Wednesday, October 19, 2011

Alaala ng Ulan

Masayang binaybay ang madilim at makipot na daan patungo sa lugar na kung tawagin ay “Paraiso ng Pag-ibig”. Tinatawag na “Paraiso ng Pag-ibig” sapagkat ito ay isang lugar na kung saan ay nag-uumapaw ang kasiyahan, at lugar kung saan ay ramdam na ramdam ang pagmamahalan ng bawat isa.

Pag-ibig ay nag-uumapaw sa t’wing magkasama ang magkasintahan. Dalawang tao na pinagtagpo ng mapaglarong tadhana, pinagtagpo upang pagsaluhan ang uhaw na mga puso, mga pusong sabik sa pagmamahal.

Hindi maipaliwanag ang bawat sayang nadarama sa t’wing magkasama. Halakhak ng sinta ay parang isang nota na pinagtagpi tagpi ng isang musikero, na kay sarap pakinggan. Bawat ngiti’y ay nakakatunaw na kay sarap pagmasdan. Walang humpay ang tuwa’t ligayang kapag magkasama sa lugar na iyon.

Kay sarap balikan ang nakaraan noong unang nagkakilala, mga unang pagtatagpo. Unang hindi makakalimutang date; malakas ang ulan na kung saan ay basang basa ang katawan. Kasagsagan ng ulan habang magkasukob sa isang payong na noon ay nagpahiwatig sa tunay nararamdaman. Maulan din noon kung saan nakamit ang matamis “Oo! Mahal din kita!” Ang sarap alalahanin ang bawat sandaling kasama si Ella at ang ulan na nagpapaalala ng mga masasayang sandali. Ang ulan ay saksi sa walang hanggan pagmamahalan. 

Binaybay noon ang lugar na iyon para ipagdiwang ang unang anibersayo ng pagmamahalan. Malakas ang ulan noong mga sandaling patungo sa lugar ng “Paraiso ng Pag-ibig”. Habang masayang tinungo ang lugar, inaalala ang mga unang pagtatagpo at ang mga pagkakataon na magkasama. Hindi alam na sa sandali ding iyon ay ang una at ang huling anibersaryo na kasama si Ella.

Ang lugar na kung tawagin ay “Paraiso ng Pag-ibig” ay nagmistulang paraiso ng kadiliman. Namatay si Ella sa lugar na dati ay punong puno ng pagmamahal pero ngayon ay punong puno ng pighati. Maulan at madilim ang kapaligiran noong  nangyayari iyon. Ang ulan na dati ay kay sarap alalahanin pero sa kasalukuyan pinipilit na kalimutan.

Alaala ng ulan ay gusto ko ng kalimutan….

***ang akdang inyong nababasa ay nakapaskil sa The Kablogs Journal.

23 comments:

  1. sad naman..kawawa namin si ella!

    ReplyDelete
  2. ano yang story gawa moh? 'ur pretty good kung gawa moh.... ba't lagi sa story moh kung story moh man na gawa yan eh namamatay si gurl?.. lolz... hmm... baka mabuhay si girl malay moh... lolz.. tc nd Godbless!

    -'ur ex! =P

    ReplyDelete
  3. hahahah, nagulat ako sa comment na anonymous. ur ex daw empi. hala ka....

    nakakasad naman ang wento. pero +1 (google plus?)

    ReplyDelete
  4. napunta attention ko sa first comment..LOL your ex daw...haha

    ReplyDelete
  5. parang ang sweet nmn ng writer...

    ReplyDelete
  6. ang lungkot shet!!! damang dama :(

    ReplyDelete
  7. :-|
    tagos.

    si ex. :P

    SignificantFiction

    ReplyDelete
  8. pagtila ng ulan, time to move on too..

    ReplyDelete
  9. Another love story na malungkot ang ending. :(

    ReplyDelete
  10. parang kanta ni Gloc9 na Lando! Si Elsa ang babae at namatay din..unfair kayo boys ha..bakit girls lang nawawala. hmp! hehe

    ReplyDelete
  11. @ ZAI: Sorry naman. :)

    @ JAY: Haist too!

    ReplyDelete
  12. @ PEPE: :)

    @ EX: hey ex! What's up? Lol

    ikaw na bumuhay kay ella. lol

    ReplyDelete
  13. @ KHANTS: Google plus talaga? wala me nyan e. haha

    @ AKONI: Haha. lagot!

    ReplyDelete
  14. @ ARVY: Salamat po. :)

    @ JAG: Sorry naman.

    ReplyDelete
  15. @ BINO: Sorry...

    @ Significant Fiction: Salamat sa muling pagbisita!

    ReplyDelete
  16. @ NIECO: guba gyud! :)

    @ CHYNG: Very positive! Like that, Chyng!

    ReplyDelete
  17. @ IYA: Sorry! :)

    @ GLENTOT: Pasensya... ang hilig kong pumatay no. Hehe

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D