Sobrang bored ako nitong nakaraang linggo na parang ikakamatay ko na ang boredom na iyon. Joke lang! Hehe! Pero minsan talaga darating sa ating buhay ang pagkabagot. Sa kaso ko, madalas ko itong nararamdaman lalo na sa buwang ito. Dumating sa punto na dahil sa pagkabagot ay kung anu ano na ang pumapasok sa isipan at pati trabaho ay naapektuhan.
Kaya naman naisipan kong lumabas ng lungga. Magliwaliw sa kung saan man dalhin ng mga paa. Habang nasa kahabaan ng EDSA ay nagtatalo ang isipan kung saan tutungo. Mabuti na lamang at may nag-suggest na lugar kung saan ako pwede pumunta. Hindi alintana ang init ng araw noong mga panahon na iyon. Basta lamang maisakatuparan ang naisin na mag-unwind.
Napadpad ang inyong lingkod sa lugar ng Las Piñas na kung saan ay matatagpuan ang Mary Immaculate Parish o kilala sa tawag na Nature Church. Naiiba siya na simbahang napuntahan ko. Pinalibutan ito ng mga punong kahoy, na sa unang tingin ay parang restaurant o bar ito.
Ang Nature Church ay gawa sa kahoy, dahon ng anahaw, cogon, capiz at iba pang uri ng native products. Ang altar ay gawa sa driftwood and polished tree stumps na nagsisisilbing upuan ng mga churchgoers.
Naiiba talaga ang Nature Church sa lahat ng simbahang napuntahan ko. Masasabi mong napaka-creative ng Pinoy. Kung ikaw ay naghahanap ng peace of mind and refreshing experience, subukan mong pumunta rito. Napapalibutan din ito ng hardin.
Hindi ako nagtagal doon dahil may wedding ceremony. Wrong timing ang pagpunta ko. Hehehe! Pero okey lang, babalik ako some other time. Next stop, pinuntahan ko ang kilalang simbahan sa Las Piñas ang Bamboo Organ.
Napakalumang simbahan na ito. The church was completed in 1819, and the organ finally completed in 1824 after Fr. Cera decided to use metal for the trumpets.
Mga ilang minuto lang din ang tinagal ng inyong lingkod sa lugar na iyon dahil hapon na. At bago tuluyan bumalik sa lungga, ay naisipang mag food trip muna sa Cafe France.
At ito ang mga nilamon ng inyong lingkod. Hehehe!
Mini Chicken Bechamel
Iced Tea
Seafoods Marinara
Teka, kung ikaw ay magtatanong kung saan ang Nature Church - ito po ay matatagpuan sa Apollo III Moonwalk Village Talon V, Las Piñas City.