kundi sarili mo.

Anyways, bago man humaba ang post na ito...narito ang ilang lugar na pinuntahan ko sa Albay.

KAWA-KAWA
Unang pinuntahan ay ang Kawa-Kawa....tinatawag siyang kawa-kawa dahil pagdating mo sa tuktok. Korte siyang kawa.

CAGSAWA Church
Next is Cagsawa Church built in 1724 and destroyed due to the eruption of Mayon Volcano, 1814.
Na-disappoint ako dahil natatabunan siya ng mga ulap. 

Legazpi Port
Mayon Volcano everywhere..
Dahil hindi na ako masasamahan ni Jun...pinuntahan ko ang Legazpi Port early in the morning. I went to seawall section. 

MAYON VOLCANO
Kinabukasan ay maagang gumising para masilayan ang Mayon Volcano na walang ulap sa paligid. I went to Legazpi Port at ayon, napa-ngiti ako dahil sobrang ganda ng nakita ko.

Present si Meng! :D

DARAGA CHURCH
At bumalik sa Daraga Church...para masilayan ulit ang Mayon na walang ulap.

Salamat Jun sa tour... Til next trip... Bye!


Monday, May 20, 2013

Food trip sa Albay

Finally, natikman ko din ang gusto kong pagkain na nakikita ko lang sa mga photos sa ibang travel/food bloggers and syempre napuntahan ko na rin ang lugar na akala ko e sa pictures or post card ko lang makikita. 

I am glad dahil nangyari ito sa loob ng isa't kalahating araw kahit gahol man sa araw at oras ay naging masaya naman ang aking paglalakbay. This time naman solo backpacking ang trip ko but, thanks to my blogger friend Jun dahil na-i-tour nya ako kahit sa Day 1 nya lang ako nasamahan, Oks lang. Naging maganda at madami naman akong nakikita sa loob ng isa't kalahating araw ng paglalakbay. 

Next post na ang kwento.....

Ngayon, ay nais ko lang i-share kung anu-ano ang mga pagkaing kinain namin....

Day 1: Breakfast at La Terraza
Adobadong Native Manok
Crispy Bicol Express
Halo-halo with Lambanog

Gusto ko ang Crispy Bicol Express dahil super crispy talaga medyo maalat nga lang siya pero masarap. Adobadong Native Manok, gawa sa sya sa gata. Yummy din!
Napakain lang naman kami dito sa La Terraza dahil naintriga kami sa Halo-halo with Lambanog. Noong tinikman ni Jun ang halohalo with lambanog, para daw siyang nasusuka, kakaiba ang lasa. Hahaha! Dapat haluin muna bago kainin para di malasahan ang lambanog.

Pagkatapos mamasyal, we tried the Chili Ice Cream and Bailey's Ice Cream at 1st Colonial.
Yes, from the name itself, maanghang talaga ang Chili Ice Cream pero creamy siya. Nasarapan ako! As in, parang nabitin ako. Hahaha! Hindi ko natikman ang Bailey's Ice Cream, ayaw akong bigyan ni Jun! Joke!

Early dinner at Small Talk
Brownout pa pagdating namin doon kaya yong iba na nasa menu hindi available. So, we had Pinangat Pasta. 
What I can say? Wot, wot, yummy, yummy! That's it! 
Gusto ko ulit siyang tikman next visit ko... :)

Day 2: Early akong gumising para puntahan ang Seawall Section, Legaspi City Port, Sleeping Lion Hill at balikan ang Daraga Church for the perfect view of Mayon Volcano.

Then, nag-breakfast sa Biggs Diner. I ordered Bistek Pinoy.

Lunch time at RED CONTINENT
Early lunch naman ako dito, I tried their Chili Chicken Express and Pili Strawberry Sabayon.
Pagdating ng Chicken Express..Hala! Ang daming servings..like, its good for 2 to 3 person. Hahaha! 

So, hindi ako nagpahalata sa waiter na nagulat ako. Lol! I was not informed! Hahaha! Noong kinuha ko ang menu, ayon, nakalagay nga ang 2-3 person. Basa basa din kasi pag may time. Tsk! Tsk!
Well, naubos ko naman siya...
Mamimili ka pala dito kung anong gusto mo kung "WARM" "HOT" or "VOLCANIC" 
Pinili ko ang warm, meaning, hindi siya masyadong maanghang. 
Chili Chicken Express ay gawa syempre sa chicken na may gata. Yummy siya for me!
Pili Strawberry Sabayon, ang liit ng serving nakakabitin! LOL!
That's it muna. Kagutom! Hahaha! Good day, blogger friends! :)

Tuesday, April 16, 2013

The Memories of Cagbalete Island

Hello! Kamusta naman ang inyong nakaraang weekend? Nakapag-relax ba kayo? Sana ay naging makabuluhan at naging productive ang inyong weekend. Ang inyong lingkod ay panandaliang lumayo sa mausok at magulong lugar dito sa Manila. 

Our Cagbalete Island summer getaway happened last weekend kasama ang mga ilang kaibigan at ang officemates ni Jepoy na naging tropa na rin. :)

After almost 4hrs travel from Cubao narating namin ang Mauban Port, Quezon. Namili muna ng mga dapat  bilhin para sa aming overnight stay sa Villa Cleofas. Sumakay ng bangka from Mauban Port going to Cagbalete Island. Pagdating sa Island sumakay naman ng bangka katulad ng nasa baba para marating ang seashore. Then, nilakad naman going to Villa Cleofas.

Narito ang ilang kaganapan sa Cagbalete Island......
nakaka-kaba baka tumaob, LOL
Welcome to Villa Cleofas

Our cottage

Eating habhab pero nag tinidor ang mga bata so hindi na siya habhab kundi tinihab (tininidor na habhab, LOL)

Cagbalete Island, napaka-memorable mo sa akin...
Low tide
dahil dinali mo ang aking paa.......
Low tide
injured ang inyong lingkod dahil sa matulis na bagay na tumama sa kanyang paa...daming dugo ang nawala, sobrang dami....dahil ba nag ha hightide kaya walang tigil ang pagdaloy ng dugo?

Naglolokohan pa baka raw may shark na lumapit dahil naaamoy ang dugo ng tao... LOL!

At hindi lang yan, nalublob sa dagat ang camera ni Roy sabay ng pagkabundol ng paa ko sa matulis na bagay. Toink!

Special thanks to Jane sa pag gamot ng sugat... :)
ouch, aray, aguy!
Emote with the sunrise...
Emote dahil hindi makaligo....
High tide in the morning
photo from Jin
What's your problem man? LOL!
emo dahil injured....
photo from Vien
Hayahay ang buhay...tulog tulog din pag may time. Hahaha!
Roy and Joyce
Sabi ni Manong, maligo daw ako sa dagat para matuyo ang sugat ko. At ang mga bata mino-motivate ako para bumaba sa bangka at syempre, bilang masunurin na bata...ayon, bumaba at nagtampisaw sa dagat. Haha!
Sobrang babaw lang...
Happiness! 
Thank you, guys!
Say hi to Meng! :D

Napaka-thankful ko dahil ilang years na akong nasa Manila pero ngayon lang ako nakapag-beach. Promise!

See you sa foodtrip at sa next summer getaway!

Sunday, April 7, 2013

The Mt. Sembrano Adventure

Kapag naumpisahan mo na, lagi mo na itong hinahanap-hanap. Parang druga lang na kapag natikman mo, hahanap-hanapin mo ito. Ganito ang nararamdaman ko noong mga nakaraang linggo. Hinahanap-hanap ng katawan ko ang mga puno, mga halamang gubat, mga hayop, ang greeting from mountaineers, ang preskong hangin mula sa kagubatan, pawisang katawan, at ang paghingal dahil sa matarik na aakyatin.

Kinabukasan ng ika-30 ng Marso, matapos ang matagumpay na outreach ng PBO ay muli na naman namundok ang inyong lingkod. Kinita ang bihasa sa pamumundok na si Sir Ian at ang amateur/master na si Jeff, Art, Shan, and Kristel kasama ang first timer na sina Vien and Jan.

We met at Starmall crossing. Ang Philippine Time is not really on time. Haha! Ang usapang 5am magkikita-kita ay naging 6:30am. Galing, galing! Hahaha! Nag-effort pa naman akong maaga umalis mula sa Laguna tapos late din pala sila. Pero, ok lang. Understood na kasi yan... :)
Konting-konti na lang.....

7am na kami nakaalis going to Tanay, Rizal. May part doon na pakiramdam ko paakyat ako ng Baguio City., yong daan kasi pa-zigzag. Hehe! Almost 2hrs ang binyahe namin papuntang Tanay. Mga 9am narating namin ang Tanay Market, sakay ulit ng jeep papuntang Brgy. Malaya, mahigit isang oras din yata ang byahe. Pagkadating sa Brgy. Malaya, nagpunta kami ng Brgy. Hall para magpa-register.

Go guys! Kaya nyo yan! 
930am na kami nakapag-start ng trekking. Mula jump-off, locals help us para ituro sa amin ang trail going to Mt. Sembrano. Paakyat siya ng paakyat.

Medyo naligaw pa kami dahil may dalawang trail doon at walang trail sign kung saan dapat... Tsk tsk! Yong tinahak naming daan ay papuntang bangin. Hahaha! Balik na naman kami at tinahak ang isang daan...trekking......
(from left) Ian, Empi, Jeff, Shan, Art, Kristel, and Jan. Photographer si Vien

Pagkadating sa campsite, we rested. Umorder ng fresh buco juice for only 10pesos and we ate our baon....trekking ulit after 30 minutes.......

See? May mga puno man pero nasa baba ng bundok...
Medyo mataas na ang haring araw noon kaya more pahinga kami dahil sa sobrang init, nakaka-dehydrate at nakakahingal. Kaya, required talaga na magdala ng madaming tubig lalo na kapag ganito kainit ang panahon dahil kung hindi, good luck sayo!

Kaya pa? Konting-konti na lang....malapit na tayo sa tuktok.
Low Peak of the mountain
Mga 11am narating namin ang tinatawag na Low Peak ng bundok. Hindi pa dito natatapos ang trekking dahil  hindi pa ito ang pinakatuktok ng bundok. Walang puno ang bundok na ito na kagaya ng Mt. Talamitam. Tiis tiis na lang sa init ng araw.
at the peak of Mt. Sembrano, the view of Mt. Tagapo
Ang nakakaganda sa mga kasama namin ay hindi nagrereklamo. In fact, daldal pa nga ng daldal, puro tawa at kalokohan. Parang hindi napapagod lalo na si Jan, super hyper. Hehehe!

Mt. Sembrano
Meteor Garden lang ang peg?
Kaya pa bang akyatin? Lol
at the Low Peak of the mountain. In front of us is the Mt. Sembrano
Photographer: Kristel
Almost 1pm na namin narating ang tuktok ng Mt. Sembrano....konting kwentuhan at lokohan na naman sa tuktok. Then, after few minutes we decided to go back to trail. More pahinga ulit sa campsite habang hinihintay ang iba pang kasama na nahuli. 

Emo? Lol
Photographer: Vien

Of course, Meng was with me

Biglang may narinig kaming babaeng sumigaw....pagkadating nila sa campsite, napag-alaman namin na si Kristel yong sumigaw, at nadulas siya, nahulog sa may bangin, mabuti mababaw lang at kasundo niya si Shan.. Nagkapasa at may sugat siya. Sad! Part yan sa pag-akyat kaya next time, careful na sa mga aapakan. :)

Haggard look na kayo ah...
Photographer: Vien

Thanks to Jeff and Ian for this experience. Nice meeting you Shan, Art, Jan, Vien and Kristel. See you on our Cagbalete getaway. Excited! :D

Thank you guys for dropping by....God bless!

Bye!

Wednesday, March 27, 2013

30km Trekking from Wawa Dam to Camp Sinai

Hi Fans! Kamusta naman ang buhay buhay? Buhay pa ba? The day after the IMS outreach ininvite naman ako na magtrekking sa Montalban to San Mateo. Since hindi pa ako nakakaakyat ulit ng bundok simula noong pumasok ang 2013. Kaya, grab ko na ang pagkakataon.

First time kong magpunta ng Montalban, walang idea kung san ang sakayan at san ang babaan. Buti na lang masunurin ako sa instruction at na-gets ko naman kaya hindi naligaw at higit sa lahat hindi na-LATE! Lol! 

Nagkita-kita kami sa Montalban pagkatapos derecho na sa Wawa dam, it was already 10am kaya medyo mataas na ang araw. Na-amazed na naman ako sa Wawa dam, parang ang sarap maligo dito. Sabi ng mga locals, maraming dumadayo dito lalo na sa darating na Holy week, punong-puno daw ito ng tao. Parang hindi maganda magpunta dito ng holy week, maraming tao e. 

Maraming cottage at ang ibang local ay nagtatayo pa ng iba pang cottage bilang paghahanda sa darating na long long weekend. Nag-stay muna kami ng ilang minuto dito....
 more cottages...
....bilang first timer....syempre kailangan magpa-picture. sabi ko kay photographer, dapat na nasa gitna ako! hmp! :D

Pagkatapos, magpapogi este magpapicture.....trek na kami! Ang ganda lang dito dahil may plantation ng eggplant at sabi ni Jeff, pwede raw bumili dito at ikaw mismo ang mamimitas. Hindi lang pala eggplant, pati sitaw at kamati at may okra pa pala.
 Bago magsimula ang sakrispisyo (sakripisyo talaga e no?). Kailangan muna naming tumawid ng apat ng sapa para marating ang boundary ng Pingtong Bucawe (San Mateo).
 Mga 11:30am narating namin ang boundary ng San Mateo. May maliit na tindahan doon na pwede pahingaan. Nag-rest muna and we ate our snacks. I bought 6pcs of bananacue. Ang sarap! At si Manong local nilibre kami ng halohalo. Ang bait! Babayaran sana namin pero nagpupumilit siyang libre na raw yon.

Maraming bikers din pala dito lalo na kapag weekends. At nainggit naman ako gusto ko din bumili ng mountain bike. Hahaha!

Tanong ng mga locals doon, "bikers din po ba kayo mga sir?", "walkers lang po kami..." :)

Start na ulit ng trekking.....paakyat....ng paakyat...paakyat....akyat pa....more akyat.....and more more more akyat.....labanan ang sikat ng araw....more akyat...walang katapusang trekking ito. Nakaka-uhaw. 
Past 1pm na yata kami nakarating sa Camp Sinai at nagsara na ang mini karendirya kaya ito na lang ang lunch namin. Mango Pie worth 45pesos plus mineral water. Buko pie naman kina Jeff, Thomas at Roy.
Dahil wala naman kaming ibang kasama kaya ito ang kuha ni Laloy samin.... LOL! Husay mo Laloy! Hahaha!
Ang sarap siguro kapag may ganito kang rest house. Maliit pero gusto ko may puno sa paligid para presko.
Wot! Wot! Nakakawala ng stress! 
Back to Wawa Dam na.....almost 6pm. 
Happy long long weekend, folks! Sana ay makapagmuni-muni kayong maigi. God bless! Tsup!

Ang itim ko na!!!!! Hahaha!

Excited for my next trip........

Ciao!