Saturday, October 8, 2011

E ano ngayon kung magbakasyon ka?!

...yan ang banat ng isa kong kakilala noong sinabi kong magbakasyon ako. Sabagay, paki nga naman nya kung magbakasyon ako. O di kaya bitterans lang siya kasi di makapagbakasyon. Lol! Matagal ko na itong pinaghandaan 'to, nakatsamba't may 0 fare ang CebPac kaya nakatipid ako. Yon nga lang, maikling bakasyon lang ito. Yong tipong madaliang lakad lang. Pero okey lang, at least nakapagbakasyon.

Teka, saan nga ba nagpunta ang "kol me empi"? Hmmm... walong taon akong nawalay sa aking inang bayan (gumaganun? Lol). Since 2003 unang uwi ko palang mga 2008 yata, tapos nitong September 29, 2011 lang ulit nakabalik doon. Akalain mo yon... daig pa ang nasa ibang bansa. Lol!
habagat kasi kaya maalon ang dagat
at kulay brown pa

September 29, 2011: Original flight - Manila to Surigao - 7:15AM. Sa kasamaang palad, na-kansela ang flight ng inyong lingkod. At nilipat ang flight ko sa Butuan, kaya Manila to Butuan ang drama ko. 
abot ko na ang langit... Lol!
Nakakainis lang kasi sinadya ko pa naman na mag Mla - Sur para mas malapit ako. Pero e sa wala akong magagawa kaya... inhale exhale na lang. Pero, binigyan ako ng free flight ng CebPac kaya okey na rin. 
Surigao

pagkagising sa umaga gumala agad sa beach
sa likod lang naman ng bahay yan. hehe!

Nakarating ng Butuan mga bandang 11:45AM, mga 2 hours ride pa bago makarating ng Surigao City. From there, sakay ulit ng jeep about 1hr and 45 minutes ang byahe. Nakakapagod!

madaming kahoy at kung anu ano pa
kapag habagat sa lugar namin

Minalas na naman ako, ang sinakyan kong jeep ay hindi dumirecho sa mismong lugar ko. Mga dalawang barangay pa bago ako makarating sa amin. Tsk! Tsk! Tsk! Sakay na naman ng habal habal papunta na talaga sa amin.

naalala ko noong bata pa ako,
naglalaro din kami sa maalong dagat

Mga 30 minutes nakarating din sa bahay. Alam na nila ang pagdating ko. Di ko na sinurpresa ang aking mga tauhan doon baka magulat na naman tulad noong una kong uwi. Hehe! Pagdating ko sa bahay, derecho na kay Ina, Ama, at Lola. At si Lola, hindi na ako kilala..."Nay! Nay!" "Kinsa ka?" (Sino ka?). Dala ng katandaan ni Lola kaya hindi na ako kilala. Pero nakilala din ako. Hehe!

iba't ibang kulay ng bato

hindi ko alam kung ano ito,
parang kamag-anak yata ng mga shell

Stop! Humaba na ang kwento... hanggang dito na lamang. :) Itong tatlong huling larawan ang mga antigong gamit sa bahay.
Black & White TV

De Gas na Refrigerator

Wall Clock
na kasing edad ko na rin, tumutunog yan
Hindi ko alam kung bakit ayaw pang itapos ang De gas na ref namin. Ang luma luma na e at sobrang sira na. Ayaw pa itapon.

***Habal habal - motorcycle

39 comments:

  1. 8 years? are f*ck*ng kidding me?!! arte lang..LOL..ang tagal ah..dinaig mo pa nga kaming nasa ibang bansa...hehe..ako yearly uwi ko, pero at least dyan, you feel at home parin...natakot me sa relo..

    ReplyDelete
  2. Wow.. nagbakasyon! :D Cancelled flight dahil sa bagyo? ayos lang, safety first diba? :) Hmm, at tsaka free flight from CebuPac? Nice.. hehe..

    Hindi ka na nakilala ng lola mo dahil antagal mong hindi nakauwi!! batang to oh! hehe joke.. dala nga din siguro ng katandaan. :)

    Ang ganda naman, likod bahay nyo lang ang beach? Wow.. at ang lupet ng mga antigong gamit sa bahay!! de-gas na ref? may ganun pala.. toinks.. ngayon ko lang nalaman. :D

    yun lang.. :p

    ReplyDelete
  3. Ikaw na ang naka-accomodate ng 0 fare ng cebupac. Lolz! Kala ko isang pulutong ng talangka yung isang pic, yun pala basura. Hehehe. kayo na ang may mga antigong gamit.

    Nice post kuya. super like! :)

    ReplyDelete
  4. baka kase may value, laya mahirap pakawalan ang de gas na ref. hayaan mo na. :)

    buti ka pa nakapagbakasyon na. sana ako rin.

    ReplyDelete
  5. after long years! wow! astig ng clock! meron ako dati nyan eh hehehe

    ReplyDelete
  6. saya naman ng bakasyon mo. parang nakakapagod sa dami ng sinakyan pero at least naka dating ka at di pa nakilala ng lola hehe. ang galing naman ng ref na de gas! :)

    ReplyDelete
  7. gumagana pa ba yung ref? ang gaganda nung mga pictures.

    sir empi, add din po kita sa blogroll. salamat!

    ReplyDelete
  8. akin nlng ung wall clock ahaha
    wow ikaw na jud ang dugay muuli haha
    im sure gimingaw ka sa nu :P

    naintriga ako sa ref hehe

    ReplyDelete
  9. sa amin talaba din ang tawag dun sa kulay white na nakadikit sa kawayan.


    sarap ng bakasyon mo...

    sama next tym..after 8yrs uli?tnt


    -jay-

    ReplyDelete
  10. Ako naman, since 2001, di pa nakabalik sa province namin sa Palawan. Haaist.

    Naalala ko yung B&W TV rin namin na may pintuan. Doon ko napapanood noon si Macoy, Superstar, Superman, Sesame Street, Spiderman, Wacky Races, Green Lantern, at Popeye.

    Yung TV and wall clock pwede mo pa mapakinabangan. Konting alter lang, pwede na mapalitan yung function nila.

    Pero yung ref, sobrang creativity ang kailangan mo para makaisip ng ibang paggagamitan niyan. May isang suggestion ako. Alisin mo yung cover at ibenta ng por kilo. Kunin mo yung pinaka-kaha niya sa loob. Ihiga mo ang, at whalaah! May bath tub ka na. =)

    ReplyDelete
  11. ilan tao na ba lola mo? nice yung mga vintage na appliances ah... keep it! oks din naman magtago ng mga lumang gamit... malay mo pagdating ng panahon, tumaas value nyan... :)

    ReplyDelete
  12. siguro magaling ka rin maglaro ng bilyar.....madami kasi ang magaling mag bilyar na mula sa surigao.....kagaya ni dennis orcullo....madaming dumadayo ng bilyar sa leyte na mula surigao....katulad ng taga surigao daw iyon na ang tawag ocho-ocho....

    ReplyDelete
  13. Love the beach, it's cool man. Planning to visit he place and take some shots for my project..

    How was it?

    ReplyDelete
  14. yang beach sa 4th pic taken from the plane, yan yung ebach na pinuntahan mo na naka-upo ka?kasi parang ang white sa taas. pero yung sand sa succeding pic medyo brown.:D

    ReplyDelete
  15. Taga-Surigao ka pala akala ko Baguio LOL. Ang layo pala ng inuuwian mo. At yung antigong mga gamit baka pwede na sa E-bay yan hehehe

    ReplyDelete
  16. Empi boy taga surigao ka pala..magbisaya ta dong!!! hehehe

    muanha raba mi diha this november magsurfing mi! :D

    ReplyDelete
  17. ako 4 years na di nakakauwi.....sana i pray makapagbakasyon na din ako this year....naiiyak ako...

    ReplyDelete
  18. @ AKONI: Hahaha! Oo nga e... dinaig ko pa talaga ang OFW.

    @ LEAH: Oo ate leah.. may de gas na ref. Hehehe!

    ReplyDelete
  19. @ RHYCKZ: Naka-tsamba sa 0 fare. Hehehe!

    @ RAINBOW BOX: Makapagbakasyon ka rin ate rose! :D

    ReplyDelete
  20. @ BINO: Ayos! Hehehe. Katakot pag tumunog di ba? Hehe!

    @ ZAI: Oo nga e. Saya kahit pagod! Bitin nga lang. Hehehe

    ReplyDelete
  21. @ DUKING: Sir, di na gumagana. Hehe!

    Salamat sa pag add sir. Hehe

    @ UNNI: Mao gyud! Hehehe

    ReplyDelete
  22. @ JAY: Sama kayo! Hehehe! Tnt sa after 8years ulit. Lol!

    @ RENCE: Wow! Tagal na nga ah. Tama ka dyan! Kailangan mong ng creativity para magamit.

    ReplyDelete
  23. @ PINOY: Nasa 80 years old na. Hehehe!

    @ ARVIN: Hindi nga ako marunong e. Yong iba siguro. Hehe

    ReplyDelete
  24. @ TIM: Ayos yan, sir!

    @ PUSA: Yong ibang beach siguro doon white. Sa amin kasi, brown ang kulay. Hehe!

    ReplyDelete
  25. @ GLENTOT: Haha. Baguio? Napupuntahan ko lang. May bibili kaya nyan kung sakali. Lol!

    @ TABIAN: Mao jud, tabs! Wow! Ayos na, surfing mog maayo didto! :D

    ReplyDelete
  26. @ IYA: Aw! Sana nga... don't worry makakauwi ka rin. *hugs*

    ReplyDelete
  27. ang sarap sa pakiramdam ng posteng ito. ewan ko ba?

    ReplyDelete
  28. Waaaa... naiinggit ako! Nakakaasar 'tong post na 'to. LOL. Kasi naman 4 years na akong di nakakauwi ng 'Pinas at 7 years na di nakabisita sa probinsiya. Lalo ko tuloy gustong magbakasyon. :(

    Jowk lang yung nakakaasar pero naiinggit talaga ako. Haha!

    Ay teka, yung TV naabutan pa ng kamusmusan ko pero yung de gas na ref? :p

    Magandang Araw parekoi! :D

    ReplyDelete
  29. wait lang, so pwede ireroute ang flight? i bet meron kang free vouchers! i love it!

    ReplyDelete
  30. Astig ng old stuff! Meron pa kaming TV na ganyan, yung tipong naka-cabinet. Hahaha!

    ReplyDelete
  31. next time 1 month ka dapat para sulit na sulit ang byahe :)

    ReplyDelete
  32. huwaw! ka-kewl sa nung antiques. wa nami anang de gas na ref ay. asa man diay ka karon brad?
    akala ko nasa pinas ka lang. eheheh

    nakapnta na ako ng surigao pero short lang talaga. sa pebble beach ba yun. kakainggit naman bahay nyo. malapit lng sa dalampasigan. im sure beach bum ka na since birth. ehehe

    ReplyDelete
  33. @ CUTEBERL: Salamat! Hehe

    @ TAGA-BUNDOK: Makakauwi ka rin. Hehe. Sama mo ako. Lol

    ReplyDelete
  34. @ CHYNG: Oo! Pwede yata, nalipat ako ng Butuan e. And YES! May voucher ako. Lol

    @ PINAY: Tama! Astig nga mga TV noon no, may sariling cabinet. Lol

    ReplyDelete
  35. @ ZAI: 1month talaga... pwede rin. hehe!

    @ NIECO: oo.. yon yatang Mabua Pebble Beach. Hehe

    ReplyDelete
  36. pde mo yan ibenta, antigo na eh. hehe..

    Buti kapa, swerte pa rin khit na kansel ang flight, atleast my perks pa rin khit papano and you're safe.

    ReplyDelete
  37. @ MITCH: Oo nga e.. kahit abala masyado... okey na rin yon. Hehe

    ReplyDelete
  38. natuwa naman ako sa kwento mu. hihi aylabet! esp yung mga antigong gamit sa bahay nyo. hmmm..madalas pala ma-cancel ang trip to Surigao, mag-book nga uli para jan para makalibre din ng ticket. hehe date kase na cancel din flight ko pero d ko na sila nireplayan kase d naman ako tuloy. anyway, sarap naman d ka nakakalimot sa inang bayan! ;)

    ReplyDelete
  39. @ PINAY: Salamat sa pagdalaw. Hehehe!

    Empi

    ReplyDelete

1......2............3.....


SMILEEEEE!!!!! :D